Home / Romance / Taming the Sunshine / Chapter 3: His Tears

Share

Chapter 3: His Tears

Author: Death Wish
last update Last Updated: 2024-05-03 17:08:43

Pinagmamasdan ni Oxford si Gabriel habang nagsasalita ito sa enteblado upang ipakilala ang panibagong produkto ng kompanya.

Hindi man lang ito ngumingiti.

Ngunit maraming mga mata ang nahuhumaling sa kagaya ni Gabriel. Mula sa tindig at pananamit, halata namang maraming babae ang maghahabol sa kanya. Ang bibig na maraming mapapa-Oo dahil sa matalino at galing sa pananalita.

Nang dumating si Seneca, tinapik siya nito sa balikat.

“Nauunawaan ko na kung bakit ipinangalan ni Bianca sa nag-iisa nilang anak ang martyr na archangel. Gabriel.”

Pilyong ngumiti si Seneca at naupo sa tabi ng kaibigan.

“Dahil sa physical na anyo?” Hula ng doktor.

“Hindi lang dahil sa physical na anyo pati ata ang magiging papel niya sa mundong ito. Kailangan ba talaga niyang maging seryoso? Nakita mo na ba siyang ngumiti? Si Gabriel ba nabangit sa biblia na ngumiti?”

Kinuha na lamang ng doktor ang inumin niya sa mesa at ngumiti ito sa kanyang kaibigan saka napailing. “Mabuti pa itong ama niya, nakita nating ngumiti. Nagawa pa nga natin patawanin.”  

“Wala man lang siyang kaibigan.” Buntong hininga ni Oxford. “Kasalanan ba natin itong dalawa?”

“Bakit naman natin magiging kasalanan ito? Ito ang nakatadhana sa kanya. Natural lang naman ito, dahil siya ang nag-iisang Aquinas sa mundong ito. Napahigpit ng securidad pagdating sa kanya lalo na noong bata pa siya. Masyadong maagang lumantad ang impormasyon sa kanya, na hindi natin siya nabigyan ng prihibeliyo makapag-aral man lamang sa labas. O maitago man lang ang pagkatao niya para nga magawang makipaghalubilo. Pero natural na marunong din na ngumiti yan at tumawa, kaya lang hindi tayo o ang mga customer niya ang makakagawa noon.”

“Sino?”

Napakabitbalikat ang doktor.   

“Hindi katulad ni William.” Dagdag ni Oxford.

“Ngunit hangang kailan ba magmamatigas ang batang yan tungkol sa kanyang ama? Siguro mauuna pa akong ilibing kay William, bago pa man niya mapirmahan ang dokumentong iyon.”

“O sa ginagawa ngayon ni Gabriel baka siya pa ang mauna sa kanyang ama. Tignan mo siya, walang katapusang proyekto ang inaatupag.”

At napabuntong-hininga na lamang si Seneca.

Pagkatapos magsalita ni Gabriel, binigyan siya ng masigabong palakpakan ng mga cliente na naroroon. Tipong tagumpay nga ang panibagong proyekto. Tipong nasilo niya ang lahat. Inaasahan na maraming investor ang magpapa-unahan para lamang sa proyektong iyon.

At nang dumako ang paningin ni Gabriel sa kanyang ama-amahan, ngumiti ito sa kanya, ngunit tango lamang ang inabot niya dito. Ang mukha ni Gabriel palaging blangko ang expression. Sa tuwina naiisip ni Oxford kung nahihirapan bang magpakita ng tunay na nararamdaman ang binata.

 “Anong gagawin natin sa kanya? Wala paring pagbabago dito. Hindi ko talaga aakalain na magiging problema ito.”

“Bigyan pa natin ng panahon, Seneca.” Yun na lamang ang ibinigay na sagot ng abogado sa doktor.

At mayamaya lamang may lumapit na haponess na cliente kay Gabriel. May katandaan na ito at kasama rin nito ang ilang kaibigan.

“Wala na kaming balita tungkol sa iyong ama. Lihim mo na ba siyang hinatid sa kanyang huling hantungan, iho?” May pangisi pang sinabi ng hapon.

Hinarap naman ito ni Gabriel. “Siguro nakikita ninyo sa lahat ng dukomento na hindi parin ako ang Chairman ng kompanya. Kung sakali man magising ang aking ama, ikaw ang una kong bibigyan ng imbitasyon para batiin siya. Sa tingin ko kasi matagal ka nang nangulila sa kanya.”

Nang marinig ito ni Seneca napapikit ito, habang si Oxford napangiti sa itinugon ni Gabriel sa haponess.

“Sana may maganda kayong gabi sa araw na ito.” At tinalikuran ito ni Gabriel.

“Ang batang iyon, ibang klase talaga. Magaling dumepensa. Walang sino man ang maaring tumulak sa kanya. Bagay na bagay ang pangalan niya sa kanya. Napakatigas ng ulo. Sabagay yung Archanghel na tinutukoy mo, matapang yun hindi ba?” tanong ni Seneca kay Oxford.

Napatango ito.

“Oxford, parang hindi mo alam ang mangyayari kapag palagi siyang ganito. Napakarami nang negosyante ang nais na gumawa ng masama sa kanya.” Pagpapaalala ni Seneca sa mga death threat na halos araw-araw may dumarating.

“Mga negosyante na walang magawa kundi humanap ng mas madaling paraan para makuha ang attention niya. Mahigpit ang securidad niya. Daig pa ang securidad ng Presidente ng United State.”

“Sa lagay na yan kailangan ba natin maging kampante? Halos nga wala nang nakakalapit na iba kay Gabriel kundi tayo-tayo lang? Saka nasa tama na siyang gulang para maghanap ng mapapangasawa. Isa din yan sa inaalala ko kung patuloy siyang magkakaganito. Walang tutulak sa kanya para sa arrange marriage, lalo na kung hindi na magigising si William. Lahat ng pagpapasya ay nasa binatang iyon.”

“Kailangan na ba natin ipag-alala ang tungkol rin dyan Seneca?”

“Sa lagay ngayon ni Gabriel parang kailangan.”

“Tignan na lang natin.”

At kinabukasan, habang papunta ng kompanya si Gabriel, nakatangap siya ng tawag mula sa hospital. Sugatan ang mga tauhan na nagbabantay sa kanyang ama. Mayroong umatake roon at kaagad naman nakatakas ang mga ito bago pa man magsidatingan ang mga pulis at tauhan ng mga Aquinas.

Imbes na dumiretso sa kompanya si Gabriel pumunta ito sa hospital kahit sa likod ng panganib na nagbabadya sa kanya.  

Pero ang nadatnan niya… sumusuko na ang puso ng kanyang ama. Hindi dahil sa pag-atake kanina kundi hindi na kinakaya pa ng puso nito ang gamot at ang katawan nito na masyado na ngang bumabagsak. Hindi alam ni Gabriel ang kanyang gagawin kundi maghintay sa maaring maging resulta.

At nakahinga siya na muling nakuha ng puso nitong tumibok.

Aalis na sana siya na hindi niya ito titignan, ng hinarang siya ng kanyang dalawang ama-amahan.

“Bakit hindi mo na muna pagmasdan ang iyong ama?” Si Seneca. Tumango lamang sa kanya si Oxford.

“Halos sampung taon nang walang senyales na ipinapakitang magigising pa si William, Gabriel. Doktor ako, ngunit kaibigan din ako ng iyong ama na halos araw-araw nahihirapan ako na makita ang sitwasyon niya. Brutal. Ka-brutalan ang ginagawa mong ito sa iyong ama. Masyado mo siyang pinapahirapan.”

“Narinig kong maayos na ang lagay niya.”

“Anong maayos? Matagal nang hindi maayos ang lagay niya. Bakit hindi mo tignan?” Nagngingitngit ang ngipin ng doktor kaya nauna na itong naglakad papunta sa silid ni William.

Naiwan sa harapan ni Gabriel si Oxford.

Tinapik niya ang balikat ng binata. Binata na bakas sa mukha niya ang digmaang sinagupa nito sa mundo ng negosyo.

“Hindi naman masama iho, kung makikinig ka sa amin. Matalik na kaibigan namin ang iyong ama at alam namin ang nararamdaman mo. Mahirap nga ito gawin, ngunit hindi maaring palagi mo na lang ito tatalikuran. Ito ang responsibilidad na binigay ng personal sayo ni William. Ikaw ang magpapasya para sa kanya.”

Napapikit si Gabriel.

“Balita ko pumupunta ka lang dito na hindi mo man lang tinitignan ng personal ang iyong ama. Andito ka rin naman bakit hindi mo siya tignan kahit saglit.” Saka naglakad na si Oxford, walang nagawa si Gabriel kundi sumunod dito.

Totoo ngang natatakot siya na makita ang kanyang ama…

Ang sitwasyon nito…

Ang tunay na kalagayan ng katawan nito…

Ito ang mga dahilan baka mawala ang determination niya sa kanyang mga ginagawa. Ang lahat ng ginagawa niya ay para yun sa kanyang ama. Hahayaan ba niyang masira ang determinasyon niyang iyon?  

At nang nasa harapan na siya ng pinto… Inipon niya ang kanyang lakas para buksan iyon. Kaagad na sumalubong sa paningin niya ang titig ng mga taong naroroon. Pwera kay Oxford at Seneca, ang mga naroroon ay nagsiyukuan bilang respeto sa kanya.

Ang silid naman niyakap siya ng kakaibang lamig.

Mabibigat ang kanyang paa, hangang nasa harapan na niya ang kanyang ama. Gaya ng sinabi ng mga doktor, buto’t balat na nga ito at halos malayo na ito noong huli niya ito nakita.

“Nakikilala mo pa ba ang iyong ama?”

“Seneca.” Saway ni Oxford sa kanyang kaibigan. Sa hindi mapigilan ng doktor ang pangangalaiti nito kay Gabriel.

“Alam mo Gabriel, oras na para hayaan mo nang makapagpahinga ng tahimik ang iyong ama. Halos sampung taon mo na rin pinapatakbo ang kompanya. Kahit nga wala ka pa sa tamang gulang, hindi mo binigo ang iyong sarili na patunayan sa aming lahat ang kakayanan mong magpatakbo ng kompanya na iniwan sayo ng disoras ni William. Kahit noon pa lang, malaki na ang tiwala namin sa'yo. Lalo na ang iyong ama na hindi mo pababayaan ito. Ano pa ba ang kinakatakot mo?” Marahan na sinabi ni Seneca ngunit sinusubukan lang nito kalmahin ang kanyang sarili.

“At bilang nag- iisang tagapamana ng boung ari-arian ng pamilyang Aquinas at kompanya ng iyong ina, ang tanging aalalahanin mo lang ay ang mga habilin nila sayo. Ngunit ang prioridad mo dito sa totoo lang ang iyong kalusugan. Hindi sila matutuwa sa nakikita nila ngayon sayo. May buhay ka na kailangan mong panindigan.”  

Tahimik na nakikinig si Gabriel habang pinagmamasdan niya ang kanyang ama. Sa nakikita niya rito, halos hindi siya makahinga ngunit hindi niya iyon maaring ipakita lalo na maraming mga mata ang nakamasid sa kanya.

“Nais ng magulang mo ang maging masaya ka. At kung ang sitwasyon ni William ang dahilan kung bakit may kung anong nakatali sayo, sa tingin ko kailangan mo na magpasya. Hayaan ang iyong ama kung saan man ito tutungo. Ito ang tandaan mo. Tanging makina na lamang ang sumusuporta sa katawan ni Willim. Matagal ko nang sinabi sayo na halos wala nang isang porsyento na magigising pa ang iyong ama. Parang ang hinihintay mo na lang nito ay isang himala.”

Napapikit si Gabriel sa kanyang narinig kay Seneca. Habang si Oxford kinuha ang attention ng kanyang kaibigan at umiling ito.

Sapat na ang mga sinabi niya at hindi maganda kung sosobra pa ito.

Ngunit hindi nagpapigil si Seneca. “Sa hitsura ni William parang matagal na niya tayong iniwan.”

Naiyukom ni Gabriel ang kanyang kamay.

“Kailangan mo na magdesisyon.”

Malamig ang boung silid at lahat ng paningin ay nakatuon kay Gabriel, hinihintay na ibuka man lang nito ang kanyang bibig.

“Gabriel…”

“Iwan niyo muna ako.” Malamig na sinabi ng binata.

Tinapik ng abogado ang kanyang kaibigan sa balikat nito, walang sinabi, nauna itong lumabas na napasenyas ang doktor sa kasamahan na magsilabasan rin. At bago makalabas si Seneca sa huling lingon niya kay Gabriel nakita niyang may kung anong pumatak sa sahig.

At yun ang luhang kanina pang pinipigilan ni Gabriel na hindi tumulo.

Ang luha ng isang anak para sa kanyang ama.

@DeathWish

[HER RETURN 2024]

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Taming the Sunshine   Chapter 241 The Happiness

    Chapter 241 The Happiness Dahil sa tanong ni Gabriel naging matamis at magian ang ngiting inabot ni Seneca. Napatango ito…“Nagdadalang-tao siya.”“Ibig sabihin…”“Yeah boy. Malapit ka nang maging ama. Congratulation. Better to prepare yourself for this.” Sabay abot ni Seneca ng alak sa kanya. “Cheers for this.”Hindi makapagsalita si Gabriel… Ngunit ng matauhan siya… Parang kung anong enerhiya ang pumasok sa katawan niya… Oo may galak… ngunit hindi niya alam kung para saan ang matinding kaba. Hindi niya magawang makapagsalita… Masaya naman siya…Ngunit…Ano itong nararamdaman niyang kakaiba? O sadyang labis lamang ang kagalakan niya.Kinuha niya ang alak… At diretso iyon na ininom…Ngunit di maitatago ang biglang pagkaputla ng mukha niya sa doktor na nakamasid nga s

  • Taming the Sunshine   Chapter 240 The Old Wine

    Chapter 240 The Old Wine Pagkatapos kumain ni Serena…“Matutulog muna ako.”Tahimik na tumango si Gabriel. Ngunit ang ikinakatuwa talaga niya ng lihim… Ang di pagsusuka ni Serena ng pagkain. Lihim din na napatango sa kanya si Agatha dahil ito rin ay nakahinga na kumain nga ang dalaga.Mas pinili ni Gabriel na maupo sa sofa habang hinihintay ngang makatulog si Serena. Oo, mabilis ngang makatulog ito… Yun ang napansin niya… At tulog mantika sa tuwina.Nang makumpirma niyang tulog na ito… Sinarhan niya ang folder saka tinignan ang oras…Si Doctor Seneca…Hinahamon talaga siya nito.Talagang sinasadya na hindi nito sundin ang utos niya na puntahan siya mismo sa silid na iyon. Ngunit parang mayroong dahilan ang ama-amahan niyang doktor… Siguro para hindi na rin marinig ni Serena kung ano man ang natuklasan nito sa result

  • Taming the Sunshine   Chapter 239 Spoon Feeding

    Chapter 239 Spoon Feeding Nang marinig ni Serena ang tanong ni Gabriel sa presensya ng mga doktor kahit siya naghihintay din sa sagot ng mga ito. Malay diba mayroon siyang malalang sakit… Edi matatapos na ang kabaliwan na ginagawa ni Gabriel sa kanya.“Master Gabriel, si Doctor Seneca ang kailangan niyong kausapin tungkol sa bagay na ito.” Isa sa mga doktor ang naglakas na loob na sabihin iyon dahil iyon naman talaga ang utos ng nakakataas na doktor sa kanila.“Hindi ba pinapatawag ko siya?”Hindi nakasagot ang mga ito.“Tsk.”“Gusto ko din malaman ang sakit ko.” Kuha ng pansin ni Serena kaya nilingon siya ni Gabriel. Titig ni Gabriel sa kanya hindi natutuwa sa narinig nito.“Eh, baka diba may malala akong sakit?”“…f*ck.” Napamura ng mahina ang binata.“Ikaw din… Kasalanan mo kapag namatay ako kaagad na h

  • Taming the Sunshine   Chapter 238 To Eat to Spoiled

    Chapter 238 To Eat to Spoiled Maingat na inihanda sa harapan ni Serena ang isang bowl ng mainit na sopas.“Mabuti ito para sayo Miss Serena.” Si Agatha.“… Salamat po. Si Gabriel?” hindi niya kaagad nahuli ang sarili ngunit… huli na para din ang Mayordoma bumakas sa mukha ang gulat dahil kakalabas lang ng binata kanina at hinahanap niya kaagad.“Magpapalit daw muna siya ng damit. Sa ginagawa niya iha… magkakasakit siya.” Inabot sa kanya ang kutsara… Tinangap naman niya ito.“Magkakasakit siya? Bakit ano po ba ang ginawa niya?”Tinikman niya ang sopas… Bahagyang napatango. Oo, gutom na gutom siya…“Agad siyang umuwi ng dis-oras galing sa ibang bansa. Umuwi siya kaagad dahil alam mo na… Sino ba naman ang hindi makaka-uwi ng dis-oras ng malaman nga ang nangyari sayo? Lubos kasi siyang nag-alala ng husto sayo Miss Seren

  • Taming the Sunshine   Chapter 237 Cheerfully

    Chapter 237 Cheerfully Hindi maitatangi ni Serena na ang mga matang nakatitig sa kanya ngayon ay puno ng pag-alala. Napabuntong-hininga siya dahil halata naman na pagod na pagod ang binatang nasa harapan niya at kahit ang kagandahang pagkalalaki nito ay hindi naikubli iyon.“They are fine. Tell me, may masakit ba sa'yo?”“…”“Serena…”“Uhm-ano.” sinubukan niyang bumangon nang alalayan siya ni Gabriel. Haplos nito may dalang kakaibang init na tila ba nangaling iyon sa labis na pag-aalala sa kanya.Hindi nila namalayan na iniwan sila mag-isa ng mga taong kanina nasa loob ng silid.Nang makaupo si Serena… Sinalubong na niya ang titig ni Gabriel ng walang alinlangan… Binigyan ito ng simpleng ngiti at lihim naman napabuntong-hininga ang binata.“Medyo masakit lang ang ulo ko pero hindi naman kailangan ipag-alala…

  • Taming the Sunshine   Chapter 236 His Silent Kiss

    Chapter 236 His Silent Kiss “Mia ang pangalan mo. At pareho ang pamilyang pinangalingan ninyo ng Driver ni Master Gabriel.”“… Driver ni Master Gabriel… Sino po?”Muli isang Nakakadismayang buntong-hininga ang pinakawalan ng Mayordoma. Lumingon sa kasamahan at napatango dito. Nagulat na lamang si Mia ng lumapit ito sa kanya at sinabing…“Kailangan mong sumama sa akin, kailangan namin ito imbestigahan.”“Pero…” Angal ni Mia.“Sasama ka iha kung yun ay wala kang ginawang masama, sasama ka ng kusa. Ito lang ang paraan para malinaw na wala kang kinalaman sa nangyari. Ngunit hiling ko na wala nga… At isa lamang itong aksidente.” Saka tumayo si Agatha, at lumabas nga ng silid.Dinig pa niya ang paki-usap ni Mia ngunit napailing na lamang siya. Hindi matutuwa si Gabriel kapag may nagbalak ngang masama kay Serena.Lumapit si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status