JALENE’s Pov
“WHAT are you doing here?” Pumuno ang buong-buo at galit na tinig ni Frank sa banyo.
Natawa ako sa tanong niya. ‘Di ba, pinapapunta niya ako rito tapos magtatanong siya? Wow!
“Ginagawa ko rito? Pinapanood ka sa pagligo. Masarap pala— este masaya ka palang panoorin kapag naliligo, Uncle Frank.” Bumaba pa ang tingin ko sa pagitan ng hita niya.
Ang masasabi ko lang, gifted siya, kaya okay lang na ipakita sa akin. Pinagyayabang niya siguro din ’yan sa mga babae niya. Kaya siguro sarap na sarap ang katalik niya nakaraan. Isagad daw ba?
“You’re not welcome here. Kaya sa labas ka dapat naghihintay!” Lumapit siya sa akin at hinila ako palabas. Wala siyang pakialam kahit na hubo siya.
“Ay, sarap naman magmahal ng mapapangasawa ko,” ani ko nang basta na lang ako binitawan.
“Taray, tambok ng pw3t. Dinaig pa ako!” sigaw ko.
Pabalyang pagsara ng pintuan ang sumagot sa akin.
Ngumisi lang ako nang tingnan ang pintuan.
Habang hinihintay si Frank ay muli kong pinasyal ang paningin sa loob ng kwarto niya. Nang magsawa ay pumasok ako sa walk-in closet niya. Bumungad sa akin ang malawak at napakaraming damit. Inisa-isa ko ang suit at coat, may signature doon. Hindi ko mabasa pero dahil iisa lang, mukhang sadyang pagawa iyon para kay Frank.
Bigla kong ibinalik ang hawak kong coat nang bumukas ang pintuan ng walk-in closet.
Nasa bahagi ng mga suit at coat niya kaya hindi niya ako napansin. Napalabi ako nang isiksik ko ang sarili ko sa sulok. Sana hindi niya ako makita.
Usyusera talaga ako. Sinilip ko si Frank kung ano ang ginagawa. Saktong pumipili siya ng brief niya. Wala siyang suot kaya nanuyo na naman ang lalamunan ko. May towel siya pero nasa balikat niya. Sa liit niyon, mukhang pantuyo lang iyon ng buhok niya. Ang roba naman niya ay basta lang nito siguro pinatihulog dahil nasa sahig malapit sa tray.
Hindi ko napigilang mapalunok habang pinapanood siyang nagsusuot ng brief. Hindi ko akalaing dalawang umbok pala ang meron siya.
Natapos si Frank sa pagbibihis na hindi niya ako napansin. Pinatay niya ang ilaw at sinara ang pintuan kaya lumabas na ako sa tinataguan ko.
Inayos ko ang mga coat niyang nagalaw ko. Pero hindi ko akalaing masasagi ko ang vase sa gilid. Muntik nang matumba kaya napasigaw ako.
Napangiti ako nang pilit nang biglang bumukas ang pintuan. Alam kong magagalit na naman ang matanda— este si Frank. Binuksan din niya ang pintuan.
“What the hell is wrong with you? I told you to leave! Why the fuck are you still here? Naninilip ka ba?”
Binalik ko sa pagkakaayos ang napakalaking vase.
Bakit naman kasi may vase sa silid niya? Kaloka! Napahamak tuloy ako.
“N-naligaw lang, Uncle. ‘Wag ka nang magalit. Di ko naman nakita ang lahat sa ‘yo.” Inangat ko ang tote bag ko. “Look, wala rin akong kinuha.” Talagang lumapit ako sa kanya.
Tumingin naman siya sa loob ng bag ko kaya napangiti ako. Naamoy ko ang nagmumula sa katawan niya.
“Ambango mo, Uncle— ouch!” Pinitik niya ang noo ko.
“Get out of my room. Now!” singhal niya na ikinatalima ko. Pero pangiti-ngiti ako.
Akmang lalabas ako nang may naalala. Nilingon ko siyang nakangiti.
“What?!” aniya sa masungit na himig.
“Uncle, ganda ng view ko kanina. Hmm. Yummy!” Sadyang kinagat ko ang ibabang labi ko hanggang sa mamuti.
Rumehistro ang hindi ko maintindihan na reaksyon ni Frank. Ang noo niya ay kunot na rin.
“You—” Hindi na niya natuloy dahil sinara ko na ang pintuan at tinakbo ang sala. Pero narinig ko ang malakas niyang tawag sa aking pangalan.
Hingal na hingal ako dahil magkahalong tawa ang ginawa ko dahil sa kalokohan ko.
Pansin ko lang gustong-gusto kong pag-trip-an si Frank. Pansin ko rin, naiinis siya kapag tinatawag kong Uncle kaya iyon ang tinatawag ko sa kanya.
“Ma’am, palabas na si Senyorito. Kaya ‘Wag na po kayo umalis sa pwesto niyo,” sabi ni Tino.
Tinaasan ko siya ng kilay. “So, bawal lumipat sa kabilang side? Sa single sofa? Bawal din? How about sa likod ng sofa, bawal din? Huh?” pilya kong tanong na sunod-sunod. Gusto ko lang siyang inisin. Para kasing boss niya kung makasabi.
Kumamot na lang sa ulo si Tino.
Nang maalala ko ang nag-iisang katanungan sa isipan ko ay hinarap ko ang alalay ni Frank.
“Dito rin ba ako titira, Tino? Saan ako? Sa kwarto rin ng senyorito mo?”
“No! Sa garage ka or sa maid’s quarter.”
Nilingon ko ang nagsalita. Sinimangutan ko siya.
“So, ayaw mo akong makasama sa kwarto mo?”
“Yes, you’re right. May reklamo ka?” Naupo si Frank sa pang-isahang upuan. Para siyang Mafia boss kung titingnan. Ganoon talaga ang awra niya. Pero hot na mafia.
“At sa garahe mo or sa maid’s quarter kamo ako?”
“You heard me right.” Ngumisi siya.
“Ah, talaga lang, huh?” Kita ko ang pagtaas ng kilay niya sa sinabi ko.
Tinanggal ko sa balikat ang tote bag ko at hinanap ang cellphone. Dinayal ko ang numero ng Don Francesco at tumingin sa kanya. Talagang sinalubong niya.
“Jalene, hija! Kumusta? Balita ko nasa bahay ka ng anak ko ngayon?” bungad ng Don sa akin.
“Okay lang po ako, Don Francesco. Opo, pinasundo po ako ni Frank dahil na-miss niya raw po ako agad.”
Naningkit ang mata ni Frank sa mga narinig. Nakita kong sinenyasan niya si Tino na kunin ang cellphone ko pero sinenyasan ko ang alalay niya ng ‘fvck you’
“Hindi ko alam na may tinatagong ka-sweet-an ang anak ko. Anyway, dapat sigurong sanayin mo na ang pagtawag sa akin ng Papa, hija.”
Natawa ako sa sinabi ng matanda, pero walang boses akong inilabas. Hindi pa rin naalis ang kunot ng noo ni Frank.
“Sige ho, Papa.”
“O ‘di ba, ang sarap pakinggan, hija.”
Napalabi ako. Oo nga, ano? Ang sarap pala ng pakiramdam na may matawag na Papa.
Muli akong tumingin kay Frank. Tumayo siya at mukhang lalapit sa akin kaya umusog ako sa pinakadulo at inilipat ang cellphone sa kabilang tainga.
“Um, Papa. Sabi kasi ni Frank. Gusto niyang matulog ako sa—”
Hindi na pinatapos ni Frank ang mga sasabihin ko, hinablot niya ang cellphone ko.
“‘Pa, it’s me, Frank.” Tumingin siya sa akin nang masama. “Hmm. Maya na po kayo mag-usap na dalawa. May lakad kasi kami ni Jalene. Late na kami. Opo. Take care.” Sabay patay nito ng linya.
Pero hindi ko inaasahan ang gagawin niya, basta na lang niya iyon tinapon dahilan para mabasag.
“Frank? Bakit mo tinapon?” ani ko.
“Parusa ‘yan sa ginawa mong pagtawag nang basta kay Papa. You think ikaw ang masusunod sa pamamahay na ito? No, Jalene. Ako.” Sabay turo niya ng sarili. “Understand?!”
Hindi ako nakaimik dahil pina-process pa ng utak ko ang ginawa niya. Hindi pa tapos dahil bigla kong naalala rin na hindi ko pa na-upload ang mga videos ni Nanay at mga picture noong burol. At nang mapagtanto kong hindi ko na magagawa iyon, walang sabi-sabi kong inupuan ang kandungan niya at pinag-susuntok ang dibdib niya.
“Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa aking cellphone! Nakakainis ka, Frank! Nakaainis ka!”
Muli kong pinagsusuntok ang dibdib niya. Hinablot ko rin ang white polo niya hanggang sa mapigtas ang butones.
“Stop it, Jalene! And please, umalis ka sa kandungan ko! D4mn it!” Pilit niya akong tinulak pero nagagalit na ako ng mga sandaling iyon.
Marami rin akong pictures doon at regalo sa akin ni Nanay ang cellphone na iyon!
“Hindi porket mayaman ka, pwede mo nang itapon ang mga gamit ko. Alam mo ba ang mga memories na nadyan? Mahalaga sa akin, Frank!” sigaw ko sa kanya.
“It’s your fault! Kung hindi mo tinawagan si Papa, hindi ko iyon gagawin. At kung naging behave ka rin sana, hindi ko rin iyon maisip!” Tumingin siya sa baba niya. “Umalis ka na kung ayaw mong itulak kita,” may pagbabanta na.
Hindi ko siya sinunod. Pwes magalit na siya kung magalit. Nang sa gayon, makaganti man lang.
“Oh, fvck!” mura niya nang bigla kong binagsak sa kandungan niya ang sarili ko dahil inayos ko ang sarili ko. Niyakap ko rin siya nang mahigpit na parang bata.
“Kapag tinulak mo ako, Frank. Itutulak ko rin ang sarili ko sa ’yo kahit na nandyan ang girlfriend mo. At sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan. Magiging anino mo rin ako kapag hindi mo inayos ang pakikitungo sa akin!” ani kong lalo lang hinigpitan ang pagkakayakap na parang tuko. At para hindi siya makawala ay inuyakap ko ang hita ko sa bewang niya na ikinatigil niya.
Nag-angat siya sa akin nang tingin mayamaya.
“Bumitaw ka, Jalene. Isa,” banta niya.
“Ayusin mo muna ang cellphone ko. Make sure na nandyan pa rin ang mga videos, pictures at mga text,” ani kong hindi nagpatinag.
“Tino, alisin mo siya sa akin. Bilis!” utos niya kay Tino.
Nakita kong lalapit sa amin ang alalay niya kaya hinanda ko ang kamay ko. Kinuha ko ang maliit na vase na abot ko. Maganda iyon at mukhang mamahalin.
“Subukan mong lumapit, itatapon ko ito!” banta ko kay Tino.
“Senyorito, regalo po ’yan ni Ma’am Kassandra sa ’yo.”
Naningkit ang mata ni Frank nang makita ang hawak ko.
“Oh, no—no, Jalene.” Umiling-iling pa siya kaya nagbaba ako nang tingin sa kanya. “Kay Kassandra ’yan. ‘Wag mong itapon ’yan!” Sinubukan niyang kunin pero inilayo ko bigla.
Sa narinig ay napangiti ako. Mukhang mas mahalaga sa kanya ang bagay na ito.
Bumitaw ako sa kanya at tumayo. At hindi sinasadyang sa mismong gitna niya ako kumuha ng suporta kaya rinig ko ang malutong na mura ni Frank.
“Mahalaga pala ito sa ’yo, huh?” Tumingin ako sa cellphone kong durog. “Ipapaayos mo ang phone ko o itatapon ko ito?”
Tumayo si Frank. “Calm down. Okay? Ipapaayos ko ang cellphone mo, sisiguraduhin kong nandyan ang lahat. Magpapahanda rin ako ng room mo. Malaki. Ikaw ang bahala sa design. Basta ibigay mo sa akin ’yan.”
Ngumiti ako. “Susunod ka naman pala, e. Masyado mo pang sinasagad ang patience ko, Frank.”
Binalik ko ang vase na pabagsak. Muntik nang mahulog kaya sabay na napasigaw ang dalawa.
“Relax,” natatawang sabi ko sabay pagpag ng kamay.
Nakangiting iniwan ko sila at tinungo ang taas para pumili ng magiging silid.
Nga pala, no problem naman pala sa mga videos at pictures dahil may memory card naman. Kanina ko pa naisip iyon. Pero sadyang nainis ako kay Frank. Kasi kung makabasag ng gamit akala niya sa kanya gamit. Alam kong naging OA ako kanina, pero sana alam niyang lahat ng bagay na nasa akin ay mahalaga sa akin. Maliit, malaki, mumurahin o mamahalin man ’yan, ayokong nasasayang o nasisira. Kaya sorry si Frank. At handa akong ipaglaban ’yan.
Feisty naman ng Jalene na 'yan! HAHAHAHAH Mukhang maagang puputi buhok ni Frank sa baba HAHAHAHA
JALENE“ANONG ginagawa mo rito?” tanong ko kay Kassandra.“Frank invited me. Bored daw siya kaya sabi ko ngayong weekend. Right, Frank?” sabay baling niya sa asawa ko.Naikuyom ko ang kamay ko sa narinig.“Jalene, let me explain. May pinaguusapan—”“Lumabas ka kung ayaw mong kaladkarin kita hanggang gate,” banta ko.“Wow. Pag-aari mo ‘to?”“Tingin mo?” Nakataas ang kilay ko. Wala kaming prenup agreement ni Frank. Basta pag-aari niya, pag-aari ko. Ngayon, kung ide-deny ni Frank ang bagay na ito, ibang usapan na.“Si Frank ang nagyaya sa akin dito kaya siya lang ang pwedeng magpaalis sa akin.”Lalong kumulo ang dugo ko sa sinabi ni Kassandra. Tumingin ako kay Frank. “Mamili ka, Frank. Palalabasin mo siya o ako ang lalabas?” seryosong tanong ko.“J-Jalene…”“Frank!” Tumaas na ang boses ko. “Fine. Ihahatid ko lang siya ng Manila.”Natawa ako sa sinabi niya. “Gusto mo siyang ihatid tapos maiiwan ako dito?”“Ako ang nagsama sa kanya rito kaya ako rin dapat ang maghatid sa kanya. Mag-uusap
JALENEHindi na ako nakatiis, tumalikod ako after kong kunan sila ng litrato at video. Alam kong makikita ni Frank iyon kaya nai-save ko sa isang online storage.Pasado alas dose na nakauwi si Frank. Gising pa ako nang mahiga siya sa tabi ko. Nakatalikod ako noon sa kanya.Dati-rati, yayakap nang mahigpit siya sa akin bago matulog, pero ngayon, wala na.Naulit kinabukasan iyon at sinundan ko ulit. Same location. At kagaya kagabi, kinuhaan ko sila ng litrato at video.Naabutan ako ni Frank pag-uwi niya. Sa pagkakataong ito, inabot siya ng ala una y medya.“Late na. Bakit hindi ka pa natutulog?”“Nililibang ko lang sarili ko dahil hindi na ako nakatulog after kong magising sa pagkakabangungot.”“Tungkol saan ang napanaginipan mo?” Naupo siya sa tabi ko kaya hinarap ko siya.“Nawala ka raw sa amin ng mga anak mo,” kunwa’y sabi ko. “Sumama ka raw sa ibang babae, Frank.”Kita ko ang paglunok niya. Nahirapan pa yata siya kaya napahawak siya sa dibdib niya.“H-hindi mangyayari iyon, Jalene.”
JALENEAGAD na inangat ko ang damit ko para padedehin si Francelle nang umiyak siya. Naglakad ako at naupo ako sa couch saka sumandal para hindi ako mangalay. Antok na antok pa ako noon.Tumingin ako sa magarang wall clock, pasado alas dos na ng madaling araw pala.Akmang ipipikit ko ang mata ko nang may umilaw sa center table. Cellphone pala iyon. Hindi ko napansin dahil na kay France ang atensyon ko. Muling umilaw iyon. Sa pag-aakalang cellphone ko, kinuha ko iyon. Dahan-dahan pa ang naging kilos ko dahil gumalaw nga si Francelle na noo’y dumedede sa akin.Napakunot ako ng noo nang unang makita ang notification.Kass? As in Kassandra ba?Dahil hindi naman mahaba ang text niya, basa ko agad ang laman ng mensahe niya dahil sa preview. Tinatanong nito kung tuloy daw sa weekend.Tumingin ako kay Frank na noo’y himbing na himbing sa pagtulog.Saan ang punta nila?Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa text na iyon. Nasundan pa iyon ng “text me agad if nabasa mo ito” kaya naman kung anu
JALENE “ANG ganda-ganda ng princess natin. Manang-mana sa ’yo, baby,” nakangiting sambit ni Frank habang karga nito ang bunsong anak. Tinitigan ko si Francelle. Mukha naman ni Frank ang nakikita. “Hindi naman, e. Kasi kapag tinitigan mo si bunso nang matagal, nagiging kamukha mo kaya,” ani ko. Magtatatlong buwan na ang bunso namin sa susunod na Sabado. Kaya kita na ang totoong kulay at features niya. Ibang-iba noong ipinanganak ko siya. Parang pinaghalong si Papa at si Nanay pa. Super cute pa rin naman. Kaso nitong nagdaan, napapansin kong may mga features ang ama niya nakuha talaga ni Francelle. “Talaga ba?” Pinakatitigan naman ni Frank ang anak “Oo nga, baby. Kamukha ko na nga siya!” Lumapad ang ngiti niya kapagkuwan. Tumingin ako kay Kai na nasa tabi ni Frank. Kanina lang naglalaro ito sa iPad nito, pero ngayon, nakatunghay sa ama niya. Pero napansin kong nakasimangot siya kaya siniko ko si Frank. Nginuso ko ang panganay namin na noo’y nakatitig sa kapatid. “Kai, anak
JALENE“FRANK,” tawag ko sa asawa. Napalingon naman siya. Hindi pa rin napapalis ang ngiti nito.“Baby, nandito ka na pala.” Nakangiting lumapit sa akin ang asawa at iginiya ako palapit sa dalawang babaeng kasama niya sa opisina na iyon. Ang isa si Kassandra, na kasalukuyang hinubad ang isang hospital gown. Sa pagkakaalala ko, isa siyang architect kaya nagtaka ako sa suot niya kanina. Nang tingnan ko ang pangalan na nasa table, kung sino ang nag-oopisina doon, hindi niya pangalan. Kaya tiningnan ko ang babaeng nandoon. Ito siguro ang psychiatrist na tumitingin sa asawa.“Meet Doctor Vivien Francisco, a good friend of mine. Doc, my wife, Jalene,” Pakilala niya sa akin sa babaeng nakatayo. Iyon nga ang pangalan na nasa mesa. “She’s been a great help to me these past few days.” Sa akin nakatingin si Frank.Ngumiti ako sa asawa.“Hello po. Nice to meet you, Doc.” Nakipagbeso siya sa akin. “Ikaw pala si Jalene.” Sinuyod niya ang kabuohan ko. “Ang daming naikuwento nga nitong si Frank sa a
FRANKILANG beses kong sinermunan ang piloto sa sobrang inis ko. Ayoko sa lahat iyong pinaghihintay ako. Alam naman nilang lagi ko silang kailangan dahil malayo ang mga nasimulan kong business. Saka kailangan ko sila dahil anumang oras pwede akong tawagan ni Jalene at kailangang makauwi ako nang tamang oras.Mainit din ang ulo niya kaya nagkasagutan kami. Kaya habang nasa himpapawid ako ay dinig ko ang ilang beses na buntonghininga siya. Hindi nito malaman kung hihingi nang paumanhin. Sa huli, nakapagsalita rin ito. Humingi na rin siya nang paumanhin.Hindi naman siya nagkulang kagabi nang paalala sa mga ito. Alam babalik ako nang maaga para masamahan si Jalene sa monthly check up niya sa OB-Gyne niya. Hangga’t maaari, kasama niya ako sa lahat ng bagay lalo na ngayong nagbubuntis siay sa pangalawang anak namin. Gusto kong bumawi sa kanya dahil sa first born namin, wala ako.Ngayong araw napagkasunduan naming dalawa na magpa-ultrasound na para sa gender niya. Doctor pa lang ang nakakaal