分享

KABANATA 4

作者: AVANITAXX
last update publish date: 2026-05-07 12:44:46

Nagising ako sa lakas ng tibok ng puso ko, halos kapusin ako ng hininga habang ang tingin ko ay nakapako sa kisame ng madilim na kwarto ko. Ramdam ko pa ang init ng haplos ni Ninong Stefano sa balat ko, at ang boses niyang paos na tumatawag sa pangalan ko ay parang echo na lang sa tenga ko.

Napahawak ako sa labi ko. Basang-basa ako ng pawis. Tapos parang may wet sa ibaba ng hita ko.

Jeez. Nagka-wet dreams pa nga ako.

“Lord... bakit kailangan sa panaginip lang 'yun?”

Sapo ang noo, napaupo ako sa kama. Tumingin ako sa paligid ng guest room ng penthouse niya. Ang lahat ay nasa ayos. Walang nagulong kama, walang nagkalat na silk dress, at higit sa lahat—walang Stefano na sumasamba sa katawan ko.

Dali-dali akong lumabas, umaasa na baka—baka lang naman may kahit katiting na katotohanan ang tensyong naramdaman ko. 

Pero naabutan ko siya sa sala. Nakasuot siya ng salamin, nakaharap sa laptop, at may hawak na tasa ng kape. Ang puting polo niya ay plantsadong-plantsado, walang kahit isang gusot. 

“You're awake,” sabi niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. “Tanghali na. Your breakfast is cold. Heat it yourself.”

“Ninong…” tawag ko, medyo mahina lang.

Tumigil siya sa pag-type at dahan-dahang nag-angat ng tingin. Ang mga mata niya ay walang emosyon na para bang isa akong istorbo sa schedule niya.

“What?” tanong niya, cold na cold.

“Wala ka bang... sasabihin sa akin?” lumapit ako, sinusubukan kong kunin ang atensyon niya.

“Yes. Next time, don't sleep with the aircon off. Pinagpapawisan ka, sumisigaw ka pa sa tulog mo. It's distracting,” aniya bago bumalik ang atensyon sa laptop.

Muntik na akong malaglagan ng panga. Sumisigaw? Diyos ko, sana hindi niya narinig ang pangalan niya habang nasa peak ako ng panaginip ko!

“And Chantal,” dagdag niya, huminto uli ang mga daliri niya sa keyboard. “Stay away from my study room. I don't like people touching my things. Especially you.”

Napalunok ako. Ang layo. Sobrang layo ng Stefano Guildhall na ito sa Stefano na nasa isip ko. Ang totoong Stefano ay parang may pader na semento—matigas, malamig, at imposibleng tibagin. 

Kinuha ko ang kape ko at naupo sa tapat niya, pinagmamasdan ang seryoso niyang mukha. Kung sa panaginip ko ay parang lalamunin niya ako sa sarap, sa totoong buhay ay parang gusto niya akong lunurin sa pool.

“Bakit ka nakatitig?” tanong niya, ramdam ang tingin ko kahit nakatutok siya sa screen.

“Wala lang. Iniisip ko lang kung paano mo nakakayang maging ganito kalamig,” sagot ko at saka nagpatuloy. “Tao ka ba talaga o robot na binihisan ng Ralph Lauren?”

Sa unang pagkakataon, binitawan niya ang mouse niya at tumingin sa akin nang diretso. 

“I am your guardian, Chantal. My job is to keep you safe and out of trouble. Not to entertain your tantrums or your... whatever it is you're trying to do.”

“Tantrums? I'm twenty-two!”

“Then act like it,” maikli niyang sagot bago tumayo. “I'm going to the university. Don't leave the house. I checked your social media, and I don't want to see you posting thirst traps while you're under my roof. It's unbecoming of an Iscobar.”

Padabog siyang naglakad paalis, at iniwan akong nakanganga.

“Unbecoming of an Iscobar? Thirst traps?! Holly sh—” 

Gigil akong napasandal sa upuan. Kung akala niya ay mapapaamo niya ako sa pagiging malamig niya, nagkakamali siya. Kung malamig siya, gagawin ko ang lahat para maging mainit. At sa huli, tignan natin kung hindi matunaw ang pader na 'yan.

“You want a brat, Ninong?” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa likod niya. “I'll give you a brat you'll never forget.”

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang camera. Nag-post ako ng isang story—Isang picture ng kape ko, pero kitang-kita ang mahaba at makinis kong binti sa background. 

Caption: Too cold in here. Need someone to warm me up. 🔥

Maya-maya lang, narinig ko ang paghinto ng yapak niya sa hallway. Alam kong naka-on ang notifications niya para sa akin. 

Narinig ko ang mahina pero mariing mura ni Stefano mula sa malayo. Kaya nagbilang na ako

“1… 2… 3…”

Napangisi ako. Gotcha!

Bumukas ang pinto ng dining area at bumungad ang mukha ni Ninong Stefano na parang kakainin ako ng buhay. Hawak niya ang phone niya, at sa screen niyon ay ang kapo-post ko lang na story.

“Delete it,” utos niya. Maikli, matigas, at may kasamang awtoridad na nakakapanindig-balahibo.

“Ang alin? 'Yung kape? Bakit? Aesthetic naman, ah?” Painosente kong sagot habang dahan-dahang iniinom ang kape ko, tinititigan siya mula sa ibabaw ng tasa.

“Chantal, huwag mo akong subukan. You know exactly what I’m talking about. 'Yung binti mo,” lumapit siya sa akin, itinuon ang dalawang kamay sa lamesa para pantayan ang tingin ko. “The whole world doesn't need to see how short your shorts are.”

“The whole world? Ninong, thirty minutes pa lang, fifty views na agad. At puro heart reacts,” biro ko, kahit ang totoo ay nai-intimidate na ako sa lapit niya. “Bakit ka ba nagagalit? Sabi mo responsibility mo lang ako. Bakit apektado ka sa legs ko?”

Kita ko ang pag-igting ng panga niya. Sa sobrang lapit niya, naamoy ko uli 'yung scent niya na napanaginipan ko kanina. Amoy shampoo, amoy lalaking-lalaki.

“Dahil ang daming bastos sa social media,” sagot niya, pero ang tingin niya ay hindi sa mata ko nakatutok kundi sa mga labi ko. “At dahil ayaw kong pinagpipistahan ka ng kung sino-sino lang habang nandito ka sa pangangalaga ko.”

“O baka naman... ayaw mong may nakakakita sa akin kasi pag-aari mo ako at nagseselos ka?” Mapangahas kong hirit.

Bigla siyang natauhan. Tumayo siya nang tuwid at inayos ang kanyang necktie na parang doon niya kinukuha ang lahat ng pasensya niya. 

“You're delusional. I don't own you and I am not jealous.”

“Then stop acting like a jealous boyfriend,” bulong ko habang tumatayo na rin. 

Haharangan sana niya ang daan ko pero sinadya kong dumaan sa gilid niya, bahagyang idinidikit ang balikat ko sa dibdib niya. 

“I'm going to the pool area. Masyadong mainit dito sa loob, eh. Masyado kasing strict ang kasama ko.” May diin ang bawat sinabi ko kaya tanging narinig ko na lang ay ang paghampas niya sa mini table.

Kinilabutan ako dun. 

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • Tame The Hot Professor   KABANATA 4

    Nagising ako sa lakas ng tibok ng puso ko, halos kapusin ako ng hininga habang ang tingin ko ay nakapako sa kisame ng madilim na kwarto ko. Ramdam ko pa ang init ng haplos ni Ninong Stefano sa balat ko, at ang boses niyang paos na tumatawag sa pangalan ko ay parang echo na lang sa tenga ko.Napahawak ako sa labi ko. Basang-basa ako ng pawis. Tapos parang may wet sa ibaba ng hita ko.Jeez. Nagka-wet dreams pa nga ako.“Lord... bakit kailangan sa panaginip lang 'yun?”Sapo ang noo, napaupo ako sa kama. Tumingin ako sa paligid ng guest room ng penthouse niya. Ang lahat ay nasa ayos. Walang nagulong kama, walang nagkalat na silk dress, at higit sa lahat—walang Stefano na sumasamba sa katawan ko.Dali-dali akong lumabas, umaasa na baka—baka lang naman may kahit katiting na katotohanan ang tensyong naramdaman ko. Pero naabutan ko siya sa sala. Nakasuot siya ng salamin, nakaharap sa laptop, at may hawak na tasa ng kape. Ang puting polo niya ay plantsadong-plantsado, walang kahit isang gusot

  • Tame The Hot Professor   KABANATA 3

    Pagkauwi namin sa penthouse, mas lalong bumigat ang sandali. “Magbihis ka na, Chantal. We’re having dinner in ten minutes. Order lang ito, kaya huwag kang mage-expect ng five-course meal,” sabi niya habang tinatanggal ang suot niyang eyeglasses. “Kahit ikaw na lang ang dinner ko, okay lang,” bulong ko habang papaakyat sa hagdan.“What was that?” lumingon siya, bahagyang nakakunot ang noo.“Sabi ko, okay lang! Gutom na rin ako!” sigaw ko sabay takbo sa kwarto.Pagdating ko sa loob, napasandal ako sa pinto. “Lord, patawarin niyo po ako,” bulong ko habang nakatingala sa kisame. “Alam kong ninong ko siya noong bininyagan ako, pero Lord, tignan mo naman ’yung abs. Creation Niyo rin ’yun, ’di ba? Kasalanan bang humanga sa masterpiece mo?”Para akong tangang nagdadasal na sana, mapansin niya na hindi na ako ’yung batang iniiyakan siya noon dahil kinuha niya ang lollipop ko. Ngayon, iba na ang gusto kong kunin sa kanya. “At Lord, please, sana huwag siyang maging gentleman tonight. Kahit t

  • Tame The Hot Professor   KABANATA 2

    Napahawak ako sa kitchen counter para suportahan ang nangangatog kong mga tuhod. Ang lamig ng marmol ay hindi sapat para palamigin ang apoy na iniwan ni Stefano sa bawat bahagi ng katawan ko. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo—isang cold shower na alam kong para sa kanya, pero pakiramdam ko, ako ang kailangang magpalamig. Pumasok ako sa kwarto ko pero hindi ako nahiga. Nanatili ako sa likod ng pinto, nakikiramdam. Makalipas ang bente minutos, narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo at ang mabibigat niyang yapak pabalik sa sarili niyang silid. Hindi ako makapaniwala. Si Stefano Guildhall—ang lalaking kilala sa pagiging disiplinado at kontrolado ay muntik nang sumuko sa akin. At ang pangako niya? Ang banta niya na hindi ako makakalakad bukas ng umaga? Imbes na matakot, iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko habang hinahaplos ko ang sarili kong mga labi.Kinabukasan, nagising ako sa amoy ng bagong luto na bacon at barakong kape. Bumaba ako na suot ang isa sa mga

  • Tame The Hot Professor   KABANATA 1

    Hindi ko alam kung ano ang mas mabilis na humaharurot—ang itim na Ducati ni Ninong Stefano o ang tibok ng puso ko habang nakayakap ako sa bewang niya. “Chantal, told you to hold on tight. Don't blame me if you fall,” malamig pero baritono ang boses niya, bahagyang nilunod ng ugong ng makina sa gitna ng ma-traffic na daan.Fall? Matagal na akong nahulog, Ninong. Hindi lang ako nakabitaw.Ako si Chantal scobar. Nag-iisang anak, lumaking parang prinsesa sa Madrid, at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto ko sa isang pitik lang. Pero sa loob ng maraming taon, iisa lang ang hindi ko makuha-kuha— ang atensyon ng lalaking nagmamaneho ngayon. Pagdating namin sa penthouse niya sa Makati, padabog kong binaba ang maleta ko. “You haven't changed. Still the bratty little girl,” sabi niya habang tinatanggal ang helmet. Tumambad ang mukha ni Stefano Guildhall. Sa edad na thirty-five, he’s at his peak. Isang seryosong Professor. Ang panga niya ay parang nililok, at ang katawan? Diyos ko. Ang shirt

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status