Share

KABANATA 4

Bawat hakbang ko palabas ng building ng mga Sullivan ay pabigat nang pabigat. Hindi ko akalaing kahit ilang taon na ang nakakalipas ay maaapektuhan pa rin ako sa ina ni Rome at sa mga trauma na naranasan ko sa kanila. That was the lowest point of my life and I will do anything just to get away from it.

“Hey! My fiancé’s secretary!”

Napatigil ako sa paglalakad nang mayroong tumigil sa gilid kong sports car. Nakasakay roon sina Rome at si Summer na fiancé nito. “Yes po?” pagtatakang tanong ko sa kaniya.

“Who are you again?”

“My name is Gail po.” mahinang tugon ko sa kanila.

Narinig ko naman na itong tumawa habang si Rome ay tahimik lang na nasa driver’s seat. “Do you live nearby? Do you want us to take you home? Right, baby? We can take her home?”

“Gail, sumabay ka na sa’min kung gusto mo,” usal pa sa akin ni Rome.

Humarap na ako sa kanilang dalawa at huminga nang malalim. “With all due respect po, malapit lang ang bahay ko rito kaya hindi n’yo na ho kailangang mag-alala tungkol sa akin. I appreciate the ride po pero no thanks po,” pahayag ko pa at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

Mabuti na lang at hindi na rin sila pumilit pa at umalis na ang sasakyan makalipas ang ilang minuto. Wala akong ideya kung may alam ba si Summer tungkol sa past naming dalawa ni Rome. Pero ayoko na rin namang isipin ‘yon basta ang importante ay nagtatrabaho ako nang marangal at wala akong nilalanding ibang tao para lang makahanap ng pera. I’m not even planning to seduce Rome just to get what I want. Pagod na ako sa kanilang pamilya, lalo na sa kaniya.

“Gail! Gail!”

Napatigil ako nang makarating na ako sa harap ng palengke. Hinanap ko kaagad ang boses ni Olive na tumatawag sa akin at nakita ko siyang kumakaway sa bandang entrance ng wet market. Napangiti na ako at naglakad papunta sa kaniya.

“Hindi ka pa nakakauwi, Liv?” pagtatakang tanong ko sa kaniya.

Umiling na siya sa akin at hinawakan ako sa braso. “Pasensiya ka na, Gail, hindi ko kasi maiwan itong mga paninda ko at sobrang daming mga customers kanina. Hindi ko pa rin nasusundo si Angel sa school niya.”

Bigla akong naalarma kaya tinapik ko na lang ang balikat ni Olive dahil wala naman siyang kasalanan. “Ayos lang, Liv. Sorry rin at dumadagdag pa kami sa problema mo. Hayaan mo pupuntahan ko ngayon si Angel.”

Dali-dali na akong sumakay ng tricycle papunta sa paaralan ni Angel. Kinakabahan na ako lalo na at pasado alas-singko y media na ng hapon at alas kwatro pa kanina natapos ang klase niya.

Pagkarating ko sa school, siya kaagad ang nakita ko sa bandang guard house na naka-upo lang roon. Maluha-luha akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ng bata at kaagad na rin itong niyakap.

“Angel, anak!”

“M-mama…” Nanginginig ito habang yakap-yakap ko. Tuluyan na ako napahagulhol dahil hindi ko talaga kayang mawala pa si Angel sa buhay ko at si Olive. Silang dalawa na lang ang natitira kung bakit pinipilit ko pang magsikap at mabuhay.

Kumawala na ako sa pagkakayakap sa kaniya at hinawi ang buhok nitong gulong-gulo. “Mama’s here, don’t cry na, okay?”

“Kanina pa po ‘yang bata rito, Ma’am. Mabuti na lang po at dumating na kayo at paalis na rin ho kasi ako.”

Tumayo na ako at nilapitan si Manong Guard. “Maraming salamat po talaga, Manong. Pasensiya rin po sa abala at hinding-hindi na po talaga ito mauulit.”

“Ayos lang ho.”

Umalis na rin kaagad kaming dalawa ni Angel para umuwi. Pagkarating ko sa bahay ay nandoon na rin si Olive. Guilty na guilty ito sa pangyayari pero humingi na lang ako ng patawad lalo na at hindi niya naman talaga trabaho ang pagbabantay sa anak ko.

“Pasensiya ka na talaga, Gail. Hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Angel.”

Tinapik ko na sa balikat si Olive at nginitian. “Ano ka ba, sabing okay na at huwag mong sisisihin ang sarili mo. Responsibilidad ko si Angel at wala kang naging kasalanan, okay?”

Tumango na rin siya sa akin at bumuntong-hininga. “Siya nga pala, kumusta naman ang trabaho mo bilang isang sekretarya ng dating asawa mo? Pinapahirapan ka ba niya?”

“Hmm, hindi naman. Maayos naman ang trabaho ko at sa mabuting palad ay hindi kami nagkikita ni Tita Veronica.” Bahagya na akong napatingin kay Angel. “Hangga’t maaari kasi ay hindi puwedeng mag-krus ang landas namin dahil alam mo namang kailangan ko talaga ang trabahong ‘to.”

“Basta, magsabi ka lang kung inaagrabyado ka ng mga ‘yan at hindi ako magdadalawang isip para sugudin sila,” usal pa niya sa akin.

Tumawa na lang ako sa kaniya. “Kayang-kaya ko ‘yan sila, Liv. Hayaan mo na. Tara na at magpahinga dahil gagala tayo bukas sa Park at nang makapag-relax din tayo.”

Habang nakahiga ako ay wala na akong ibang inisip kung hindi silang dalawa. Natatakot ako na baka anytime ay mawala itong trabaho sa akin. Hindi puwedeng mangyari ‘yon. I would do anything to earn some money para sa chemotherapy ng anak ko. Wala rin namang kaba sa totoong tatay niya at matagal na niyang tanggap na hindi niya anak si Angel.

Kinaumagahan, alas-otso ng umaga nang umalis kaming tatlo para mamasyal at kumain sa labas. Ayaw ko ring puro na lang trabaho si Olive kaya binilhan ko na siya ng mga damit na gusto nito at bag. Sa ilang taon ba namang pag-aalaga niya sa anak ko ay sobrang thankful talaga ako para roon.

“I want this, Mama! I want this!” Itinuro na ni Angel ang mga stuffed toy na nasa unahan namin kaya sinamahan na rin namin ito.

Mag-iisang oras na kaming naglilibot dito sa loob ng park pero hindi pa rin nakakaramdam ng pagod ang dalawa. Napapangiti na lang ako sa tuwing nakikita ko silang masaya. Mas nakakagana pa tuloy magtrabaho dahil sa nakikita ko ngayon.

“Gail? Is that you?”

Napatigil na kami nila Olive nang biglang may lumapit sa amin. Nagulat ako na nakatayo na pala sa harapan namin ngayon si Attorney Salvador. Ang naka-meeting ni Rome noong nakaraan ang at lalaking nagsasabing kilala niya ako.

“Kevin? Ikaw ba ‘yan?” pagtatakang tanong pa ni Olive.

“Wait a minute, Olive Defensor? Is that you?!”

Napatili na si Olive at dali-daling hinampas si Attorney sa balikat. “Oh my gosh! Ikaw nga, grabe halos hindi na kita nakilala dahil diyan sa suot mo ngayon.”

Tahimik lang akong nakikinig sa dalawa habang binabantayan ko rin si Angel na naglalaro para makuha ang stuffed toy. Wala rin naman akong ideya kung bakit nandito si Attorney sa lugar na ‘to.

“Gail, hindi mo ba natatandaan si Kevin? Iyong nakasama natin dati sa birthday ng mayaman nating kaklase, si Bernadeth.”

Napangunot na ang noo ko at pilit na inalala ang mga pangyayari. Sa dami kasing traumatizing events na nangyari sa buhay ko ay ang dami ko nang hindi maalala at mga nakalimutan na parte ng past ko. Mga ilang segundo rin bago nag-sink in sa akin ang lahat at napangiti na ako nang maalala ko si Attorney.

“Ah, ikaw ‘yung kasama ni Jomari? Iyong ex-boyfriend ni Olive?”

He nodded at me and smiled. “Finally, you remembered me, Gail. I’m glad.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status