Share

KABANATA 5

Magkasama na kaming nag-lunch nila Attorney Kevin pati na rin nila Olive at Angel. Dinala niya kami sa isang mamahaling restaurant na malapit lang din naman sa park kaya hindi na kami nakatanggi.

“I didn’t know you have a daughter, Gail,” nakangiting pahayag ni Kevin sa akin sabay tingin kay Angel. “I didn’t mean it badly. It’s just, I was only a little shocked.”

Ngumiti na lang ako sa kaniya. “Yep. She’s already four years old.”

“Then where’s your husband?”

Tumahimik bigla ang table namin nang tanungin iyon ni Kevin. Napatingin na lang ako kay Olive at mabuti na lang dahil kaagad niya rin namang na-gets ang pagsulyap ko sa kaniya. Matagal-tagal na rin kasing hindi namin pinag-usapan ang tungkol sa ama ni Angel lalo na sa harapan ng bata. I know it’s selfish for me na hindi sabihin ang totoo niyang ama pero piniprotektahan ko lang siya dahil wala siyang mabuting kadadatnan sa mga taong ‘yon.

“Wala po akong papa,” biglang pahayag pa ni Angel.

Gulat na gulat naman ang reaksyon ni Kevin kaya napatigil na ito sa pagkain. “Oh, I’m really really sorry for asking. I didn’t mean to open that topic.”

“Ayos lang,” nakangiting tugon ko sabay haplos sa buhok ni Angel. “Kumain ka lang diyan, anak.”

“Yes, Mama.”

It was around twelve-thirty in the afternoon nang matapos kaming kumain. Nauna nang lumabas sila Olive at Angel sa restaurant at kaming dalawa naman ni Kevin ang naiwan dito sa loob dahil pumunta pa ako sa comfort room.

“I’m really sorry for what happened earlier, Gail. I didn’t know anything about it,” pahayag niya sa akin.

I just heaved a sigh and smiled at him. “Hayaan mo na ‘yon, Attorney. Wala ka namang maling sinabi, e.”

“Anyway, you can just call me Kevin na lang instead of putting honorifics.” He chuckled. “I am glad to meet you again for the second time since noong huli nating kita ay hindi mo pa talaga ako naaalala.”

“Kaya nga, pasensiya ka na talaga at may short-term memories loss ako minsan,” nakangiting tugon ko pa rito. “Siya nga pala, bakit ka nandito?” tanong ko at medyo weird naman na makita ko siyang pumupunta rito.

Inilagay na niya ang kaniyang magkabilang kamay sa bulsa nito sabay tingin sa paligid. “Actually, my parents own this park and I’m just visiting to see if there are renovations that I should be taken care of. I am also the architect of this area so…that’s it, it has been my responsibility since then.”

Bahagya akong namangha nang malaman kong hindi lang pala siya abogado, isa ring architect si Kevin at mukhang naglaan talaga siya ng malaking oras para sa kaniyang pag-aaral. Isa rin kasi iyon sa dream course ko lalo na at mahilig din akong mag-drawing. Mahirap lang talaga ang buhay at hindi kaya i-sustain ang ganoong course kaya hindi na ako natuloy at kumuha na lang ng business-related course.

I didn’t regret it though. Just a bit.

Umuwi na rin kaming tatlo pagkatapos ng lunch na inilibre sa amin ni Kevin. Pagdating sa bahay ay panay na ang pang-aasar sa akin ni Olive tungkol kay Kevin.

“Sinasabi ko talaga sa’yo, Gail. Dating may gusto ‘yang si Kevin sa’yo noong kami pa nung gunggong ko na ex.”

Sinamaan ko naman siya ng tingin at baka marinig pa ni Angel ang mga sinasabi nito. “Maghunos-dili ka nga, Liv. Sa tingin mo talaga papatol si Kevin na isang lawyer at architect sa isang katulad kong may anak na?”

“Of course!” confident niyang sagot sabay tayo. “If you really love the person, you will accept whatever her or his past is. Kung mahal ka talaga niyan, tatanggapin ka niyan!”

“Hala, basta okay na ako sa buhay ko ngayon. Ayoko nang magkaroon pa ng jowa o kaya partner at pagod na ako sa mga lalaki.”

“Sus! Eh noong kay Rome nga, kahit ilang taon kang nagtiis sa mother-in-law mo ay nagtiis ka pa rin dahil mahal na mahal mo ang asawa mo,” usal pa nito sabay tapik sa braso ko. “Ay, correction pala, ex-husband.” She emphasized the word ‘ex-husband’ pa.

Itinigil ko na ang paggawa ng ice candy para kay Angel at isinara na ang freezer ng ref. “I was a different person from five years ago, Liv. Anak ko na lang at ikaw ang priority ko ngayon kaya as much as possible ay gusto ko lang talagang maka-ipon ng pera at nang makaalis na tayo rito sa bansang ‘to.”

Nilapitan naman na ako ni Olive sabay pout pa nito sa akin. “Grabe, ang swerte ko talaga sa bff ko na ‘to. Hayaan mo, tutulong din ako para guminhawa ang buhay natin.”

“Thanks at naintindihan mo ako,” I smiled at her.

Lumipas ang dalawang araw at lunes na naman. Napakabilis talaga palagi ng weekend sa akin lalo na kapag nagkakaroon na ako ng time kay Angel. Parang ang ilang oras ay ilang minuto lang talaga sa amin, pero masaya naman ako lalo na at alam kong nakakabawi ako sa anak ko pati na rin kay Olive na siyang nag-aalaga sa kaniya sa tuwing pumapasok ako sa trabaho.

As usual mas maaga akong pumapasok para mainom ko pa at malasap ang kape ko nang maayos. Kapag nauunahan kasi ako ni Rome sa opisina ay buong araw na akong wala sa mood at hindi ko manlang na-enjoy ang kape kong binili. I’ve always been a fan of caramel macchiato.

“Sana naman ma-late siya,” mahinang bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang desk ni Rome.

Pasado alas-syete na kasi ng umaga pero wala pa ito. Patuloy lang akong nagchi-check ng mga remaining schedules niya for the week nang biglang bumukas ang pinto. Nagulat naman ako nang tumambad sa harapan ko si Summer, ang kaniyang fiancé.

“Oh my gosh!” Nagulat ito nang makita ako. “I’m really sorry, hindi kasi ako sanay na may ibang babae sa office ng fiancé ko and I’m not that sanay pa sa sekretarya niyang babae. You know it never happens before,” usal nito sa akin.

Tumayo na ako at yumuko to greet her. “Good morning po, Ma’am. I’m really sorry for startling you.”

As much as possible ay gusto kong magkaroon ng maayos na relationship sa kaniyang fiancé. I just want to work in peace at ayoko ring pag-isipan niya ako ng masama just because of some secretary-CEO relationship na kumakalat.

Naglakad na ito papunta sa desk ni Rome at umupo sa swivel chair. “You know, I couldn’t ask for more from my fiancé. He’s the best guy in the world. He’s caring, he’s super handsome, he’s sweet, ah! He’s just perfect.”

Tahimik lang ako habang pinakikinggan ko si Summer na nagsasalita. Ipinagpatuloy ko lang ang pagtatrabaho at hinahayaan siya.

“What about you, my fiancé’s secretary? Can you tell me about your husband—”

Biglang bumukas ang pinto at tumambad sa harapan namin si Rome. He was holding two coffees at biglang umiba ang reaksyon nang makita si Summer sa desk nito.

“Babe, you didn’t tell me you’re going here,” anito sabay tingin pa sa akin. “Hey, Gail.”

“Good morning, Sir,” bati ko sa kaniya.

Tumayo na si Summer at lumapit kay Rome sabay halik nito sa labi niya. Bahagyang umilag si Rome pero wala naman na itong nagawa.

“I want to surprise you, babe. I don’t have any work today so I will be staying here and accompany you. Anyway…” Napatingin na siya sa akin. “I am asking you, Rome’s secretary, what’s your husband looks like? Tell me about him.”

Napahinga na ako nang malalim at marahang napasulyap kay Rome. “A-ah, h-he’s already dead, Ma’am. My husband’s already dead.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status