Share

Kabanata 6

last update Last Updated: 2025-10-28 18:48:09

“Eloisa…” 

Hinalikan ko siya sa labi at gumanti naman siya. Naglaban ang mga dila namin habang abala ang mga kamay namin sa katawan ng isa’t isa. Ang bango niya. Nakakataas lalo ng libog ang kaniyang amoy.

Uncle Easton kissed my collarbone and my neck. Wala akong ibang magawa kundi humalinghing sa init na pinaparamdam niya sa ‘kin. Mabilis ang pangyayari. Masyadong mabilis. Pagka-uwi lamang namin dito sa bahay ay kaagad na niya ako binuhat papunta sa kwarto.

Nakakakiliti lahat ng haplos niya sa aking katawan. Ang kamay ko ay nasa laylayan ng kaniyang damit at hinila ito pataas para tanggalin.

Tinignan niya ako sa mata pagkatapos hubarin ang kaniyang damit. “Alam mo ba ang ginagawa mo?”

Maliwanag na ang araw nang imulat ko ang mga mata ko. Saglit akong napatitig sa kisame bago napangiwi. “Ugh…” Napahilot ako sa sentido habang nararamdaman pa rin ang epekto ng alak kagabi.

Shit, I let my imagination run wild again. Panaginip lang pala ‘yon.

Sayang. 

“Hay naku, Eloisa! Sinasabi ko na nga ba.” Nakapameywang na sambit ni Manang Evy sa may pinto ng aking kwarto. “Mabuti na lang at si Sir Easton ang naghatid sa’yo. Jusko! Nakakahiya kang bata ka, bakit ka sumuka sa kotse ni Sir?”

Bigla ako nanlamig sa sinabi ni Manang. Pagkatapos ko nga palang sabihin kay Uncle Easton ang katagang “Teach me, uncle professor” bigla siyang nag-preno kaya tuluyan akong tumilapon sa dashboard. Dahil sa hilo, hindi ko napigilang sumuka. Pero teka, ibig sabihin pa nito ay si Uncle Easton nagbuhat sa ‘kin paakyat ng kwarto ko?

Napasubsob ako sa unan at pinagsisipa ang aking mga paa sa kilig. “Kyaah!” Ipit na sigaw ko habang nakabaon ang mukha sa unan. Humarap ako kay Manang. “Binuhat ako ni Uncle Easton, Manang?”

“Ay hindi! Hindi mo ba naaalala nangyari?” sagot ni Manang, sabay taas ng kilay na may halong nanunukso.

Kumunot ang noo ko dahil doon. “Ha?” Parang nalaglag ang puso ko sa sinabi ni Manang. Kung hindi si Uncle nag buhat sa ‘kin edi sino?

“Pagkatapos mong sumuka sa kotse ni Sir, dinala ka niya dito sa loob. Hindi ka nga bumibitaw sa braso niya, parang batang takot mahulog.” Napailing si Manang, pero halata sa tono niya na pinipigilan lang niyang matawa. “Pagdating ninyo rito, inihiga ka muna niya sa sofa. Edi s’yempre kumuha ako ng towel para sa ‘yo pero jusko!” 

Sinubukan kong alalahanin ang kwento ni Manang ngunit wala talagang lumalabas sa aking memorya. I know I was just tipsy that time pero dahil sa pagmamaneho at biglaang preno ni Uncle ay tuluyan na akong nahilo. Ano ba talagang nangyari?

Umupo si Mamang sa kama ko upang tumabi sa ‘kin. “Nagulat na lang kami ni Sir at tumayo ka na lang bigla, dumiretso sa hagdan, tapos ayun, umakyat dito sa kwarto na parang wala lang nangyari.”

Really? Ginawa ko ‘yon? Ano ka ba, Eloisa!

Tinapik niya ako sa balikat. “Naglinis pa si Sir ng kotse niya kagabi dito! Kahit pa sinabi ko na sa kaniya na ako na, ayaw niyang pagalitan ako ni Ma’am. Ay naku, buti na lang at mabait pa rin si Sir kahit halatang galit na galit na.”

“WHAT?!” Bigla akong napatapon sa kama kaya yumugyog ito. Napasapo ako sa mukha ko. “Manang! What if naturn-off na sa ‘kin si Uncle?”

“Ewan ko sa ‘yo, Eloisa. Basta’t magpasalamat ka na lang at hindi ka pinabayaan ni Sir.”

Napangisi ako sabay kindat kay Manang Evy. “Don’t worry about that, Manang. Sisiguraduhin ko papasalamatan at paliligayahin ko pa siya!”

“Hay naku! ‘Yang dila mo talagang bata ka! Tatanda ako lalo sa ‘yo.”

Tumawa ako habang sabay tayo mula sa kama. May pasok pa ako mamayang hapon kaya kailangan ko na rin mag-ayos kahit na may kirot pa rin akong nararamdaman sa ulo ko. Madadala naman ito ng gamot. Ayaw ko magmukhang chaka doll at class ‘no!  That is so not my branding.

“Sige na, Manang. Mag-aayos na po ako then I’ll eat sa baba pagtapos.” 

“Oh siya, ipaghahain na kita doon.” 

Nang makalabas si Manang sa aking kwarto, kaagad ako dumiretso sa banyo upang mag-shower. Hindi naman ako nahirapan mag-ayos dahil hinanda na rin ni Manang ang uniporme ko. Ang kailangan ko na lang gawin ay magpaganda pa lalo!

Pagkababa ko ng hagdan, naamoy ko na agad ang sariwang aroma ng kape at garlic rice. Mas lalo tuloy akong natakam! Naririnig ko rin ang boses ni Manang mula sa kusina, kaya’t nagmamadali na akong bumaba.

Pero kaagad ako napatigil nang masilayan ko ang isang pigura na nakaupo doon sa dining table.

Anong ginagawa niya rito ng ganito kaaga?

May hawak siyang tasa ng kape habang may binabasa sa laptop na nasa harapan niya. Nakasuot siya ng puting polo pero nakabukas ang unang dalawang butones habang may coat na nakasabit sa kaniyang upuan.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Ang gwapo, gwapo mo naman, Uncle… mas lalo mong pinapainit ang umaga!

“First lesson,” aniya nang ‘di ako tinatapunan ng tingin. “Never be late.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 83

    “Kaya sobrang saya ko dahil napagkasunduan na ng dalawang pamilya na ipakasal kayo..”“What?” Hindi ko napigilan ang aking gulat, wala akong pakialam kung nakatingin silang apat sa ‘kin. “Ano pong ibig niyong sabihin, Grandpa?”Nagkatinginan pa si Arissa at si Grandpa bago nagsalita si Grandpa. Ibig sabihin napag usapan na nila ito bago pa nila kami nakarating dito. “Ginawa namin ang lahat para isalba ang kumpanya at malaking bagay din ang ginawa ng mga Raquin sa ‘tin pero hindi pa rin ‘yon sapat… Nabalitaan ni Arissa ang nangyayari kaya nais niyang tumulong sa ‘tin.” “P-pero…” halos bulong ko. Ayoko! Wala na bang ibang paraan para maisalba ‘yang kumpanya na ‘yan? Hindi ba dapat ang Papa ko ang magbabayad dito? Bakit kailangan madamay pa si Easton na nananahimik lang?“Kailangan na natin ng mabilis na solusyon na tanging si Arissa lamang ang makakapagbigay.” Matigas na pagkakasabi ni Grandpa. “Kaya Easton, nakatakda kang ikasal kay Arissa.”Tahimik lang si Easton habang ako naman ay

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 82

    Sa wakas ay nakarating na rin kami sa restaurant na sinasabi nila Mama. Panay ang haplos ni Easton sa hita ko habang nasa byahe. Pinipilit pa nga ni Easton na pinapalitan niya ng heavy tint ang kaniyang kotse kaya walang makakakita ng nangyayari sa loob. Pero ayoko masira ang ayos ko kaya mas pinili ko na lang na hindi siya pansinin kahit mahirap kalabanin ang tukso. Bahala siya sa buhay niya. Siya na nga ang pinaka pinoprotektahan dito pero parang siya pa ang hindi nag iingat.Pinagbuksan kami ng lalaki ng pintuan kaya ngumiti ako sa kaniya bilang pasasalamat. Maraming tao ngayon sa restaurant na mukhang mga yayamanin din. Tumingin kami sa paligid hanggang sa nakita namin sila Grandpa at Mama sa sulok na table kaya roon kami dumiretso ni Easton. Ngunit nawala agad ang ngiti ko nang makita kong may mga kasama pala sila. Hindi ako nasabihan na may ibang tao pa pala.“What is she doing here?” pabulong ko na tanong kay Easton habang papalapit kami sa table. Naiimbyerna ako habang nakiki

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 81

    Tapos na ang klase ko ngayon kaya umuwi ako agad dahil may pupuntahan kaming family dinner malapit sa kumpanya namin. Parang ayaw ko nga pumunta dahil masama ang kutob ko pero hindi pwede dahil magtatampo si Mama kung sakali.Iniisip ko kasi kung hindi ako tumuloy, baka hindi na rin pumunta si Easton doon at gamitin yung pagkakataon para magkasama kami. Pero sigurado akong may nakasunod pa rin sa ‘min kaya mas mabuti kung pumunta na lang kaming dalawa.Nakarating na ako sa bahay at agad akong dumiretso sa kwarto ko para makapili ng susuotin bago maligo. Mabuti na lang at si Manong Pip ang sumundo sa ‘kin, kung hindi ay mas matatagalan pa ako makakauwi at konting oras na lang meron ako para mag ayos. Nagpahinga lang muna ako saglit sa kama ko. Pinagmasdan ko lamang ang paligid kung saan marami kaming alaalang nabuo ni Easton. Naalala ko tuloy kung ilang beses na niya akong naangkin sa kama na ito. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot at pangungulila sa matandang binata.Pinikit ko ang akin

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 80

    “No more extensions. You must submit your reports by the end of the week.”Samu’t-saring angal ang narinig ko sa mga kaklase ko nang sabihin ng masungit naming professor ‘yon. Ngunit wala akong pakialam. Hindi dahil tapos ko naman na ‘yong report, kundi dahil, masakit sa pakiramdam na kailangan naming magpanggap na walang namamagitan sa ‘min.“Ako lang ba pero ang extra sungit ni Papi Easton? Red days niya ba?” tanong ni Trisha na may halong pagrereklamo habang nagliligpit ng mga sandamakmak na papeles sa kaniyang lamesa.Ilang linggo na kaming hindi nagpapansinan ni Easton. Hindi na siya bumibisita sa bahay at hindi na rin ako nakakapunta sa apartment niya. Wala kaming choice kundi gawin ito para maipamukha sa kung sino mananakot sa ‘min na wala namang namamagitang iba sa ‘min. Gusto man ni Easton magpadala ng mga guard sa bahay namin, pinili na lamang namin na huwag muna para hindi ma-stress si Mama. “Parang lagi namang masungit si Professor, hindi ka pa ba nasanay?” saad naman ni

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 79

    “Saan ka galing?” tanong ko nang maupo kami sa sofa. Naroon pa rin ang marka sa leeg ni Easton at pilit kong iniiwasan ang tingin ko roon, pero kusa itong humihila ng atensyon ko.Gusto kong patunayan sa sarili ko na walang tinatago si Easton sa ‘kin. Na wala akong dapat ikabahala. Denidemonyo lang ako nung nag-text sa ‘kin para magkasiraan kami.“Hmm?” Lumingon ito sa aking gawi. “Sa apartment ko, baby. Natagalan lang talaga ako dahil sa traffic,” kalmado niyang sagot niya habang minamasahe ang kaniyang relo sa kaniyang kaliwang pulso.Muling nag-vibrate ang phone ko. Nanginginig ang daliri ko habang binubuksan ko ang cellphone.He touches his watch when he lies.Natigilan ako at para bang may bumara sa lalamunan ko habang pinapanood ko ang kilos ni Easton. Ayaw kong pakinggan kung sino man itong nagte-text sa ‘kin pero parang sakto lahat ng kaniyang sinasabi sa nakikita ko kay Easton. Pero hindi, mahal ako ni Easton kaya sigurado ako hindi siya gagawa ng kahit anong bagay na ikakas

  • Teach Me, Uncle Professor    Kabanata 78

    Hindi pa man kami tuluyang naghihiwalay ay may kaluskos na nagmula sa may bandang pinto ng faculty room. Pareho kaming napalingon ni Easton.“May tao,” bulong niya.Agad niyang pinatay ang flashlight ng cellphone at hinila ako palapit sa kaniya. Sa dilim, mas rinig ko ang tibok ng d!bdib ko kaysa sa sarili kong paghinga. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at sumilip ang sinag ng ilaw mula sa hallway.“Hello?” isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa silid. Masyadong pamilyar ang boses.Si Mr. Bartolome.Napahigpit ang kapit ni Easton sa aking bewang. Tinakpan niya ako gamit ng kaniyang katawan kaya kung sakali mang makita kami ay hindi kaagad ako mapapansin. Humakbang palayo ang principal at muling nagsara ang pinto. Nanatili kami sa aming mga pwesto, at hindi pa rin gumagaan ang pakiramdam ko.“Easton…” maingat kong sambit. “That’s exactly why we have to be smarter from now on.”Tumango siya, seryoso na ang mukha. “I understand. Sisiguraduhin ko ring malalagot ‘tong mga pas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status