"Miss!"
"Miss Villamor!" Huminto ang sasakyan malapit kina Sam at Alex, at mula sa driver's seat ay lumabas ang assistant driver ni Julian. Panay kasi ang pagsigaw ng driver ngunit patuloy lamang sa paglalakad ang dalawa kaya napilitan itong huminto. Napahinto rin ang dalawa sa paglalakad at napalingon ang mga 'to. " Teka...'yan yung sumundo sa'tin kanina diba?" Tanong ni Sam habang inaaninag ang papalapit na lalake. "Oo, bilisan mo baka inutusan na naman 'yan ng amo niya para mambwisit," magaspang na sagot ni Alex at mabilisan na hinila ang kamay ni Sam. "A-aray, sandali lang naman Alex..bakit ano ba'ng nangyari kasi," tanong nito habang mabilisan silang naglalakad. "Hayyss! long story, bilisan mo." Atat nitong sagot at hindi pa rin tumitigil sa paglalakad. "Miss Villamor! Inutusan ako ni Mr. Evans na ihatid ko na raw po kayo kasi lumalalim na po ang gabi." Mabilisang sagot ng ginoo nang papalapit na ito sa dalawa. "Hindi pa malalim ang gabi saka isa pa may iba pa kaming pupuntahan!" Sagot ni Alex at maya-maya pay ay inalis nito ang kanyang heels at binibitbit gamit ang kamay at pilyong ngumiti at tuluyang tumakbo ito ng mabilis habang si Sam ay hingal na hingal. Napahinto na lamang ang driver at napakamot sa ulo nito at maya-maya pa ay mabilisan itong bumalik sa sasakyan na kanyang minamaneho upang muling sundan ang dalawa ngunit nakalayo na ang mga ito. ----- "Lex sandali lang.....hooo!, di mo ako sinabihan na tatakbo lang pala gagawin natin sa ganitong suot...saka lakas din ng tama mo ihahatid na nga tayo, tinanggihan mo pa. Tingnan mo itsura natin oh' mukha tayong nag-rereyna Elena na ewan, mahuhubaran na tayo kakatakbo Lexxxx...." Pagrereklamo nito habang inaayos ang gown nito. Napagtanto ni Alex na nailigaw na nila ang driver ni Julian kaya nakahinga na ito ng maluwag kaso nakaramdam ito ng panganib sa lugar kung saan sila huminto upang magpahinga. Ang lugar ng Holocaust memorial ng Thessaloniki sa Greece ay vandalized at tila pugad ng mga kriminal dahil sa kakaibang pakiramdam ni Alex. Mga ilang minuto pa lamang ay nagsilabasan ang mga grupo ng kalalakihan at nakakatakot ang mga pagmumukha ng mga ito, pati ang mga bote na nagsikalatan doon ay walang awa nilang pinagtatadyak habang tumatawa sila ng nakakaloko at mga hiwayan na tila hayok sa laman. "Lex...namali ata tayo ng lugar na pinagtambayan," sagot ni Sam na may halong pag-aalala sa tinig nito habang nakakapit sa kamay ng kaibigan. Ngunit hindi nagpakita ng kahinaan si Alex bagkus ay kalmado lang ito upang hindi ma-trigger lalo ang kaibigan. "Lex..tumakbo na tayo, mukha silang mga adik eh," muling sagot nito at hindi na niya magawang magbiro. "Hey beauties, looks like you're lost, or maybe you want to have some fun here with us," they said, laughing. Lalong tumaas ang balahibo ni Alex nang akma na nitong lalapitan ang dalaga upang pagtangkaan sila habang panay ang hiyawan ng iba nilang kasama. Mukhang mga nakadroga ang mga ito. "Ave Maria anak ka ng! Ahhh!!!" Sigaw ni Sam nang hilahin siya at paghahalikan ng isa sa mga lalake, pilit itong nagpupumiglas ngunit nangibabaw ang lakas nito. Ilang sandali pa lamang ay may kung anong tunog ng motorsiklo ang bumarurot sa mga ito. Napatigil ang mga grupo ng mga kalalakihan at mula sa liwanag ng street lights ay inaaninag nila kung sino ang paparating. Huminto ang motor malapit sakanila at mabilisan itong nagbitiw ng salita sa kalmado at malalim na boses. "Is that how you try to impress women?" He chuckled while wearing his helmet. "Try being a gentleman sometimes, because if you don't..." "Then what!" Maangas na sigaw ng isa sakanilang leader at tinapunan niya ito ng matatalim na tingin. He slowly took off his helmet, revealing his face, charming yet may pagka-astig ang awrahan nito at may pagkakahawig sa music tiktoker na si Johnny Valentine. "Because if you don't, I'll be forced to. . .. take you down one by one," he said with a smirk at dahan-dahan niya'ng inilabas ang baseball bat niya "Seriously? Take us down using that bunny toy? Who the f*ck are you!" Matapang na sagot muli ng isa sa pinaka-leader nila. " How dare you to ask who I am?!" Sagot nito and without a warning hinataw nito gamit ang kanyang baseball bat ang mga kalalakihan. "Ay palaka! Sige hatawin mo pogi!" Sigaw ni Sam habang pinapanood ang kaguluhan. Tahimik lang noon si Alex at tila nag-slow motion ang mga galawan ng lalake habang nakikipag-bugbogan sa mga masasamang nilalang na ito. Mabilis ang mga pangyayari, namimilipit at umuungol sa sakit ang tatlong lalake dahil hindi effective ang dami nila kumpara sa lakas ng isang estranghero na lalaki na tila'y sumulpot na lamang bigla na parang knight in shining armour ng dalawa. Natakot ang tatlo nang tapunan ni Brent ng matatalim na tingin ang mga lalaki at paika-ika silang naglakad palayo sa lugar na 'yon. " Hey ladies, why are you roaming around in the middle of the night? Wearing that kind of revealing dresses?" Sagot nito ngunit kalmado lamang habang inaayos ang leather black jacket nito. "You don't want to get in trouble, but look at yourselves...you almost caught by those gangs." Muling sagot nito habang ikinakalat ang paningin sa paligid upang siguraduhin na wala na ang mga lokong nantrip sakanila. "T-Thank you..." mahinahong sagot ni Alex habang nakayuko, "where are you heading too?" Muling tanong ni Brent. Napakamot ng ulo si Sam at sinabing, "Sa apartment namin kaso....naligaw ata kami," she said na may pag-aalanganin sa mukha nito. "Tell me your address at ihahatid ko na kayo." Pagmamagandang loob na sagot nito. "Marunong ka palang magtagalog? Kanina pa namimilipit dila ko kaka-english mo." Sagot ni Alex, tumawa nang bahagya si Brent at sinabing, "I was raised in the Philippines pero ang dad ko taga dito and....may business party sila, hindi na ako nag-attend kasi it sounds boring, and parang galing kayo do'n dahil sa mga suot n'yo." ' Ah, so mayaman din pala ang isang 'to pero napaka-humble.' 'Yan na lamang noon ang sumagi sa isipan ni Alex habang natutuwa itong nakatitig sa binata. " By the way, I'm Alexandra Villamor...at...s-salamat ulit ha," "I'm Brent, Brent Cordova Moore." He said in a calm demeanor at nag-offer ito ng shake hands kay Alex, habang si Sam ay nakangiti at pinapakiramdaman lamang ang dalawa.[Third POV] KALAGITNAAN ng gabi nang bigla na lamang nagising si Julian. Tila nanggaling ito mula sa isang malagim na panaginip na halos mapasigaw pa ito habang tagaktak sa pawis. "Mom!" Hinihingal itong napabalikwas sa kaniyang pagkakahiga. Nang mapagtanto niyang isa lamang iyong panaginip ay kaagad itong napahawak sa kaniyang noo. "Damn..." bulong nito. Alas nuwebe na noon ng gabi nang marinig ni Julian na tila may kumakalampag sa ibang bahagi ng kanilang mansion. Hindi nag-atubiling bumangon si Julian upang tingnan kung sino ang taong naroroon. Lumabas itong suot lamang ang kaniyang blue jeans. "Mom?" Pagtawag ni Julian na sa pag-aakalang naroroon ang kaniyang ina. Nang masundan nito ang tunog ay biglang naibsan ang kaba ni Julian nang masilayan nito ang kaniyang ama na mag-isang kumakain. Mukhang kararating lamang nito mula sa kaniyang trabaho. Akma na sanang magsasalita si Julian ngunit mas pinili na lamang niyang huwag gambalain ang ama at baka makarinig pa
[Third POV] SINUBUKAN ni Mrs. Elaine na pigilan ang anak sa pag-alis nito. "Anak, please...kumalma ka. Bago mo subukan na hanapin si Alex. Umupo ka muna at magpahinga. After this, mag-uusap tayo ulit. Kailangan ko kayong kausapin ni Eros. Kailangan kong ayusin ang gusot sa pagitan ninyong magkapatid." "Mom...maging ako man ay hindi ko rin naman kagustuhan na maging ganito kami ni Eros. But he left with no choice! He drives me mad! Hinayaan niyang magtanim ako ng sakit na loob sa kaniya!" "Anak, alam ko. Naiintindihan kita, pero huwag ka lamang magpapadala sa galit mo okay? Natatakot lang ako na baka kung ano ang mangyari kapag nagkita kayong dalawa ni Eros. Hayaan mong ako ang magparusa sa mga ginawa niya sa 'yo. Ipaparating ko ito sa daddy mo. Magpahinga ka anak please..." pagmamakaawa ng kaniyang ina. Sa puntong iyon ay naging kalmado si Julian, ang dating naikuyom na mga kamao ay unti-unti nang nagpapakawala ng sakit ng loob at poot. "I'm sorry Mom. Hindi ko na talaga
[ Third POV] KINAUMAGAHAN, bahagyang nagising si Julian dahil sa mga kakaiba at sari-saring huni sa kaniyang paligid. Tumatama na rin mula sa salamin ng kaniyang sasakyan ang mataas na sinag ng araw. Napakusot siya ng kaniyang mga mata at iniinda ang nangawit na katawan nito. He moaned while yawning. Hindi niya lubos akalain na nakatulog siya dahil sa pagod pagkatapos ng naganap kagabi at pagtangka nitong pagtakas. Ngayon ay magkakaroon na siya ng kalayaan upang makauwi sa tinutuluyan nito. Kaagad niyang pinaandar ang makina at bago siya umabante ay siniguro muna nitong walang ibang tao na bubungad sa kaniya lalo na si Veca. Bakante ang daan at mukhang walang paparating kaya hindi na siya nagalangan na paharurutin ang sasakyan nito ng mabilis. SA KABILANG DAKO abala noon si Mrs. Elaine Evans ang ina ng kambal na sina Eros at Julian. Patuloy pa rin siya sa paghahardin hanggang sa biglaang tumunog ang doorbell mula sa kanilang gate. Kaagad na napahinto ang ginang sa kan
[Third POV] SA KABILANG BANDA ng Greece kung saan kasalukuyang nakakulong si Julian. Halos mabagot si Julian sa kakaisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa kinalalagyan niya ngayon. Mautak si Veca at tila pasadya niyang ginawa ang basement na iyon upang hindi makatakas si Julian. "Hindi ako maaaring magmukmok na lamang dito. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas," bulong nito sa kaniyang sarili. Nang maramdaman ni Julian na tila may mga yapak na paparating ay kaagad niyang kinuha ang maliit na kutsilyo at pasadyang sinugatan ang kanang kamay saka mabilisan na ipinahid ang dugo sa may bandang ilong nito at napahiga kaagad sa sahig. Inaasahan ni Julian na ito na lamang ang pinaka-epektibong paraan upang makalabas siya sa basement. Sakto naman noon ang pagpasok ni Veca at labis siyang namutla sa pagkagulat nang makita si Julian na noo'y nagkunwaring nakabulagta at walang malay. "No! This can't be! Julian!" saad ni Veca at patakbong nilapitan si Julian and she
[Third POV] UNANG NASILAYAN MULI ni Alex ang paglubog ng araw sa baybayin ng Greece kasama si Brent. Sa puntong iyon ay hindi mapigilan ni Alex na mapaluha dahil sa kalagayan ng kaniyang fiance. Patuloy pa rin silang naglalakad at magkasamang sinasariwa ang malamig na simoy ng hangin. "Ito 'yong place na dati mong pinupuntahan 'di ba? It's nice to be back, nakakagaan ng pakiramdam mahal," ani Brent habang nakangiti at nakatingin sa bawat paghampas ng naglalakihang alon. Ngunit lingid sa kaalaman ng binata ay pasimple siyang pinagmamasdan ni Alex. Naglalakbay ang paningin ni Alex sa maamong mukha ni Brent, ang laki ng pinagbago niya, bumagsak ang katawan dala ng sakit niya. "Tinititigan mo na naman ako mahal," ani Brent at tila napansin niya ang pasimpleng titig ni Alex mula sa peripheral view nito. Kaagad na humarap si Brent and he gently hold Alex's hand. Napansin ni Brent na ang lungkot ng mga mata ni Alex, na til a ba'y pinipigilan nito ang pag-iyak. "C' mon, tell me. May bu
[ Alex POV] NAHALATA ko ang pagkadismaya sa mukha ng Lola ni Brent habang pinapakiusapan siya ni Mr. Evans na 'wag dapat ma-involve ang usapang negosyo. I saw Mrs. Moore sighed deeply. "Mr. Evans, hindi naman ako 'yong tipong namemersonal, as I've said, ang nakaraan ni Alex at Julian ay matagal ng tapos sa kasalukuyan. Ang akin lang naman, gusto kong tratuhin ninyo bilang miyembro ng company si Alex. She's my son's wife, at kung ano ang way ng pagtrato ninyo sa akin, ay dapat balanse din sa ipinapakita ninyo sa harapan ni Alex, KAHIT PA HINDI KO NAKIKITA," saad ni Mrs. Magda Moore. Deep inside, sobrang saya ng damdamin ko dahil... feeling ko, may kakampi na ako sa lahat. Feeling ko, tunay na pamilya na ang turing sa akin ng Lola ni Brent. After ng salitang iyon ni Mrs. Magda ay may BAKAS ng pagaalinlangan sa mukha nila. Si Veca na noo'y pasimpleng nakatingin sa kawalan habang nakataas ang isang kilay and the rest...parang mga nalugi. "Don't worry Mrs. Magda, asahan ninyo na, f