Share

K-3

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-04-03 13:02:23

ISANG LINGGO ANG LUMIPAS, matapos ang nangyari sa club, isang linggo na ring naghahanap ng trabaho si Bea. Hindi niya talaga kaya ang trabahong mayroon ang kaibigan niyang si Baks.

"Ano? Nakahanap ka na ba?" tanong ni Baks sa kanya.

"Marami na akong nakita at pinagpasahan ng resume pero wala pang tumatawag. Panay kasambahay ang hanap o 'di kaya caregiver, pinatos ko na. Sana tawagan na ako ngayon. Pasensya ka na, Baks. Hindi ko talaga kaya ang trabaho doon sa club. Hindi ko kayang pasukan ako ng maraming stick."

"Ayos lang. Naiintindihan kita. Sana makahanap ka ng trabaho mo," wika ni Baks bago ngumiti ng tipid.

"Salamat, Baks. Wala talaga akong balak maging caregiver dahil nakaka-stress mag-alaga ng matanda. Pero malaki ang sahod. Sayang. Makakaipon din ako. Tiis na lang talaga."

"Oo kaysa naman pilitin mo ang sarili mo dito sa trabaho ko. At least diyan makakaipon ka. Batukan mo na lang iyong matandang aalagaan mo kapag pasaway," wika ni Baks sabay tawa.

Kinabukasan, nakatanggap ng message si Bea. Tanggap na siya bilang caregiver ng isang matanda. Laking tuwa niya dahil may trabaho na rin siya sa wakas. Nagpaalam at nagpasalamat siya kay Baks dahil stay in siya sa kanyang papasukan.

"Magandang araw po, nandito po ba si Miss Laurel? Iyong naghahanap ng caregiver?" tanong niya sa kasambahay ng malaking bahay na pinuntahan niya.

"Opo, dito nga. Kayo na siguro ang sinasabi niyang caregiver na dadating. Halika dito sa loob. Pumasok po kayo sa loob."

Nalula si Bea sa laki ng bahay doon. Lalo na sa maraming sasakyan na nakaparada sa malawak na garahe.

"Magandang araw po sa inyo. Ako po si Bea iyong kausap niyo po," magalang niyang sabi sa babaeng tingin niya nasa edad sixty.

"Magandang araw din sa iyo, hija. Ngayon na ang start mo. Nakahanda na rin ang magiging kuwarto mo. Iyong kasambahay ko ng si manang ang magpapaliwanag sa iyo ng mga gagawin mo. Basta, huwag mo sanang sukuan ang apo ko. Alam kong nakakainis siya pero sana, alagaan mo pa rin siya hanggang sa makalakad siya."

Kumunot ang noo ni Bea. "Apo? Akala ko matanda ang aalagaan ko?"

"Matanda na nga. Matandang walang pinagkatandaan. Ang apo kong si Brandon ang aalagaan mo. Nadisgrasya kasi siya sa sinasakyan niyang motor limang araw na ang nakalilipas. Makakalakad pa rin siya pero hindi agad-agad dahil nabugbog ng husto ang mga binti niya," paliwanag ni Miss Laurel.

"Okay sige po. Bahala na po. Gagawin ko ang best ko."

"Kapag nakita ko ang effort mo sa apo ko, mas tataasan ko pa ang sahod mo. Kaya sana, pilitin mong habaan ang pasensya mo. Kapag nakalakad na ulit ang apo ko, tapos na ang pagiging caregiver mo. Puwede ka na maghanap ng ibang trabaho. Iyong hindi ka mai-stress. Kaya sana, pilitin mong kumalma palagi at umintindi," nakikiusap nitong sabi.

Tumango na lamang si Bea. Sinamahan siya ng kasambahay doon sa kanyang kuwarto. At pagkatapos, itinuro ang kuwarto ni Brandon. Tatlong beses siyang kumatok doon bago niya binuksan ang pinto at pumasok. Laking gulat niya nang makilala ang binata.

"Ikaw? Ikaw ang aalagaan ko?!" bulalas ni Bea.

Ngumisi ang binata. "Wow! Ikaw pala na sumuntok sa akin! Bakit ikaw pa? Baka imbes na gumaling ako, lalo lang akong magkasakit dahil mapanakit ka! Umayos ka. Subukan mo lang akong saktan ulit, malilintikan ka sa akin," pagbabanta ni Brandon.

"Eh kung hindi sana kung anu-ano ang pinagsasabi mo sa club na iyon, hindi ka masasaktan! Manyakis ka kasi!" asik ni Bea sa binata.

: "Malay ko ba! Akala ko nga, isa ka sa mga bayarang babae doon dahil iyong suot mo, masyadong revealing. Sa tingin mo ba, walang magmamanyak sa iyo sa ganoong suot mo? Kung umasta ka akala mo malinis ka."

Humalukipkip si Bea. "Hindi naman talaga ako isa sa mga bayarang babae doon. Susubukan ko pa lang kaso hindi ko naman kaya. Nakakainit ng ulo kapag nababastos kaya iyon, nasaktan kita. Pasensya na. Walang wala kasi ako tapos kailangan ko ng pera kaya ayon, naisipan kong maging babaeng de pukpok. Kaso, hindi ko nga kaya, so ito ako ngayon. Caregiver mo. Ano pala ang nangyari sa iyo? Bakit ka nadisgrasya?"

"Hindi pa ba sa iyo sinabi ni lola?"

"Well, kasalanan mo naman kaya ka nagkaganyan. Iinom inom ka ng sobra tapos magmamaneho ka ng mabilis. Iyan, kinarma ka tuloy."

Naningkit ang mata ni Brandon. "Hoy, ikaw! Manahimik ka na nga lang diyan! Ikuha mo nga ako doon ng pagkain! Hindi iyong ang dami mo pang sinasabi na parang nanay kita. Bilis ang kilos!"

Umirap si Bea. "Okay po. Masusunod," aniya sabay alis.

Mabilis siyang kumilos para hindi magalit sa kanya ang binata. Pagkabalik niya sa kuwarto nito, inilapag niya sa mesa ang dala niyang pagkain.

"Ano? Ganiyan na lang iyan?" nakaarko ang kilay ni Brandon.

"Anong ganiyan na lang iyan? Ayan na ang pagkain mo. Kumain ka na."

Ngumisi ang binata. "Anong kumain na ako? Subuan mo ako! Kaya nga caregiver kita. Aalagaan mo ako! Bilisan mo ang kilos mo. Ano ba ang akala mo? Madali lang ang magiging trabaho mo? Malaki ang magiging sahod mo kaya dapat mong ayusin ang trabaho mo," mapagmataas na wika ni Brandon.

Mariing napapikit si Bea. Sa isip niya, ibang klase ang ugali ng binata. Masyadong mapagmataas at bossy.

"Ano? Bakit magpapasubo ka pa sa akin? Eh maayos naman yata ang mga braso at kamay mo?" inis na wika ni Bea.

"Ah nagrereklamo ka. Okay fine, hahanap na lang ako ng ibang caregiver," pananakot ni Brandon.

"Teka sandali!" sigaw ni Bea bago lumapit sa binata. "Pasensya na po, sir. Susubuan ko na po kayo," malumanay niyang sabi ngunit sa loob niya, nangingitngit na sa inis si Bea.

Kung alam niya lang na si Brandon pala ang aalagaan niya, hindi na sana siya tumuloy kahit malaki pa ang sahod. Buong akala niya kasi isang matandang uugod-ugod ang aalagaan niya pero hindi pala.

Parang sanggol na sinusubuan ni Bea si Brandon. Lalo pa siyang inaasar ng binata dahil sinasadya nitong maging makalat kumain.

"Ano ba? Talaga bang feeling baby ka, ha? Pati sa pagkain, ang kalat ng bunganga mo! Please lang naman po, sir... huwag po kayong masyadong makalat kumain dahil mahirap maglinis," nis niyang sabi bago pinunasan ang mga kalat sa gilid ng labi ni Brandon.

Sinusubukan ni Bea na kumalma ngunit sadyang umiinit ang ulo niya sa ginagawa ni Brandon.

Tumaas ang kilay ni Brandon. "Bakit ba panay ang reklamo mo diyan? Nag-apply apply ka bilang caregiver dito tapos magrereklamo ka? Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ng caregiver, ha? Nagsasayaw?" mapang asar na wika ni Brandon.

Mariing pumikit si Bea. "Kung alam ko lang na ikaw pala ang aalagaan ko, hindi na ako tumuloy. Wala naman talaga akong balak maging caregiver sa totoo lang! Wala lang talaga akong pera!" hindi niya napigilang sigaw.

"Iyon na nga. Wala kang pera kaya magtiis ka bilang caregiver ko hanggang sa makalakad! Nasaan na iyong pagkain? Nagugutom pa ako!" wika ni Brandon sabay ngisi ng mapang asar.

Mariing napapikit si Bea, hindi niya maiwasang masaktan sa sinabing iyon ni Brandon ngunit anong magagawa niya? Isa lamang siyang dukha. Isa lamang siyang mahirap. Kaya kailangan niyang magtiis.

"Ano? Suko ka na agad? Hindi mo na ako kayang alagaan? Magsabi ka agad para makahanap kaagad ng papalapit sa iyo. Hindi iyong ikaw pa itong may ganang magsalita ng kung ano eh caregiver ka lang naman," mayabang na wika ni Brandon na lalong ikinasakit ng damdamin ni Bea.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K21

    Lumipas ang anim na buwan mula nang ikasal sina Brandon at Bea. Ang mansyon ng pamilya ay mas masigla kaysa dati — puno ng halakhak, amoy ng bagong lutong pagkain, at mas maraming bulaklak sa hardin dahil mahilig si Bea magtanim mula nang lumipat siya roon bilang asawa ni Brandon. Isang araw ng Sabado, maagang nagising si Bea. Nakasuot siya ng simpleng dress habang abala sa paghahanda ng agahan. Hindi na siya sanay na mag-isa sa kusina dahil kadalasan ay katulong siya ni Brandon sa pagluluto, pero ngayong araw ay gusto niyang sorpresahin ito. Pumasok si Brandon, suot pa ang pajama, at ngumiti. “Good morning, asawa ko.” Napangiti si Bea at inabot ang tasa ng kape sa kanya. “Good morning din sa iyo, asawa ko. Nakahanda na ang almusal. Umupo ka na.” Umupo si Brandon at tinikman ang niluto ng asawa. “Hmm… alam mo, mas masarap yata ‘to kaysa sa luto ni Lola Laurel.” “Ay, nako, huwag mo ngang sabihin ‘yan kay Lola,” natatawang sagot ni Bea. Biglang pumasok si Lola Laurel na may d

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K20

    Mabilis ang paglipas ng mga linggo mula nang mag-propose si Brandon kay Bea. Sa bawat araw, mas lalong tumitibay ang relasyon nila at mas nadarama ni Bea na tama ang naging desisyon niya. Ngayon, dumating na ang pinakahihintay nilang araw — ang kasal. Maagang gumising si Bea, hindi dahil sa alarm clock, kundi sa kaba at saya na magkahalong gumugulo sa dibdib niya. Sa salamin, nakita niya ang sarili sa puting gown na napili nila ni Brandon. Simple pero elegante, may mga lace sa balikat at bahagyang palda na dumadaloy hanggang sahig. Ang mommy ni Brandon at si lola Laurel ang nag-ayos sa kanya, halatang emosyonal habang inaayos ang belo. “Ang ganda-ganda mo, iha,” sabi ng mommy ni Brandon, pinipigil ang luha. “Parang kahapon lang, caregiver ka lang dito sa bahay… ngayon, ikaw na ang magiging asawa ng anak ko.” “Salamat po, mommy,” mahina pero masayang sagot ni Bea. “Kung tutuusin, hindi ko rin po akalain na darating ‘to.” Si Lola Laurel naman ay hinaplos ang pisngi niya. “Ma

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   k19

    Makalipas ang dalawang buwan mula nang maging opisyal silang magkasintahan, iba na ang buhay sa mansyon ng pamilya ni Brandon. Wala na ang tensyon at sungit na dati’y tila naninirahan sa bawat sulok ng bahay. Sa halip, punô ng halakhak, kuwentuhan, at mga maliliit na sandaling pinapahalagahan ng lahat. Ngayon, girlfriend na siya ni Brandon. At gaya ng dati, hindi pa rin ito mapakali kapag hindi niya kasama. Tuwing umaga, dinadalhan siya ng kape kahit siya na mismo ang gumagawa noon para sa sarili. Sa hapon, magkasama silang naglilibot sa bayan o kaya’y nagbabasa ng libro sa veranda. Sa gabi, madalas silang mag-uusap nang mahaba tungkol sa mga pangarap nila. Pero sa kabila ng lahat ng saya, wala ni isa sa kanila ang nakakaalam na may matagal nang pinaplano si Brandon. Niyaya ni Brandon si Bea na magpunta sa isang resort sa tabing-dagat. Hindi na ito nakapagtataka para kay Bea dahil mahilig silang maglakad-lakad at mag-relax, pero napansin niyang masyadong tahimik si Brandon sa biy

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   k18

    Makalipas ang tatlong linggo mula noong gabing umamin si Brandon kay Bea, at ang nangyari sa kanila, malaki na ang ipinagbago ng lahat. Hindi na siya nakasandal sa tungkod, hindi na rin nagpapanggap na mahina. Sa halip, araw-araw ay maaga siyang bumabangon para mag-ehersisyo. At higit sa lahat, nawala na ang dating sungit at kayabangan na nakasanayan ng lahat sa bahay. Ngayon, nakangiti siyang pumasok sa kusina kung saan abala si Bea sa paghahanda ng almusal. “Good morning, Bea,” masayang bati ni Brandon. Napalingon si Bea, at kahit sanay na siya sa bagong bersyon nito, hindi pa rin siya makapaniwalang nagbago talaga si Brandon. “Good morning din, Brandon. Ayos na ba yung exercise mo?” “Yup. At tingnan mo…” Pinakita niya ang mabilis at maayos na paglakad papalapit sa mesa. “No limp, no pain.” Napangiti si Bea. “Wow, bongga! Proud ako sa iyo.” Kumislap ang mga mata ni Brandon sa papuri. “Hindi ko magagawa ‘to kung hindi dahil sa iyo. Kung hindi mo ako tinulungan, baka h

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K17

    Tahimik ang buong bahay nang gabing iyon. Maliban sa marahang hampas ng hangin sa mga kurtina at tunog ng orasan sa dingding, walang ibang maririnig. Nasa kwarto si Bea, nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko habang pinipisil-pisil ang laylayan ng kanyang blusa. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang eksena kaninang umaga—ang pagkakatayo ni Brandon, at ang lahat ng kasinungalingan na ginawa nito para lang manatili siya sa tabi nito. Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa kabaliwan ng lalaki, o magagalit pa rin dahil sa pambabalewala nito sa tiwala niya. May kumatok. Tatlong mahihinang katok na sinundan ng isang maikling katahimikan. “Bea…” boses ni Brandon, mababa at may halong pag-aalinlangan. Hindi siya sumagot. Ngunit makalipas ang ilang segundo, bumukas ang pinto. Nakatayo si Brandon sa may bungad, hawak-hawak ang tungkod na halatang hindi naman niya gaanong kailangan. “Pwede ba… mag-usap tayo?” mahina niyang sabi. Tumingin lang si Bea, hindi gumagalaw. “Ano pa bang kai

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K-16

    BRANDON LUMIPAS PA ANG ILANG LINGGO, hindi na maitatanggi pa ni Brandon na may nararamdaman na siya para kay Bea. At labis siyang naiinis sa kanyang sarili dahil nahulog siya sa isang caregiver. Ngunit wala na siyang magagawa pa. Talagang lumalim na ang nararamdaman niya para kay Bea. Kung tutuusin, kayang-kaya na niyang maglakad ulit pero nagpapanggap pa rin siyang hindi makalakad. Ginawa niya iyon para alagaan pa rin siya ni Bea at asikasuhin. "Saan ka na naman galing, ha? Kinausap mo na naman ba ang pinsan ko?" galit niyang tanong kay Bea. Mabilis na umiling si Bea. "Hindi po, boss. Tinulungan ko lang na magtapon ng basura si manang. Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakabalik." Tumingin si Brandon sa ibang direksyon dahil napapatitig na naman siya sa ganda ni Bea. "Nagugutom na ako. Pakainin mo na ako," maawtoridad niyang sabi kay Bea. "Sige po, boss. Sandali lang," sabi ni Bea bago nagmamadaling nagtungo sa kusina. Pagbalik ni Bea, dala na niya ang tray na may

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status