Share

Chapter 5

******************

(Levy's POV)

Lunes na lunes mukha akong nakahithit ng katol. Hindi ako nakatulog ng maayo kagabi kasi makalimutan ang ginawa ng adik na iyon. Takte siya parang madami akong bashers nito.

Alam niyo ba nung pauwi na ako? Nyeta syempre hindi niyo alam! Ikaw kaya ang makakita ng kapreng ADIK sa tapat ng bahay mo at talagang hinihinta ka sa pag-uwi sinong hindi matatakot? Pinagbantaan pa talaga ako na wag na daw ako babalik sa bar ng pinsan ko. Takte siya iyon na nga lang ang kinabubuhay ko tapos ano?! Alam niyo naman siguro yung kapreng ADIK diba?!

Shocks! Ang aga aga nahihigh blood ako.

"Levina!" Nagulantang ako ng marinig ko ang pangalan ko. Napatingin naman ako kay--- nyeta. Lagot ako nito hindi pa naman ako nakinig.

Tumayo naman ako at ngumiti ng kunti. Yung hashtag pacute dahil mukhang mapagalitan. Arggg kasalanan ito ng adik eh.

"Yes sir?" Kumunot naman ang noo ng pogitang teacher namin.

"You're listening, right?" Tanong ni sir Klein sabay hubad ng eye glasses niya.

Tumango naman ako kahit hindi naman...

'Takte bakit ba ako tumango?!' sigaw ng isip ko. 

Pinagpawisan na yung paa ko dito dahil nanenerbyos ako baka wala akong maisagot eh. Sana talaga di ko na inaalala iyon. Siguradong trip lang ako ng lalaking iyon. Duhh playboy yun!

"Eh bakit ka pa nandito?" Takang tanong nito. Kaya nagtaka naman ako at may nakapatong sa ulo ko ang question mark.

Anyare? Gusto ba akong palabasin ni sir Klein?

"Po?" Naitanong ko nalang. Narinig ko namang tumawa yung katabi ko kaya binatukan ko. Bwesit eh.

"Aray naman--- halatang di ka nakikinig eh!" Sabay hagalpak nito. Sumimangot naman ako at humarap muli kay sir Klein upang yumuko at humingi ng tawad. Napapikit naman ako ng mariin dahil halata naman sa akin na nagsinungaling ako na nakikinig kuno ako.

"Pinatawag ka ng Principal, Levina. Hindi mo ba narinig iyon? Nakaspeaker na nga iyon kani-kanina lang eh. Hays nevermined umalis ka na dito" sambit ni sir Klein at binalik na ulit ang salamin nito.

Kahit na nahihiya ay tumango lang ako sabay mabilis na nakalabas sa classroom. Narinig ko pa ang pang-asar sa akin ng mga kaklase ko. Pinukpok ko ang ulo ko at huminga na muna ng malalim. 

Kailangan ko pang pumunta sa office...

Kumatok naman kaagad ako ng makarating sa office. Pagkatapos ay pinihit ko na ang door knob upang mabuksan ko na ito. Nakita ko naman kaagad ang Principal kaya ngumiti ako.

"Good morning, ma'am Tuz" magalang kong sabi.

"Good morning. Levina, right? C'mon sit here hija" tumango naman ako bago umupo. Humarap naman ako ng kaunti.

"Hindi ko alam na may gwapo ka palang boyfriend, hija. Sabi niya babalik siya mamaya" pagsimula niya habang may kinukuha sa kung ano sa kabinet niya.

Eh? Boyfriend? Napaisip naman ako. Sinong boyfriend? Huwag niyong sabihing yung adik na yun ang kausap ni ma'am Tuz?! Kapal naman ng mukha niya.

Teka-----

Wahhh bakit agad siya ang naiisip ko?! Mali naman yung iniisip ko hindi ba?! Ano ko siya stalker?! Grrrr kakatakot naman siya. Pati ba naman ang pag-aaral ko pakikielaman niya?!

Nabalik naman ako sa wisyo ng tapikin ako ni ma'am Tuz sa balikat ko.

"Y-yes ma'am?" Nauutal kong tanong nito.

"Tulala ka? Iniisip mo ba boyfriend mo?" Kinikilig nitong tanong sa akin. Napangiwi naman ako dahil sa tanda niya kinikilig pa din? Nagbabasa siguro ito ng w*****d eh. Ang bilis kiligin eh.

"A-ah ha-ha may sinabi po ba siyang pangalan ma'am? Sino po daw siya?" Takang tanong ko.

Yes! Baka ngayon malalaman ko na kung anong pangalan ng adik na iyon! Shocks! Excited na kinakabahan ako.

Napatigil naman ako sa pagdeday dream ng humagalpak bigla ng tawa si ma'am. Kumunot naman ako at napaisip 'anong nakakatawa? May joke ba akong sinabi?'.

"Hahaha joker ka pala, Levina. Boyfriend mo siya tapos di mo alam ang pangalan? Hahahaha" umupo naman siya ng maayos pero tumatawa pa rin.

"Ah he-he-he" sagot ko nalang. 

Alam mo ma'am?! Naiinis na ako sa iyo gusto kitang sapakin! Naririnig mo ba ako?! Chos syempre di ko sinabi ko baka maexpell ako. Pinilig ko nalang ang ulo ko at kinalimutan na muna pag-iisip ng kung anong bagay.

"Bakit niyo ba ako pinatawag ma'am?" Pigil na pagkairita kong tanong. Gusto ko sanang magwalk out or ikutan siya ng mata eh. Hays woahhh relax Dragon Levy baka makalbo mo si ma'am sayang ang rebond.

Napatigil naman ito sa pagtawa at may inabot na envelope sa akin. Kunot noo ko nama itong inabot at tinignan ang loob nito.

Tama nga ang hinala ko pinapakielaman na naman ako ng adik! Pati ba naman pag-aaral ko?! Pina-transfer ba naman ako sa Quill University at sa pagkakaalam ko maraming gang doon eh! Bwesit siya! Ano naman kayang gustong mangyare ng adik na iyon?! Pinapahamak ba ako, ha?! Kampi ba siya ng kamatayan?! Look di ko yun pinapangarap na pasukang paaralan. Baka doon siya nag-aaral kaya gusto niya doon ako kasi wala siyang maasar. Arggg!

Napatingin naman ako sa pinto-an ng biglang may pumasok. Nanlaki naman ang mata ko dahil--- akala ko...

Akala ko siya pero hindi...

Hindi siya...

Nag-expect ba ako na si adik iyon? Teka gusto ko ba siyang makita? Ano ba ang dahilan? Hindi ko naman siya gusto. At lalong hindi ako magkakagusto sa isang stranger. Pero bakit nag-iba ang naramdaman ko? Nag-expect ba talaga ako?

No nasanay lang na siya yung nakikita ko pag sa ganitong sitwasyon. Siya lang naman ang gumugulo sa buhay ko eh.

"Oh nandito na pala boyfriend mo eh" napaiwas naman ako ng tingin nang nagtagpo ang tingin namin ng lalaking ito.

Bago siya mata ko dahil ngayon ko lang siya nakita. Di ko rin naalala na nagkita kami nito.

"I'm here para sunduin ka, My Lady" magalang nitong sambit kaya napatingin naman ako sa kanya. Nakangiti siya hindi tulad ni adik.

Adik na naman?!

Ngumiti naman ako sabay tumayo. Tapos ay sinamaan ko ng tingin ang lalaki at humarap muna ako kay

ma'am at nagbow bilang paggalang. Di ko na hinintay na sumagot si ma'am dahil kinaladkad ko na itong bwesit na weirdo dahil sa sout niya. Galing ba itong opisina?!

-----------

Ikaw mag-eexpect ka din ba?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status