JALENE’s Pov
MASAMA ang loob na tinanaw ko ang papalayong si Frank. Wala akong choice kung hindi pumayag sa gusto niya. Sa totoo lang, wala naman sana akong pakialam sa pera niyang 100 Million, pero masakit dahil rejection ang naramdaman ko sa kanya. Kaya pampalubag loob ko lang ang pagsagot kung magkano ang gusto ko.
Matagal na akong may paghanga sa Uncle ni JV na mapapangasawa ko kaya ako pumayag sa kasalang ito. Kaya hindi naman ako makakapayag na maghihiwalay kami after na makuha nito ang mana nito mula sa ama nito. Gagawin ko ang lahat para mapunta siya sa akin. At hindi ako papayag na ang magre-reyna sa bahay niya ay ang kabit niya. Yes, magiging kabit na ang label ng girlfriend niya dahil legal ang magiging kasal namin. Patapusin lang ni Frank ang libing ni Nanay, makakapokus din ako para maging successful ang kasal namin. Saka para ito kay Nanay hindi para sa sarili kong ambisyon. Ito ang huling wish niya kaya hindi ako makakapayag na hindi ito masunod.
Isang linggo lang ang itinagal ng burol. Wala naman gaanong kamag-anak na malayo kami kaya nailibing din agad. Wala naman kaming problema sa puntod ang mga babayarin dahil na-settle na ni Don Francesco. Hinayaan ko na siya dahil wala naman akong naipon talaga. Saka talagang mabait sa akin si Don dahil kaibigan ko ang apo niyang si JV.
Speaking of JV, dumating siya sa huling dalawang araw ng lamay kaya naman kahit papaano nakakangiti ako. Nakaalalay siya sa akin din hanggang sa libing kaya hindi ko rin talaga ramdam na mag-isa ako.
“Hindi ka ba talaga sasama sa akin pagbalik, soon to be my Auntie?” tanong ng kaibigang si JV.
Shocked din si JV nang malamang ako ang pakakasalan ng Unlce niya. Talaga nga raw na dininig ang mga sinabi ko sa kanya ng Diyos noong may party sa kanila.
“Pwede bang paki-omit ng Auntie? Ang sagwa, besh! Tinatayuan ako ng balahibo.” Sabay kiskis ko ng braso ko.
Natawa lang ang kaibigan sa akin pero sumeryoso din mayamaya.
“Pero sure ka ba sa desisyon na sundin ang Nanay mo at si Lolo?” Seryoso na siya kaya napaseryoso din ako. “Alam mo ba kung gaano ka-mahal ni Uncle ang girlfriend niya?”
Napatitig ako sa kanya. “Gaano ba niya ka-mahal, besh?”
Gusto kong malaman. Kasi ayaw niyang hiwalayan kahit na ikakasal na siya sa akin. Kaya gusto kong makita ang Kassandra talaga na ’yan.
“Okay, ganito.” Umayos nang upo si JV. “Dahil kay Kassandra kaya nagkaroon ng gap kay Lolo at Uncle. Ayaw ni Lolo sa nobya niya noon pa man. I don’t know the rest pero pinili ni Uncle si Kassandra hanggang sa huli. Hindi pa ba katunayan ’yon na mahal niya ang Kassandra na ’yon? Kaya masasaktan ka lang, beshy. My God! Alam kong hindi ka after sa pera, kay Uncle, pero wala kang mapapala sa kanya. Kaya ‘wag kang magpakasal sa kanya. Masasaktan ka lang.”
“Wala pa nga dini-discourage mo na ako.”
“I’m just telling the truth. Hindi mahilig si Uncle sa mga kaedad mo dahil para ka na lang niyang pamangkin. Kaya mabibigo ka lang.”
Tinitigan ko ang aking kaibigan. “Don’t you find me attractive? Huh?”
Hinagod naman ako ni JV. “Seriously, attractive ka. Ma-appeal.”
“Exactly, JV! Remember? Isa akong marketing student. Alam ko kung paano magbenta ng sarili ko. Kaya magtiwala ka, beshy. Magiging asset ko ’yan. Maniwala ka sa akin, mababaling sa akin ang pagmamahal ng Uncle mo. Lalaki lang siya— naaakit sa mga babae. Kaya may pag-asa na mag-wo-work ang marriage namin. Saka para matahimik si Nanay sa langit dahil ang lalaking gusto niya ang makakasama ko habang buhay.”
“Pero kilala ko nga si Uncle, hindi niya type ang gaya mo!”
“Just trust my instincts on this, beshy. Alam kong mahirap, pero iba ang pakiramdam ko sa bagay na ito. Kaya please, suportahan mo na lang ako.”
Napahilot na lang siya ng ulo. “Basta kapag nasaktan ka, ’wag kang ngangaw-ngaw sa harapan ko dahil hindi kita dadamayan! Alam ko kung paano ka masaktan kaya bahala ka sa buhay mo!” Sabay talikod niya sa akin.
Napangiti na lang ako. Alam ko namang concern siya sa akin kaya niya iyon sinabi. Ganyan ’yan si JV— kaya nga magkaibigan kami, kasi mahal namin ang isa’t-isa.
Sa kabilang banda, naiintindihan ko siya. Mahihirapan siyang timbangin dahil kadugo niya si Frank. Kaya hindi ko rin sinabi ang deal namin ni Frank, dahil talagang hindi siya titigil hangga’t hindi ako sumusuko.
Sabi ko, mag-e-extend pa ako sa bahay namin pero nagulat ako nang makita ang alalay ni Frank na si Tino. Pinapasundo raw ako ni Frank.
“Pero, marami pa akong gagawin sa bahay namin. Hindi ba pwedeng maghintay siya?”
Imbes na sagutin ako ay may inilapag si Tino sa higaan kong gawa sa kawayan.
“Copy ho ng ticket niyo papuntant Guam at naka-schedule na bukas kaya hindi ho pwedeng sa susunod na araw na lang. Saka kabilin-bilinan ho ng senyorito, dadalhin kita sa kanya, ngayon din.”
Kinuha ko ang ticket na sinasabi niya. “Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Hindi ba dapat dalawa kami ang magdedesisyon?”
“Si Senyorito lang ho ang makakasagot niyan.”
Tiningnan ko nang masama si Tino.
Excited talagang mapasakamay ni Frank ang mana. Kainis!
Wala akong nagawa kung hindi ang sumama na lang kay Tino. Dahil hindi naman nakatira si Frank sa bahay ng Don, sa bahay nito siya dinala ni Tino.
“Nasaan siya?” halata ang inis ko.
Marami pa akong dapat gawin sa bahay. Gaya na lamang ng aayusin ang silid ni Nanay. Gusto kong pagandahin kahit na wala siya. Pero hindi ko magawa dahil excited masyado ang matandang Frank sa mana! Buhay pa naman ang Papa niya! Kaloka!
“Nasa silid niya ho, ma’am.” Pagkasagot ni Tino ay iginiya ko ang sarili sa paa. Pero bigla na lang akong pinigilan nito.
“Gusto mong sa ’yo mabaling ang inis ko? Huh? Sige, subukan mo ako, Tino!” sigaw ko sa kanya.
Kumamot na lang siya sa ulo at hinayaan akong pumunta sa silid ni Frank.
Bukas ang silid niya kaya naipagpasalamat ko. Bumungad sa akin ang simple pero eleganteng silid ni Frank. Sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ang malapad na kama niya. Grabe, halos hindi nagalaw. So, nasaan siya?
Humakbang ako para hanapin si Frank, subalit wala akong makitang Frank. Pero may isang pinto na bahagyang nakaawang kaya sumilip ako roon.
Ang daming libro. May mesa rin sa gitna. Iyon marahil ang study room niya. Pero wala rin siya roon kaya lumabas ako.
Napatingin ako sa banyo nang maalalang hindi ko iyon napuntahan. Inilapit ko pa ang tainga ko para pakinggan kung may tao roon.
Sumilay ang magandang ngiti sa labi ko nang marinig ang tunog na sa tingin ko ay nagmumula sa dutsa. Nasa loob si Frank.
Pinihit ko ang doorknob. Bumukas iyon kaya muli akong napangiti.
Awang ng labi ang ginawa ko nang makita ang hinahanap na nasa ilalim ng dutsa. Nakatalikod siya at walang ka-ide-ideya na nasa pintuan ako at nakatingin sa perpekto niyang katawan. Sumandal pa ako sa pintuan nang lakihan ang awang noon.
Nakita ko ang pagtigil ni Frank mayamaya. Mukhang kukuha siya yata ng shower gel. Bumaling siya ng dahan-dahan sa gawi ko kaya inihanda ko ang matamis na ngiti.
“Hi, Uncle Frank!” kaswal na bati ko na ikinasingkit ng mata niya. “Wow,” dugtong ko rin nang makita ang kabuohan niya.
JALENE“I LOVE YOU,” masuyong sambit ni Frank bago niya hinugot ang sarili sa akin. Hinalikan pa niya ako sa tungki ng ilong bago nahiga sa tabi ko at yumakap nang mahigpit. “Ngayon ko lang napagtanto, sobrang miss pala kita.”Bumaling ako sa kanya. “Dahil sa hypnosis kaya parang ang dami mong na-miss sa akin.” Hinaplos ko ang pisngi ni Frank. “Kahit sa buhay ng mga anak natin, marami na.”Dinala niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan. “Pero kahit na under hypnosis ako, hindi ko kayang ipagpalit ka kay Kassandra.”Napataas ako ng kilay. “Hindi raw. Eh, ano ‘yong dinala mo sa farm tapos tinago mo pa sa akin? Saka narinig ko kung paano mo kausapin si Kassandra, parang mas mahal mo pa siya kesa sa akin.”Kinurot ni Frank ang ilong ko. “Under hypnosis nga, e. Saka nasabi ko kay Kassandra na hindi kita kayang iwan. Kaya ssa tingin ko, matindi ang pagmamahal ko sa ‘yo talaga.” Dito ako napangiti. “Biruin mo, ang tagal nang effect sa akin ng hypnosis nila. Pero sa iba? Madali lang. Kay
Jalene’s POV INIS na kinuha ko isa-isa ang unan ni Frank at binigay iyon sa kanya. “A-akala ko ba okay na tayo, baby?” “Okay tayo kapag nasa harap ng mga bata. Pero kapag tayo lang-” Umiling-iling ako. “Naamoy ko pa rin si Kassandra sa ‘yo.” “Baby… ” “Sa kabila ka matutulog, huh? Make sure na hindi ka makikita ng mga anak natin na doon ka natutulog, huh? At dyan ka lang dapat na dumaan.” Sabay turo ko ng adjacent door. “Naiintindihan mo?” Kumamot-kamot siya kaya napataas ako ng kilay. “Ayaw mo?” “Gusto,” anito. Sumabay pa ang paghaba ng labi niya. “Alis na sa harapan ko.” Taboy ko sa kanya. “Paano kung ma-miss mo ako?” Yakap-yakap na niya ang unan. “Anong ma-miss? Kung na-miss kita, hindi sana ako umalis ng ilang linggo.” Akala ko tatalikod na siya, hindi pa pala. “Miss na kita. Paano ‘yan?” “Bahala ka sa buhay mo.” Sumampa ako sa kama at pumuwesto sa gitna. Mukhang wala siyang balak na umalis kaya tiningnan ko siya nang masama. “Ano pang hinihintay mo?” “Lilipat na p
Jalene’s POV NAPATIGIL ako sa pag-scroll sa social media nang makita ang pangalan ni Philip. Update sa kaso ang ibabalita niya sa akin kaya agad kong sinagot iyon. “Hey! Kumusta?” bungad niya. “Ayos lang.” Tumingin ako sa dalawa kong anak. Himbing na himbing na sila sa pagtulog ng mga sandalling iyon. “Mabuti naman.” Saglit na nawala ito sa linya. “Um, si Frank, tumestigo rin pala laban kay Doc Vivien.” Natigilan ako sa sinabi niya. “T-talaga?” “Um. Nagkausap na ba kayo?” “Naka-block siya, e.” “Aw.” May himig na tawa iyon. “Ayaw mo ba siyang kausapin? Worth it naman ang pakikipagpalaban mo, e. Try mong pakinggan ang sasabihin niya. Kasi parang pinag-isipan niya nang maayos ang pag-testigo niya. Mas marami pa ng siyang nakuhang ebidensya kumpara sa atin.” Napaisip ako. Pero naiinis pa rin ako. Pahupain ko na lang siguro. “Kung hindi dahil sa kanya, baka talo tayo, e.” “Naiinis pa rin kasi ako sa sinabi niya nang araw na iyon. As if si Kassandra ang pinipili niya. Alam mo iyon
JALENE“BABY!”Hindi ko pinansin ang tawag ni Frank sa akin. Ngayon naalala na niya ang endearment niya sa akin, pero nitong mga nakaraang buwan, nakalimutan niya.Binilisan ko pa ang lakad ko para makalayo sa kanya, pero naabutan niya ako nang papalabas na ako ng ospital na iyon.“Excuse me?” pagtataray ko sa kanya. Kasunod niyon ang pagtanggal ko ng kamay niya sa aking pulsuhan.“Let me explain.”“No need, Frank.” Natawa ako sa sinabi niya. “Hindi ka worth it na ipaglaban. Kaya makakaasa kang hindi matutuloy ang kaso sa kaibigan mong doktor para makapagpatingin ka sa kanya hanggang sa magising ka na lang na wala na kami ng mga anak mo.”“N-no. That won’t happen.”Akmang bubuka ang labi ko nang unahan niya ako.“Alam ko na ang lahat, baby. I’m sorry.”“Nag-sorry ka? Anong alam mo na ang lahat? Eh ano ’yong narinig ko, huh? At pwede ba, ‘wag kang mag-sorry sa akin dahil wala kang kasalanan sa akin. Kay Kassandra ka mag-sorry ngayon dahil iniwan mo siya ngayon. Baka mamaya tawagan ka ni
FRANKNAPAANGAT ako nang tingin para basahin ang nakalagay sa signage ng lugar na sinabi ni Jalene sa text. Clinic?Bakit kaya? Nagpapatingin din ba si Jalene dahil sa stress sa akin? Dahil ba sa kasalanan ko? Umakyat ako sa 3rd floor kung saan naroon ang clinic. May upuan sa labas kaya naupo ako roon. Hindi ko siya makita sa glass wall kaya wala pa siguro siya. Hihintayin ko lang si Jalene rito. Mag-iisang oras na pero wala pa rin si Jalene kaya nainip na ako.Paano kung iniwan na talaga niya ako?Akmang tatawagan ko si Jalene nang mag-pop up ang pangalan ni Kassandra. Tumatawag siya. Hindi ko na siya nabalikan kanina kaya sinagot ko iyon. Gusto niyang makipagkita sa opisina ni dok ngayon. Hindi ko alam kung bakit.“Hi, it’s urgent. Pwede ka ba ngayon?”“I’m trying to find my wife. Would it be alright if we do this tomorrow instead?” pakiusap niya.“It’s about Jalene.”Natigilan ako. “What about her?”“Sa office na lang ni Doc. She needs us.”Dahil tungkol kay Jalene ang pag-uusa
JALENE“ANO ba ang kailangan kong gawin?” tanong ko kay Philip pagkaupo na pagkaupo.Dapat kikitain ko si Frank ngayon. Pero mas kailangan ako ni Philip dahil nga sa kasong naisampa na sa doktor na iyon.“Better brace yourself. She’s about to get served the complaint, and that means we’ll be summoned too.”“Balak ko pa naman sanang umuwi para makapagpahinga mga problema ko ngayon. Pero sige, hindi na lang muna para matapos na itong problema naming mag-asawa.”Matagal pa kaming nag-usap ni Philip dahil sa mga pinakita niya sa akin. Bukas raw ay makikipagkita ito sa mga nabiktima ng doktor na iyon. Inuna lang niya akong kitain dahil nga sa may anak raw ako na binabantayan.“Ingat,” anito nang ipagbukas ako ni Philip ng pintuan ng sasakyang nai-book ko.“Salamat,” ani ko sa kanya.Hindi naman ako galing sa bahay kaya wala akong sasakyan. Naiwan ko ang mga bata sa bahay nila Warren kaya ako lang mag-isa ngayon.Late na ako sa usapan namin ni Frank kaya nagmadali ako papunta sa lugar na si