Share

KABANATA 1

Four years later...

"Welcome back, Gail!"

Isang malaking ngiti ang sumalubong sa akin sa airport nang makalabas na ako, ngunit napasulyap kaagad ako sa katabi niya at nakangiti sa akin ang napakaganda kong anak na si Angel. Makalipas ang ilang taon ay nagkita rin ulit kami.

"Mama."

"A-angel..."

Tumakbo kaagad ako sabay yakap sa anak ko nang mahigpit. Ang sabi ko na hindi ako iiyak kapag nakita ko siya ay hindi naman nangyari. Napahagulhol kaagad ako dahil sa sobrang galak.

"I'm so happy for you," usal pa ni Olive.

Kumawala na ako sa pagkakayakap kay Angel at siya naman ang niyakap ko sabay tapik na rin sa balikat nito. "I missed you, Liv. Salamat sa lahat ng mga sacrifices at pag-aalaga mo kay Angel."

"Ano ka ba, pinapaiyak mo naman ako." Napapahid na siya sa kaniyang kanang mata. "Alam mo namang parang anak na lang din ang turing ko rito sa kaniya. Tara na, baka iwan na tayo ng taxi na kinausap ko."

Tuluyan na kaming umalis ng airport pauwi sa bahay ni Olive. Nasa malayong probinsiya kasi nakatira ang pamilya ni Olive kaya ako lang din ang pamilya niya rito sa siyudad. Habang nagtatrabaho ako sa Hongkong ay patuloy ang pagpapadala ko rito ng pera para sa kanila ni Angel at para na rin sa pagpa-renovate ng bahay.

"Ang ganda na ng bahay," bungad na salita ko nang makarating kami.

"Gawa 'yan ni Tita Liv, Mama," tugon naman sa akin ni Angel.

Iba ang saya ko kapag tinatawag akong "mama" ng anak ko. Kahit na araw-araw naman kaming nagvi-video call ay iba pa rin talaga sa personal. Mabuti nga at kahit simula pagkabata ay hindi niya ako nakasama, malapit pa rin ang loob nito sa akin.

Makalipas ang ilang oras, pinagpahinga na muna namin si Angel dahil bawal itong mapagod dulot ng sakit nito. Tuluyan na rin kaming tumambay ni Olive sa maliit naming veranda para mag-usap.

"Balak mo pa bang bumalik pagkatapos ng natitirang chemotherapy ni Angel, Gail?"

Napabuntong-hininga ako sa naging tanong sa akin ni Olive. "Hmm, hindi na siguro. Malaki-laki na rin naman ang ipon ko at ayoko na rin namang mawalay kay Angel lalo na rin ngayon at alam kong ikakasal ka na."

"Alam mong walang problema 'yon sa akin, Gail. Wala pa naman kaming anak ni Derek. Pero siyempre, iba rin talaga kapag kasama mo ang anak mo habang nagtatrabaho ka."

"Kaya nga, maghahanap na lang ako ng trabaho rito at baka may bakante na." Bahagya akong napasulyap sa kalangitan. "Kailangan ko rin kasing dagdagan ang ipon ko para sa aming dalawa ni Angel."

"Kumusta naman 'yang puso mo?"

Natigilan ako sa tanong nito. "P-puso ko? Ayos lang, basta nandito kayo ni Angel palagi sa tabi ko."

Hinawakan na ni Olive ang kaliwang kamay ko. "Sa'kin ka pa ba magsisinungaling, Gail? Isa sa dahilan mo kung bakit ka umalis ay ang tuluyang kalimutan si Rome."

"A-ayos na ako, Liv. Naka-move on na ako sa lalaking 'yon," mahinang tugon ko sa kaniya. "Huwag na lang natin siyang pag-usapan. Tara na sa loob at marami akong mga pinamiling dress para sa'yo."

As much as possible, ayoko nang pag-usapan pa namin si Rome dahil bumabalik lang lahat ng mga masasamang nangyari sa buhay ko. Binura ko na siya sa buhay namin ni Angel at kahit kailan, hinding-hindi niya makikita ang anak niya...

Lumipas ang ilang araw at simula noong nakapagpahinga na ako, naghanap na rin ako ng trabaho sa iba't-ibang kompaniya pero wala pa ring tumatanggap sa akin.

"Hindi ko alam kung malas lang ba talaga ako o hindi qualified sa trabaho," mahinang usal ko kay Olive. Nasa tabihan lang din kasi namin si Angel at ayokong marinig niya ang pag-uusap namin.

"Gano'n ba..." Napahinga na rin ito nang malalim. "What if mag-apply ka na lang ng trabaho sa mga kompaniyang pinasukan mo noon?"

"Sa Nile lang ako nagtrabaho, e," tugon ko pa. "Hinding-hindi na ako babalik do'n."

Tinapik naman na ni Olive ang balikat ko. "Kung hindi mo alam, matagal nang wala sa bansa si Rome at ang pamilya niya kaya kahit mag-apply ka sa kompaniya nila rito, hindi niya naman malalaman."

Bahagya akong nagulat sa sinabi nito. "Talaga? B-bakit sila umalis?"

"Ang alam ko ay may bagong fiancé si Rome, e..."

Biglang tumahimik ang buong sala nang sabihin iyon ni Olive. Hindi na lang din ako nagsalita at ayaw ko pa namang pag-usapan sana ang tungkol sa papa ni Angel.

Nang sumunod na araw, napag-isipan ko na mag-apply na lang sa Nile Corporation dahil nga sa naging kwento ni Olive. Walang problema sa akin hangga't hindi ko nakikita ang mukha ni Rome.

Hindi ko rin akalain na mabilis lang akong matatanggap dahil mayroon na akong maayos na record sa kompaniya. Ang ikinalulungkot ko lang ay wala na ang mga dati kong katrabaho at nagsi-alisan na ang mga ito.

"Congrats, Gail! I know you could do it!"

"Congrats, Mama!"

Napatawa na kaming dalawa nang tumakbo rin palapit sa akin si Angel at niyakap ako nang mahigpit.

"Aw! Thank you, Angel. Dahil diyan, magluluto ako ng paborito mong adobo na manok ngayong hapunan natin," usal ko pa.

"Yehey!"

It was a great night for the three of us. Akala ko, pagkatapos akong iwan ni Rome ay hindi na ako magiging buo ulit. Pero makita ko lang ang ngiti ni Angel, sobrang saya na ng puso ko. Pero minsan, may mga panahon pa rin na tinatanong ko ang sarili ko kung bakit nangyari iyon sa amin ni Rome. Ang hirap lang tanggapin nang buo. Ang hirap...

Dumating ang araw na unang trabaho ko sa kompaniya bilang isang Executive Secretary. Tamang-tama rin na may pasok si Angel sa paaralan kaya ako na ang naghatid sa kaniya bago pumasok sa trabaho.

"Babye, Mama! I love you po!"

"I love you, too, Angel. Good luck, baby!" Kumaway na ako sa bata at nagpaalam na kaagad.

Pasado alas-sais singkwenta nang makarating ako sa kompaniya. Unang sumalubong sa akin si Ma'am Joy, ang Chief Strategic Officer ng Nile Corporation.

"Good morning, Ma'am."

"Oh, Gail. It's been a while since the last I saw you." Ngumiti na siya sa akin sabay sulyap sa ID ko. "Oh, you're working here again?"

Tumango na ako sa kaniya. "Opo, Ma'am. Kababalik ko lang din po galing Hongkong."

"That's great. I hope you'll find your spark here again and get yourself together after that seperation." She gently tapped my shoulder. "I'll go ahead na."

Alam ni Ma'am Joy ang nangyari sa amin ni Rome pero mabait pa rin siya sa akin. Ngumiti na lang ako at tuluyan nang pumunta sa opisina ni Sir Christopher Sullivan, ang kasalukuyang CEO ng kompaniya na pinsan ni Rome.

Nang makapasok ako sa loob, nagulat ako dahil sa dami ng mga taong nandoon. Mayroong nagbubuklas ng mga portrait ni Sir Christopher sa wall habang ang iba naman ay naglilinis ng mga tables.

Nangunot ang noo ko kaya naman ay lumapit na ako sa isa sa mga staff. "H-hello po. Ano po'ng meron dito ngayon?"

"Ah, kinukuha lang po namin ang mga gamit ni Sir Christopher, Ma'am."

"Po? Bakit naman?" pagtatakang tanong ko pa.

"Iba na po kasi ang CEO ng kompaniya ngayon."

Napataas bigla ang kilay ko. "Like ngayon lang po talaga? Sino po ba ang bagong CEO?"

"Si Sir—"

"Is everything ready?"

I froze when I heard a familiar voice entered the room. It was the same domineering voice I heard years ago. Dahan-dahan akong lumingon at sa sobrang gulat, bigla na lang akong na-out of balance dahilan para bumagsak ako sa sahig.

"R-rome?!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status