Share

Chapter Twenty-eight

Magtatanghalian na nang ihatid ng binata si Teresa sa malaking bahay. Hindi na ito bumaba ng truck at kaagad na nagpaalam na babalik sa coprahan para kausapin si Ricky. Tumatawag ang huli kanina habang nasa kalsada silang dalawa ng dalaga.

Ang totoo ay hindi sa coprahan ang punta ni Alexander at sa halip ay deretso siya sa bahay ni Ricky. Importante ang pag uusapan nila,hindi nito iyon sinabi sa telepono ng ipahiwatig niyang magkasama sila ni Teresa.

Ipinarada ng binata ang dalang truck sa harap ng dalawang palapag na bahay. Ilang beses na rin siyang nakadalaw sa pamilya ni Ricky at magiliw ang mga ito sa kanya. Lalo na ang batang babae na anak ni Ricky.Nakakatuwa ito at masaya niyang nilalaro kapag nakakadalaw siya sa bahay ng mga ito.

Pagkababa ay kaagad siyang sinalubong ni Ricky. Marahil ay kanina pa siya inaabangan nito.

"Boss,tamang tama ang dating mo at nakahain na ang inay nang tanghalian".

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status