PINALO ni Aiah ang asawa sa dibdib. Hindi bagay dito ang magpatawa. "Ako, dangerous? Nagpapatawa ka ba?" And despite her efforts to get away from him, pinalo na niya ito at lahat, still hindi siya nakaalis sa mga braso nito. "Pwede ba na ibaba mo ako?" "Ano na lang ang aakalain ng mga tao? That we're happily married couple?" "Bakit hindi?" Sagot nito sa kanya. "That's the goal, right?" She's not lightweight. While she may be slim, she's building and toning her muscles in the gym. Nitong huling linggo nga lang ay hindi siya nakapag-work out dahil sa preparations ng kanilang kasal. At mukhang malabo na dahil sa trabaho niya. At para bang ang gaan gaan niya. He's lifting her with ease. At ramdam ni Aiah ang lahat ng tinatagong lakas ng asawa. Rodrigo is fit, with lean muscles, and never an ounce of stubborn fat! Naiyamot siya ng bahagya. "Ah, hindi," aniya nang maibaba siya nito sa harap ng sasakyan. "Wala iyan sa napagusapan..." "Ang gusto ko ay akitin ka tap
TULAD ng laging nangyayari, mabilis ang oras at araw kay Rodrigo kapag trabaho ang pinaguusapan. Lagi't lagi ay kulang ang oras para matapos ang lahat. His meeting with Vicente Villegas was a little bit brief. At pagkatapos noo'y may pinuntahan pa siya sa Makati na isang proposed site para sa isang business expansion. He's supposed to head back home. Mabuti na lang at naalala niyang magkasabay silang dalawa ni Aiah na pumasok kaninang umaga. With that in mind ay nagpasya siyang bumalik ng Dela Costa Estate. Pwede niyang ipasundo ang asawa sa driver pero hindi niya ginawa. That would be irresponsible on his part as her husband. Pero hindi niya tinanggal ang posibilidad na wala na ito sa opisina. Knowing her, baka agad din nitong sinukuan ang tila napakaimposibleng gawaing iniwan niya. Well, naiintidihan niya ang sentimyente ni Aiah. Sino nga ba naman ang magtitiyaga sa mga papel na iyon? Not the Aiah Villegas that he knew. It took her one hour to arrive at the parking l
MADALAS nang nakakaligtaan ni Rodrigo ang mag-lunch. As soon as he dismissed Aiah from the basic lesson, agad niyang sinumulan i-check ang mga papeles sa kanyang table. Hindi niya pinansin ang kanyang cellphone na kanina pa may notification. Wala siyang panahon na mag-baby sit sa mga loko-lokong iyon. Imagine his dismay when the three of his executives turned friends almost brawl in front of his wife. Wala na talagang piniling oras at lugar ang kalokohang ng mga ito. Oo, kalokohan dahil nag-ugat lahat sa babae ang pagaaway nila. Ah, ano ba ang mayroon sa mga babae para kabaliwan ng mga lalaki? Iyon ang naglalaro sa isip ni Rodrigo habang nagpapalitan ng mga salita sina Kyle at Liev. Hindi niya pa alam ang buong kwento at wala siyang balak alamin. Ito na nga ba ang sinasabi niyang walang magandang dulot ang pagkakaroon ng babae sa buhay. Hinayaan niyang halos magpambuno ang dalawa habang nagiisip. At naalala niyang nandoon si Aiah sa loob ng meeting room. She looked sma
NANG matapos ang pirmahan ng kontrata ay nakinig si Aiah sa maikling orientation mula kay Gina. Dismayado siya sa nilalaman ng papel pero wala siyang magawa. Tipong hinahamon talaga nito ang katatagan niya. At nuncang ipakita niya sa asawa na hindi niya kaya hamon nito. She'll learn about this goddamn secretarial job the soonest possible time. "You're good to go, Mrs. Dela Costa---" "Aiah na lang, Gina," naririndi siya sa kakatawag nito sa apelyidong iyon lalo pa't asar talo na naman siya sa asawa. "Kapag tayo lang ang magkausap, call me Aiah. Masyadong formal.." "Well, Aiah. Hayaan mong ihatid kita sa top floor," prisinta ng huli. Mukhang nakuha niya ang kiliti ni Gina. Kung tutuusi'y mabait ang huli, masyado lang pormal dahil working hours pa. Aiah learned that Rodrigo's previous secretary, Ofelia, resigned due to family reason. Na ang magalaga sa apo ang priyoridad nito ngayon. It's been months since she left. At kahit madaming aplikante vying for the positi
"THE hell!" Nakita ni Stacey ang balitang kasal na si Aiah Villegas kay Rodrigo Dela Costa. And it was just yesterday! Kakababa niya lang ng eroplano galing Davao nang mag-check ng kanyang social media. At hot topic ngayon ang unexpected wedding ng mga ito. Stolen photos are everywhere. "Bakit hindi ko ito alam?" Nawala siya sa sirkulo ng ilang araw dahil sa drama ng kanyang pamilya na naka base sa Davao. It's something critical, related sa kanyang mana, at hindi pa rin naresolba. Still, she got back to Manila for a change of pace. At kulang ang sabihing nagulantang siya sa balitang kasalan na iyon. At tinotoo nga ng gaga ang sinabi nito? Pakiramdam tuloy ni Stacey ay iniwan siya ng kaibigan sa ere. With that thought in mind ay madali siyang nag-hire ng taxi. Dapat sana'y magpapahinga siya sa sariling condo pero naisip niyang mas urgent na makita niya si Aiah. Baka naman nabibigla lang ang huli? Baka hindi nito alam na ang kasal ay hindi parang mainit na pagkain na kap
KINABUKASAN ay laman na ng bawat pahina ng entertainment at business section ang kasal ni Aiah Villegas sa CEO na si Rodrigo Dela Costa. Naipalabas na din sa isang sikat na showbiz news ang balita, with stolen pictures from their way out of the mansion at maging sa reception. Maraming natuwa, congratulating the newly weds. May ibang nagpahayag na scripted and kasal tulad ng sa mga telenovelas. At ang natitira ay walang pakialam sa buhay nilang dalawa. Tama ang hinala ni Aiah. She couldn't sleep the entire night! At gusto niyang mainggit sa lalaki. Bakit na kahit magkatabi sila sa iisang kama'y ang daling lumalim ng tulog nito? Walang nakapagsabi sa kanya na sheer torture ang unang gabi ng may asawa! "Aiah, are you born in a cave or what? Unang gabi ninyong mag-asawa at walang nangyari. Yes, this is sheer torture!" Diin pa ng kanyang isipan. She scoffed at mas lalong kinipkip ang comforter sa kanyang dibdib as if protecting her. She's lying at the far edge of her side o