May isa pa. pa-unlock na lang po.
JALENE’s Pov “You’re Frank’s wife, right?” Napalingon ako nang marinig ang pangalan ni Frank.“I’m his personal assistant.”Natawa ang babae. “No way magdadala ng outsider si Frank. Sa pagkakaintindi ko, asawa niya ang kasama niya ngayon.” Hinagod niya ako nang tingin. “By the way, I’m Elara. Nash Sy’s wife.” Sabay lahad niya.“J-Jalene. Jalene Roxton.”“Such a lovely name—it really suits you.” Ngumiti pa siya.“S-salamat.” Kinagat ko ang labi ko. Siya ang kauna-unahang babaeng pumuri sa akin. Samantalang para siyang Dyosa sa aking paningin.Dahil first time ko rito, iginiya niya ako sa labas para mamasyal. Aabutin pa raw ng ilang oras ang meeting nila sa taas kapag ganoon daw. Baka tungkol nga sa economy. Talagang manipulado kasi ng ilang businessman sa bansa ang kalakalan dito.Bumalik kami ni Elara after three hours. Nag-alala na ako pero sabi niya sa akin, nagpadala na siya nang text sa asawa niya. Ganoon din naman sana ako kay Frank, kaso, bigla akong nawalan ng load. Kaya hihing
JALENE’s PovGAME ko kung ano ang binibigay ni Warren sa akin na alak. Halos lahat kasi tinikman nito ang alak na stock. Walang problema sa pambayad dahil mula ito sa mayamang pamilya rin.“Cheers!” Tinaas ko ang hawak kong kopita na may lamang amaretto na siyang iniinom ngayon ni Warren.“To good times and great friends!” nakangiting sabi ni Warren bago nito dinikit sa kopita ko. Sabay pa kami nang ubusin iyon.“Ay, bet ko ’to. Manamis-namis!”“Yeah. Gusto ko rin ang lasa.” May tinuro na naman si Warren sa bartender kaya napailing ako. Kaya pa naman. Hindi naman ako gaanong natatamaan dahil halos ladies drink ang mga tinuturo ni Warren. May dalawa pa siyang hindi natitikman kaya ibig sabihin, dalawa na lang din ang hindi niya natitikman.“Kaya pa?”“Naman!” ani ko na medyo mayabang. Hindi pa naise-serve ang drinks kaya nagpasya akong tumingin sa cellphone ko. Napakaraming missed calls mula sa unknown at kay Frank. Akmang ibaba ko ang cellphone nang muling tumawag si Frank.“Where a
Warning: Reader discretion is advised – mature themesJALENE’s PovNAPAPITLAG ako nang maramdaman ang kakaibang init na dumampi sa aking hita. Akala ko nananaginip lang ako pero bigla akong napamulat nang may gumapang na kamay doon. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang kamay sa aking maselang bahagi. Gusto ko sanang magsalita pero nagulat ako nang bigla niyang pinasok iyon sa aking underwear. Gusto ko siyang pigilan subalit naghatid ng kilit at kakaibang epekto iyon kaya namutawi sa akin ang ungol. Ang tanga ko lang! Hindi ko man lang napigilan ang ungol! Baka isipin niya, kanina ko pa nagugustuhan!Kunwa’y nagulat ako nang maupo. Napatingin ako sa kamay na hindi man lang naalis sa loob ng aking undies.Napatitig ako sa asawa na noo’y malapit nang lamunin ng mapupungay na mata nito. Kasunod din niyon ang tanong kung bakit hawak nito ang kanyang bulaklak. Pero hindi siya sumagot.Napagtanto siguro ni Frank na ako si Jalene, mabilis nitong binawi ang kamay. Hindi nito alam ang gagaw
JALENE’s PovPASULYAP-SULYAP ako kay Frank habang kumakain ng lunch. Kasama namin noon ang mga CEO na ka-meeting niya kahapon. Ngayon ko lang napagtantong mga kaibigan pala talaga niya ang mga kasama dahil sa mga naging usapan nila. Nakikinig lang ako dahil hindi naman ako maka-relate. Medyo malayo sa akin si Elara kasi kaya tinginan at ngiti lang kami.Hindi man lang ako tinapunan ni Frank nang tingin kaya naiinis ako. Pagkatapos niya akong manyakin kagabi aakto na lang siya na parang wala lang? Aba! Panindigan niya dapat.Kung hindi lang kumatok si Tino, matutuloy na sana, e. Nasa labas pala kasi naghihintay ang mga kaibigan niya. Hindi na siya bumalik at ngayon lang kami nagkita na dalawa.Tinanggal ko nga ang isang sandals ko at sinimulang likutin iyon sa paa niya. Masarap naman ang kinakain niya pero ang sama ng mukha niya nang tingnan ako. May pagbabanta iyon kaya tumigil ako saglit. Ang akala niya, titigil na ako talaga dahil binalik niya ang atensyon niya sa mga kaibigan niya.
JALENE’s PovMABILIS ang kilos ko na bumaba. Nasa trunk ang mga damit ko na binili ni Frank. May hindi pa ako nagamit doon. Pero hinayaan ko na lang. Shoulder bag na may lamang wallet at cellphone lang ang dala ko.Sakto lang ang baba ko nang tumawag si Warren. Sa unahan daw no’n, may intersection, at doon ko raw siya hintayin, kaya naman naglakad ako at tinungo ang intersection na sinasabi niya.Sakto lang ang dating ko sa intersection ang siya ring dating ng sasakyan ni Warren. Huminto siya sa gilid para ipagbukas ako.“Mabuti pinayagan ka,” aniya nang makasakay na rin siya.“Wala namang paki nga ’yon.” Inayos ko ang seatbelt ko.“Nakita ko sila kaninang umaga ng girlfriend niya, a.” Sabi na, e. Hmp!“Ayoko nga muna silang pag-usapan,” sabi ko.“Okay.” Kumamot siya sa ulo mayamaya. Nagsisimulang paandarin na rin niya noon ang sasakyan.“Teka, okay lang bang magdala ka ng babae sa abuela mo?”“Pwede naman,” nakangiting sabi niya, pero sumeryoso din siya mayamaya. “A-actually, kailan
FRANK’s Pov“How dare her!” Tumayo ako nang mawala sa linya si Jalene. “Tawagan mo ulit siya hanggang sa mapabalik mo. Maliwanag?” ani ko kay Tino na ikinatango niya kaagad.Umakyat ako at pumasok sa kwarto. Nadatnan ko si Kassandra na nagtutuyo ng buhok niya. Katatapos lang niya noon maligo.Isa-isa kong hinubad ang damit ko at pumasok sa banyo. Hindi pa man ako nakakarating noon sa tapat ng shower nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Walang saplot na Kassandra ang nalingunan ko. Lumapit siya sa akin at iniyakap ang kamay sa leeg ko. Akmang hahalikan niya ako nang iiwas ko ang sarili ko. “I’m not in the mood, Kass. Please?” ani ko.Hindi siya bumitaw. “Pansin ko lang, simula nang bumalik ako, bilang lang sa aking daliri ang pakikipagtalik mo sa akin. Pilit pa. What’s wrong with you lately?”“B-baka pagod lang.” Hindi ko rin alam ang isasagot. “Alam mo namang ang daming problema ko these past few days.”“Dahil kay Jalene?”“Yes.”Natawa siya. “Hindi ako naniniwalang dahil sa stress
JALENE’s Pov“KANINONG condo ito?” tanong ko kay Frank nang iupo niya ako sa sofa. Mula sa parking lot hanggang dito pinangko niya ako. Nasa 22th floor pa naman ang “Mine.”“Ang ganda at ang laki. Dito ba kayo nag-stay ni Kassandra mga nakaraan?”Bumaling siya sa akin. “No.”“So, marami kang condo?”“Bakit ka ba tanong nang tanong?”“Sungit mo naman.” Hindi na lang ako umimik, iginala ko na lang ang paningin ko. Malaki at napakalawak. Halos doble yata ng aking kwarto sa bahay niya. Pero nakakapagtaka lang, bakit bili nang bili ng condo tapos may bahay naman siya na napakalaki? Hindi kaya maraming babae si Frank? Napangiwi ako. Hindi naman ako babae niya kaya dapat umuwi na ako sa bahay. Doon ako nababagay dahil asawa niya ako. May isang tinig sa aking isipan ang kumontra. Hindi naman daw ako asawa. Tumungo si Frank sa kusina, pagbalik niya, may dala siyang tubig at inilapag sa center table.“Mag-stay ka ba rito? Sa bahay na lang ako,” mungkahi ko sa kanya.Naupo siya sa harap ko
Warning : Reader discretion is advised - mature themesJALENE’s Pov“SO, kung hindi siya driver magseselos ka? Paano kung sabihin ko sa ’yo na naguguwapuhan ako sa kanya, huh?”Naningkit ang mata ni Frank. “Wwwhat did you say? Nnnaguguwapuhan ka sa kanya? Eh, sa akin?” Sabay turo niya ng mukha niya kaya natawa ako. Pero agad ko ring pinalis iyon.“Oo. Kung ikumpara ko kayo, mas gwapo siya. Thoughtful at mabait. Saka mas komportable ako sa presensya niya. Kaya hindi malabong magustuhan ko siya. At kung wala akong asawa ngayon, baka nilandi ko na siya.” Dahil binuksan niya ang ilaw nang pumasok siya kanina, kita ko tuloy kung paano mamula ang mukha niya. Ewan ko lang kung sa inis o sa alak.“Hhhow dare you, Jalene…” galit na siguro siya, pero hindi ko makita dahil sa kalasingan niya.Dapat siguro, hindi siya umiinom, nagiging ibang anyo siya. Parang hindi siya si Frank kung umakto.Magsasalita sana siya nang unahan ko siya.Naisip ko bigla. Ibang tao siya kapag lasing. Kaya pwede ko si
FRANKBAGO ko pinangko si Jalene, nagpadala ako ng mensahe kay Tino at sinabing bayaran lahat ng available room ng inn na ‘yon. At kung gusto mang maghanap, ipinasabi niya na walang malapit na hotel o inn. Kaya no choice siya, sa tabi ko siya matutulog.Alam kong ayaw talaga akong makasama ni Jalene ngayon. Ang hirap niya pa naman suyuin. Pero sabagay, valid naman ang inaasta niya ngayon. Dahil sa katangahan ko kaya nawala siya sa akin.Nagising lang ako sa katotohanan nang mawala siya sa paningin ko. Pero nagsimula akong maghinala nang marinig ang kwento ni Tino sa akin na sinundan ng testimonya ni Warren…***“S-Senyorito, sigurado po ba kayo sa desisyon niyo?”Inis kong tiningnan si Tino. “Hindi mo ba naiintindihan, buntis siya at hindi ako ang ama? Kaya sigurado ako! Saka hindi mo ba nakita? Ang bilis niyang pirmahan ang annulment paper namin!”Kakalabas lang noon ni Jalene sa sasakyan. At kaya ako nagagalit, dahil ganoon lang kabilis niyang pinirmahan ang annulment! Damn! Excited
JALENENAKANGITING pinagmasdan ko si Warren. Napakaganda ng kanyang ngiti habang nakatunghay sa kanyang bride na noo’y naglalakad na kasama ang parents nito. Halata sa mukha talaga ng kaibigan ang saya. At last, nakahanap ito ng babaeng magmamahal sa kanya.Hindi kasi talaga kayang turuan ang puso. Ilang beses niya akong niligawan noon pero ilang beses ko ring ni-reject. Gusto niyang panindigan ang nasa sinapupunan ko, e, hindi kaya ng aking konsensya. Si Frank ang mahal ko ng mga sandaling iyon. Kahit na sinaktan niya ako, hindi ko kayang maghanap ng iba. Mabait sa mabait si Warren. Napaka-gentleman pa pagdating sa akin. Kung respeto man lang din, sobra-sobra. Kaso hanggang kaibigan lang ang kaya kong maibigay sa kanya.Ito na yata ang pinaka-solemn na napuntahan kong kasal. Noong sa Guam, meron akong mga na-attendan pero itong kasal ni Warren ang gusto ko. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit. Dapat talaga maayos ko na ang mga dapat kong gawin dito sa Pinas. At sana mapirmahan na ni Fr
JALENEPARANG gusto kong matawa sa tanong niya. Anak raw niya? Sino ang anak niya? Kailan kami nagkaanak? Pero ako, oo. May anak ako. Si Kai.“Anak mo? May anak ka ba sa akin?” tanong kong may pagkasarkastiko.Sa pagkakaalala ko, tinanggi niya at sinabing hindi siya magkakaanak sa akin dahil baog siya. Ngayon, magtatanong siya?“Alam mo ang tinutukoy ko, Jalene. Where is my child?” Sinalubong niya ang nakakalokong ngiti ko.“Mukhang mali ka ng tinanungan. Nasaan ang anak mo kay Kassandra? Saka, ’di ba? Baog ka? Kaya paano tayo magkakaanak?”“Niloko niya ako.”Tumaas ang kilay ko. Niloko siya ni Kassandra? “There’s nothing wrong with my fertility,” seryosong sabi niya.“Ah. Okay. So?”“Kaya anak ko ang dinadala mo noon.”Natawa ako. “Paano ka nakakasigurong may anak ka sa akin? Sa pagkakaalam ko, hindi ako buntis noon. Nagpa-check up ulit ako after ng kidnapping dahil sa pag-aakala ko, maapektuhan ang bata. Pero lumabas na hindi ako buntis. Kaya wala kang anak sa akin, Frank.” Tumingin
JALENE“COME in,” yakag ni Frank sa akin.Umiling ako sa kanya. “Hindi na kailangan, Frank. Dito na lang. Ikaw naman talaga ang sadya ko. Since nasa harapan na kita, hindi na kailangang pumasok.”Natigilan si Frank.Inilabas ko sa bag ko ang ziplock na envelope ko at inilabas ang divorce paper na dala ko pa mula Guam. Tanging pirma na lang niya ang kulang, tapos na ang problema ko. Kumunot ang noo ng dating asawa habang nakatingin sa mga papel.“What’s that?” Biglang nagseryoso siya. Kanina, may ngiti pa sa labi niya, pero ngayon, biglang napalis.“Divorce paper. Sorry at late akong nagpakita. I’m sure hinanap mo ako para dito.” Imbes na kunin, tumitig lang siya sa akin. “Frank!” tawag ko nang bigla siyang tumalikod sa akin. The heck! ‘Di ba? Ito ang gusto niya?“Umalis ka na, Jalene!” tanging sigaw lang niya. “Aba’t ‘di ba, ito ang gusto mo?” sigaw ko.Hindi siya sumagot. Akmang sisigaw ulit ako nang biglang sumara ang gate. “Frank! Ano ba?!” “Ma’am, mas mabuti pong umalis na
FRANK’s Pov7 years later…KASALUKUYAN akong nasa meeting noon nang pumasok si Tino. Lahat napatingin sa kanya dahil sa hingal na hingal siya. Saka talagang ang lakas ng loob nitong istorbohin ang board meeting.“What the heck, Tino?”“Senyorito, may balita na po kay Ma’am.”Bigla akong napatayo. “I’m sorry. I need to leave.” Tumingin ako sa sekretarya kong si Jerome. Binilinan ko siya na i-send sa akin ang napag-usapan. Patapos naman na kami at na-address na ang ilang concern nila.“Where is she?”“Palapag na po ang eroplanong sinasakyan niya.”“What? Baka nakalapag na iyon!”“Papunta naman na po si Mathew, Senyorito. Kung makaalis naman po, siguradong susundan niya po.”Tumango-tango akom “Make sure na hindi mawala kamo sa paningin niya.”“Sasabihin ko po.”Mabilis ang naging kilos namin ni Tino. Halos takbuhin ko ang papuntang elevator. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ang magkaroon ng balita kay Jalene. Ngayong bumalik na siya, hindi ako makakapayag na mawala ulit siy
JALENE’s PovPAGKAGALING sa burol, dumeretso ako sa bahay ni Frank. Sana lang hindi pa nagbago ang passcode dahil kung hindi, hindi ako makakapasok. Pagpasok na pagpasok ko kaagad ay nakaramdam ako ng lungkot. Ang daming memories ang nag-flash sa aking isipan. Naalala ko, noong unang araw namin dito, halos wala kaming pinalampas na sulok dito. Walang sawang inangkin namin ang isa’t-isa. Intense ang laging namamagitan sa amin kapag kami ay nagnininiig.Napangiti ako nang mapakla. Hindi naman totoo ang mga pinakitang iyon ni Frank. Walang totoo sa lahat ng aking nakikita. Kaya nga nandito ako sa bahay ni Frank para kunin ang ilang mga gamit ko. Hindi naman kasi totoong asawa niya ako. Pero kahit na sa ganoon, hindi ako nagsisisi. Iba ang hatid sa akin ng batang nasa sinapupunan ko. Wala mang natira sa akin ngayon, alam kong hindi ako iiwan ng magiging anak ko. Kaya hindi ko dapat pagsisihan iyon. Tamang tao ako na nahulog lang sa maling tao. Walang mali sa akin. Na kay Frank. Dahan-da
JALENEPAGKA-SEND ng mensahe kay Tino ay binalik ko sa maliit kong side table ang cellphone. Sabi ko kay Tino, may kukunin lang akong mga dokumento sa bahay ni Frank, subalit wala siyang reply. Kaya naman nagpasya akong kay JV dumaan.“Hindi ako pwedeng umalis ngayon sa ospital, Jalene. Isinugod si Lolo kanina.”Natigilan ako sa narinig. “B-bakit?” kinakabahan kong tanong.“Hindi ko alam, besh. Pero ang huling nakausap niya ay si Uncle.”Doon na ako napapikit. “P-pwede ba akong dumalaw, JV? Nandyan ba ang Uncle mo?”“Kakauwi niya lang, pero babalik ’yon dahil papunta si Attorney.”“Punta ako dyan, JV. Please?”“Hindi mo rin siya makakausap, Jalene. Ang tanging gusto niyang bisita ay si Attorney. Ni isa sa amin ni Uncle hindi rin niya kinakausap, kaya mas lalo pa siguro ikaw.”“S-sisilipin ko lang siya, JV. Kahit iyon lang, please?”Saglita na nawala sa linya si JV. “Sige. Pero mabilis lang, huh?”Mabilis ang kilos ko na nagbihis. Mabuti na lang at wala si Frank nang dumating ako. Sina
JALENEAGAD akong nagpa-discharge pagkaalis nila Frank. Wala naman nang problema sa billing dahil nabayaran na ni JV bago umalis. At imbes na umuwi sa bahay na binili ni Frank para sana sa amin, sa dati kong apartment ako tumuloy. Doon ko binuhos ang sama ng loob para kay Frank.Matapos niya akong buntisin, itatanggi niya? Ano bang akala niya sa akin, maruming babae? Sabagay, kahit nga si JV, pinag-isipan niya ng masama. Tanghali ako nagising kinabukasan. Marami ring missed calls ang rumehistro sa cellphone ko mula kay Frank pero hinayaan ko lang iyon.Alam kong madadamay si Warren sa problemang ito kaya tinawagan ko siya para makipagkita. Dinner niya ako pinagbigyan dahil busy siya maghapon sa trabaho niya. Nagsisimula na kasi siyang magsersyoso umano sa buhay.Hinihintay ko noon si Warren nang may lumapit sa akin. Nakangiting Kassandra ang umupo roon kaya tinaasan ko siya ng kilay.“Mukhang hinihintay mo ang loverboy mo, Jalene.”Natawa ako nang pagak. “Oo, hinihintay ko nga,” ani k
JALENE“JV,” tawag ko sa pangalan ng kaibigan. “Bakit, beshy?” ani ng kaibigan kabilang linya.“P-pwede mo ba akong sunduin?” Saglit na natigilan ang kaibigan.“May problema ba? Hindi ko gusto anh tono ng pananalita mo.”“Pwede bang puntahan mo na lang ako dito?” ani ko, imbes na sagutin ang tanong niya.“Okay. Nasaan ka ba?”“N-nasa ospital.”“Ano?! Anong ginagawa mo sa ospital? Alam na ba ’to ni Uncle? Natawagan mo na ba siya?”“H-hindi ko siya natawagan. A-ayoko, JV. Kaya sana ’wag mong sabihin. Pwede ba?”“May nangyari nga,” pag-conclude niya.Hindi na siya nagtanong, pero dinig ko ang buntonghininga niya sa kabilang linya.“Puntahan kita ngayon din. Nasaan ka ba?”Matapos kong sabihin ang address ng ospital at pinatay na ng kaibigan. Pinatihulog ko ang cellphone ko sa dibdib. Nakatitig lang ako sa kisame ng ospital na iyon. Muntik na. Muntik na akong makunan kanina. Buntis ako. Iyon ngayon ang pinoproblema ko. Kasi kung ang magandang pakitungo niya sa akin nitong nakaraan dahi