FRANK’s Pov
“SAAN ba kasi napulot ni Papa ang babaeng ‘yan?! Mukhang magiging problema ko pa siya pagbalik ni Kassandra.”
“Mukhang wild din po, Senyorito.”
Napatingin ako kay Tino. Ang wild nga ng babaeng iyon. Biruin mo? Pumasok sa banyo nang walang pasabi-sabi tapos pinanood pa akong magbihis? At hindi lang ’yan, wala siyang pakialam sa inuupuan at hinahawakan!
“Mukhang puputi po lahat ng buhok mo sa batang iyon.”
“Damn!”
“Ano pong balak niyong gawin ngayon sa kanya?”
Napaisip ako bigla. Ano nga ba?
“Just follow all of her orders. Make sure she doesn’t come near me or enter my room. Clear?” Sabay hilot ko ng aking noo. “Tama na ang nangyari kanina. Ayoko nang maulit iyon.”
Tumango-tango si Tino sa akin.
Akmang idi-dismiss ko siya nang maalala ang alis namin bukas. Isang o dalawang linggo kami roon— depende kung kailan mai-release ang marriage license namin, kaya kailangan ng batang iyon ng maisusuot. Hindi naman pwedeng sumama siya sa akin tapos ang suot parang sa— ah, ewan!
“Nga pala. Bukas na ang alis namin. Make sure makabili na siya ngayon ng mga kakailanganin niya.” Tumango na naman si Tino. Sabagay, ’yan lang naman ang alam niya. Bawal akong kontrahin kaya ’yan lang ang giagawa niya. “Alam mo na ang mga dapat na bilhin niya, ‘di ba?”
“Opo, Senyorito.”
“Sige na. Makakalabas ka na. Gusto ko nang magpahinga.”
Wala na ang alalay pero nakatingin pa rin ako sa nilabasan niyang pinto. Dalawa ang pinto ng aking study room. Ang isa, sa aking silid. At ang isa naman ay sa labas. Doon dumadaan si Tino kapag pinapatawag ko.
Hindi ko mabanggit-banggit kanina ang salitang ‘wild’ dahil baka kung ano ang isipin niya. Pero napaisip ako bigla. Wild naman siya talaga. Basta-basta nga lang pumapasok sa aking silid, e. Tapos kung makatingin pa parang mangangain.
So, marami nang karanasan ang batang iyon?
Damn! Tama pa bang pakasalan ko siya? Bakit kasi siya pa? Ano ba talagang meron kay Papa at sa ina ni Jalene?
Kumalma ako nang maalalang pumayag siya sa deal ko na maghihiwalay din kami. Mabuti. Gusto ko nang matapos iyon. Kaya sa bansang mabilis mag-proseso ng divorce ang pinili ko. Sa ngayon, wala pa ang Pilipinas kaya hindi pwedeng dito. Kaya talagang sa Guam kami dapat na ikasal.
Walang problema sa requirements ni Jalene dahil naasikaso na ng mga tauhan ko. May mga nabigay na rin akong ibang requirements sa Los Angeles, California para sa Legal Capacity to Marry Certification.
Sunod-sunod na umilaw ang cellphone ko na sinundan ng vibration kaya kinuha ko iyon. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Kassandra. Agad kong sinagot iyon at sumandal pa sa swivel chair ko.
JALENE’s Pov
ILANG beses akong tumingin sa labas para tingnan kung nasaang parte na kami. Pupunta raw kami ng mall para mamili ng mga damit. Sabi ko nga, ako lang ang bibili, ibigay na lang ang pera pero ayaw pumayag ni Tino. Utos raw iyon ng senyorito Frank niya. Saka baka mamali rin daw ang mabili kong damit.
Akala siguro ni Frank wala akong taste sa damit. Ako pa ba? Fashionista ‘to!
Panay ang tango ni Tino sa akin kapag pinapakita ko ang mga damit na napili ko. Halos approved sign siya sa akin.
Dumaan din kami sa salon. At ang itim kong buhok ay pinakulayan ko. Milk chocolate color ang napili ko na nasa trend hair color ng salon na iyon. Hindi iyon nabilin ni Frank pero pinaalala ko sa kanya kaya sumang-ayon siya. Gamit ang card ni Frank kaya walang problema.
“What do you think?” tanong ko kay Tino na noo’y natigilan.
“Bagay ho sa inyo, ma’am.”
Napangiti ako sa sagot niya. Sigurado akong magugustuhan din ni Frank since alalay na niya ang nagsabi.
Pauwi na kami noon nang may maalala ako.
“Na-send mo na sa Senyorito mo?” Sabi ko sa kanya, kuhaan ako ng video at i-send sa amo niya. Para alam niyang may taste ako! Ang gaganda ko kaya sa mga napili ko.
“Hindi po, e. Hindi naman po ‘yon mahilig manood ng video.”
“Video naman ‘yon ng mapapangasawa niya, a.”
Alangang ngiti lang ang binigay sa akin ni Tino. Alam ko naman ang ibig sabihin no’n kaya mukhang hindi niya ise-send. Eh ‘di, ’wag! Makikita naman niya iyon sa Guam, e.
Pasado alas nuebe ng gabi kami nakarating. Kumain na kami kaya dumeretso na ako sa hagdan. Hindi pa man ako nakakarating sa pinakataas nang makita roon si Frank. Matagal na napatitig siya sa akin. Hinagod niya ako nang tingin. Wala siyang sinabi pero okay na. Kasi kung hindi niya nagustuhan ang buhok ko, siguradong papagalitan niya ako.
Nilagpasan niya lang ako. Wala pa rin akong narinig mula sa kanya kaya tinawag ko siya. Mabuti at binalingan ako.
“Bagay ba?” Sabay pa-cute sa kanya. Hinawakan ko rin ang magandang buhok ko.
“No,” mabilis niyang sagot na ikinaingos ko.
“Ikaw lang ang nagsabing hindi. Si Tino at ang mga nakakakita sa akin, bagay raw.” Saglit akong napaisip. “Ah, baka sa edad na ’yan, Uncle Frank. Kapag tumatanda na raw, hindi na nakaka-appreciate ng mga ganitong bagay.”
“What did you say? Ako matanda?”
“Yes! Super majonda na. Malapit na ka ng mag-uugod-ugod! Look—” Tinuro ko pa ang buhok niya. “May uban ka na! Kaloka kayong matatanda!” Sabay talikod sa kanya.
“How dare you say that Jalene!” dinig kong sigaw ni Frank, pero hindi ko na siya nilingon.
Nakakainis lang. Ano bang meron sa mata niya? Hay. Dapat nang magpatingin siya. Hindi man lang marunong mag-appreciate. Kaya hindi na ako magtataka kung iwan siya ng girlfriend niya.
Dahil tanghali ang flight namin, kailangan ko nang maayos ang mga gamit ko. Dalawang maleta iyon. Pinagkasya ko ang mga damit na pinamili ko. Sana lang hindi mag-excess. Pero mayaman naman siya, e. Siguro naman babayaran niya.
Brown tank top at black pull on pants ang naipili kong suotin para kumportable naman ako. Nasa braso ko rin ang long coat sakaling lamigin ako sa airplane.
Akala ko, katabi ko si Frank sa eroplano. Hindi naman pala. Ako lang sa business class at si Frank ay sa premium cabins. Baka iyon na ang tinatawag nilang first class. Mabuti na lang at may nakakausap ako. Nasa kabila ko lang. Dahil kaedad at pinoy din siya, magkasundo kami. Wala kaming ginawa kung hindi ang tumawa nang tumawa.
Natigilan ako sa pagtawa noon nang may huminto sa gilid ko. Nagkukuwento pa naman si Warren ng mga karanasan niya sa eroplano.
Nag-angat ako nang tingin dahil hindi umalis ang nasa gilid ko. “Uncle Frank! May kailangan ka?” tanong ko sa kanya na nakangiti. Pero sumimangot siya. Sumulyap siya kay Warren na tumigil din.
“Hello po, Uncle. I’m Warren,” pakilala ng bago kong kakilala kay Frank. Pero gusto ko sanang matawa dahil nakiki-Uncle si Warren.
“Don’t call me, Uncle,” masungit na sabi niya. “Ikaw. Pwede bang mag-behave ka naman?”
“Wala naman po akong ginawang—”
“Shut up, Jalene! Mag-pokus ka na lang nga sa mga dapat mong gawin pagdating. Hindi iyong nakikipag kilala ka sa kung sino.” Tiningnan pa niya ng masama si Warren bago tumalikod.
“Ang sungit pala ng Uncle mo. Parang ang Daddy ko lang din.”
“Oo, masungit talaga ’yon. Araw-araw nire-regla nga, e.” Nagkatawanan kami ni Warren na ikinalingon ni Frank. Dahil kitang-kita ko ang pagsalubong ng kilay niya, nginitian ko lang siya nang matamis.
Wala si Tino kaya siya ang pumunta rito sa upuan ko. Mukhang may sasabihin siguro, kaso parang nainis. Hindi na tuloy niya nasabi. Ah, bahala siya. Basta, wala akong ginagawang masama sa kanya.
Hindi ko nga namalayang mabilis lang ang flight. Sabagay, direct flight naman kami kaya madaling narating namin ang Guam. Kung hindi pa sinabi ni Warren na malapit na, hindi pa sana ako mananahimik.
Bago kami maghiwalay ni Warren ay may binigay siyang number. Iyon daw ang number niya kapag nasa Guam. May binigay din siyang social media niya kaya nai-note ko rin. Bumili din kami muna ng bagong cellphone ni Tino nang magpunta kami ng mall para may magamit ako.
“Bye, Warren! Nice to meet you!” paalam ko sa kanya.
“Call or text me, huh?” paalala niya sa akin.
“Sure!” ani ko at kumaway pa sa kanya. Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya mayamaya.
“Bye, Uncle!” aniya sa katabi ko na ikinatawa ko.
Tumingin ako kay Frank na nakasimangot pa rin.
“May problema ba, Uncle?”
“Stop calling me uncle sabi! Tingnan mo tuloy pati ako tinatawag na nilang Unlce!”
“Pwede bang ’wag kang magalit? Totoo naman, e. Uncle kita dahil kaibigan mo si JV! Saka ayaw mo ba no’n?”
“My God, Jalene! Paulit-ulit ka. Hindi nga kita kaanu-ano!” aniya sa akin na pabulong pero halata ang inis. May mga tao kasi sa paligid.
“Eh, anong gusto mong itawag ko sa ’yo? Dear? My future husband?”
“None of the above!” Sabay hakbang ni Frank palayo sa akin. Papunta na kami noon para kunin ang bagahe namin.
“None of the above kasi mas gusto mo na lang na Uncle, tama?”
“Oh, fvck! Manahimik ka nga muna, Jalene. Pwede?”
“Sungit mo talaga! Kaya nagmumukha kang matanda, e!”
“Isa pang tawag—” Hindi na niya naituloy nang iwan ko siya para kunin ang bagahe kong nakita ko na.
Hindi kasama ngayon si Tino dahil may pinapagawa rito si Frank. Pero susunod daw ito bukas o sa susunod na araw yata. Kaya kaming dalawa lang ang nag-aabang ng bagahe namin.
“Uncle Frank, ’yon na ang maleta mo!” turo ko sa maleta niya. Magre-react pa sana siya pero baka mawala ang bagahe niya, kaya hinayaan na lang ako.
Hahahah everyday na lang ang bangayan?
JALENE“I LOVE YOU,” masuyong sambit ni Frank bago niya hinugot ang sarili sa akin. Hinalikan pa niya ako sa tungki ng ilong bago nahiga sa tabi ko at yumakap nang mahigpit. “Ngayon ko lang napagtanto, sobrang miss pala kita.”Bumaling ako sa kanya. “Dahil sa hypnosis kaya parang ang dami mong na-miss sa akin.” Hinaplos ko ang pisngi ni Frank. “Kahit sa buhay ng mga anak natin, marami na.”Dinala niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan. “Pero kahit na under hypnosis ako, hindi ko kayang ipagpalit ka kay Kassandra.”Napataas ako ng kilay. “Hindi raw. Eh, ano ‘yong dinala mo sa farm tapos tinago mo pa sa akin? Saka narinig ko kung paano mo kausapin si Kassandra, parang mas mahal mo pa siya kesa sa akin.”Kinurot ni Frank ang ilong ko. “Under hypnosis nga, e. Saka nasabi ko kay Kassandra na hindi kita kayang iwan. Kaya ssa tingin ko, matindi ang pagmamahal ko sa ‘yo talaga.” Dito ako napangiti. “Biruin mo, ang tagal nang effect sa akin ng hypnosis nila. Pero sa iba? Madali lang. Kay
Jalene’s POV INIS na kinuha ko isa-isa ang unan ni Frank at binigay iyon sa kanya. “A-akala ko ba okay na tayo, baby?” “Okay tayo kapag nasa harap ng mga bata. Pero kapag tayo lang-” Umiling-iling ako. “Naamoy ko pa rin si Kassandra sa ‘yo.” “Baby… ” “Sa kabila ka matutulog, huh? Make sure na hindi ka makikita ng mga anak natin na doon ka natutulog, huh? At dyan ka lang dapat na dumaan.” Sabay turo ko ng adjacent door. “Naiintindihan mo?” Kumamot-kamot siya kaya napataas ako ng kilay. “Ayaw mo?” “Gusto,” anito. Sumabay pa ang paghaba ng labi niya. “Alis na sa harapan ko.” Taboy ko sa kanya. “Paano kung ma-miss mo ako?” Yakap-yakap na niya ang unan. “Anong ma-miss? Kung na-miss kita, hindi sana ako umalis ng ilang linggo.” Akala ko tatalikod na siya, hindi pa pala. “Miss na kita. Paano ‘yan?” “Bahala ka sa buhay mo.” Sumampa ako sa kama at pumuwesto sa gitna. Mukhang wala siyang balak na umalis kaya tiningnan ko siya nang masama. “Ano pang hinihintay mo?” “Lilipat na p
Jalene’s POV NAPATIGIL ako sa pag-scroll sa social media nang makita ang pangalan ni Philip. Update sa kaso ang ibabalita niya sa akin kaya agad kong sinagot iyon. “Hey! Kumusta?” bungad niya. “Ayos lang.” Tumingin ako sa dalawa kong anak. Himbing na himbing na sila sa pagtulog ng mga sandalling iyon. “Mabuti naman.” Saglit na nawala ito sa linya. “Um, si Frank, tumestigo rin pala laban kay Doc Vivien.” Natigilan ako sa sinabi niya. “T-talaga?” “Um. Nagkausap na ba kayo?” “Naka-block siya, e.” “Aw.” May himig na tawa iyon. “Ayaw mo ba siyang kausapin? Worth it naman ang pakikipagpalaban mo, e. Try mong pakinggan ang sasabihin niya. Kasi parang pinag-isipan niya nang maayos ang pag-testigo niya. Mas marami pa ng siyang nakuhang ebidensya kumpara sa atin.” Napaisip ako. Pero naiinis pa rin ako. Pahupain ko na lang siguro. “Kung hindi dahil sa kanya, baka talo tayo, e.” “Naiinis pa rin kasi ako sa sinabi niya nang araw na iyon. As if si Kassandra ang pinipili niya. Alam mo iyon
JALENE“BABY!”Hindi ko pinansin ang tawag ni Frank sa akin. Ngayon naalala na niya ang endearment niya sa akin, pero nitong mga nakaraang buwan, nakalimutan niya.Binilisan ko pa ang lakad ko para makalayo sa kanya, pero naabutan niya ako nang papalabas na ako ng ospital na iyon.“Excuse me?” pagtataray ko sa kanya. Kasunod niyon ang pagtanggal ko ng kamay niya sa aking pulsuhan.“Let me explain.”“No need, Frank.” Natawa ako sa sinabi niya. “Hindi ka worth it na ipaglaban. Kaya makakaasa kang hindi matutuloy ang kaso sa kaibigan mong doktor para makapagpatingin ka sa kanya hanggang sa magising ka na lang na wala na kami ng mga anak mo.”“N-no. That won’t happen.”Akmang bubuka ang labi ko nang unahan niya ako.“Alam ko na ang lahat, baby. I’m sorry.”“Nag-sorry ka? Anong alam mo na ang lahat? Eh ano ’yong narinig ko, huh? At pwede ba, ‘wag kang mag-sorry sa akin dahil wala kang kasalanan sa akin. Kay Kassandra ka mag-sorry ngayon dahil iniwan mo siya ngayon. Baka mamaya tawagan ka ni
FRANKNAPAANGAT ako nang tingin para basahin ang nakalagay sa signage ng lugar na sinabi ni Jalene sa text. Clinic?Bakit kaya? Nagpapatingin din ba si Jalene dahil sa stress sa akin? Dahil ba sa kasalanan ko? Umakyat ako sa 3rd floor kung saan naroon ang clinic. May upuan sa labas kaya naupo ako roon. Hindi ko siya makita sa glass wall kaya wala pa siguro siya. Hihintayin ko lang si Jalene rito. Mag-iisang oras na pero wala pa rin si Jalene kaya nainip na ako.Paano kung iniwan na talaga niya ako?Akmang tatawagan ko si Jalene nang mag-pop up ang pangalan ni Kassandra. Tumatawag siya. Hindi ko na siya nabalikan kanina kaya sinagot ko iyon. Gusto niyang makipagkita sa opisina ni dok ngayon. Hindi ko alam kung bakit.“Hi, it’s urgent. Pwede ka ba ngayon?”“I’m trying to find my wife. Would it be alright if we do this tomorrow instead?” pakiusap niya.“It’s about Jalene.”Natigilan ako. “What about her?”“Sa office na lang ni Doc. She needs us.”Dahil tungkol kay Jalene ang pag-uusa
JALENE“ANO ba ang kailangan kong gawin?” tanong ko kay Philip pagkaupo na pagkaupo.Dapat kikitain ko si Frank ngayon. Pero mas kailangan ako ni Philip dahil nga sa kasong naisampa na sa doktor na iyon.“Better brace yourself. She’s about to get served the complaint, and that means we’ll be summoned too.”“Balak ko pa naman sanang umuwi para makapagpahinga mga problema ko ngayon. Pero sige, hindi na lang muna para matapos na itong problema naming mag-asawa.”Matagal pa kaming nag-usap ni Philip dahil sa mga pinakita niya sa akin. Bukas raw ay makikipagkita ito sa mga nabiktima ng doktor na iyon. Inuna lang niya akong kitain dahil nga sa may anak raw ako na binabantayan.“Ingat,” anito nang ipagbukas ako ni Philip ng pintuan ng sasakyang nai-book ko.“Salamat,” ani ko sa kanya.Hindi naman ako galing sa bahay kaya wala akong sasakyan. Naiwan ko ang mga bata sa bahay nila Warren kaya ako lang mag-isa ngayon.Late na ako sa usapan namin ni Frank kaya nagmadali ako papunta sa lugar na si