Share

CHAPTER 2- SPECTRUM OF TRUTH

"It seems you enjoyed testing the dirty water, huh?" kaagad na komento ni Ynna nang makauwi na ako. "Lovimer Guieco is kinda hot, isn't he? Magkakilala kayo?" sunod-sunod nitong tanong. Nanunukso pa ang tono ng pananalita ng bruha.

"We've met once, I guess?" walang gana kong sabi.

"Once? Kailan 'yon?"

"High school pa."

"Tapos natatandaan niyo pa ang isa't-isa? Oh, ibang level, ha?" Nanunukso na naman ito. Napairap na lang ako. Hindi ko talaga kinakaya ang pagiging delulu nito.

"Pinsan siya ng lalaking crush na crush ko dati kaya siguro natatandaan ko pa rin siya. May similarities din sila. Hindi maganda ang interaction namin noon."

"Wait. Crush na crush? Ashmer Guieco ba ang tinutukoy mo?"

Tumango naman ako. "May iba pa ba?"

"Asus. Hindi mo naman crush na crush si Ashmer. Biktima lang talaga ng pagiging bitter mo ang girlfriend ng lalaking iyon. Sino nga ba 'yon? Marciella Perrer?"

Napangiwi naman ako. "Biktima? Grabi ka naman sa akin."

"Totoo naman. Bully ka dati. Well, hanggang ngayon nga, eh. Tsk. Hinihintay ko na lang talaga ang karma mo."

"Ako ang nagiging karma nila," pagtatama ko pa. "Hindi naman daw girlfriend ni Ashmer si Marciella noon," dagdag ko pa.

Iyon ang alam ko, hindi na rin ako nag-dig deep ng tungkol sa kanilang dalawa dahil wala naman talaga akong pakialam sa kung anuman ang meron sa kanila.

"Talaga ba? So, sila na ngayon?"

Nagkibit-balikat naman ako. "I don't know. Hindi ako updated sa love life nila, 'no?"

Bakit ba interesado ito bigla sa ganitong usapan?

"Tsk. Wala ka pala, eh. Akala ko pa naman ay lahing detective ka."

"Wala sa lahi natin ang gano'n, Ynna."

"Kung hindi mo nakuha si Ashmer ay baka dahil si Lovimer ang para sa 'yo?"

Pabagsak akong naupo sa couch. "So? What's the next plan?" direktang usisa ko para ibahin ang usapan. Buwisit pa rin ako sa lalaking iyon para pag-usapan namin.

"Ayaw mo ba munang magpahinga, Trice?"

"Let's get it done, bitch. I badly want to put that guy in jail. Puwede ba nating isama sa target si Lovimer Guieco?"

"Tsk. Mas guilty ka kaysa sa isang iyon. He's an angel in disguise, you know," tila kinikilig pa nitong sabi.

Palibhasa ay biggest fan siya ng YB Band. Kaya ko rin nakilala ang bandang iyon dahil sa kanya.

"I'm sure may baho ring tinatago ang isang iyon," pamimilit ko pa.

"Girl, he's a member of the Guieco Clan. We both know that GC is dedicated to serving justice to those who desperately need it. They're about serving justice, not causing harm."

"Hindi mo sure. Kahit ang mga daliri natin ay hindi pantay."

Napapalatak naman ito sabay iling at ibinigay sa akin ang hawak nitong laptop. Kaagad kong pinanuod ang footage na kuha naming kanina. Simula sa pagpunta at pag-uwi ko ay planado at recorded ang lahat.

Ynna and I created the show titled "Spectrum of Truth." Exclusive members have access to our website, where they can watch our content.

We personally send links to our target audience via email, exclusively recruiting women whom we accept. These are individuals willing to collaborate with us in bringing justice to those in need, wholeheartedly committed to resolving cases dismissed by heartless advocates of the law.

We began with nothing and have now garnered 3.5 million Filipino subscribers, all eagerly anticipating each piece of our content. The funds generated from our show are dedicated to aiding victims in their pursuit of justice. We've successfully navigated numerous court cases, emerging victorious in each one.

To ensure our safety while producing this risky show, both Ynna's and my identities remain undisclosed, allowing us to operate discreetly.

Isa lang ang tanging layunin ng show naming ito— iyon ay ang i-expose ang totoong pagkatao ng mga taong nagpapanggap na anghel kahit nuknukan ng kasamaan ang sistema.

Para makagawa ng content sa show namin ay meron kaming open board na ginawa sa website namin. Doon kami tumatanggap ng mga report patungkol sa kung sino-sinong lumalabag sa batas o kaya ay inaabuso ang kanilang kapangyarihang hawak.

Bago kami kumilos para ibisto ang totoong ugali o pagkatao ng target namin ay nagpapa-background checking din muna kami para mas masigurong totoo ang mga tip-offs na natatanggap namin.

Isa na sa mga problematic na tao sa lipunan ay si Mayor Bens Muños. Inaakala ng lahat ng mga nakasuporta sa kanya ay isa siyang dakila at matinong lalaki. Stick to one at ideal man ng kababaihan. Lingid sa kaalaman ng lahat ay isa siyang cheater at sex offender.

Well, common naman sa message board namin ang ganitong klase ng kaso pero mas na trigger ako nang malaman kong nag-suicide diumano ang ex-fianceé ng lalaki nang malamang may secret affair ito sa half-sister mismo ng babae. Sinabi rin ng sender ng kasong ito na hindi siya naniniwalang suicide lang iyon. May foul play na nangyari o worst... Ang lalaki ang pumatay sa babae.

Ang nakakatawa pa ay fianceé na ng mayor ang half sister na iyon.

Hindi man lang sila nakonsensiya pa.

"Kitang-kita ang mukha ni Lovimer Guieco, hindi natin puwedeng i-release ito nang ganito lang," sabi ko pa matapos mapanuod ang footage. Kahit papaano ay kailangan naming protektahan ang privacy ng lalaking iyon.

"Well, about this. I think... I mean, not just I think but I'm sure that we weren't able to proceed with this one."

Napataas-kilay naman ako. Ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na umatras ito sa ganito. "What? Why?"

"Because..."

"Schoolmate mo si Bens Muños noong high school pero hindi mo sinabi sa akin. Bakit?" nagdududa kong usisa.

"Hindi naman makakatulong iyon tsaka duh? Ikinakahiya kong maging schoolmate ko ang ugok na 'yon, 'no?"

"So, why?"

"Pinagdududahan mo ba ako?" nakataas-kilay pa nitong tanong.

Tinaasan ko rin ito ng kilay. "May rason para pagdudahan kita, Ynna Solomon."

"Advance din talaga 'yang utak mo, eh."

"Bakit nga? Bakit natin ida-drop ang kasong ito?"

"Dahil dito," paasik pang sabi ng bruha sabay bato ng cellphone sa akin. Mabuti na lang at nasalo ko ito.

Kaagad kong sinuri ng sinabi nito. Napanganga na lang ako habang binabasa ang article na kaka-publish pa lang talaga ng isang local news website.

"Wait... Warrant of arrest?!" hindi ko pa makapaniwalang sabi.

Binuksan nito ang TV at kaagad na bumungad ang mukha ni Mayor Bens Muños sa telebisyon habang inaalalayan ito ng pulisya papasok sa isang police car. Sa labas lang din ng venue ng event mismo naaresto ito.

Nasa headline din ang keywords na sex offender at murderer. So? Confirmed na ba talaga na ang mayor ang pumatay sa kanyang bilyonaryang fianceé?

Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Nasa event ako na iyon para i-expose ang katarantaduhan ng mayor. Masyadong malinis makipaglaro ang lalaking iyon kaya bakit ngayon ay inaaresto siya ng pulisya?

"Holy shit! Puwede mo bang ipaliwanag sa'kin ang nangyayari, Ynna?" asik ko sa aking pinsan.

Nagkibit-balikat pa ito. "I don't know either. Nagsisimula pa lang nga tayo ay tinapos na agad nila ang laro at target natin. Isa lang ang malinaw sa akin ngayon."

"Ano?" tanong ko sabay ayos ng upo.

"Hindi lang tayo ang may misyon sa event. Meron pa at paniguradong isang malaking pakinabang para sa kanila ang ginawa nating patibong."

"You mean... Pwedeng gamitin din nilang ebidensiya ang footage natin?"

"Yeah. Gano'n na nga. Baka may mga hidden camera silang inilagay. I don't know. Anyway, hindi na natin problema iyon. At least, nabawasan na ang kasong dapat nating..."

"No, hindi puwede," sabi ko pa sabay tayo.

"Why?"

"Dahil..." Natigil ako sa pagsasalita nang may maalala.

"Dahil? Ikaw naman itong umaaktong weird ngayon. Dapat din ba kitang pagdudahan, Beatrice Solomon?"

Para namang hinila ang aking ulo papaharap sa bruha kong pinsan. "Are you kidding me, Ynna Solomon? Utak-alimasag ka ba?"

"Kahit close tayo ay hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo ngayon, Trice."

"Kung totoo ngang hindi lang tayo ang nandoon para hulihin sa akto si Bens ay hindi ba dapat lang na maalarma tayo? Nandoon ako. Kung may mga hidden cameras nga doon ay pati ako ay nahuli cam. What if..."

Napalunok pa ako habang pilit na itinatago ang pag-aalala sa aking mukha. Nagkatitigan kami at sabay na napatakbo sa control room namin.

"Shit! Mukhang tama ka nga, kailangan nating maalarma. Baka iniimbestigan na rin nila ang koneksyon mo sa kay Bens o kung bakit nandoon ka sa party na iyon."

"At kapag nangyari iyon ay baka mabisto pa nila ang tungkol sa Spectrum of Truth website."

"We need to temporarily shut it down. We simply can't take the risk and expose ourselves to danger just because of that mayor."

Saglit naman akong natigilan. "Are you sure, Ynna?" paninigurado ko pa. "It's not like this is the first time we've encountered such..."

"I can't leave you doing this dangerous stuff alone, Trice," asik pa nito.

Napakunot-noo naman ako. "What do you mean, bitch?"

"Kailangan kong bisitahin muna sila Mommy at Daddy sa Canada. Hindi puwedeng iwan ko sa 'yo ang Spectrum of Truth."

"What?! C'mon, Ynna!"

"It's a big no."

Nadidismaya ko naman itong tinapunan ng tingin. "Kaya ko..."

"Alam kong kaya mo pero mas maigi kapag nandito ako. Sino ang magiging mata mo kapag wala ako, ha? Hindi puwedeng wala, Trice. Mas lalo namang hindi puwedeng maghanap tayo ng iba. Mas mabuti ng mag-ingat tayo."

Pareho kaming naupo sa kaniya-kaniyang computer namin. Nakabusangot ako habang gumagawa kami ng notice letter para sa mga subscriber namin.

"All done!" anunsiyo ni Ynna matapos ang halos isang oras.

Nakahinga ako nang maluwag at napahalukipkip.

"Wala ka bang naramdamang kakaiba sa event?" usisa ni Ynna. "Like, someone who's secretly watching our target? Katabi ka niya simula nang dumating ka doon hanggang sa paglabas."

Nanliit lang ang aking mga mata habang nagsasalita si Ynna. Hindi ako sigurado pero may taong nasa isip ko na posibleng siyang tumapos sa katarantaduhan ni Muños.

Hindi aksidenteng nagtama ang paningin namin kanina. Sadyang nakatingin talaga siya sa gawi namin. Wala sa akin ang atensiyon niya kundi sa katabi kong mayor.

Naalala ko rin ang naging reaksyon ni Bens sa ibinulong niya sa lalaki.

Aish, that jerk!

"YB Band," usal ko pa sabay tingin kay Ynna.

"Hmm? What about them?"

Lovimer Guieco. Sigurado akong misyon niya si Mayor Bens Muños at siya rin ang dahilan ng pagkaaresto ng lalaki.

Wow. Guieco Clan is really something, huh? Walang ligtas ang isang kriminal kapag sila na ang kumilos.

Pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin mapigilang mainis kay Lovimer. Buong akala ko ay siya ang ginamit ko, iyon pala ay ako ang ginamit ng lokong iyon.

Intruder.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa lalaking iyon o sisimulan ko na ring isama siya sa mga taong gusto kong masira ang buhay.

"Lovimer Guieco, right?" pangugumpirma pa ni Ynna.

"Hindi ako sure pero parang gano'n na nga. Wala ng iba." Sinabi ko iyon habang nakatulala sa larawan ng lalaki na nasa monitor.

"Sabi na, eh. Baka nga tinanggap lang nila ang gig dahil doon. Matagal na akong fan ng YB Band at wala pa akong maalala na tumanggap sila ng gig galing sa isang elite organization. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat."

"Anyway, wala naman na tayong magagawa pa, 'di ba? Hayaan na lang natin," sabi ko pa sabay sandal at halukipkip.

Nagdududa naman akong tinitigan ng aking pinsan. "Hayaan? Oh, ngayon ko lang narinig ang salitang iyan sa 'yo. Sure ka ba talagang hahayaan mo na lang si Mr. Guieco?"

"Yeah," tipid kong tugon.

"Hindi ako sure kung totoo ba 'yang sinasabi mo. Wala ka namang binabalak na masama sa kay Lovimer, 'di ba?"

"Balak na masama? Sa tingin mo ba ay ganyan na ba ako kasama?"

"Yes, dear cousin. Kilala kita mula talampakan hanggang dulo ng buhok mo."

Napangiwi na lang ako. "Tsk. Grabi ka naman sa akin."

Umayos ako ng pagkakaupo at nagsimulang magtipa uli ng keyboard sa browser.

"Lovimer Guieco's girlfriend," sabi ko habang tina-type iyon.

"See?! Sinasabi na nga ba, eh! Hey, agent si Lovimer..."

"Ano naman?" asik ko sabay irap. "Shut up and mind your own business, Ynna. Aalis ka naman, 'di ba? Umalis ka na kaya ngayon din?" suhestiyon ko pa.

Napaawang naman ang bibig nito. "Beatrice..."

"Wala siyang girlfriend?! Aish! Ang galing ding magtago ng kalokohan ng isang ito, 'no? Siya na lang yata ang single sa grupo nila. Imposible naman."

"Wala naman talagang girlfriend ni Lovimer."

Siyempre updated ang isang ito sa lahat ng marital status ng YB members. Tsk.

"Oh, and?"

"And? Wala na. Ano pa bang ini-expect mo?"

"Pakiramdam ko ay may 'pero' na kasunod sa sinabi mo, eh. What is it?"

Napairap naman ito sabay iling. Akmang tatayo na ito para layasan ako nang mahawakan ko ang kamay nito.

"Ynna Solomon," may diin kong sabi. "Sasabihin mo o bubuksan ko uli ang website natin? Huwag mong kakalimutang ako ang creator niyan. Pinagbigyan lang kita para sa ikatatahimik ng kaluluwa mo."

Marahas itong napabuntonghininga. "Fine. Sasabihin ko na. Ang galing mo talagang mang-blackmail, 'no?!"

Ngumisi naman ako. "Tinatanong pa ba 'yan? Akala ko ba ay kilala mo ako?"

"Walang girlfriend si Lovimer pero ang chismis ay nagkakamabutihan sila ni Chariza Dela Vega."

"Oh, who's that bitch?" nakakunot-noo kong tanong.

"Tsk, labas-labas din sa lungga. Basta, isang superstar si Chariza."

"Singer, actress o what?"

"Both."

"Okay," tipid kong sabi at pasimpleng napangisi.

"Hey, don't tell me... Huwag mo ng ituloy, Beatrice."

"Ang alin?" inosente ko pang sabi.

"Ewan ko sa 'yo. Bahala ka nga sa buhay mo. Malaki ka na," sukong saad ng bruha. "Just be careful. Guiecos are dangerous just so you know," dagdag nito at lumabas na ng control room.

Dangerous? Talaga ba?

Ngumisi ako sabay ngisi. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Froizel kahit gabing-gabi na. Nakaapat pang ring bago sinagot ang linya.

"Trice?" bungad na sabi nito. Halatang nagising lang dahil sa tawag ko.

"Guieco Clan," bungad ko pa.

"What about our clan?" tila walang gana nitong usisa. Pinakanormal ng pananalita niya iyon.

"Wala ka pa bang planong sumali sa clan ninyo?"

"Wala."

"Bakit? Hindi ba at required sa inyo na sumali?"

"Hindi naman mandatory. Bakit?"

"Uhm... Gusto kong sumali."

"What?!"

Nailayo ko pa sa aking tenga ang cellphone dahil sa biglaang pagtaas ng boses nito.

"Please, Froi?"

"Why? Let me hear your reason."

"Wala lang. Boring na ang buhay ko. Pupunta ng ibang bansa si Ynna at ako na lang ang matitira dito. Baka mabaliw ako kapag wala akong mapagbalingan ng atensiyon," madrama ko pang sabi para pumayag ito.

Kapag kasi sumali ang isang ito sa clan nila ay posibleng maipasok niya ako. Magiging malakas na backer ko siya. Ang rinig ko ay matagal na siyang kinukumbinsi ni Ashmer na sumali, eh. Puwede rin siyang makipag-negotiate. Dalawa pa naman sila ni Aciekel ang habol ng clan nila.

"Pag-iisipan ko, Trice..."

"Really?! Thank you, Kuya Froi!" Mas matanda ito sa akin kaya tinatawag ko siyang kuya kapag naglalambing ako.

"Tsk. Matulog ka na, gabing-gabi na."

"Okay... Ah, may number ka ba ni Lovimer Guieco?"

"Lovimer? Bakit?"

Nakagat ko naman ang aking pang-ibabang labi. "Ah, nevermind. Sige na, goodnight, Froi."

"Goodnight."

Kaagad ko na pinatay ang tawag at napabuntonghininga na lang. Isa talaga sa ugali ko ang magtanim ng galit sa mga taong sa tingin ko ay may atrasong nagawa sa akin. Sa kaso ni Lovimer ay nayabangan lang talaga ako sa lalaking iyon.

["Are you playing with fire by engaging with that jerk? Do you believe you can deceive him? Do you think you can flirt with any guy you want? Have you even considered how dangerous that man is?"]

Ha! Flirt?! Hindi lang pala siya mayabang, ang judgment din. Nakakairita talaga! Humanda ka sa aking haduf ka! Ipapakita ko sa 'yo kung paano ako maging pakipaglaro sa apoy kagaya ng sinabi mo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status