Share

Tempted 6

Mariin kong hinilot ang aking sentido dahil sa sakit ng ulo ko kakaisip sa muntikan nang mangyari sa amin kanina sa kupal na lalaking yun kung hindi lang dumating si Tita. Nabwesit ako dahil sa tumugon rin ako sa paghalik pabalik sa kanya. He won the game this time, one point for you Dela Vega.

Patuloy na naglakbay sa isipan ko ang pangalan ng babaeng iyon. Ang pangalang Leiandra Mortez. Sa hindi ko malamang dahilan ay may kung anong bagay ang nararamdaman ko.

I don't believe that he is taking seriously that girl. I know Vince. He always thought that everything is just a game.

Why it's a big deal to you then? Bakit sobrang apektado mo dun sa bagay na yun. My inner thought played in my mind. I shook my head. "No." I shook my head. I just pity the girl. Yun lang yun.

Maya-maya pa, narinig kong tumunog yung phone ko. Wala sana akong planong sagutin kung sino man ang tumatawag sa akin dahil masyadong full yung utak ko sa mga bagay-bagay na hindi naman talaga importante. Akala ko ay titigil na iyong pagtunog but suddenly, it didn't. After 5th attempt, sinagot ko na dahil nakukulitan na ako. I wonder if who is calling me. When I look at the screen ay si Ellie lang pala.

"Hello?!" padabog ko namang sagot. I wasn't in the mood to play with her childish act. 

"Hello ka din!" sagot niya pabalik sakin. Minsan nga ay naiisip ko kung dapat ba akong magpasalamat na nabiyayaan ako ng ganitong klaseng pinsan o hindi. Kung hindi naman matino kausap, ay may suplado naman.

"Anung kailangan mo?!" sigaw ko sa kabilang linya. Gusto ko pang ipikit ang mga mata ko. Inaantok pa ang diwa ko. I stared at my clock and it says 3:05 palang ng hapon.

"Ano? Nasa venue ka na ba ng date nila ni Vince?!" kumunot naman ang noo ko sa naging tanong niya. Napaisip ako sa kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Anung date?" wala talaga akong naaalala.

"Naku naman Ainah! Diba nga may plano tayong sirain ang relasyong meron sila ng babaeng karelasyon niya ngayon?" I forgot about that plan. Sumagi na sa isip ko ang plano namin na iyon. Napakagat labi ako.

"Ell may problema tayo. Malalagot ako kapag sinira ko yung relasyon sila ng whoever girl niya. Sabi kasi ni grandpa, seryoso na si Vincent right now. Tapos ano? Sisirain natin?" pagrarason ko naman kay Ell. Di naman kasi tama na manira ako ng walang dahilan.

"Kaya nga tayo nagplano diba? Kasi sinira ni Vince yung relasyong meron si Kina at nung boyfriend niya. Ainah naman! Minsan lang din magseryoso si Kina tapos sinira lang nila Vince!" pagdadahilan naman sakin ni Ell. I sighed deeply on the other line.

"Sige na nga. Asan sila ngayon?" tanong ko para makapagplano ako kung ano ang gagawin ko para isabotahe yung date nila.

"Nasa may Legaspi St. kami ngayon Ainah. Sinusundan namin yung kotse ni Vince, kasama niya kasi si Lee ba yun? Basta! May kasama siya. I guess eto yung sineseryoso niya. Mukhang pupunta ata sila sa Condo niya." sagot niya sa kabilang linya with a very full details. Kung di ko lang sila pinsan ay baka mapagkamalan ko silang mga stalker.

"Okay. I'll be on my way. Bye" then I hung up my phone. So? Magpapanggap na lang akong real girlfriend niya. Teka may naisip ako. Kailangan kong maging bitch.

Pumunta ako sa walk in closet ko at pumili na ng susuotin. As if di ako sanay sa mga ganitong bagay? Paanong di ako masasanay kung gayong Bitch naman talaga ako right?

I chose to wear very short shorts, 5 inches high heels, red sleeveless that really shows the curves of my body. Tinalian ko naman yung buhok ko pero di ko talaga inayos na parang wala lang. I put lights make ups. Heto lang yung pinakaayaw ko sa lahat. Ang mag-make up. Hindi naman sa di ako marunong nun but bakit ko pa kasi kailangan ng ganun? Natural yung ganda ko. Innocente kasi yung ganda ko pag di naka make up kaya kailangan ko talagang maglagay ngayon para naman mas bitch akong tingnan. Magpa-panggap na nga lang akong mang-aagaw, Inosente pa yung look ko! It should not be! It should be as seductive as I could!

Napasapo ako sa noo ko nung naalala kong sira pala yung kotse ko. A bulb lighted in my head. Pero sabi ni grandma, maaayos na raw to at the end of this day kaya tiningnan ko sa garahe kung meron na pa.

Malapad na ngiti ang tanging bumakas sa labi ko nung nakita ko na yung sasakyan dun sa garahe. Parang sumasang-ayon sakin yung pagkakataon.

Sumakay na ako sa kotse ko at after 30 minutes nakarating na ako sa Condo ni Vince. Kabisado ko na yung condo niya. Ilang beses na akong nakapunta dito.

Nasa 16th floor na ako kung saan nakadistilo yung Condo ni Vince nung nagring na yung phone ko. It's Ellie.

"What?!" I ask her.

"Girl, sumakay na sila sa elevator. Abangan mo na lang yung paglabas nila. And then Start the drama." Hindi ko na siya sinagot pa dahil alam ko na ang gagawin ko kahit di pa niya ako pagsabihan. Maya-maya pa bumukas na yung pinto ng elevator at agad ko silang nakitang naghahalikan. It was a very hot kiss. Eto talagang lalaking toh!

"V--vince. What's t--this???" mangiyak-ngiyak kong sabi dahil sa nakita ko. Nakita kong nagulat siya dahil sa inakto ko.

"Ainah?! Why are you here?" pinaningkitan niya ako ng tingin kasabay ang pagkunot ng kanyang noo. From shock to a cool voice ay tinanong niya ako. Yung babae namang kasama niya ay naguguluhan kung ano yung nangyayari. Don't worry dear, I let you understand.

"Who is she?" tanong ng babae sa maarteng tono. Like hello? Babe? That endearment sucks!

"She's just my co-----" di ko na pinagpatuloy pa sa pagsagot si Vince dahil sinampal ko na siya.

"How dare you para lokohin ako! After what we did?! Those nights?! Parang wala lang yun sayo Vince?! How dare you. You said you love me. We share kisses and unite as one tapos lolokohin mo lang ako?! Magkaka baby na tayo tas ano tong nakikita ko?! Nambababae ka na naman?! Akala ko ba nagbago ka na?! Ha?! I hate you!" sabi ko habang umiiyak at pinagpapalo siya sa dibdib niya.

"Anu bang pinagsasabi mo?! Ain---" di ko na naman siya pinatapos dahil sinamapal ko na naman yung babae. Sorry for doing this but I hate to admit na gusto ko rin yung nangyayari. I love the way I act.

"At ikaw?! Nilalandi mo yung boyfriend ko?! How dare you! Ang tapang mo rin ano?!" I said still crying. Maya-maya lang eh hinarap niya si Vince!

"You! I hate you Vince! Niloko mo ako!" sabi nung babae with matching sampal pa kay Vince sabay walk out. Naku! Kawawa naman yung pinsan ko. Pero akala ko kasi lalabanan ako nung babae or baka sabunutanan niya ako but nag walk out lang agad. Haay ang dali lang natapos ng drama.

"Wait!" sinundan pa siya ni Vincent but huli na dahil sumirado na yung elevator. Tatakbo na sana ako pero nahawakan niya ako sa braso ko.

"At ikaw! Anung pumasok sa kokote mo?! What are you saying?! May those nights ka pang nalalaman! Fuck you Viss!" akala ko, sisigawan niya lang ako pero kinaladkad niya rin ako papuntang condo niya. Nilock na niya yung pintuan habang hawak-hawak pa rin ako sa braso ko.

"Anu ba Vince! Nasasaktan ako! Bitawan mo na nga ako!" sigaw ko sa kanya.

"Akala mo ba ikaw lang yung nasaktan Viss?!" I know it. He used to call me Viss when he's already mad.

"Ginawa ko lang yun para kay Kina. I just did what you did with her!" I dared to answer him. yun naman talaga yung rason eh!

"Anung ginawa Viss?! What did you mean by that?!" He ask with his high pitch voice. Sa mga oras na'to di ko na alam ang gagawin ko dahil natatakot ako sa kanya.

"Sinabi nila Ellie na sinira mo raw yung relasyong meron sila ng boyfriend ni Kina."

"So ganun na ba talaga ako kasama?! Ni hindi ko nga nakita sila Ellie this past few weeks." sumbat naman niya sakin.

"I--im so s--sorry Vince. Aalis na lang ako" and with that tinalikuran ko na siya. I was about to open the door when he grabbed my arm.

"No. You can't go, you'll pay for this Viss."

Author's Note: Kindly support my stories and leave a comment po for updates. Thank you.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status