“Headmistress, kinumpirma na ng secretarya ni Master William na naka-alis na ang private jet papuntang Russia.” Narinig ni Gabriel na ibinalita ng isang katulong kay Agatha.
“Matagal na namang makakabalik si Master William, siguraduhin ninyo ang securidad ng paligid.”
Naibaba ni Gabriel ang kanyang librong binabasa at tahimik na napabuntong-hininga. Napatitig sa labas ng bintana at ang malagintong sinag ng araw ang sumalubong sa kanyang paningin.
Noong bata siya hindi niya maunawaan kung bakit laging umaalis ang kanyang ama lalo na labas pasok ito ng bansa. Sa tuwina napakalayo ng mga lugar ang pinupuntahan nito. Halos nga hinahabol nito ang oras. At hindi maintindihan kung para saan itong ginagawa ng kanyang ama.
Hangang sa natuklasan niya ang sistema kung paano umiikot ang pera sa mundong ito.
Palaging naiiwan si Gabriel sa Aquinas Manor, napakalaking bahay ngunit halos lahat ng sulok ay mayroong mga nakabantay o hindi kaya mga kamera. Para ito sa kanyang securidad, na tila ba isa siyang mahalagang kayamanan at mamahalin na hiyas na kailangan ingatan sa pamamahay na iyon.
Tahimik na bata si Gabriel.
Ang sabi nakuha niya ito sa kanyang mga magulang. Ang maging tahimik at pilitin na unawain na lamang ang kanyang paligid. Kaya naman lumaki ng tahimik si Gabriel. Ni minsan hindi niya nagawang magreklamo sa kanyang ama.
Sa buong maghapon, kapag ginusto niya at walang interest na pumunta kung saan, halos nanatili siya sa kanyang silid at nagbabasa ng mga librong akala niya doon niya matatagpuan ang tunay na mundo.
Sa tuwina sa bintana niya hinahatid sa pamagitan ng mga mata ang kanyang ama kapag umaalis ito. Alam niya buwan ang papalipasin para muli niya ito makita.
At sa bintana rin niya sinasalubong ang kanyang ama sa tuwing dumarating ito.
Dumarating na pagod at wala nang oras upang puntahan ang kanyang anak sa silid nito. Hindi naman niya ito maaring salubungin para na rin sa kalusugan niya.
Pagod ang kanyang ama. At nauunawaan yun kaagad ni Gabriel.
Kahit nga ganito ang naging sitwasyon ng kanyang ama, kahit kailan hindi siya nagtanim ng pagtatampo dito.
Tutorial ang naging edukasyon ni Gabriel. Ang mga nagtuturo sa kanya ay mga professor na dumaan sa matinding pagkikilatis. Hindi ang kanyang ama ang gumawa noon para sa kanya, kundi ang matalik nitong mga kaibigan na si Oxford at Seneca.
Ang paboritong gawin ni Gabriel ay ang mangabayo. Sakay ng puting kabayo na sinasabing anak ng kabayo nang kanyang ina ang kabayo niya. Iniikot ni Gariel ang buong kapatagan at kabundukan na siyang kinakasakupan ng pribadong lupain ng pamilyang Aquinas.
Napakalawak noon.
At kapag nangangabayo si Gabriel, mahigpit parin ang sinasagawang securidad para sa munting tagapagmana ng pamilyang Aquinas.
Isang araw, habang nangangabayo si Gabriel may narinig itong tawanan ng mga bata hindi kalayuan sa kinakalagyan niya. Napalingon siya sa direksyon kung saan ito nangagaling. Ang mga tauhan naman na nakasunod sa kanya ay biglang na-alerto ngunit sinenyasan niya itong walang dapat na ikabahala.
Pinuntahan nila ang lugar at lihim na pinagmamasdan ang mga batang masayang namimingwit sa ilog. Nalaman niya sa kanyang mga tauhan na mga anak ito ng ilang katulong sa Manor.
Nilakasan ni Gabriel ang loob niya na magpakita dito. Agad siyang nakilala ng mga ito at hindi man niya nagustuhan ang paraan ng ilang bata na bumubulong sa kasamahan nito, wala naman siyang dapat na ika-protesta.
Pinilit niyang makipag-kaibigan sa mga ito. Nalaman niya na nakatira ito sa hindi kalayuan na Maid’s Quarter. Dahil bawal ngang pumunta ng Manor ang mga batang iyon.
Kapalit ng pagtuturo ng mga bata sa kanya kung paano mamingwit ay tuturuan din niya ito kung paano mangabayo.
Masaya si Gabriel na matutong mamingwit. At ang mga tauhan na nakasunod sa kanya ay gumagaan ang pakiramdam kapag nakikita nila itong ngumingiti at nakikipagtawanan sa mga bata.
Nang siya naman itong magturo kung paano mangabayo.
Noong una ipinaliwanag ni Gabriel na kailangan muna amuhin ang kabayo, bago ito sakyan. Sinubukan ng mga bata, pero ang kabayo ni Gabriel ay siya lang ang kinikilala nito.
Ilang bata ang kamuntikan nang masaktan kung hindi lang dahil sa mga tauhan na nakaalalay sa kanila.
Ngunit sinadya man o hindi may batang gumanti sa kanya na siyang ikinahulog ni Gabriel sa kabayo nito. Yun din ang dahilan kung bakit halos isang buwan siya hindi nakabangon sa higaan.
Nang bumalik siya sa ilog, wala na siyang makita ni isang batang naglalaro roon. Nalaman na lang niya na pinagbawalan ang mga ito na makipaglaro sa kanya. Kung hindi mawawalan ng trabaho ang kanilang mga magulang at walang tahanan na masisilungan.
Agad naman naunawaan ni Gabriel ang kahihinatnan ng nangyari.
Napagtanto niya na mailalagay lang niya sa alanganin ang mga ito kapag nagpumilit siyang makipagkaibigan sa mga ito.
Kaya naman mag-isang namingwit si Gabriel.
Ang batang napakalungkot pagmasdan.
Hangang sa nasanay nga siyang maglaro at matuto mag-isa. Mag-isang ginagawa ang mga bagay na naisin niya.
Isang araw, habang binibisita niya ang ilang kahoy na tulay kung saan magandang mamingwit, gumitla sa kanya ang boses ng kanyang ama.
“Tama nga sila, ang aking anak na sinasabing maiiwan mag-isa sa mundo ay laging nag-iisa.” Bumaba ito sa kabayo, at inabot dito ang dalang pamingwit ng tauhan sa kanya.
Simpleng ngiti ang binigay na pambati ni Gabriel sa kanya.
Nang makalapit ang kanyang ama, inabot nito ang isang pamingwit sa kanya. Naupo sila sa tulay na yari sa kahoy at lubid.
“Hindi mo ba itatangi iho? Sa tingin mo ba ito ang mas makakabuti sayo?” Tanong ng kanyang ama na hindi nakatitig sa kanya, kundi inaayos na ang pamingwit nito.
Hindi tumugon si Gabriel ginaya na lamang niya ang ginagawa ng kanyang ama.
“Hindi ko nais na lumaki ka ng ganyan, Gabriel. Lalo na iiwan ko sa'yo ang napakalaking responsibilidad. Ang ating pamilya at kompanya.” Saka hinagis nito ang pain sa ilog.
“Kasing edad mo rin ako noon ng matuto akong mamingwit. Mag-isa para makahuli ng marami.” Saka naman hinagis ni Gabriel ang kanya.
“Noon kasi parang naging kompentensya sa aming magkakapatid ang pamimingwit. Mag-isa ako dahil, lagi kasi akong kawawa kapag kasama ko ang tatlo kong kapatid. Ano ang magagawa ng isang bunsong kagaya ko noon? Hindi ba matatalo ako at pagtatawanan?”
Nakatitig lamang ang kanyang ama kung saan na direksyon nito hinagis ang pain.
“Dahil parati akong mag-isa noon, marami akong namimingwit. Masaya akong umuwi dala ang mga isda upang ipakita sa mga kapatid ko.”
Bahagyang lumingon ito sa kanyang anak.
Ngumiti.
Isang malungkot na ngiti.
“Ngunit hindi ko inaasahan na may masamang pangyayari akong madadaratnan. Siguradong alam mo ang tungkol roon. And dahilan kung bakit tayong dalawa na lamang ang naiiwan sa mundong ito.”
Tinutukoy ng kanyang ama ang masalimuot na Aquinas Massacre.
Hindi nga ito lihim kay Gabriel. Alam na alam niya sapagkat maraming libro ang lumathala tungkol sa nangyari.
“Ang pinagmulan natin, ay hindi ko maitatangi kung bakit nila ginawa yun, ay tuloy parang mga naging mamatay tao ang ilang myembro ng pamilya natin. Boung angkan ng Aquinas ay nagpatayan. Nang makita ako ng lolo ko noon daling-dali niya ako itinakas. Wala siyang paliwanag sa akin hangang hindi pa ako sumasapit sa tamang edad na maunawaan ko ang bagay na yon.”
Ngumisi si William.
“Palagi akong umiiyak sa kanya noon, hinahanap ang aking mga magulang at kapatid. At ng kaya ko nang maunawaan ang lahat dinala niya ako sa harapan ng mga puntod na may mga kaparehong araw kung kailan sila namatay.”
Matalino nga si Gabriel ngunit musmus parin ang kanyang kaisipan upang ikwento na nga ni William ito sa kanya.
“Alam mo ba ang sinabi sa akin ng matandang Aquinas? Ang dahilan kung bakit nangyari yun sa pamilya natin ay bunga lamang ng pagiging ganid. Makapangyarihan ang pamilyang Aquinas. Pinsan, tiyuhin, tiyahin, pamangkin, apo… dumadaloy sa dugo natin ang pagiging ganid. Isa-isahin ang lahi ng Aquinas hangang kunti na lang ang matira. Ang nangyari parang labanan ng matira at matibay. Sa panahon na iyon si Granpa ang pinakamatandang Aquinas noon, makapangyarihan, at siya ang tumapos ng gulong iyon. Siya ang utak kung bakit nangyari ang massacre dahil yun na ang naging pamamaraan para mawala ang pagiging ganid ng bawat isa. Kaya ngayon para tuloy tayong mga especial na nilalang dito sa mundo. Species na balang araw mabubura na sa mundong ito. Yung massacre na yun, masyado naman nilang ginalingan.”
Huminga na lamang ng malalim si William.
“Kahit ang autoridad walang nagawa sa pagpapasya ni Granpa. Kahit ngayon wala parin silang magawa kung anong klaseng digmaan ang kinakaharap ng mga nakakaangat sa lipunan.”
Umangat ang paningin ni Gabriel sa kanyang ama. Hinaplos ang ulo niya. Ang mga inosente niyang mata, nakatitig sa mga mata ng kanyang ama na parang marami nga ang pinagdaanan sa talaan ng buhay niya.
“Noon. Kasing gulang mo lang ako. Napaka-inosente pa. Wala pa akong kaalam-alam tungkol sa kakayanan ng pamilya natin. Kaya naman dahil ako ang pinakabata noon, ginawa ni Granpa ang lahat para protektahan ako. At ng lumisan si Grandpa sa mundong ito, lahat ng ari-arian ng pamilya natin, sa akin nakapangalan. Walang kahati katulad na lamang ng pangalan ng ating pamilya. Ngunit kalakip nito ang dalawang habilin ni Grandpa.”
Muli napabuntong-hininga si William.
“At gagawin mo rin itong habilin ko kapag lumisan na rin ako sa mundong ito Gabriel. Sa ayaw mo man o hindi.”
May pagbabanta sa tono ng boses ng kanyang ama.
Hindi maisip ni Gabriel kung bakit sa tuwing kinakausap siya ni William parang palagi itong nagpapaalam sa kanya. Palaging pinapaalala sa kanya ang tungkol sa sitwasyon nila. Na kahit hindi niya maunawaan ay pilit na inunawa at umayon sa sinabi nito.
“Ang kompanya at pamilya natin. Ikaw ang mamahala ng lahat. Ang masasabi ko lang mahirap magpatakbo ng kompanya lalo na kapag mag-isa ka lang at napakaraming bumabanga sayo. Alam kong mauunawaan mo lang ang sinasabi kong ito kapag nasa sitwasyon ka na. Isipin mo na lang na binibigyan lang kita ng ideya para hindi ka magulat sa magiging papel mo balang araw.”
Napatango na lamang si Gabriel sa sinabi ng kanyang ama.
“Masaya ako na nariyan ang mga matalik kong kaibigan na si Seneca at Oxford, kaya naman kung maari wag mong ilayo ang loob mo sa kanila. Maasahan sila. Tapat sila sa pamilya natin. At kung sakali man dumating ang panahon na kailangan mong lumabas sa lugar na ito, sana makahanap ka ng kagaya nila. Mahirap ang buhay kapag mag-isa, ngunit kapag may mga kaibigan ka, kahit paano nariyan sila para makinig sayo. Ngunit hindi naman tayo yung tipo ng mga taong nagrereklamo sa mga kinakaharap nating problema, ngunit sa mundong ito kailanga parin natin ng kaibigan, Gabriel.”
@DeathWish
[HER RETURN 2024]
Chapter 241 The Happiness Dahil sa tanong ni Gabriel naging matamis at magian ang ngiting inabot ni Seneca. Napatango ito…“Nagdadalang-tao siya.”“Ibig sabihin…”“Yeah boy. Malapit ka nang maging ama. Congratulation. Better to prepare yourself for this.” Sabay abot ni Seneca ng alak sa kanya. “Cheers for this.”Hindi makapagsalita si Gabriel… Ngunit ng matauhan siya… Parang kung anong enerhiya ang pumasok sa katawan niya… Oo may galak… ngunit hindi niya alam kung para saan ang matinding kaba. Hindi niya magawang makapagsalita… Masaya naman siya…Ngunit…Ano itong nararamdaman niyang kakaiba? O sadyang labis lamang ang kagalakan niya.Kinuha niya ang alak… At diretso iyon na ininom…Ngunit di maitatago ang biglang pagkaputla ng mukha niya sa doktor na nakamasid nga s
Chapter 240 The Old Wine Pagkatapos kumain ni Serena…“Matutulog muna ako.”Tahimik na tumango si Gabriel. Ngunit ang ikinakatuwa talaga niya ng lihim… Ang di pagsusuka ni Serena ng pagkain. Lihim din na napatango sa kanya si Agatha dahil ito rin ay nakahinga na kumain nga ang dalaga.Mas pinili ni Gabriel na maupo sa sofa habang hinihintay ngang makatulog si Serena. Oo, mabilis ngang makatulog ito… Yun ang napansin niya… At tulog mantika sa tuwina.Nang makumpirma niyang tulog na ito… Sinarhan niya ang folder saka tinignan ang oras…Si Doctor Seneca…Hinahamon talaga siya nito.Talagang sinasadya na hindi nito sundin ang utos niya na puntahan siya mismo sa silid na iyon. Ngunit parang mayroong dahilan ang ama-amahan niyang doktor… Siguro para hindi na rin marinig ni Serena kung ano man ang natuklasan nito sa result
Chapter 239 Spoon Feeding Nang marinig ni Serena ang tanong ni Gabriel sa presensya ng mga doktor kahit siya naghihintay din sa sagot ng mga ito. Malay diba mayroon siyang malalang sakit… Edi matatapos na ang kabaliwan na ginagawa ni Gabriel sa kanya.“Master Gabriel, si Doctor Seneca ang kailangan niyong kausapin tungkol sa bagay na ito.” Isa sa mga doktor ang naglakas na loob na sabihin iyon dahil iyon naman talaga ang utos ng nakakataas na doktor sa kanila.“Hindi ba pinapatawag ko siya?”Hindi nakasagot ang mga ito.“Tsk.”“Gusto ko din malaman ang sakit ko.” Kuha ng pansin ni Serena kaya nilingon siya ni Gabriel. Titig ni Gabriel sa kanya hindi natutuwa sa narinig nito.“Eh, baka diba may malala akong sakit?”“…f*ck.” Napamura ng mahina ang binata.“Ikaw din… Kasalanan mo kapag namatay ako kaagad na h
Chapter 238 To Eat to Spoiled Maingat na inihanda sa harapan ni Serena ang isang bowl ng mainit na sopas.“Mabuti ito para sayo Miss Serena.” Si Agatha.“… Salamat po. Si Gabriel?” hindi niya kaagad nahuli ang sarili ngunit… huli na para din ang Mayordoma bumakas sa mukha ang gulat dahil kakalabas lang ng binata kanina at hinahanap niya kaagad.“Magpapalit daw muna siya ng damit. Sa ginagawa niya iha… magkakasakit siya.” Inabot sa kanya ang kutsara… Tinangap naman niya ito.“Magkakasakit siya? Bakit ano po ba ang ginawa niya?”Tinikman niya ang sopas… Bahagyang napatango. Oo, gutom na gutom siya…“Agad siyang umuwi ng dis-oras galing sa ibang bansa. Umuwi siya kaagad dahil alam mo na… Sino ba naman ang hindi makaka-uwi ng dis-oras ng malaman nga ang nangyari sayo? Lubos kasi siyang nag-alala ng husto sayo Miss Seren
Chapter 237 Cheerfully Hindi maitatangi ni Serena na ang mga matang nakatitig sa kanya ngayon ay puno ng pag-alala. Napabuntong-hininga siya dahil halata naman na pagod na pagod ang binatang nasa harapan niya at kahit ang kagandahang pagkalalaki nito ay hindi naikubli iyon.“They are fine. Tell me, may masakit ba sa'yo?”“…”“Serena…”“Uhm-ano.” sinubukan niyang bumangon nang alalayan siya ni Gabriel. Haplos nito may dalang kakaibang init na tila ba nangaling iyon sa labis na pag-aalala sa kanya.Hindi nila namalayan na iniwan sila mag-isa ng mga taong kanina nasa loob ng silid.Nang makaupo si Serena… Sinalubong na niya ang titig ni Gabriel ng walang alinlangan… Binigyan ito ng simpleng ngiti at lihim naman napabuntong-hininga ang binata.“Medyo masakit lang ang ulo ko pero hindi naman kailangan ipag-alala…
Chapter 236 His Silent Kiss “Mia ang pangalan mo. At pareho ang pamilyang pinangalingan ninyo ng Driver ni Master Gabriel.”“… Driver ni Master Gabriel… Sino po?”Muli isang Nakakadismayang buntong-hininga ang pinakawalan ng Mayordoma. Lumingon sa kasamahan at napatango dito. Nagulat na lamang si Mia ng lumapit ito sa kanya at sinabing…“Kailangan mong sumama sa akin, kailangan namin ito imbestigahan.”“Pero…” Angal ni Mia.“Sasama ka iha kung yun ay wala kang ginawang masama, sasama ka ng kusa. Ito lang ang paraan para malinaw na wala kang kinalaman sa nangyari. Ngunit hiling ko na wala nga… At isa lamang itong aksidente.” Saka tumayo si Agatha, at lumabas nga ng silid.Dinig pa niya ang paki-usap ni Mia ngunit napailing na lamang siya. Hindi matutuwa si Gabriel kapag may nagbalak ngang masama kay Serena.Lumapit si