Share

Chapter 4

****************

(Levy's POV)

Sumama naman ang ihip ng hangin dito dahil nandito siya. Hindi man lang niya ako pinansin o baka naman ayaw niya ako pansinin kasi kachat niya ang babae kanina. Busy kasi sa pagkulikot sa cellphone niyang Nokia. Malamang may kachat diba?! Duhh pake ko?Wahahaha!

"Hindi ko alam na maganda pala ang boses mo" sambit niya ngunit nakatutok pa rin sa cellphone niya.

"At pano ka nakapasok dito ha?!" Imbis na sagutin siya ay tinanong ko siya.

Doon naman umangat ang mukha at tulad noon poker face lang. Tsk so gwapo na siya niyan?

Kainis!

Oo na gwapo niya kahit poker face.

"Sa pader" tipid niyang sagot at tinutok na ulit ang tingin sa cellphone niya.

Kainis alam ko pinopolosopo ako ng adik na iyan!

Inirapan ko siya kahit di naman niya nakikita. Nakakainis talaga!

'Bakit ba inis ako ng inis?' napatanong ako sa sarili ko. Dahil ba sa ginawa niya kahapon o yung nakita ko ngayong gabi? Ah basta nakakainis siya!

"Ang ganda mo pala pag-gabi at----" halos nanindig lahat ang balahibo ko ng unti niyang inangat ang ulo niya para tignan ako--- head to toe. Mabilis naman akong napahawak sa laylayan ng jacket at binaba pa. Errr bakit pakiramdam ko iba ang titig niya?

"Sexy" dugtong niya. 

Wahhh! Tama nga ako! May iba sa titig niya dahil ngumusi pa siya habang sumipol pa. Namumula ko siyang dinuro at sinimulan na siyang sigawan.

"Ikaw adik ka nakakainis ka na ha! Bwesit ka ikaw pa yung may ganang magpilisopo at nyeta! Manyak mo! Ano ba talaga ang pinunta mo dito ha? Ano?! Para inisin ha?! Kung trip mo lang talaga akong inisin?! Please lang huwag ako! Inisin mo ang girlfriend mo! Diba girlfriend mo iyon?! At pwede ba?! Tigilan mo na ang kaka-istalk sa akin baka magalit iyang girlfriend mo sa akin kasi akala niya nilalandi kita! Huwag ka ng magpapakita sa akin Mr. Poker Face! Adik! Stalker! Argggg playboy gangster! I hate you!" Matapos ko naman iyong sinabi ay sobrang hingal na hingal ako. Sumasakit yung lalamunan ko.

I expect na magagalit siya at magbabago ang ekspresyon niya. I expect na susumbatin niya din ako but I was wrong. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya.

Tinitigan niya lang ako ng mabuti na tila inosobserbahan at pagkatapos biglang tumayo. 

Napaatras naman ako ng makalapit siya sa akin.

Kumunot ang noo ko dahil nilahad niya ang cellphone niya. Anong gagawin ko sa cellphone niya? Duhhh may cellphon ako! At saka di ako nagsasayang ng laway para sa lesteng cellphone niya!

"Anong gagawin ko diyan?" Nakakunot noong tanong ko.

"Gusto ko lang ibigay email at password ng F******k ko sa iyo" simpleng tanong niya.

Nyeta '100% warning sasabog na ang bomba'. Hinanda ko na ang kamao ko baka sakaling di ako makapigil na suntukin siya. Tumubo naman ang sungay ko at may lumabas ng usok sa ilong at tenga. 

"Alam mo bang inis na inis na ako?! Ha ano?! Bwesit ka sa haba ng sinabi ko email at password lang ang sagot mo?!" Sigaw ko sabay hampas sa kanya. Hindi ako chansing! Sobrang naiinis lang ako.

Tinitigan lang niya ako na mas ikinaiinis ko pa at bigla niya namang hinawakan ang ulo ko at unting yumuko siya hanggang sa magpantay ang mukha namin. Inis kong sinalubong ang mga mata niya. Doon ko nalang napansin na kulay kape ang mata niya. Bagay na bagay sa makapal niyang kilay at mahabang pilik mata.

"Galit ka na niyan, Levy?" Sabay ngisi nito. Sinipa ko naman kaya napaatras siya. Sayang hindi sa ano yung nasipa ko. Hmmp dapat sana mabaog siya eh!

"Hindi ako manyak pero kung ikaw ang mamanyakin, why not? I can be your pervert adik. By the way, bakit adik? Do I look like an addict? But its kinda cool ang endearment mo sa akin" sabi niya sa akin at may tinipa ulit sa cellphone.

What the?! Anong pinagsasabi ng lalaking ito?

"Nagkataon lang talaga na nagkita tayo" dugtong pa niya. Tumigil naman siya sa kakatipa sa cellphone niya at hinila ang kamay ko pagtapos ay nilagay doon sa kamay ko ang cellphone niya.

Nagulat nalang ako ng halikan niya ako sa labi bago sa noo. Di ako makagalaw dahil sa gulat kaya di ko na nagawang magpumiglas sa yakap niya. 

"I didn't know that you are the cutest amazona pagnagseselos" bulong niya.

What?! S-sinong nagseselos?!

Itinulak ko siya ng malakas at sinamaas siya ng tingin. Poker face pa rin itong nakatingin sa akin kaya nainis na naman ako.

Sinundan ko siya ng tingin ng magsimula siyang maglakad. Nyeta nagwalk out! Peste! Iniwan pa niya talaga sa akin ang cellphone niya ha?!

Wait speaking of cellphone...

Napatitig naman ako screen ng cellphone at mas ikinagulat ko wala man lang password o code ang cellphone niya kaya mabilis kong na-on yun. Nakita ko doon ang F******k niyang puno ng friend request at messages. Kaya nacurious naman ako at pinindot ang messages.

Shocks! Puro babae ang laman. Tsk anong mai-expect natin sa isang playboy? Walang kachat? Duhh! Hindi iyan loyal!

Sunod kong pinundot ang profile niya. Yung f******k name niya ay---- takte bakit apilyedo ko ito?! Tapos ang profile ay mukha niya.

Nang i-scroll ko pababa iyon ay halos lumuwa na ang mga mata ko dahil sa nabasa ko. Adik ba talaga iyon?! Bakit siya nagpopost ng ganito?! Wala ba talaga siyang kahiya hiya?!

Binasa ko ulit ito baka sakaling mali lang yung pagkabasa ko.

'I Love You, Levy. Don't be jealous, ok? I'm all yours'

Huhuhu malinaw na malinaw at walang mali sa binasa ko! Sino ka bang adik ka ha?! Tigilan mo na ako please! Wahhhhh shocks 1 minute ago lang yung post na ito so meaning kanina nung inis na inis ako nagpost siya?! Halos naman nang nagcomment ay mga babae na may nagagalit sa akin dahil hinayaan ko daw na malungkot ang baby nila. At heto pa ah. Galit na galit sila kasi panget daw ako na b

kit daw ako naging gf ng baby nila?! 

"Wahhhhhhhhhh" sigaw ko sa loob ng kwarto na ito.

------

Kikiligan ka ba sa mr. Stranger na iyan kung ikaw si Levy?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status