Share

Chapter 2

***************

(Levy's POV)

Mahigpit akong humawak sa bewang ng lalaking ito kahit na mabagal ang takbo nito. Parang isang segundo lang yung pagitan sa nangyare kanina at ngayon. Ngunit hanggang ngayon di ko pa rin siya kilala. Sino ba siya? Wala atang balak na magpakilala ang lalaking ito eh.

"Wahhhhh! Mamatay tayo t-tigil mo na ito!" Sigaw ko sa kanya dahil bigla nalang niyang binilisan ang takbo. Takte ang lakas ng kabog ng puso ko huhuhu. Mas hinigpitan ko pa ang yakap nito at napakit nalang dahil sa sobrang takot.

"Alam mo pangarap ko na ganito ka kabilis na mahulog sa akin" biglang salita niya habang mas binilisan pa din ang takbo ng motor at mas napahigpit pa ang yakap ko sa kanya.

"Alam mo din ba na gusto ko ganito rin kahigpit ang kapit mo sa akin. Ramdam ko na ayaw mong bumitaw kahit na nasa kaligatnaan na tayo sa kamatayan" dugtong pa nito. Ang lakas ng hangin na tumatama sa amin pero parang wala lang ito sa kanya. Kahit natatakot ay naisip ko nalang bigla na magtiwala sa kanya. Wahh di naman niya balak na magpakamatay diba na kasama ako?!

"Levy, yung puso mo ngayon ang bilis ng tibok. Sana---- sana ganun din ang nararamdaman mo balang araw" unti unti namang bumabagal ang takbo niya. Buti nalang wala kaming nakasalubong na ibang sasakyan.

Napamulat naman ako at napatingin sa paligid. Nandito na kami sa tapat ng bahay ko. Teka paano niya nalaman? Stalker ba talaga siya? Pero salamat! Buhay kami!

Dahan dahan kong inalis ang pag-alis ng pagkayakap ko sa bewang niya. Habang siya naman ay bumaba na tapos ay tinulungan ako sa pag-alis ng helmet ko. Napatitig naman ako sa kanya. Dapat ba magtanong ako? Ehh di naman siya sasagot.

"M-may umm ano may sinasabi ka kanina?" Tanong ko kahit alam ko di iyan sasagot. Nagsasalita siya kanina diba. 

"Di ko narinig ng maayos eh" tanong ko ulit. Ngunit di niya ako sinagot kundi hinalikan niya lang ako at binuhat para makaalis sa pagkaupo sa motor niya.

May napansin ba kayo? Kung bakit nagpapahalik ako kahit na di ko siya kilala? Hindi na bago sa akin yung halik dahil noon may nakahalik na sa akin at hindi ko na siya maalala pa. At saka nagkaroon din ako ng boyfriend noon kaya masasabi ko talaga na hind na bago sa akin yun. Pero pinagtataka ko lang bakit hinahalikan ako ng lalaking ito? Isa lamang akong hamak na nerd.

"You'll know it, someday" sagot niya. Kumunot ang noo ko at ibubuka ko sana ang bibig ko pata magsalita ay pinahurot na niya ang motor niya. Hindi man lang siya nag-goodbye at may tanong pa sana ako eh. Paano niya ba talaga nalaman ang lahat tungkol sa akin.

Sana naman bukas di na maulit ito. Pakiramdam ko kasi mauulit ito. Sana di na siya magpakita at kung pwede lang? Huwag na kaming magkita pa!

Pumasok na ako sa bahay at tulad ng dati sobrang tahimik. Maliban nalang sa alaga kong pusa na si Chim at alagang aso na si Plum na sumalujong sa akin ngayon. Napangiti naman ako dahil ang sweet nilang dalawa.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila kahit na di sumasagot. Parang yung adik lang ahaha. Ehemm di ko siya iniisip ah.

Pumasok na ako sa kwarto ko kasabay ang mga alaga ko. Natatawa naman ako sa kanila ng naghahabulan pa talaga sila. Iniwas ko muna ang tingin ko sa kanila at umupo muna sa study table ko para maghanap ng trabaho. May mga listahan kasi ako eh. Total tapos na din naman ako sa assignment ko ay wala na akong poproblemahin. Tumayo ako galing sa pagkakaupo para kumuha ng damit sa kabinet. Maya maya pa natapos na agad ako makapagbihis. Napapikit naman ako dahil sa pagod hanggang sa tuluyang makatulog.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para maaga din ako makahanap ng trabaho. Sa ngayon nagdadalawag isip ako na pumasok sa Heablen Bar. They are looking for a singer kasi, alam mo yung bar na may pwedeng kumanta? Yun ang bar na ito. Ayaw ko talagang kumanta pa dahil nangako ako kay mama na di na ako kakanta. Hays bahala na nga.

"Good morning, sir. Mag-aapply po sana na maging singer" sabi ko at nilagay ang bio data ko sa lamesa. Di pa siya tumitingin sa akin ngunit kinuha niya yung bio data at binasa.

"So you are Ashy Levina Vermillion" nanlaki ang mata ko ng unti unting inangat nito ang ulo niya. Takte siya ba ang may ari ng bar na ito?!

"Tofer?!" Hindi talaga ako makapaniwala.

"Hahaha surprise? Ate Levy di mo na kailangan magpass nito dahil

Hired ka na!" Masigla nitong sambit at dali daling tumayo. Niyakap naman niya ako ng mahigpit. Takte bat ang bilis niyang tumangkad? Wahhh mas naging pogi ang pinsan ko.

"Hihihi ate wala ka na bang dila? Pakiss nga ate tas hilahin ko ang dila mo" binatukan ko naman siya dahil lumalandi na naman sa akin. Hahaha well sanay na ako.

"Shocks! Akala ko tuloy magiging dugyutin ka eh! Hahaha! Namiss kita, Jaco" masaya ako dahil nagkita na ulit kami nitong pinsan ko. Tagal ko na din sila hindi na kita eh. Busy ako lage sa work at studies ko.

Nagkwentuhan lang kami nitong Christopher Keifer Falcon at ipinakilala niya din ako sa mga katrabaho ko. Mababait naman silang lahat kaya walang problema.

"Ate bagay pala sayo ang di mag eyeglasses eh, ang ganda mo! Sh*t pakiss nga!" Nanggigil ko namang inapakan ang paa niya bago pa niya ako mahalikan. Namimilit naman suya sa akin at napaupo sa sahig. Natatawa ako habang tinitignan ang reflection ko sa salamin. Nyeta sobtang hapit na hapit ang suot ko na jacket na kulay black pero mabuti naman nagsuot ako ng leggings na black para di makita yung legs ko. 

Kaya ko ito! And 'sorry mama' kailangan ko ng pera.

Pagkatungtong ko pala sa stage ay nahalagip ko agad ang taong ayaw ko makita. Kitang kita ko siy dahil ang pwesto niya ay malapit sa stage.

Nanginginig kong hinawakan ang mic at pumikit muna. Narinig ko namang ang hiyawan ng mga manonood.

"Magandang gabi, just call me Ashy at ako ang kakanta sa inyo ngayong gabi. Sana maggustuhan niyo" salita ko habang iniiwasang magtagpo ang mga mata namin.

Finucos ko na lamang ang lahat sa kanta na 'Weak'.

-----

Posible bang mahulog ka sa kakilala mo lang ops sa unang pagkikita niyo palang?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status