Share

CHAPTER 10

Chapter 10

(Megan POV)

Saka ako ba talaga ang kailangan na mag-umpisa na conversation namin?

Sa Oo, Megan dahil kailangan mong kaibiganin ang lalaking yan. Mapapadali ang lahat ng ito kapag sumang-ayon siya na siya ang bahalang mamuno sa organization na iiwan ng kanyang ama.

Sabagay.

Ngumiti ako. “Hello, hindi tayo nagkakilala ng maayos.” Saka nilahad ko sa kanyang harapan ang kamay ko. “Ako si Megan Gomez, and it’s nice to meet you.”

Hindi ko alam kung ano ang hitsura ko, ngunit ang lalaking ito… Parang pinapahiya ako sa aking sarili. Hindi nito tinangap ang kamay ko, kaya inurong ko na lang.

“Alam ko na ang pangalan mo, and I know that you don’t truly think that it’s nice to meet me. I could say the same thing. Tss. It’s bulshit meeting you.” Na hindi nga siya nagdalawang isip na sabihin yun sa akin.

Ang ugali niya… Bakit hindi na lang siya sumabay sa agos? Kaya yung pilit kong ngiti, asar na napangisi.

“Yap. Tama ka nga. Sa totoo lang din, kilala na kita. Kaya, mabuti pang kumain na lang tayo diba?” Panunuya ko sa kanya.

Ngunit bigla siyang ngumiti… Ngiti ng isang demonyo at natatawa nga sa tugon ko sa kanya. Kaya ang nangyari, parang ipagpapatuloy niya ang usapan na ito, kesa nga sa tumahimik.

“Narinig ko na andito ka sa aking harapan ngayon, dahil sa dahilan na you owe my old man thirty Million and one hundred thousand dollars.”

“Let me correct you. I didn’t owe anything to your old man. Mga kapatid ko ang may utang sa kanya. At hindi ako. Di ko lang inaasahan na gagamitin nila ang aking pangalan para ipambayad nga ako kapag nabigo sila na hindi makabayad.”

“It is same thing. Don’t play victim here Miss Megan, I don’t like it. Two months of your company is worth that much? Baliw na ata talaga ang aking ama. You’re pretty expensive. Now tell me ano ba ang trabaho mo, or anything you called professional name. Hindi ko kasi pinansin ang background check report mo na bigay sa akin ng aking secretarya.”

“Professional name…” Parang sa mga artista? Yung instead tunay na pangalan kundi nickname lang? Parang Taylor Swift pero iba naman talaga ang pangalan niya sa tunay na buhay.

Nakakadismaya man sabihin ngunit… “Sorry. I don’t do that type of work.”

“Yeah, Of course you don’t. Wala man lang akong makitang something na worthy sayo para ang halaga mo maging thirty Million dollars.” At tinignan nga ako nito mula ulo hangang sa may dibdib ko na yun lang ang nakikita niya habang nakaupo nga kaming dalawa. “Your face is plain, and your figure… too natural jane. I won’t buy you, let alone thirty million bucks and I didn’t expect my old man has such low standards.” Sinasabi niya yun na parang ganito ang presyo ng isang produkto dapat dahil sa quality na ino-over lang nito.

“Mr. Damian Quinn, para malaman mo, sa totoo lang I don’t want to be here either.” Bali ko kung ano man ang iniisip niya tungkol sa akin.

“Oh, that’s good. I don’t need another gold digger on my hands, especially one that doesn’t have the looks. So, listen carefully…” Komportable niyang sinabi sa akin na parang mapapa-ikot niya ako. “Just to make this thing clear between us, after two months, malalaman ng Old Master Quinn na hindi tayo interesante sa bawat isa, and this crazy deal will end accordingly sa pinag-usapan ninyong dalawa. You’ll be able to leave free, and debt free just like that.” Malinaw nga niyang sinabi.

Madali lang. Kung padaliin na kaya natin? Bubuksan ko na ba ang usapan na kailangan niyang akuin ang responsibilidad niya sa pagpapatakbo ng organization para nga matapos na ito?

Hindi sa ngayon Megan. Kukunin mo muna ang loob niya.

“I agree. It’s good to hear na simple lang nga naman ang usapan na ito.” Pero ngumisi si Damian sa sinabi ko.

“Nah. Wag kang makampante Miss Megan. While we’re stuck living here, I have a few rules.”

“At ano ang mga yun?”

“Rule number one, hinding-hindi ka papasok sa silid ko. You have your own.” Napatango ako kaagad. Simpleng bagay lang naman.

“Okey. No problem.”

“Rule number two, you will not touch me without permission.” Whoa! Ang arte nito ah. Ano ako maraming germs? Oo na kahit na kalabitin ka, hindi ko nga gagawin. Napatango ako ulit. Sus! Napakasimple talagang bagay eh. Di na kailangan pagtalunan. Saka bakit ko naman siya hahawakan? Tss.

“Rule number three, you won’t speak to me unless nakikipag-usap ako sayo.” Sinabi niya na nakatitig sa aking mga mata para masigurado na nauunawaan ko ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Muli akong napatango. Klarado sa akin.

“Final rule, rule number four, You will do everything that I ask you no matter what, no matter when, and no matter where you are.” Na parang rhythm nga niyang sinabi sa akin. Natawa nga ako ng bahagyang. Kasi yang no matter what, no matter when, ay nakakalokang bagay. Ano yan?!

“Wait. Yung rule number four parang sumusobra naman ata.” At ang OA. Kailangan ko ng detalyadong rules niya.

Pero dahil sa biglaan kong pagsalita, ngumisi si Damian. “I never asked for your opinion. Nalabag mo kaagad ang pangatlong palatuntunan ko, Miss Megan Gomez.”

Seryoso? Mag-uumpisa na yang rules niya? Gaano ba kasama ang lalaking ito, at katuso? Para siyang yung tatay niya. Wala siyang ipinagka-iba.

Kung tutugon ako ngayon, ma-ba-violate ko na naman yung pangatlong rules niya? Ano ang gagawin ko? Tigilan ang dila ko na idepensa ang aking sarili? Ang useless naman ng pag-uusap na ito. Saka ano naman kung nalabag ko yung batas niyang hindi makatao?

At nahalata nga niyang na-confuse ako bigla.

“At hindi ko din hihingin Miss Megan na susunod ka sa mga utos ko dahil yun ang kailangan na gawin mo. Susunod at susunod ka sa akin. Nga pala, alam mo ba ang punishment for breaking the rules now?”

Ang tuso… Napakatuso talaga.

“State it, Mr. Quinn.”

“Call me Master Damian.” Latag niya ng bomba. Saka ngumisi siya ulit. Napaka-traydor. “Usually in our Mafia world, we punish people by cutting off a part of their body or removing an organ. Perhaps, nanunuod ka naman ng mga movie at balitang may sangkot ang organization na kagaya ng sa pamilya namin. Mayroon ka na atang idea, and it’s not very different really…” Casual na sinabi ni Damian na parang natural lang ang bagay na ito sa kanya.

“Pinagbibiro mo lang ba ako Master Damian?” Challenge ko nga sa kanya. Sa naglolokohan na din naman kami bakit hindi na lang patulan ko nga siya.

“I wish I was. But I’m a gentleman, be thankful. Hindi ko porte na manakit ng babae, kaya naman I’ll adapt the punishment a little for your sake.” Na ikinangiti niya at lumabas na nga ang pangil ng demonyong ito. Hindi ito maganda.

“Hindi mo icho-chop-chop ang katawan ko diba? So, anong gagawin mo?”

“Hindi natin gagawing literal. Each time you break any of the rules, I’ll take a part of your body as my own.” At yun ang di ko gusto marinig. Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin?

“Hindi ko maintindihan. Dahil lang sa mga maliliit na pagkakamali…”

“Shhh. It’s simple, really. Each time you break any of the rules, I’ll gain a part of your body as mine.”

“As yours?” Anong pinagsasabi niya? Kung lahat ng parte ng katawan ko ay hindi niya puputulin sa katawan  ko, paano naman niya masasabing kanya na ang parte ng katawan ko?

“Oo. Kung alin man ang piliin kong parte ng iyong katawan, will be mine to do with as I please wherever and whenever I please.”

At dahil nagmumukha parin akong nahihilo sa sinasabi ni Damian, at sa napaka-alien niyang consepto, bigla siyang tumawa. Napaglalaruan nga ako ng disoras.

Tatawa din ba ako?

Ngunit hindi ko inaasahan ng biglang nagseryoso siya, at ang boses biglang nagkaroon ng authority.

“Stand and maghubad ka.” Utos niya na hindi nito binitiwan ang titig sa akin.

“Tama ba ang narinig ko? Gusto mo akong tumayo at maghubad?”

“Oh f*ck my dear. Kailangan ko ba talagang ulitin ang sinabi ko. Are you going to disobey me?”

“Seryoso ka ba sa pinapagawa mo? Excuse me?”

“Stand up and take off your clothes. Kung hindi mo nga narinig, at simplehan natin ang salitang hubad. Miss Megan don’t make me repeat myself or you’re about to break another rule. And a hard punishment will be served.” Babala ni Damian.

“Bakit mo ito ginagawa?” Parang mahihimatay ako sa presenya niya. Hindi ko ma-imagine na ipapagawa niya ito. At ang kanyang mga mata, parang nakatitig sa isang biktima nito.

“Miss Megan, kung di k makikita ang kabuhuan ng katawan mo, how am I supposed to choose which part that I would like to claim first?” At sinabi pa niya yun na para siyang inosente at walang gagawing masama sa akin. Binabali na niya dito ang natural na batas pang-tao. Gusto niya ako maghubad sa kanyang harapan? Over my dead body. HINDI!

Bakit naman ako maghuhubad sa harapan niya? Loko-loko ata ang kausap ko, at isang drug adik para isipin ngang gagawin ko yan.

“Don’t try my patience, Miss Megan. You have ten seconds to stand up at magsimula ngang maghubad. Kung hindi, tatawagin ko ang mga tauhan ko para tulungan ka ngang maghubad.” Sinabi niya yun na walang emotion ang kanyang mukha. Ni walang bakas sa mukha niya na ititigil niya ang kalokohan na ito.

Umiling ako. “No.”

Ngumiti siya. “Tiktok… Ten… Nine… Eight…” At nagsimula na nga siyang magbilang ng sumandal na siya sa upuan at lalong pinako ang paningin sa aking mukha.

“Master Damian, kabaliwan itong ginagawa mo!” Protesta ko na nga.

“Seven… Six… Five…” Na parang wala siyang pakialam sa sinabi ko. “four… Three… Two… One… Men!” Sigaw na nga niya.

“No! I’ll do it.” Wag lang pumasok ang mga tauhan niya dito. Hindi ko gusto na marami pang mga mata ang makakita sa hubad ko ngang katawan.

Napakamanyak ng lalaking ito.

Dahil nga tinawag na kanina ni Damian ang kanyang mga tauhan, bumukas ang pinto, at nagsidatingan ang mga lalaking naka-unipormeng pang-bodyguards nito. Talagang seryoso si Damian. At dahil sa sinabi ko kanina…

“I trust your words.” Sinabi niya sa akin at sinenyasan ang kanyang mga tauhan na lumabas nga ulit habang ang kanyang mga mata nakadikit parin sa akin.

Ang demonyo at manyak na si Damian.

“Wala na sila Miss Megan, ano pa ang iyong hinihintay? Hubad.”

Hindi ako makapaniwala na gagawin ko ito. Kanina akala ko hindi siya seryoso, pero ngayon parang kailangan ko talaga maghubad sa kanyang harapan.  Ang mga titig niya sa akin parang sinusunog na niya ang aking damit. Nanabik ngang gawin ko yun sa kanyang harapan.

Napapikit ako at huminga ng malalim. Kailangan ko munang kalmahin ang sarili ko. Bakit ako nakapasok sa ganitong klaseng sitwasyon? Nang magkaroon ako ng pagkatao, wala nang sino man ang nakakita ng hubad kong katawan. Pero ngayon ibang usapan na nga, darating pala ang panahon na ito. Hindi ko na ata maiiwasan pa.

Nang buksan ko ulit ang aking mga mata. Ngumisi siya sa akin. “Wag mong inuubos Miss Megan ang pasensya ko.”

Ang ngising yun ibinalik ko sa kanya. Wala na kailangan kong gawin ito, at kahit ano pa man ang gawin niya sa akin, alam kong lilipas din ang dalawang buwan na kasama ko siya. Pagkatapos noon makakabalik na ako sa normal kong buhay. Hindi ko hahayaan na sirain lang niya ang buhay ko ng ganito lang. Dahil Gagantihan ko pa yang mga kapatid ko! Sila ang naglagay nitong sitwasyon sa akin. Naiinis ako.

Inangat ko na nga ang aking kamay at dahan-dahan kong hinubad ang lossy T-shirt ko. Ang kamay ko, sa totoo lang nanginginig sa ginagawa kong ito. Napaka-conservative ko sa aking katawan, ngunit bigla lang bumaliktad ang mesa. Nasa harapan ko ang isang demonyong lalaki at naghihintay na humubad ako sa kanyang harapan.

Ang mga titig niya pinagmamasdan lahat ng aking galaw. Hangang sa nahubad ko nga ang aking t-shirt, at isang kulay naked bra ang sumalubong sa kanyang mga mata. Agad akong napayakap sa aking sarili dahil humalik kaagad ang lamig ng paligid sa aking balat.

Ang mga mata niya natuwa nga sa aking ginawa.

@Death Wish

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status