Share

Chapter 1

******************************

(Levy's POV)

Matapos ang pangyayare kanina ay iniwan nalang niya ako sa couch. Bastos yun ah! Mang-iiwan matapos--- manghalik? Such a playboy gangster! May pa may I have you, have you pa! Nakapagtataka lang di naman kami nagkita noon pero bakit kilala niya ako? Tsk baka stalker yun. Nako huwag na sana magtagpo ang tadhana namin.

"Levy" tawag ng kung sino nang lumabas ako mula sa cubicle. 

Tumitig pa talaga ako sa mukha niya na tila tumigil ang mundo dahil nagtama ang aming mga mata. At bigla namang bumilis ang pangyayare--- itinaas ko ang binti ko para sanang sipain siya ngunut nahawakan niya na may ngisi sa labi. Akmang sasapakin ko siya nang mas una siyang nakalapit sa akin sabay hawak sa batok ko at ikinabigla ko ang paghalik niya. Sa halik na iyon nalaman ko kung sino siya.

'Si playboy gangster!' iyan ang naisip ko.

Itinulak ko siya gamit ang lakas ko at nagtagumpay naman ako. Nyeta manghahalik na nga lang may kasama pang-alak at kagat! Inis ko siyang dinuro. Ipapakita ko sa kanya ang kinalaban ng lalake na ito. Masyado na siyang abusado ah!

"Alam mo?!--"

"That you like my kisses? Yeah I know that" he said na kalmado lang. '70% na malapit ng sumabog ang bomba' sabi ng aking isip sa akin. Takte!

"Nakakainis ka ah! Alam mo ba kumulo ang dugo ko paghinahalikan mo ako?! Sa sobrang pagkulo gusto kita sakalin!" Matapos ko sabihin iyon na hingal na hingal ko siyang inirapan. Takte wala man lang siyang reaksyon? Poker face lang ang peg? Smirk lang ba ang alam nitong lalakeng ito?!

Nanlaki bigla ang mga mata ko---

"Hoy kinakausap pa kita!" Sigaw ko nito subalit tinalikuran niya ako habang nakapamulsa. Wow! Edi siya na ang pogi. POGITA! Takte walk out king lang?

Sa inis ko ay sinundan ko siya. Bastos na bastos talaga ang lalakeng iyon! Walang galang!

"Hoy!" Hind niya pa rin ako pinapansin. '89% bago sumabog ang bomba' nanggigil na ako! Sarap niya sabunutan! Anong akala niya di ko siya kaya? Kahit babae ako at kahit nerd ako kaya ko siyang bangasin!

"Mr. Jalo I am here to refer my business with you. Veeno, Glenfiddich, Four Roses Bourbon, etc. Or what ever what the products is you want just fired Ashy Levina Vermillion. I don't accept no Mr. Jalo except you want you die? " nakita ko siyang naharap ang may-ari ng bar na ito. T-teka anong ginagawa niya?!

Ano ang pinagsasabi niya?! Tama ba yung naririnig ko? Yun ang mga best seller products na mga alak! Is he serious?!--- 

"Teka naman anong fired, fired ah?! Hoy!" Sigaw ko habang niyugyog siya. Napatingin naman siya akin na may ngisi. Shocks! Adik ba ito sa labi ko?! Halik ng halik! Heto na naman bigla biglang umalis ang adik!

Naiwan naman kami dito na nakatulala pero ako talaga ang may malaking problema nito. Baka-- baka susundin ni sir Jalo ang gusto ng lalaking iyon?! Napatingin naman ako kay sir Jalo na pinagpawisan at halatang takot. Bakit ba takot na takot siya? Kakainis talaga ang lalaking iyon nagbanta ba naman!

"Sir Jalo wag kang makinig dun. Please wag niyo akong sintahi---" naputol ang sasabihin ko nang inunahan niya ako pagkatapos ay iniwan akong binabagsakan ng mga hollow blocks, langit, at lupa.

'I-Im sorry, Levina. B-but you're f-fired'

Paulit ulit na umi-echo sa utak ko yun! Huhu no! Malapit na ako mag isang taon dito tapos-- tapos ganito nalang?! Wahhh paano na ito?

Napabuntong hininga nalang ako at humugot ng lakas. Kaya ko ito! Maghahanap na naman ako ng trabaho bukas. 

'Go Levy fighting!' pagcheer ko sa sarili ko. Hmmp naisip ko naman yung lalake kanina. Sino ba iyon? Bakit kung makautos ah! Napagdesisyonan ko ng magbihis upang umuwi na.

"Aalis ka na ba talaga, Levy?" Isa sa mga naging kaibigan ko dito.

Ngumiti lang ako sa kanya ---sa kanila. Nabalitaan kasi nila na sinasanti ako.

"Oo eh. Mamimiss ko kayo guys" nalulungkot kung sabi habang isa isa silang niyayakap. Sa tagal ba naman ng panahon na pagsasama namin dito sinong di makakamiss sa kanila? Wahhh mga ate at kuya ko na din sila eh.

Nagpaalam na ulit ako sa kanila at sinimulan ng tahakin ang pinto palabas. Pagkabukas ko ay bilog na bilog na buwan kaagad ang bumungad sa akin. Napapikit naman ako habang sinusulit ang oras.

"Levy" napamulat naman ako ng may magsalita. 

Takte! Bakit ba sulpot ng sulpot ang lalaking ito?! Teka nga bakit ba siya nandito? Kumunot ang noo ko sabay irap sa kanya. Heh! Kasalanan niya kaya ako nawalan ng trabaho! Bakit ba kasi sinunod ni sir Jalo ang utos ng lalaking ito? Di naman mukhang business man itong robot. Oo robot dahil walang emosyon!

Akmang lalagpasan ko siya ng hinatak niya ang braso ko at kinaladkad. Bwesut ito ah! Close kami?! Sisinghalin ko sana siya ng nakita ko ang motor niya sa di kaluyan. Ano namang balak nitong lalaking ito? Kanina ko pa na papansin na feeling close ito! N*******n at sinabihan lang niya ako ng may I have you ganun na agad siya? Seryoso ba talaga iyan? Walang joke?

"Teka nga feeling close ka ha!" Sigaw ko pero ayun--- wag na tayong umasa na sasagoy iyan. Nawalan ata ng dila.

"I'm sorry. I didn't mean to" panimula niya. Ok binabawe ko na ganda ng boses niya eh kaya may dila siya. Tsk!

Sinungitan ko siya at binaling sa ibang lugar ang tingin ko ngunit dapat pala di ko ginawa. Matapos niya ako halikan sa leeg ay napatingin ako sa kanya kasabay naman nun ang paglagay niya ng helmet sa ulo ko.

"I just don't want you to be there dahil gusto ko dito ka lang sa akin, Levy. Akin na lahat ng oras mo" sabi niya habang nakayuko para tumapat sa mukha ko. Oo na ako na ang pandak! Pero ano daw?

Nagulat ako ng niyakap niya ako na nagpapasinghap din sa akin. Rinig na rinig ko ang ma

lakas na tibok ng puso ko. 

Omo anyare sa puso ko?

----

Is this love?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status