Share

Taming The Bad Bitch
Taming The Bad Bitch
Author: LovieNot

CHAPTER 1- TARGET AND WITNESS

TAMING THE BAD BITCH

GUIECO CLAN SERIES #4

•••— BEATRICE SOLOMON POV—•••

"Uhm, Ma'am Beatrice?" patanong na sabi ng lalaking guard na siyang taga-suri na ticket sa entrance ng Six Qs Auditorium.

"Yes, that's me," pangungumpirma ko pa. "Darling," dagdag ko pa. Sinabi ko iyon sa walang boses na lumabas sa aking bibig. Sigurado naman akong nabasa nito ang buka ng aking bibig dahil saglit pa itong napatulala sa akin. Ngumiti pa ako nang matamis sa lalaki. Nasaksihan ko kung paano ito napalunok. "Pwede ba akong pumasok?"

"P-Puwedeng-puwede na p-po," nakangiti nitong sabi at nagkandautal pa.

"Remember my name, hmmm?" sabi ko pa sa malambing na boses sabay tapik sa braso nito. Malakas ang loob kong gawin iyon dahil wala namang nakasunod na sa akin. Sinadya ko talagang magpahuli.

Namula naman ang mukha nito. "Y-Yes... I will, Ma'am Beatrice."

Tsk. So fragile.

Ngumiti na lang din uli ako at humakbang na papasok. Katamtamang liwanag ang sumalubong sa akin. Hindi pa man nagsisimula ang party ay mukhang may tensiyon ng namumuo sa paligid.

Agad ko na inilibot ang aking paningin. Nagkamali ako nang isipin kong maliit lang ang lugar na ito para sa isang party.

This annual party is hosted by an elite group of women. They're all part of one clique, and all of them are social media influencers. I only know them by their faces because I haven't bothered to get to know them personally. It's a waste of time and attention.

I'm also sure that their organization is not limited to just them. They have associates, and that's what drives their modus operandi.

Anyway, I don't need anything from them right now, so I don't care whether they're good or bad.

Mula kasi sa aking kinatatayuan ay hindi na gano'n kalinaw ang kabuaan ng mga taong nasa stage. Mabuti na lang at isang VVIP ticket ang nabili ko.

Pagak akong natawa dahil sa mga mukha na tumambad sa aking paningin.

Aish, this place is full of bitches and jerks right now. Indeed, a bird of a feather flock together.

Halos lahat ay pamilyar sa aking paningin. Palibhasa ay sila iyong mga taong may mga lihim na atraso sa kanilang kapwa ngunit mabuting tao sa harap ng madla at ng cameras.

They're all just a devil in disguise. I just want to vomit just by saying their faces here.

Taas noong naglakad ako papunta sa aking dapat na pagpwestuhan. Nang matapat ako sa isang lalaki ay sinadya kong padaplisin ang strap ng suot kong black dress. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong nilingon ako nito at sinuyod ng tingin ang aking kabuuan.

Napako ang titig nito sa slit ng aking suot. Natural ang pagiging mestiza ko kaya naman mas lumilitaw iyon sa kulay ng sleeveless black dress na suot ko ngayon. Mabagal ang naging galaw ko para ibalik ang strap.

That's right. Ibigay mo sa akin ang atensiyon mo ngayong gabi, Mayor Bens.

Pasimple akong napangisi at marahan itong nilingon. Dahil masyado itong naging abala ito sa panghuhusga sa akin ay hindi na nito namalayan na nakatingin na rin ako sa kanya.

Walang alinlangang umatras ako nang pasimple at tumayo sa tabi nito mismo. Nagpanggap pa itong walang pakialame sa presensiya ko.

Tsk. I've already seen your true color, mayor.

"Uhm, hi?" bati ko pa. Pinagdikit ko pa ang mga braso namin. Mula sa reflection niya sa tatlong magkakadikit na wine glasses ay nakita ko kung paano siya pasimpleng ngumiti. Mali pala, ngumisi na para bang naka-hit ito ng jackpot.

Surely, he has a hidden desire for me. Who the heck could resist my beauty and charm?

"Oh, is it okay for me to join you?" sabi ko pa sa tono na hindi nito matatanggihan.

"Yeah, sure. I don't have anyone with me here," agad nitong sagot.

Ngumiti naman ako at kinuha ang isang wine glass at sumimsim nang kaunti lang.

"I'm Meshy, and you are?" pakilala ko pa gamit ang isang alyas. Hindi ligtas ang tunay kong pangalan sa mga kagaya niya.

"I'm Bens Muños," pakilala rin nito.

Kaagad naman akong tumango at inilahad ang aking kamay. "Nice meeting you, Bens."

Tinanggap naman nito ang aking kamay. Naramdaman ko pa ang kaniyang pagpisil sa likuran ng palad ko. "Nice meeting you too, Athena," aniya sabay kindat sa akin.

"Hey," malambing ngunit may halong pagmamaktol kong sabi. "My name is Meshy..."

"I know," bulong niya pa sa akin. Naramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa tenga ko. Nanindig tuloy ang balahibo ko sa batok. "But Athena suits you better because you're as stunning as a goddess."

Cringe. Tsk!

"Really? I've heard that too many times, but why does it feel so different when it comes from someone as handsome as you?" banat ko naman at ipinatong ang isang kamay ko sa cocktail table.

Nagkatitigan pa kami. Sa dami ng lalaking nakilala ko ay kabisado ko na kung anong klase ng tingin ang natatanggap ko mula sa dito.

He wants me. Great. I can clearly see the good signs from him.

"By the way, are you perhaps a model or a celebrity?" usisa ko na naman.

Hindi man lang ito nag-abalang ialis sa akin ang kaniyang paningin. "Why?"

"You look so familiar. Bakit parang nakita na kita dati?"

Bahagya naman siyang tumawa at umiling. "No, I am not."

"Really? I must be mistaken. Puwede ka ngang maging artista. You look like the main character in a dark romance movie, you know," komento ko na naman sabay ngiti sa kanya.

"I like dark romance too. If I were to star in that kind of movie, it would be exciting if you ended up as my leading lady."

Pasimple kong kinagat ang pang-ibabang labi ko at sinigurado kong makikita niya iyon.

"Really? I would love that too," sagot ko naman.

Especially when we end up killing each other. That would be so thrilling and exciting. I love that kind of ending.

Akmang magsasalita na ito nang pumailanlang ang sigawan sa loob ng auditorium. Nag-angat ako ng tingin at saktong may bandang lumabas sa stage.

Oh, Your Band is here. Magsisimula na ang party.

Isa-isa kong tinapunan ang mga celebrity na nasa stage. Napako ang aking paningin sa lalaking katabi ng main vocalist. Hindi bago sa akin ang bandang ito dahil sikat na sikat sila pero may isang miyembro na ngayon ko lang nakitang kasama nila. Baka bagong miyembro nila..

Ang kaninang tila bagot na bagot na crowd ay naging hype na lang bigla nang nagsimula silang tumugtog. Puro sigawan ng kababaihan ang pumailanlang.

"He's Lovimer Guieco. The new lead vocalist of the band," rinig kong sabi ng babaeng hindi kalayuan ang puwesto sa akin.

"Ang gwapo. Mukhang magpapalit na ako ng bias."

"Already did that. Siya na ang bet ko."

Guieco? Oh, that's why he's so familiar to me.

Pinakatitigan ko pa ang lalaki. Napahalukipkip ako at napakagat sa pang-ibabang labi ko. Napangisi pa ako nang pasimple nang unti-unti kong makita ang pagkakahawig niya kay Ashmer Guieco. He must be his cousin.

"Hey, you seems enjoying watching the band than talking to me," rinig kong sabi ni Bens. Agad ko naman itong tinapunan ng tingi.

You're right. I become more interested with that Guieco on stage than you, Bens Muños. Guiecos have surely their own distinctive charms.

"Oh, I'm sorry. I just love this band so much," sabi ko pa.

"Don't you like me?" walang emosyon nitong tanong at napatiim-bagang pa.

I love both men and women... I love watching them suffering and breaking into pieces. That makes the world fair and square.

"I like you more than anyone else in this room. Wanna hang out with me after this?" direktang tanong ko pa. Kaagad namang bumalik ang kinang sa mga mata nito.

Confirmed. He's a crazily pervert jerk acting like a faithful man.

"Of course, yes. Who am I to refuse?"

Pinigilan ko namang mapangiwi at sa halip ay ngumiti na lang.

Right. You won't refuse because this is your expertise, Mayor Muñoz. You love playing games with women.

Naramdaman ko ang kamay nitong naglakbay papunta sa aking bewang. Pinigilan ko ang aking sariling mapakuyom.

"Baka may makakita sa atin dito," paalala ko pa sa kanya.

"At?"

It's evident that he doesn't care. He knows it's a private event, and everything that happens here will remain a secret. The high ticket price is understandable, given that it includes identification verification upon purchase.

"At makarating sa fianceé o wife mo?" patanong ko pang dagdag.

Pinakatitigan ko ang mukha nito para pag-aralan ang reaksyon nito sa sinabi kong iyon. Nang makuha ko ang gusto kong reaction ay kunwaring natawa pa ako.

"Oh, sorry about that. I guess you don't have one yet?" nakangiti kong tanong. Sinigurado ko ring mababasa niya ang excitement sa pagmumukha ko.

"How about you? May boyfriend ka ba?" balik ng tanong nito sa akin. Halatang tinalunan lang ang tanong ko rin.

"I'm all yours," tugon ko sabay kindat sa kanya.

Ang kamay niyang nasa bewang ko pa lang kanina ay bumaba pa. Mariin akong napakuyom habang pinipigilan ang aking sariling magpakita ng kahit na anong negatibong reaksyon.

Suit yourself, Mr. Muños.

Sinalubong ko ang malagkit na tingin nito at isang pilyang ngiti rin ang pinakawalan. Ramdam na ramdam ko na ang tensiyon sa pagitan namin.

"I like you," tapat nitong sabi.

Bago pa ako nito nakabig ay nangibabaw ang palakpakan. Tapos na palang mag-perform ang YB Band. Pag-angat ko ng tingin sa stage ay aksidenteng nagtama ang paningin namin ni Lovimer Guieco.

Naalala ko na lang bigla na isang beses na pala kaming nagkatagpo ng landas at hindi maganda ang unang pagkikita naming iyon. Hindi ako sigurado kung nakikilala niya ako dahil high school pa kami nang mangyari iyon at saglit lang din. Sana ay hindi.

Target found. Witness unlocked. Huwag mong tatanggalin ang paningin mo sa akin, Lovimer Guieco.

Nginitian ko pa ito at halata rin sa pagmumukha nitong nagulat sa ginawa ko. Sa reaksyon niyang iyon ay mukhang naaalala niya nga kung sino ako. Hindi ko alam kung maganda o hindi magandang ideya ba iyon.

Nagsibabaan sila sa stage at magkakasamang naupo sa iisang mesa lang din na malapit sa amin.

"Uhm, patapusin pa ba natin ang party o aalis na tayo?" usisa ng lalaking nasa tabi ko. Ibinulong niya pa iyon sa akin. Marahas akong napapiksi. "Why?" nalilito nitong usisa dahil sa naging kilos kong iyon.

Pasimple akong umiling at naglakad papuntang exit door. Ramdam ko namang nakasunod sa akin si Bens Muños.

He's truly drawn to the flame. Tsk. He doesn't even notice that I'm holding matches right now. I might just burn him tonight.

Nang tuluyan na kaming makalabas ng venue ay napatigil ako sa paglalakad at hinarap ang lalaki. Walang tao sa kinaroroonan namin at hindi rin masyadong maliwanag.

Kumikinang pa ang mga mata nito na nakatitig sa akin. Hinintay ko rin itong makalapit sa akin. Malapit na malapit hanggang sa muling naglakbay ang mga daliri nito mula sa pisngi hanggang sa aking braso. Sinadya pa nitong padaplisin ang ang strap ng dress ko.

Hinyaan ko lang siya sa kanyang naging kilos. Inilapit nito ang kanyang mukha sa mukha ko para halikan ako pero mabilis pa sa hangin na naiharang ko ang aking palad sa pagitan ng bibig namin.

Nang maramdaman ko ang presensiya ng kung sino ay iyon ang naging hudyat para hawakan ang kamay nito para pigilan ito sa kanyang ginagawa at itinulak. Hindi ko naman nilakasan. Sakto lang na magkaroon kami ng konting distansiya. Hindi pa tapos ang palabas naming ito.

"Bakit mo ako sinundan?" paasik kong sabi. Saglit naman itong natigilan.

"Excuse me?" nalilito nitong sabi.

"Stay away from me, Mr. Muños!" malakas kong deklara.

Napatulala pa ito sa akin ng ilang segundo at nang makabawi ay unti-unting gumuhit sa labi nito ang maruming ngiti hanggang sa ngumisi ito.

Padarag na hinawakan nito ang braso ko. "Bakit ka biglang nag-iinarte, ha? Hindi ba at gusto mo ito?" asik nito habang ibinulong lang ang linyang iyon sa akin.

Pasimple akong ngumisi at sinubukang bawiin ang aking braso mula sa pagkakahawak nito. Malakas ito kaya imbes na makalayo ako ay mas lalo lang akong napapalit sa katawan nito hanggang sa halos yakap na ako nito

"Aish, jerk!" saad ng boses lalaki mula sa aking likuran. Kasabay niyon ay ang pagtama ng dalawang magkasunod na suntok sa mukha ng manyak na mayor.

Hindi na ako nagulat pa kung nayayamot na mukha ni Lovimer Guieco ang bumungad sa aking paningin. Siya rin ang sumuntok kay Bens.

He's obviously a secret agent. Cool.

Nanatili lang akong nakatayo at nagpanggap na natatakot sa kaganapan. Pag-angat ng tingin ni Lovimer Guieco ay nagtama pa ang aming paningin.

"Son of a bitch!" singhal din ni Bens.

Sinubukan pa nitong gantihan siya pero mabilis pa sa hangin na nahila niya ako para iiwas sa lalaki. Lumapat pa ang aking bibig sa kanyang pisngi pero mukhang masyado siyang nakapokus kay Bens para mapansin iyon.

He smells so good, damn it!

Nakita ko pa kung paano niya pinatid ang isa nang sumugod na naman ito. Dahil doon ay bumagsak na naman sa sahig ang kawawang mayor. Gusto kong tumawa pero siyempre hindi ko magagawa iyon. Mabibisto lang ako.

"Hind pa ba tapos? Gusto ko ng matulog," rinig kong reklamo ng pinsan kong si Ynna sa kabilang linya. Inayos ko ang pagkakalugay ng buhok ko para hindi nila mahalata ang listening device kong suot.

Napapitlag ako nang bigla na lang apakan ni Lovimer ang likuran ni Bens. Nakahandusay pa rin kasi ito sa sahig. Malakas yata ang pagkakabagsak nito.

"Wala ka pala, eh. Babae lang pala ang kaya mo," may diin niya pang sabi at hinayaan na ang isang makatayo.

Babae lang? Sarap ding lumpuhin ng isang ito.

Sinuyod ako ng tingin ng lalaki at marahas pang dumura. Akala mo naman kung gwapo.

"You think you are that beautiful, huh?" puno pang-iinsulto nitong tanong sa akin. Tumuwid naman ako ng tayo at taas-noong sinalubong ang tingin nito.

"If you think I am not... Think about it again," sarkastikong tugon ko rin.

"You're a bitch!"

"A high level one," walang gana kong sagot.

Akmang aatakehin ako nito nang marahas din akong nahila na naman ni Lovimer papunta sa kanyang likuran.

Oh, as fast as the wind.

"Sino ka ba, ha?!" galit na tanong ng mayor.

"Secret," pilyo niya pang sagot.

"Bakit ka ba nangingialam? Don't you know who I am?!" galit na sabi ni Bens.

"I know who you are, Bens Muños. Very. Well." May diin pa ang bawat salitang iyon.

Lumapit pa siya sa lalaki at may ibinulong. Halata sa mukha ni Muños ang gulat at pagkasindak.

Napakunot-noo naman ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Ano kayang sinabi ng isang ito?

Nang makalayo siya sa mayor ay agad na hinawakan ang aking kamay at hinala papuntang parking lot.

"Hey! Teka lang! Hindi pa ako tapos sa lalaking 'yon!" sabi ko pa habang nagpupumiglas.

Pakiramdam ko kasi ay hindi pa sapat ang footage na meron ako. Hindi pa ako satisfied. Hindi sa gano'ng paraan lang matatapos ang lahat.

Hindi pa bayad ang isang iyon sa panghihipo sa akin.

Damn this Guieco! Akala ko pa naman ay makakatulong. Hindi naman pala! Nakakainis!

"Anong hindi pa tapos?! Balak mo ba talagang ma-sexual harass... I mean, look, hindi basta-bastang tao ang isang 'yon!'

Parang gusto kong magtakip ng tenga dahil sa lakas ng kanyang pagsasalita. Halata ring gigil na gigil siya kay Bens Muños.

Pero anong sinabi niya para maging gano'n ang reaksyon ng isa? I am so damn curious!

Tumigil kami eksakto sa kinaroroonan ng aking kotse. Kaagad kong binawi ang aking kamay.

"Tsk, tsk. What are you doing, Beatrice Solomon, huh?" usisa niya pa sa akin habang nakataas-kilay pa.

"I refuse to answer your question, Mr. I-don't-know-who," kaswal kong sabi habang nakahalukipkip pa.

"Wow, ha? Hindi ka pa rin nagbabago. Hindi mo na ako nakikilala?"

"I don't know who you are," pagkakaila ko pa.

Saglit pa kaming nagkatuosan ng tingin. Wala naman ding nagbago sa kanya, eh. Kung makapagsalita ay akala mo naman ay may pinagbago din siya. Baka nga lahat sila ay gano'n at gano'n pa rin silang magto-tropa. Nagkakampihan.

Psss! Mga naturingan pang pamilya ng secret agent!

Alam ko ang sekretong clan ng pamilyang Guieco dahil kay Froizel Guieco. Magpinsan kami ni Froi dahil magkapatid ang mga ina namin. Ang alam ko ay first cousin niya rin itong lalaking nasa harapan ko ngayon. Halata naman dahil halos copycat ang mga mata nila. Malakas talaga ang bloodline ng Guieco.

"Excuse me, gusto ko ng umuwi," sabi ko na lang at marahang hinawi siya. Nasa harap kasi siya ng sasakyan ko nakatayo.

"Hoy, wala man lang bang thank you?" nagugulat niya pang sabi. "You're unbelievable."

"Thank you, ha?" sarkastikong sabi ko at umirap pa sa ere.

"Hindi mo ba talaga ako nakikilala?" pamimilit niya pa. Parang natuod pa ako sa aking kinatatayuan dahil sa biglang paglapit niya ng kanyang mukha sa mukha ko. Saglit lang naman iyon, lumayo kaagad siya. "Zinoom-in ko na ang mukha ko. Hindi mo pa rin ako kilala?"

Zoom in what? He's crazy.

"Ilang beses ka bang ipinanganak? Bakit ang kulit mo?" pagtataray ko na talaga.

"Ilang beses ba dapat ipinapanganak ang isang tao?"

"Tao ka pala?" bulong ko pa at akmang bubuksan na ang kotse ko nang pigilan niya ako

"Narinig ko 'yon!"

"Hindi ka naman siguro bingi."

"Foul question 'yon, ha?!"

Psss! Kalalaking tao pero ang tinis ng boses.

"Bakit ka nakasigaw? Gusto mo bang ikaw ang ipadampot ko sa mga pulis tutal naman ay sinira mo ang..." Natigil ako sa pagsasalita bago ko pa masabi sa kanya ang totoong motibo ko sa paglapit ko sa lalaking iyon.

"Sinira ang? Don't tell me..." Pinakatitigan niya pa ako.

Pasimple akong napalunok. "What are you talking..."

"Are you playing with fire by engaging with that jerk? Do you believe you can deceive him? Do you think you can flirt with any guy you want? Have you even considered how dangerous that man is?" panenermon niya pa sa akin na para bang close kami o ano.

Tsk. Overreaction din ang lalaking ito.

"Whatever, Lovimer Guieco. Whatever!" asik ko rin at nagmamadali ng pumasok ng aking sasakyan.

Binusinahan ko pa siya para makadaan ako. Inambahan niya pa ako ng sutok. Mabagal pa talaga ang paghakbang na ginawa niya. Gusto ko na lang siyang bundolin.

"Trice," rinig kong untag sa akin ni Ynna. Halos makalimutan kong naka-monitor lang pala ito sa kaganapan.

"May nakuha ba tayong pang-content sa channel natin ngayon?" usisa ko pa.

"Of course, yes! Exciting ang magiging episode natin ngayon. Thanks to Lovimer Guieco, tama ba ako?"

Napairap naman ako. Sana naman ay hinding-hindi na mag-cross pa ang landas namin.

Well, I must admit that he's a great addition to our show, but still. He has the talent for getting on my nerves.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status