Zack's POV Ten years. One decade. Ganon katagal kaming nagdusa. Is it too much to ask for another chance? Gagawa ba ng panibagong paraan ang tadhana para sa amin? Makakamit ba namin ang saya nang magkasama? O magiging masaya pa rin ba kami kahit na wala kami sa piling ng isa't-isa? Pero hindi ba mas maganda kung ikaw mismo ang gagawa ng sarili mong tadhana? Anong mapapala ko kung papanoorin ko lang sila sa malayo? Hanggang kailan ko titiisin 'to? Hanggang kailan ko pipilitin ang sarili kong maging masaya? Hanggang kailan ako magpapanggap na okay lang ang lahat? Nakakasawa. It's draining me. Take a step to get close to her. One step at a time. Papalapit sa kanya, kung saan ka sasaya. Kung saan mas gagaan ang pakiramdam mo. I'm ready to take all the risk this time. No more cowardnes, fight for your love. "Let me court you again" after one decade, I've never felt an overflowing emotions, ngayon lang ulit. Ngayon, handa na akong isugal lahat para sa buhay ko. Ang mag-ina ko. Kung ma
CONTINUATIONAgad naman na lumapit si Leon sa bata. Hinayaan ko muna sila. "Hello, kiddo. How are you feeling?" malambing na saad nito sa bata habang hinahaplos ang buhok nito. "Thank you dada" iyong ang isinagot nito sa dada nya. I felt my eyes became warm because of the tears. "Hm? Bakit ka naman nagt-thank you kay dada?" his voice is soft as ever whenever he talks to Liam. "Thank you for taking care of me dada" mahinang sambit nya, garalgal din ang boses nya. Hinalikan nito ang noo ng bata. "Syempre dada will take care of you, you are my first baby, eh" "Si mama po? N-nakauwi na po si mama ko?" agad akong tumayo at dinaluhan silang dalawa. Ngumiti ito sa akin nang makita ako. Nangingilid ang luha sa mga mata nya. "I missed you mama" agad na tumulo ang luha ko sa mga salitang namutawi sa kanya. "I'm sorry for worrying you, dada and mama" agad na niyakap ko ang anak ko. "Shush, don't say sorry" I said. "Kamusta ka anak?" hinawakan ko nang maingat ang kamay nya. "Masakit ba
CONTINUATIONPagkarating namin ng hospital ay diretso na kami sa room ni Liam. Nadatnan namin ang lalaking nakayuko habang nakaupo pa rin sa upuan na nasa gilid. Natutulog yata dahil hindi man lang kami napansin nang makapasok kami. Agad na inayos ni Leon ang mga pagkain at ako naman ay itinabi ang bag na may laman ng mga gamit namin ng anak ko. Inilagay ko na rin ang iba sa cr gaya ng sabon, toothpaste, toothbrush at towel. "Gisingin mo na, parehas pa kayong walang kain nyan" bungad sa akin ni Leon pagkalabas ko ng cr. "Bakit 'di mo pa ginising kanina?" "Ikaw na" napabuntong-hininga ako saka nilapitan si Zack. Tinapik ko ng ilanh beses ang balikat nya para magising ito. "Pst, Zack. Gising, kakain na" agad naman itong nag-angat ng tingin sa akin. Pupungay-pungay pa ang mata. "Kumain ka na" saad ko saka kinuha ang pagkain nya tapos ay ibinigay sa kanya. Tumango lang sya sa akin at nagpasalamat. Umalis ako roon at nagpunta sa maliit na lamesa dahil nandoon pa ang pagkain ko. Kat
Eileen's POV Narito na ulit kami sa room ni Liam. Hindi pa rin sya nagigising hanggang ngayon pero bumaba naman na ang lagnat nya. Ang sabi ng doktor sa amin ay bumubuti naman na ang lagay ng anak ko at patuloy na ang paggaling nito. Natuwa naman ako sa balitang 'yon. Ang hirap kasing makitang may sakit ang anak mo. "Bibili muna ako ng makakain natin. Anong gusto mong kainin?" I looked at Leon. "Kahit ano na lang, Leon" saad ko habang nakasandal ang likod sa upuan. "Sige, bato na lang" pabirong saad nya. Natawa ako sa kanya at hinampas sa braso. "Sira" saad ko. "Ano nga? Chicken curry?" tumango ako sa kanya at ngumiti. "Ikaw?" lumingon naman sya kay Zack, nag-aabang ng sagot.Zack looked surprised but still answered Leon's question. "A chicken curry will do" mahinang saad nito saka yumuko ulit. "Luh, english" rinig kong bulong ng lalaki kaya mahina kong sinipa ito. "Sama ka na, Eileen? Para makapagpalit ka na rin" Leon suggested. Napatingin ako sa suot ko. Kahapon ko pa pal
CONTINUATION"Get in the car" mariing saad nito na sinunod ko. Ang layo namin sa Nueva Ecija. I called Leon again. "Leon, how's my son? What's his condition? W-wala pa ring blood donor?" nanghihinang saad ko. "Wala pa rin kaming makita, Eileen. I'm sorry. Mas maganda kung within this day makahanap na or else his case will get worse" napayuko ako at umiyak. "O-okay. I'll be there, papunta na ako" dismayadong pinutol ko ang linya. Ako ang mama nya pero hindi ko man lang alam na ganoon na pala ang nangyayari sa anak ko. May sakit sya pero wala akong kaalam-alam. I'm so useless. Sa sobrang tutok ko sa trabaho ay nakalimutan kong icheck ang anak ko. "You need to calm down. It's not your fault" rinig kong saad ng lalaki habang mabilis ang pagpapatakbo sa sasakyan nito. "I know how important Liam to you is. Kailangan mong magpakatatag. I know my words aren't enough to make you feel better but I'll help him. I'll save him. . . because he's my son" mahinang saad nito. Imbes na tumahan
CONTINUATION"Uy ano 'to?! Wow, coffee! Yayamanin ka na Mrs. Hart, ah" inis ko syang binalingan. "Stop calling me Mrs. Hart. I'm Mendoza" mariing saad ko. Natahimik naman ito saka palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. "Bagal mo p're" saad nito sabay tapik sa balikat ni Zack. "Don't touch me" saad ng lalaki. "Arte mo naman fafa Zack" Napabuntong-hininga na lang ako. Hangga't narito ang lalaking yan ay hindi matitigil ang ingay. Mabuti na lang at nahsidatingan na rin ang iba. Hindi na masyadong nagkulit si Adrian. Sumeryoso kasi agad ang mukha nito at prenteng nakaupo sa pwesto nya. Mabilis na nakumpleto kami. The meeting went smoothly. I was presenting my work when my phone began to rang. Hindi ko muna iyon pinansin dahil nasa trabaho ako. Ramdam ko ang paulit-ulit at walang tigil na pagva-vibrate nito sa bulsa ko. Nang hindi ako makatiis ay sinagot ko ito. "Excuse me for a minute" nahihiyang saad ko saka sinagot ang tawag. "Hello?" hindi ko na nakita ang caller. "Eilee