Share

Tears of the CEO’s Broken Wife
Tears of the CEO’s Broken Wife
Author: Ruby Jane

PROLOGO

"I'm infertile."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko iyon galing sa asawa ko pagkatapos niyang buksan ang isang puting envelop na ibinigay ng mother-in-law ko. Imbis na gender ng magiging anak namin ang iaanunsyo, iyon pa ang narinig ko.

"M-mahal, a-anong pinagsasasabi mo?" mahinang tanong ko habang nanginginig.

"Didn't you hear me, Gail? I said, I'm infertile!" Hinagis na niya sa akin ang papel na hawak-hawak nito. "I am not the father of that child! How long have you been cheating on me?! Kailan mo pa ako niloloko ha?!"

Biglang natumahimik ang buong paligid nang sumigaw na si Rome. Ang lahat ng mga bisita ay sa amin nakasulyap habang nagsikalat ang mga pink na confetti sa buong paligid.

"H-hindi ko alam ang pinagsasasabi mo, Mahal. Ikaw ang ama nitong dinadala ko kaya bakit—"

Isang malutong na sampal ang naramdaman ko dahilan para ma-out of balance ako at matumba. Sinampal ako ng mommy ni Rome na galit na galit ang mukha nito.

"How dare you fool my son?! How dare you fool our whole familya with that bastard you are carrying?!" anas sa akin ni Tita Veronica, ang ina ni Rome.

Napahagulhol na lang ako sa iyak dahil hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Lumuhod na lang ako kay Rome at kay Tita Veronica. "M-maniwala po kayo sa akin. Si Rome po ang tatay nitong dinadala ko at kahit kailan ay hindi ko siya kayang lokohin. M-maniwala kayo...R-rome, maniwala ka naman..."

"This party is done. Everyone can go home now," usal pa ni Rome sa lahat ng mga bisita namin.

Umalis na ang mga taong pumunta sa Gender Reveal at ang tanging naiwan na lang ay kaming tatlo rito sa likod ng bahay nila kung saan ginanap ang celebration. Hindi ko akalain na ito pala ang kahihinatnan ng lahat lalo na at ilang buwan na lang ay manganganak na ako.

"M-mahal..."

Tinitigan lang ako ni Rome. Walang emosyon ang kaniyang mga mata. "Minahal kita, Gail, nang buong puso. I even refused a lot of opportunities just to be with you. I even disregarded my parents because I know that I'll have a happy family with you. Pero ano 'to? Tangina Gail!"

"R-rome, h-hinding-hindi ko magagawa 'yan sa'yo—"

"I have no time for your explanations. Leave this house immediately."

Pinagmasdan ko lang ang likod ni Rome na naglalakad palayo sa akin. Sa bawat hakbang nito ay unti-unting nadudurog ang puso ko na tila sa isang iglap, nawala lahat ng mga pinapangarap kong masayang pamilya kasama siya.

Nilapitan na rin ako ni Tita Veronica at tinitigan lang habang nakahandusay ako sa sahig. "Well, Hija, the gate is open. You may now leave and I hope you never come back, especially in Rome's life."

I couldn't utter any word sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Mangiyak-ngiyak akong tumayo nang marahan habang hawak-hawak ang tiyan ko.

Gusto kong ipaglaban ang katotohanan. Gusto kong sabihin ang lahat kay Rome ang mga hinanakit ko pero sa ngayon, kailangan ko munang unahin ang kapakanan ng anak ko kaya tuluyan ko na lang na nilisan ang mansiyon nila.

"Gail! Sorry, ngayon lang ako nakabalik, si Derek kasi dumaan—teka, ba't ka umiiyak?"

Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Olive, ang tanging kaibigan ko. Mas lalo akong humagulhol nang makita ko siya kaya niyakap ko na lang ito kaagad.

"L-liv..."

"Oh, tears of joy ba 'yan o ano?"

Kumawala na ako sa pagkakayakap at hinigit ang kaniyang braso. "M-mamay ko na lang ipapaliwanag sa'yo, Liv. U-umalis na lang muna tayo."

Mabuti na lang at hindi na rin nagtanong sa akin si Olive kaya kaagad na kaming umalis at umuwi sa bahay niya. Tanging siya na lang kasi talaga ang pamilya ko ngayon maliban kay Rome, kapag nawala pa si Olive ay baka hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ipinaliwanag ko na lahat kay Olive ang mga nangyari at sinusubukan ko talagang kumalma dahil kapag hinayaan ko ang sarili kong magpadala sa emosyon, baka madamay pa ang anak ko.

"Aba, tangina pala ng Rome na 'yon, e! Ilang taon na kayong magkasama pagkatapos iiwan ka na lang niya nang gano'n-gano'n!?"

Iyak lang ako nang iyak habang pinakikinggan si Olive. Kahit ako ay naguguluhan din kung paano humantong sa ganito ang relasyon namin ni Rome.

Nilapitan na lang ako ni Olive at niyakap nang mahigpit. "Tumahan ka na, Gail. Iwan ka man ni Rome pero nandito naman ako, tutulungan kita hanggang sa manganak ka na."

"S-salamat, Liv. Salamat..."

Lumipas ang ilang buwan na paulit-ulit akong bumabalik sa mansiyon ng mga Sullivan para kausapin si Rome pero hindi talaga ako napagbigyan. Kahit na maubos na lahat ng pride ko at dignidad para lang maayos ang pamilya namin pero wala pa ring nangyari.

Hanggang sa manganak na ako, umaasa akong susulpot si Rome para makita ang anak namin pero hindi iyon nangyari. Kahit anino niya ay hindi dumating.

"Congrats, Gail! Healthy at sobrang ganda ni Baby Angel, kamukhang-kamukha mo talaga."

Napatitig na ako sa anak ko nang makauwi na ako galing hospital. Mas nauna kasing nakalabas si Angel dahil marami pang tests na kailangang gawin sa akin.

Hindi ko mapigilang mapangiti kapag tinititigan ko ang anak ko. Sa ilang buwang miserable ang buhay ko, ngayon lang yata ulit ako sumaya. Ngunit hindi maipagkakaila na nakikita ko talaga ang mukha ni Rome kay Angel at sa tuwing naiisip ko 'yon, kumikirot ang dibdib ko.

Lumipas ang ilang araw na kasama na namin si Angel sa bahay. Tila lumiwanag na ulit ang mundo ko ngunit unti-unti naman akong nangangamba dahil paubos na ang inipon kong pera para sa mga gastusin ni Baby Angel.

"Ano, kumusta ang pag-apply mo ng trabaho, Gail?"

Bumuntong-hininga ako at inilapag ang ilang copy ng resume ko sa mesa sabay tingin kay Olive na karga si Angel. "Ayon, wala pa rin. Ilang linggo na akong naghahanap ng trahabo pero palaging under-qualified."

"Ano pa ba ang aasahan mo sa bansa natin, Gail..."

"Teka, paano kaya kung mag-abroad na lang ako," biglang usal ko kay Olive sabay hawak sa magkabilang braso nito. "Sorry, Liv. Pero mukhang kailangan ko munang iwan sa'yo si Angel at ako na ang bahala sa gastusin ninyo. Mukhang wala kasi talaga akong mapapala rito, e."

"Abroad? Seryoso ka, Gail?!"

Tumango-tango na ako. "Ayos lang ba sa'yo?"

"Ayos lang sa akin, pero inaalala lang kita atsaka ayaw ko rin namang malayo ka sa anak mo." Napahinga na rin ito nang malalim. "Pero kung ano man ang desisyon mo, nandito lang ako para alagaan si Angel."

Napasulyap na ako sa anak ko at marahang lumapit sa kaniya sabay ngiti. "Anak, hindi man ako perpektong ina, gagawin ko ang lahat mabigyan ka lang ng magandang buhay. Pangako 'yan..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status