Share

Chapter 71

Pagkatapos kumain ng tanghalian ay nakatanggap ako ng text messages mula kay Am-Am na puwede ko raw i-check ang hospital na nasa kabilang bayan.

Hindi naman iyon kalayuan pero sabi niya ay hindi niya ako masasamahan dahil busy pa siya sa pag-handle sa mga businesses niya.

Bumuntong hininga na lang ako at saka nagpasiya na tumuloy sa hospital na tinutukoy niya kahit walang kasiguraduhan kung nandoon ba ang katawan ni Silas.

Suot ko pa rin ang damit na pang alis na sinuot ko kanina. Mabuti na lang at hindi pa ako nakakapagbihis ng pang bahay noong nag-text siya.

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Mama.

"Sa hospital sa kabilang bayan, Ma," paliwanag ko.

Napatango-tango naman si Mama at tila naintindihan ang gusto kong gawin.

Matapos kong magpaalam ay papalabas na sana ako sa pinto nang tawagin ulit ako ni Mama.

"Sandali!" sigaw niya.

"Bakit, Ma?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Dalhin mo 'to," saad niya at saka binigay sa akin ang mga bulaklak.

Ito 'yong mga tanim na bulaklak ni Mam
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status