Share

K-4

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-04-04 21:17:31

"Kumain na po kayo, sir," magalang na sabi ni Bea matapos ilapag ang pagkain ni Brandon sa mesa doon, sa gilid ng kanyang higaan.

"Nandito ka pa rin pala. Akala ko, suko ka na?" nakangising tanong sa kanya ng binata.

Pilit na ngumiti si Bea. "Kumain na po kayo, sir," tanging nasabi niya.

Sa totoo lang, hindi niya alam kung hanggang saan ang pasensya niya para kay Brandon. Kung kakayanin niya bang pahabain ang pasensya niya kung ganoon naman ang ugali ng aalagaan niya pero, naisip niyang wala siyang choice.

Wala siyang ibang mapupuntahan.

Mabait ang lola ni Brandon at libre siya sa lahat. Kahit anong pagkain ang gusto niyang kainin doon, walang problema. At kung sakaling may request siyang ulam, wala ring problema.

"Tsk. For sure wala ka ng ibang mapupuntahan kaya ka mag-i-stay dito para alagaan ako, tama?"

"O-Opo, sir," nauutal niyang sagot sabay yuko.

Narinig niya ang mahinang tawa ni Brandon. "Kung gusto mong tumagal dito at makaipon ng kakarampot na halaga, ayusin mo ang trabaho mo. Huwag iyong ikaw pa ang masusunod sa ating dalawa. Hindi ka boss. Ako ang boss sa atin. Kaya kung ano ang gusto ko, iyon ang masusunod. Hindi ikaw."

"Yes po, sir," nakayukong tugon ni Bea.

"Umalis ka na nga muna dito sa kuwarto ko. Tatawagin na lang kita kapag tapos na akong kumain."

Mabilis na tumango si Bea at saka umalis na ng kuwarto ni Brandon. Maingat niyang isinara ang pinto ng kuwarto nito at saka humawak sa kanyang dibdib. Naninikip ang dibdib niya. Matalim kung magsalita ang binata at talagang nanliliit siya sa mga sinasabi nito.

'Sabagay, totoo naman... caregiver niya lang ako. Sinasahuran. Wala akong karapatang magreklamo,' sambit ni Bea sa isipan sabay hingang malalim.

Nagtungo siya sa kusina para kumain na. Niyaya niya ang isang kasambahay doon na si manang Flor. "Manang, kumain na po tayo."

"Sige lang, ineng... busog pa ako. Ayos ka lang ba? Bakit ang lungkot ng mga mata?" tanong ni manang Flor sa kanya.

Malungkot siyang ngumiti nang matapos siyang magsandok ng kanin. "Si sir Brandon po kasi medyo masakit magsalita eh. Sanay naman po ako pero minsan talaga, hindi ko maiwasang masaktan."

Nilapitan siya ng matanda at saka hinawakan sa kamay. "Tiisin mo na lang. Ipasok mo sa tainga mo at saka mo ilabas sa kabila. Ganiyan talaga siya. Kulang kasi iyan sa pagmamahal. Namatay kasi ang mommy niya dahil sa stress sa daddy niya. Nambabae kasi ang daddy niya noon. Pitong taon pa lang siya noon nang maghiwalay ang mga magulang niya. Isang taon matapos maghiwalay, namatay ang mommy niya. Ang lola Laurel na lang niya ang nag-alaga sa kanya. Lumaki siyang sunod lahat ng gusto at naging pasaway. Namana niya ang ugali niyang ganiyan sa daddy niya. Iyong mommy niya kasi mabait iyon."

Tumango-tango si Bea matapos magsalita ni manang. "Kaya po pala. Kulang po siya sa atensyon. Kalimitan talaga sa mga ganiyang tao, nagiging masungit at bugnutin. At iyon na nga, masakit magsalita. Bahala na po. Magtitiis na lang ako. Kaysa naman doon ako bumalik sa tiyahin ko. Masakit din magsalita iyon tapos alila pa ako. Eh dito kahit naman masakit magsalita ang boss ko, mabait naman ang lola niya. At may sahod pa ako."

Bumuntong hininga si manang Flor. "Tiis lang, ineng.. malalampasan mo rin ang lahat ng pagsubok mo sa buhay. Kapag gumaling na si sir, malaki na ang ipon mo niyan. Puwede mo iyong gamitin at palaguin ang pera mo."

Naluluhang tumango si Bea. "Tama po kayo. Maraming salamat po, manang. Kain na po ako. Kain na rin kayo mamaya."

Idinaan na lang ni Bea sa kain ang sama ng loob niya kay Brandon. Nang matapos siyang kumain, nagpunta na siya sa kuwarto ng binata. Matalim itong nakatingin sa kanya.

"Bakit ang tagal mo, ha? Alam mo bang kanina pa kita tinatawag? Bingi ka ba?" galit na sabi ni Brandon sa kanya.

Napakurap siya sabay hawak ng mahigpit sa kanyang damit. "Pasensya na po, sir. Kumain po kasi ako sa kusina kaya po hindi ko po kayo narinig. Pasensya na po ulit."

"Tsk! Sana nagsabi ka agad kung kakain ka. Puwede kang mag-messsage sa akin. Palagi mong dalhin ang cellphone mo para kapag may iuutos ako, magme-message lang ako sa iyo o tatawagan ka. Naiintindihan mo ba? Ayoko sa lahat iyong pinaghihintay ako ng matagal," asik ni Brandon bago napailing.

"Pasensya na po talaga, sir. Hindi po mauulit," nakayukong tugon ni Bea.

"Oo na! Mukha kang kawawa sa itsura mo. After one hour bumalik ka dito dahil maliligo ako. Alalayan mo akong makapasok sa banyo. Ihanda mo iyong mauupuan ko doon pati na rin ang mga damit ko. Tatawagan kita kapag tapos na akong maligo."

"Opo, sir. Copy po," magalang niyang sabi bago kinuha ang pinagkainan ng binata.

Hinugasan na niya iyon dahil isang oras pa naman ang hihintayin niyang lumipas bago bumalik sa kuwarto ng binata. Habang naghihintay siya ng oras, nagwalis-walis na lang siya sa labas. Kapag kasi wala namang utos sa kanya si Brandon, wala naman siyang ibang ginagawa.

Makalipas ang isang oras, bumalik na siya sa kuwarto ng binata.

"Ikuha mo na ako ng damit at underwear. Ilagay mo sa banyo," utos ni Brandon sa kanya.

"Kahit anong damit po ba dito, sir?"

"Oo," walang ganang sagot ni Brandon.

Matapos niyang kumuha ng damit at ilagay sa banyo, inalalayan na niyang makalakad si Brandon patungo sa banyo. Nakakahakbang naman ng binata kahit papaano ngunit napakabagal at nanginginig ang kalamnan ni Brandon.

"Tangina talaga! Buwisit!" inis na sambit ni Brandon nang makapasok na siya sa loob ng banyo at naupo doon.

Pawisan ang noo ni Brandon dahil masakit ang kanyang biti at paa sa tuwing lumalakad. Ngunit hindi naman kasi sanay ng hindi naliligo.

"Ano? Bakit hindi ka pa umaalis? Balak mo pa yata akong panuorin habang naliligo?" masungit na sabi ni Brandon sa dalaga.

Napakurap si Bea sabay iling. "H-Hindi po, sir. Naghihintay lang po ako kung may iuutos pa po kayo. Kaya niyo na po ba ang sarili niyo dito?"

"Oo! Anong akala mo sa akin? Hindi ko kayang gumalaw? Na baldado na ako? Iyong pang ibabang parte lang ng katawan ko ang may problema ngayon pero kaya ko namang gumalaw kahit papaano! Umalis ka na! Mamaya mo na ako balikan dito after one hour!" sigaw ni Brandon sa kanya.

Napapitlag si Bea sa malakas na sigaw ni Brandon. Umaalingawngaw ang boses nito. Ngunit hindi na siya kumibo pa. Lumabas na lang siya ng banyong iyon bago hinawakan ang kanyang dibdib sabay hingang malalim.

'Kaya mo ito, Bea... kayang-kaya mo ito. Malalampasan mo rin ang lahat ng pagsubok,' wika ni Bea sa isipan sabay tingala upang pigilang umagos ang luha sa kanyang mga mata.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K21

    Lumipas ang anim na buwan mula nang ikasal sina Brandon at Bea. Ang mansyon ng pamilya ay mas masigla kaysa dati — puno ng halakhak, amoy ng bagong lutong pagkain, at mas maraming bulaklak sa hardin dahil mahilig si Bea magtanim mula nang lumipat siya roon bilang asawa ni Brandon. Isang araw ng Sabado, maagang nagising si Bea. Nakasuot siya ng simpleng dress habang abala sa paghahanda ng agahan. Hindi na siya sanay na mag-isa sa kusina dahil kadalasan ay katulong siya ni Brandon sa pagluluto, pero ngayong araw ay gusto niyang sorpresahin ito. Pumasok si Brandon, suot pa ang pajama, at ngumiti. “Good morning, asawa ko.” Napangiti si Bea at inabot ang tasa ng kape sa kanya. “Good morning din sa iyo, asawa ko. Nakahanda na ang almusal. Umupo ka na.” Umupo si Brandon at tinikman ang niluto ng asawa. “Hmm… alam mo, mas masarap yata ‘to kaysa sa luto ni Lola Laurel.” “Ay, nako, huwag mo ngang sabihin ‘yan kay Lola,” natatawang sagot ni Bea. Biglang pumasok si Lola Laurel na may d

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K20

    Mabilis ang paglipas ng mga linggo mula nang mag-propose si Brandon kay Bea. Sa bawat araw, mas lalong tumitibay ang relasyon nila at mas nadarama ni Bea na tama ang naging desisyon niya. Ngayon, dumating na ang pinakahihintay nilang araw — ang kasal. Maagang gumising si Bea, hindi dahil sa alarm clock, kundi sa kaba at saya na magkahalong gumugulo sa dibdib niya. Sa salamin, nakita niya ang sarili sa puting gown na napili nila ni Brandon. Simple pero elegante, may mga lace sa balikat at bahagyang palda na dumadaloy hanggang sahig. Ang mommy ni Brandon at si lola Laurel ang nag-ayos sa kanya, halatang emosyonal habang inaayos ang belo. “Ang ganda-ganda mo, iha,” sabi ng mommy ni Brandon, pinipigil ang luha. “Parang kahapon lang, caregiver ka lang dito sa bahay… ngayon, ikaw na ang magiging asawa ng anak ko.” “Salamat po, mommy,” mahina pero masayang sagot ni Bea. “Kung tutuusin, hindi ko rin po akalain na darating ‘to.” Si Lola Laurel naman ay hinaplos ang pisngi niya. “Ma

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   k19

    Makalipas ang dalawang buwan mula nang maging opisyal silang magkasintahan, iba na ang buhay sa mansyon ng pamilya ni Brandon. Wala na ang tensyon at sungit na dati’y tila naninirahan sa bawat sulok ng bahay. Sa halip, punô ng halakhak, kuwentuhan, at mga maliliit na sandaling pinapahalagahan ng lahat. Ngayon, girlfriend na siya ni Brandon. At gaya ng dati, hindi pa rin ito mapakali kapag hindi niya kasama. Tuwing umaga, dinadalhan siya ng kape kahit siya na mismo ang gumagawa noon para sa sarili. Sa hapon, magkasama silang naglilibot sa bayan o kaya’y nagbabasa ng libro sa veranda. Sa gabi, madalas silang mag-uusap nang mahaba tungkol sa mga pangarap nila. Pero sa kabila ng lahat ng saya, wala ni isa sa kanila ang nakakaalam na may matagal nang pinaplano si Brandon. Niyaya ni Brandon si Bea na magpunta sa isang resort sa tabing-dagat. Hindi na ito nakapagtataka para kay Bea dahil mahilig silang maglakad-lakad at mag-relax, pero napansin niyang masyadong tahimik si Brandon sa biy

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   k18

    Makalipas ang tatlong linggo mula noong gabing umamin si Brandon kay Bea, at ang nangyari sa kanila, malaki na ang ipinagbago ng lahat. Hindi na siya nakasandal sa tungkod, hindi na rin nagpapanggap na mahina. Sa halip, araw-araw ay maaga siyang bumabangon para mag-ehersisyo. At higit sa lahat, nawala na ang dating sungit at kayabangan na nakasanayan ng lahat sa bahay. Ngayon, nakangiti siyang pumasok sa kusina kung saan abala si Bea sa paghahanda ng almusal. “Good morning, Bea,” masayang bati ni Brandon. Napalingon si Bea, at kahit sanay na siya sa bagong bersyon nito, hindi pa rin siya makapaniwalang nagbago talaga si Brandon. “Good morning din, Brandon. Ayos na ba yung exercise mo?” “Yup. At tingnan mo…” Pinakita niya ang mabilis at maayos na paglakad papalapit sa mesa. “No limp, no pain.” Napangiti si Bea. “Wow, bongga! Proud ako sa iyo.” Kumislap ang mga mata ni Brandon sa papuri. “Hindi ko magagawa ‘to kung hindi dahil sa iyo. Kung hindi mo ako tinulungan, baka h

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K17

    Tahimik ang buong bahay nang gabing iyon. Maliban sa marahang hampas ng hangin sa mga kurtina at tunog ng orasan sa dingding, walang ibang maririnig. Nasa kwarto si Bea, nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko habang pinipisil-pisil ang laylayan ng kanyang blusa. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang eksena kaninang umaga—ang pagkakatayo ni Brandon, at ang lahat ng kasinungalingan na ginawa nito para lang manatili siya sa tabi nito. Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa kabaliwan ng lalaki, o magagalit pa rin dahil sa pambabalewala nito sa tiwala niya. May kumatok. Tatlong mahihinang katok na sinundan ng isang maikling katahimikan. “Bea…” boses ni Brandon, mababa at may halong pag-aalinlangan. Hindi siya sumagot. Ngunit makalipas ang ilang segundo, bumukas ang pinto. Nakatayo si Brandon sa may bungad, hawak-hawak ang tungkod na halatang hindi naman niya gaanong kailangan. “Pwede ba… mag-usap tayo?” mahina niyang sabi. Tumingin lang si Bea, hindi gumagalaw. “Ano pa bang kai

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K-16

    BRANDON LUMIPAS PA ANG ILANG LINGGO, hindi na maitatanggi pa ni Brandon na may nararamdaman na siya para kay Bea. At labis siyang naiinis sa kanyang sarili dahil nahulog siya sa isang caregiver. Ngunit wala na siyang magagawa pa. Talagang lumalim na ang nararamdaman niya para kay Bea. Kung tutuusin, kayang-kaya na niyang maglakad ulit pero nagpapanggap pa rin siyang hindi makalakad. Ginawa niya iyon para alagaan pa rin siya ni Bea at asikasuhin. "Saan ka na naman galing, ha? Kinausap mo na naman ba ang pinsan ko?" galit niyang tanong kay Bea. Mabilis na umiling si Bea. "Hindi po, boss. Tinulungan ko lang na magtapon ng basura si manang. Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakabalik." Tumingin si Brandon sa ibang direksyon dahil napapatitig na naman siya sa ganda ni Bea. "Nagugutom na ako. Pakainin mo na ako," maawtoridad niyang sabi kay Bea. "Sige po, boss. Sandali lang," sabi ni Bea bago nagmamadaling nagtungo sa kusina. Pagbalik ni Bea, dala na niya ang tray na may

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status