Share

CHAPTER 14- DISAPPOINTMENT

"Really? Thanks, Ynna."

Napahalukipkip na lang ako at tumingin sa ibang direksyon. May kakaibang emosiyon na naman akong nararamdaman pero hindi ko naman matukoy kung ano at para sa ano iyon.

"By the way, mauna na ako. May event kasi kami ngayon, eh."

"Sa G's Mall, 'di ba?" pa-cute pang saad ng pinsan ko.

"Yeah, tama ka."

Nagkatinginan at ngitian pa sila.

Eh di wow, zsss. Kung mag-usap sila ay para bang silang dalawa lang ang tao sa mundo. Whatever again.

"Ano kasi... Papunta rin ako doon."

"Talaga, eh di sabay na lang tayo."

Mukha namang kinilig itong pinsan ko dahil sa napahigpit pa ang kapit nito sa aking braso.

"May sasakyan ka ba?" tanong ni Mer. "I mean, puwede kang sumabay na lang din sa akin kung wala."

"Meron naman."

"So, let's go? Sabay na lang tayong pumunta doon."

"Okay! Cous, mauna na ako... I mean kami. Thank you at pasensiya sa abala."

Tumango na lang ako at pilit na ngiti ang ibinigay sa babae. Sabay na silang umalis. Napakuyom na lang ako sa hindi ko malamang dahilan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status