MAGANDA ang nasisilayan ni Aiah ng mga sandaling iyon. Nagkalat sa langit ang kulay kahel na dulot ng papalubog na araw. Kay payapa ng alon sa dagat habang binabaybay niya ang kahabaan niyon. Hindi niya alam kung bakit siya malapit sa dalampasigan. Ni ang lugar ay hindi niya alam. Wari'y nananaginip siyang tunay.
She's wearing a simple floral dress na umabot hanggang kalahati ng kanyang hita. Bitbit ang isang pares ng sandalyas, tapak niyang nilalakad ang pinong buhangin na hindi alam kung saan ang dulo. She kept walking and appreciating the view. Kung hindi lang biglang dumating ang isang bugso ng hangin ay hindi matatapos iyon. Nalipad ang kanyang wide brimmed hat. Tumalikod siya at hahabulin sana ang sumbrerong natangay nang mapako sa kinatatayuan. Ilang dipa ang layo sa kanya ay isang lalaking palaging nagpapakita sa kanyang isipan. Napakakisig nito sa suot na puting polo at pantalon. And heavens! Nakabukad ang baro nito at para bang pinagpala ang kanyang mga mata sa nakikita. Bakit ba parang nandito na ang lahat? Hawak nito ang kanyang sumbrero. His intent gaze was scorching. Nakakapaso ngunit hindi magawang ilayo ni Aiah ang tingin sa lalaking ngayo'y papalapit. He's taking his sweet time crossing the gap between them hanggang sa nakatayo na ito mismo sa kanyang harap. A typical scene on a Mexican novela. She thought about Rosalinda. And when things about to get heated, that's when she's brought back to reality. "Aiah Villegas!" Umalingawngaw ang boses na iyon ng kanyang lolo. Napabalikwas siya ng bangon at napalingon sa entrada ng kwarto. Nawala ang agiw sa kanyang ulo at napaltan ng kaba. Vicente Villegas was seriously mad. At katabi nito si Reese na halos isiksik ang sarili sa tabi ng kwarto sa takot dito. "Alam mo ba kung ano'ng oras na?" "It's..." She saw the wall clock. "Half past one in the afternoon..." "Yes, ala una na, Aiah. At alam mo ba kung ano'ng araw ngayon?" Dugtong na tanong pa ng kanyang lolo. Napapikit siya. Wala siyang maalala. Dahil ba sa naparami siya ng inom kagabi? Ni hindi nga niya matandaan kung paano siya nakauwi. Siguro'y may utang na loob na naman siya kay Jordan. Nainip, ito na mismo ang sumagot sa sariling tanong. "Kasal mo ngayon, Aiah Villegas. Kung ayaw mong magalit pa ako ng sobra, make haste!" "In thirty minutes ay dapat nasa baba ka na," and he walked out dignified. Siya naman ay parang nabuhusan ng malamig na tubig. Reese approached her, still shaking in fear. "Bago pa bumalik si Sir, Miss Villegas, mabuti pa ay mag-prepare na tayo." "I'm doomed, Reese," at tatakbo siyang nagtungo sa bathroom at mabilisang naligo. Never again will she drink too much before a special event. Siya lang ata ang babaeng nakalimutan ang araw ng sarili niyang kasal! ~•~ SINIKO si Rodrigo ng kaibigang si Paulo Imperial. May nakakalokong ngiti sa mga labi nito. Hindi niya binigyang pansin ang loko. Wala naman dapat ang lalaki ng mga oras na iyon sa mansiyon ng mga Villegas kung hindi nito nalaman ang isang pribadong bagay, ang kanyang kasal. Paulo practically invited himself. He's also someone with vast connections. Sa madali't sabi'y piniga nito ang impormasyon sa kanya in exchange of something valuable in business. Mabuti at kaibigan niya ang huli't kung hindi'y mahirap itong kalaban sa negosyo. "Mukhang iniwan ka sa ere ng magiging asawa mo?" Paulo joked na dinig ng iilang miron na nasa binihisang hardin ng mansiyon. "Ilang oras pa ba tayo maghihintay dito?" "Will you shut your mouth, Imperial, or I will personally throw you out?" He mumbled. Pero sa totoo'y gusto na niyang kaladkarin ang babae kung nasan man ito naroroon papunta sa harap ng altar. No one had ever dare to humiliate him this much! Isa lang ito sa mga araw na pangkaraniwan sa kanya. Rodrigo just squeeze this moment into his already hectic schedule. Pagkatapos ng seremonyo kailangan na niya agad umalis para sa isang business convention. The honeymoon could be scheduled on a later date. "Rodrigo, brother, your absolutely disregarding your marital rights! Kaya mo bang iwan si Aiah sa unang gabi ninyo bilang mag-asawa?" Pagtuligsa ng isang bahagi ng kanyang isipan. "One hour," sabi niya sa sarili pero dinig ng lahat ng naroroon. "Maghihintay pa ako ng isang oras..." "And if there's no Aiah Villegas to show up, then will wrap things up. Walang kasalang magaganap." Pinal niyang desisyon. Paulo whistled. "That some harsh words, Rod. Pero may kutob akong susulpot si Aiah. Why? She's Aiah Villegas for Pete's sake." At muli' binuntutan nito iyon ng tawa. To cool his head off, lumayo muna si Rodrigo sa mga tao. Bukod kay Paulo at Vicente Villegas, ay wala ng iba pang witness sa kanilang kasal. Present din ang huwes na siyang magkakasal sa kanilang dalawa ni Aiah maging ang secretary nito. Sa reception naman ay silang dalawa lang ng asawa ang pupunta. Both Paulo and his soon-to-be grandfather-in-law agreed that it'll be the only two of them and no one else. Funny how just last night he ended up taking care of a seemingly drunk Aiah Villegas. Bakit nga ba siya nasa bara na iyon kagabi? Ah, Paulo insisted on a bachelor's party but then he rejected the idea at nauwi silang dalawa sa isang kilalang bar sa Makati. Ni hindi niya nagawang makainom ng isang basong alak dahil nakita niya si Aiah sa ganoong estado. She's enjoying her sweet time talking with the bartender. The ironic part was he's pissed off at the sight. Sakto namang makalapit sa babae nawalan ito ng balanse. And the rest is history. "I'm sorry you have to see her in this state," iyon agad ang bungad sa kanya ni Vicente Villegas upon arrival in the middle of the night. He's carrying her bridal style. Mahimbing na ang tulog ng babae sa kanyang mga bisig. "Normally, she's not like this---" "Probably thinking the last to do before getting married, I get her," At siya na mismo ang nagdala kay Aiah sa kwarto nito. He even tucked her to bed before leaving the place. Habang naglalakad si Rodrigo'y nakita niya ang malaking portriat ng mag-lolo sa sala. Aiah looked like a sweet child in the picture. A literal spoiled child. But however he sees it, she's not your typical rich kid. Aiah got some sense. She got some fire within her that wanted to be released. Rodrigo glanced at his wrist watch. Kalahating oras na ang nakalipas mula sa kanyang ibinigay na palugit. Nakababa na si Vicente Villegas at inanunsiyong nagaayos na ang kanyang apo. The old man didn't further explain the delay pero may hinala siya. Na nawala sa isip ng babae na kasal nilang dalawa ngayong araw. Damn! It's just a speculation on his part but it did bruise his ego. Paulo came in, pulling him back from his train of thoughts. Inakbayan siya nito at iniharap sa entrada ng sala. "Here comes your lovely wife, Rod. And she's beautiful by the way." Damn right! Tama si Paulo na nag lumingon siya ay hindi makuha ni Rodrigo ang mga tamang salita. Pero bakit nais niyang burahin sa mundon iyon ang kaibigan? Had he gone mad as another man complimented his woman?"HI! This is Aiah Villegas speaking. How may I help you?" Sagot ni Aiah sa telepono habang gumagawa ng monthly expeditures. "Aiah Villegas - Dela Costa, apo. That's the right name..." "Lolo!" na nang mabosesan ang nasa kabilang linya ay natuwa siyang lubos. Gumugit ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. "I miss you so much!" Na siyang totoo. "You don't, Aiah. Dahil kung oo ay nakumusta mo man lang ako matapos mong ikasal. And it's been a week. You hurt me, apo," he sound wounded but Aiah knew better. Nagpapaawa ang matanda. That tactic won't work to her. "Well, guilty as charge. Kasalanan ito ng manugang ninyo. I'm working nonstop here at kulang na lang ay pati gabi ay gawin ko ng umaga," she joke. Her grandfather hearty laugh on the other line flatter her heart. Oh, she missed her old man. Siyang tunay. Isang linggo na ang nakalipas nang maikasal sila ni Rodrigo. She's already getting used to with the work load. Isinasama na din siya ng asawa sa mga m
"NOTHING serious, Aiah," Tumayo si Paulo at tinapik sa balikat ang asawa. "That's all the news I have for you. Alam mo na ang gagawin mo." At mabilis na nagpaalam ang lalaki sa kanilang dalawa, leaving them alone and strangely awkward. Tumikhim siya at ibinigay dito ang mga dalang folders. "Someone from the Finance department handed this to me. For signature mo daw." She briefly said. Tinanggap nito ang mga iyon at isa-isang pinirmahan. Well, he did scanned it briefly before affixing his signature. At nang matapos ang pirmahan ay niyakag na siya nitong muli sa top floor. She had no intention to eavesdrop. Nagkataon lamang na naandoon siya para sa mga papeles. Iyon lang. Wala naman siyang pakialam sa mga extra activities nito. Aiah looked at her husband. He's indeed beautiful. Lalaking-lalaki ang dating but not in a macho way. He's confident. He's domineering. He's dominating. Lahat na ng qualities ng isang dignified alpha male ay nandito. At ang laking bonus na isa
ALAM niyang magaling magtrabaho si Rodrigo. Aiah had research the man before they even got married. His accomplishments where everywhere. Ilang beses na ding naging feature article ito sa mga business columns. They kept saying that Rodrigo Dela Costa was a protégé of her grandfather. Isa iyong bagay na hindi niya maintindihan. Vicente Villegas was nothing but serious when it comes to running his empire. Ruthless? Hindi siguro. Alam lang ng kanyang lolo kung ano ang gusto nito. And was wanting the best for business ruthless? Was being selfish even a bad thing in the industry? Mga ipokrito na lang ang magsasabing nakarating sila sa kung saan sila naroroon ng walang ginagawang under the table tactics. Not that she's saying her grandfather had done those dirty tricks. Malinis maglaro ang kanyang lolo. At palaging tama ang baraha na ginagamit nito. "What?" Tanong nito sa kanya. Kakatapos lang ng meeting nito with the members of the board. Isang oras ang itinagal niyon. At kasam
NAGLUTO si Rodrigo ng isang pasta dish para sa kanilang hapunan. Kung tama ang hinala niya ay Napolitan iyon. He make her come to the dinner table and serve her well afterwards. Usually ay hindi siya kumakain sa gabi o nakakalimutan lang talaga madalas. Pero nang maamoy niya at malasahan ang pasta ay tila siya natauhan. Napakasarap niyon! "This is delicious!" Hindi ni Aiah napigilang isambulat habang patuloy na kumakain. Hindi sa wala siyang finesse. Marunong lang siyang mag-appreciate ng masarap na pagkain unlike other women na more onto salad. She likes her meat and proteins! "Can I have another serving?" Inabot niya ang plato sa asawa. "What?" She asked, looking at Rodrigo with that knotted forehead. Umiinom na siya ngayon ng isang baso ng malamig na tubig. Grabe! Hinimas niya ang kanyang tiyan. Sobrang busog niya. "Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng magana kumain?" "Oo," tapat nitong sinabi. "But I like it. Gusto ko na magana kang kumakain, not minding your figu
PINALO ni Aiah ang asawa sa dibdib. Hindi bagay dito ang magpatawa. "Ako, dangerous? Nagpapatawa ka ba?" And despite her efforts to get away from him, pinalo na niya ito at lahat, still hindi siya nakaalis sa mga braso nito. "Pwede ba na ibaba mo ako?" "Ano na lang ang aakalain ng mga tao? That we're happily married couple?" "Bakit hindi?" Sagot nito sa kanya. "That's the goal, right?" She's not lightweight. While she may be slim, she's building and toning her muscles in the gym. Nitong huling linggo nga lang ay hindi siya nakapag-work out dahil sa preparations ng kanilang kasal. At mukhang malabo na dahil sa trabaho niya. At para bang ang gaan gaan niya. He's lifting her with ease. At ramdam ni Aiah ang lahat ng tinatagong lakas ng asawa. Rodrigo is fit, with lean muscles, and never an ounce of stubborn fat! Naiyamot siya ng bahagya. "Ah, hindi," aniya nang maibaba siya nito sa harap ng sasakyan. "Wala iyan sa napagusapan..." "Ang gusto ko ay akitin ka tap
TULAD ng laging nangyayari, mabilis ang oras at araw kay Rodrigo kapag trabaho ang pinaguusapan. Lagi't lagi ay kulang ang oras para matapos ang lahat. His meeting with Vicente Villegas was a little bit brief. At pagkatapos noo'y may pinuntahan pa siya sa Makati na isang proposed site para sa isang business expansion. He's supposed to head back home. Mabuti na lang at naalala niyang magkasabay silang dalawa ni Aiah na pumasok kaninang umaga. With that in mind ay nagpasya siyang bumalik ng Dela Costa Estate. Pwede niyang ipasundo ang asawa sa driver pero hindi niya ginawa. That would be irresponsible on his part as her husband. Pero hindi niya tinanggal ang posibilidad na wala na ito sa opisina. Knowing her, baka agad din nitong sinukuan ang tila napakaimposibleng gawaing iniwan niya. Well, naiintidihan niya ang sentimyente ni Aiah. Sino nga ba naman ang magtitiyaga sa mga papel na iyon? Not the Aiah Villegas that he knew. It took her one hour to arrive at the parking l