LOGINL A R A
"Mr. Ranch Coner, nandito ka pala." Sabi ng babae. "Mr. Coner, tipo mo pala ang ganyang babae?" Mapang-asar na sabi ng isang lalaki. "Tama ka, ganyan ang tipo ko. Yung ako ang nauna," makahulugan na pagkakasabi niya. Nagbulung-bulungan ang iba at hindi ko alam kung bakit, pero ang hindi ko mapaniwalan na binili niya ako sa ganung halaga. Isa pa, ganun pala siya, sila? "Ok sarado na, salamat Mr. Coner, hindi ko ito makakalimutan, iba ka talaga kapag nag-presyo." Pinaalis na ako ng babae at habang naglalakad ako hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari. “Lara, isasama niya na ako tulungan mo ako.” Napatingin ako kay Marie, hindi ako nakasagot kasi hindi ko naman alam kung paano ko siya tutulungan. “Ang suwerte mo naman si Mr. Coner talaga ang bumili sa'yo? Alam mo bang ngayon lang ulit siya bumili?” Natigilan ako dito sa babae na kanina na kasama namin. “Sino ‘yon? Sinong Mr. Coner?” Takang tanong ni Marie. “Isa si Mr. Coner sa mga bilyonaryong narito at kaya niyang magtapon ng malaking halaga kapag gusto niya. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kasama mo na ‘to, napakagwapo pa naman ni Mr. Coner.” “Ha? Talaga ba Lara? Kung ganun ang swerte mo pala talaga, sa akin. Lara, baka puwede palit na lang tayo ayoko doon, please.” Napatingin naman ako kay Marie dahil sa sinabi niya kaya hindi ako agad nakasagot. “Bakit ayaw mo? Dahil gusto mo rin? Hindi ka na virgin sana ako nalang doon! Doon ka nalang sa kumuha sa akin!” Malakas niyang sabi. Nagulat naman ako sa kaniya dahil parang ibang Marie na ang nasa harap ko ngayon hindi ko akalain na ganun niya ako pagsasabihan. Narinig ko pa ang ilang tawanan ng mga babaeng narito. “Marie, naririnig mo ba sinasabi mo? Ginusto ko ba ‘to?” Asar kong sabi sa kaniya dahil pakiramdam ko hindi na pinsan ang tingin niya sa akin. “Bakit, hindi ko rin naman ‘to ginusto. Ikaw naman ang mas matanda sa atin kaya sana magparaya ka na lang, ako na lang doon kay Mr. Coner.” . “MARIE!” Malakas ang boses kong bigkas sa pangalan niya na kinagulat niya. “Alam mo? Wala naman problema sa akin kung kanino ako mapunta, dahil tanggap ko na tadhana ko. Tapos, ayos lang sana yung sinasabi mo na ‘yan pero naiintindihan mo pa ba sinasabi mo? Pinsan mo pa ba ako?” Pigil ang galit kong litanya sa kaniya at umiyak siya. “Nasaan na yung binili ni Mr. Aballa? Lumabas ka na aalis na kayo.” Napalingon kami pareho ni Marie at biglang lumapit si Marie sa akin lumuhod. “Please, Lara. Ikaw na sumama doon, palit na tayo hindi ko kakayanin baka magpakamatay na lang rin ako.” Napapikit ako sa mga sinasabi ni Marie sa akin at balak ko na sanang magsalita ng hatakin na si Marie nang dalawang lalaki. “LARA!” “LARA!” “WALA KANG KUWENTA HAYOP KA! TANDAAN MO ‘TO!” Naiyak na lang ako dahil sa mga sinabi ni Marie, wala na siya pero ako ito patuloy na umiiyak. “Oh? Anong iniiyak mo diyan?” Napatingala ako sa nagsalita yung babae na blonde ang buhok, hindi ako sumagot nagpunas lang ako ng luha. “Dapat nga magsaya ka dahil si Mr. Coner ang nakabili sa'yo, aba ang daming nangangarap sa kaniya. Ang mabuti pa kailangan galingan mo ang performance mo. Siya sige, ayusin mo na ang sarili mo dahil aalis na kayo.” Hindi ako sumagot naiwan na akong mag-isa dito sa dressing room, tulala ako dahil iniisip ko sana panaginip lang ‘to lahat pero alam ko naman na hindi yon totoo. Nakayuko ako habang nakahawak sa ulo ko nang may makita akong itim na pares na sapatos. Pagtingala ko seryosong mukha ni Ranch Coner ang nakatingin sa akin, nakapamulsa pareho ang kamay niya. “Bakit niyo ginagawa ‘to sa amin?” Nanghihinang tanong ko sa kaniya dahil inaalala ko si Marie, kahit ganun ang mga sinabi sa akin. “Hindi ka ba natutuwang niligtas kita sa kamay ng lalaki na ‘yon?” Seryosong sagot niya. “Ako? Matutuwa? Nakakatuwa ba ang ganito?” Asar kong sabi, narinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Ayusin mo na ang sarili mo aalis na tayo.” Sabay talikod niya at naglakad. “Gusto ko ng umuwi pakiusap.” Naiiyak kong sambit at huminto siya. “Pag-aari na kita, sa akin ka na uuwi.” Pagkasabi niya tuluyan na siyang lumabas ng pinto, bumagsak ang luha ko. Tangap ko pa sana na angkinin mo na ako kung hindi sa ganitong paraan, natuwa pa naman ako dahil nagkita tayo ulit, pero nawala dahil sa ganitong uri ka palang tao. Ilan na ba ang nabili mong babae? ____ Sakay ng kotse niya pareho kaming nasa likuran at iba ang nagmamaneho, tahimik kami pareho pero ako lamig na lamig dahil sa suot ko pero hindi ko pinapakita. Napalingon na lang ako ng may tumakip sa katawan ko na damit, hinubad niya ang coat niya. Tatanggihan ko sana pero hindi ko na ginawa dahil ginaw na ginaw na talaga ako. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ba kami nagbyahe, pumasok ang kotse sa isang maluwang na espasyo. Sa gitna ay may malaking bahay na napakaganda ngunit wala ako sa mood para purihin pa. Sumunod ako sa kaniya hanggang sa makapasok kami sa loob. “Sandali,” ani ko at huminto siya, humarap sa akin. “Ano bang gagawin ko dito? Puwede ba akong magtrabaho?” Tanong ko dahil iniisip ko ang magulang ko at kapatid na nasa probinsiya. “Hindi mo na kailangan magtrabaho, mabubuhay ka dito.” Sagot niya at tumalikod. “Hindi mo naiintindihan, may magulang akong umaasa sa akin at ako lang inaasahan nila. Bigyan mo ako ng trabaho kahit maliit lang ang sahod, kahit ano. Total sabi mo pag-aari mo na ako.” Mahabang sabi ko at nanatili siyang nakatalikod. “Magpahinga ka na.” Yun lang ang sabi niya at nagtungo siya sa may hagdan umakyat na, naiwan akong nakatingin sa taas. “Good evening sa'yo.” Napalingon ako sa nagsalita isang babae na hindi pa naman ganun katanda, may suot siyang salamin. Simple na bistida lang ang suot niya. “Hello po,” bati ko, tumango lang siya at hindi man lang ngumiti. “Vina, dalhin mo siya sa kaniyang kuwarto.” May lumapit na isang babae at nakasuot siya ng uniform na pang kasambahay kasi ganito yung nakikita kong suot lalo na sa mga mamayaman. Bistida na itim at apron na puti. “Sumunod po kayo sa akin.” Tumango lang ako at umakyat rin kami doon sa hagdan, pagdating sa taas ay second floor lang pero mayroon pa sa taas may nadaanan kaming pinto. Naisip ko baka kuwarto yun ni Ranch. “Dito po.” Binuksan nitong babae ang silid at pagpasok ko hindi ko mapigilan mamangha dahil ang laki, ang luwang, tapos yung pinakapader gawa sa salamin kita yung sa labas may terrace doon. Ang lapad ng kama doon banda sa sulok at may mahabang sofa, mababang lamesa at banyo na ang laki rin may bathub. “Dito ako matutulog?” Inosente na tanong ko matapos kong libutin. Tumango lang yung babae at iniwan na ako, humiga ako sa kama napapikit ako dahil ang lambot at ang sarap sa mukha ng sapin dahil ang bango at madulas. “WALA KANG KUWENTA! TANDAAN MO ‘TO!” Napadilat ang mata ko dahil sa biglang pasok sa isipan ko mariii na napapikit ako. Patawad Marie…L A R AWalang cellphone, tanging t.v lang ang mayroon akong libangan rito at boring na boring na ako. Hindi ko man lang nakikita si Ranch, oo aaminin ko nami-miss ko siya. Nasaan na kaya siya, hindi ko rin makuntak magulang ko kung kamusta na sila kung anong ginawa nila sa pera. Sana naman gamitin nila ng maayos kahit paano nawala ang pag-aalala ko sa kanila. Hapon na at ilang oras na lang gabi na, naisip ko mag-swimming. Walang swimsuit kaya yung magkaiba na design at kulay ng underwear at bra ang suot ko, suot ang puting roba. Tumulong rin ako maglinis dito kahit anong tanggi nila kasi hindi ako sanay na ganito lang walang ginagawa.“Ate Lara, may gusto ka bang pagkain?” Napalingon ako dahil kakababa ko lang sa hagdan si Salvi, Ate Lara ang pinatawag ko sa akin dahil mas matanda ako ng dalawang taon sa kaniya.“Aa.. Kape nalang siguro yung puro lang.” ngiti ko at lumabas na ako sa lagas. Tahimik, napasilip ako doon banda sa may gate nakaupo at nakayo yung bantay doon. Lumusong n
M A R I EDark red lipstick ang napili kong ipahid sa labi ko dahil pakiramdam ito ang nababagay sa akin ngayon, tiningnan ko ang sariling repleksyon ko sa salamin. Curly ang buhok ko na kulay brown, nakasuot ng mamahalin na alahas. Isang buwan mahigit na ang lumipas matapos ang mapait na karanasan ko, hinding-hindi ko yun makakalimutan. Bawat dampi, laway at sakit na dulot ng kasamaan sa katawan ko ay parte iyon ng madilim kong nakaraan. Lahat yun ay narito lang sa puso't isipan ko at isa lang gusto ko ngayon ang maipaghiganti ang nangyari sa akin.Nagawa ko na yung isa patay na yung taong bumaboy sa akin, dahil yun sa lalaking nag-ahon sa akin sa lusak. Isa nalang ang gusto kong makita ngayon at malaman kung anong kalagayan niya.Si Lara.“Ma'am, sabay na raw kayo ni Sir Zandrey kumain.” Napalingon dito sa katulong hindi ako nagsalita, tumayo lang ako at muling sinulyapan ang sarili ko. Suot ang napakaseksi na dress na kulay silver, may slit sa left side at kita ang maputi kong hi
R A N C HNapabalikwas ako ng bangon at pagtayo ko muntik pa akong matumba, naupo ako at napahawak sa ulo ko. Paglingon ko si Lara nakadapa tulog na tulog, naalala ko yung mga ginawa namin at naramdaman ko nalang ang pagtigas ng alaga ko.Not this time Ranch.Mabilis na tumayo ako at naligo dahil, paglabas ko tulog pa rin si Lara.That's your punishmentIling na napangiti ako at kumuha ng susuotin, kulay abuhin na suit ang napili ko at kinuha ko na ang cellphone kasama ang susi. Ngunit may naalala ako, may kinuha ko sa maliit na kabine. Kinuha ko ang tseke ko at nagsulat ng presyo at pinirmahan ko. Paglabas ko ng kuwarto pababa nang hagdan, nasa sofa ang magulang ni Lara at masayang tumayo at nginitian ako. “Magandang umaga sa'yo.” bati nila.“Papasok ka na ba sa trabaho anak?” tanong ng papa ni Lara.“Oho, siya nga pala.” abot ko sa tseke.“Ano ito?” inosent na abot ng tatay ni Lara sa tseke at tiningnan.“Ay jusko po isang daang milyon?” nanlalaki ang mata ng mama ni Lara.“Ha? Isa
L A R APara bang wala lang ang lahat at hindi ko inaasahan na umaktong asawa ko talaga siya, walang kamalay-malay si Nanay at Tatay na walang katotohan. Paano ko pa sasabihin sa kanila na hindi totoo, dahil ang totoo binili ako ni Ranch.Naramdaman ko nalang ang pag-akbay ni Ranch sa akin, pilit na napangiti ako si Nanay at Tatay naman ay nakangiting nakatingin sa amin.“Masaya akong alam kong nasa mabuti ang anak namin, sana'y magsama kayo sa hirap at ginhawa.” naiiyak pa si Tatay at halata ng lasing na ito.Tinapik lang ni Ranch sa balikat si Tatay, nagpatuloy silang uminom si Ranch kanina parang lasing na pero habang tumatagal, wala na lang sa kaniya. Grabe siya kanina mukha na siyang lasing ngayon parang kakainom palang niya. “You pay me for this, later.” Napaangat ang balikat ko dahil sa naalala ko ang sinabi ni Ranch kanina, nakaramdam ako bigla ng excitement kaya naman alalay lang ako sa pag-inom ko. “Anak ako'y inaantok na saan ba puwede matulog?” nakapikit ang mata ni Tat
L A R AKinabukasan maaga akong nagising dahil kahit paano naging masarap ang tulog, hindi nagpakita sa akin si Ranch ewan ko kung nasaan yun. Hindi kaya bumibili na naman siya ng bagong babae? Hays! Pakialam ko ba doon baka kapag nagsawa na siya sa akin paalisin na ako, kaya kailangan ko gumawa ng paraan para siya na ang umayaw sa akin.Busy ang iba sa paglilinis ng dito at gusto ko tumulong pero ayaw nila pagagalitan raw sila ni Manang Cora, yung matandang babae ang tinutukoy nila. Wala siya ngayon dahil nagsisimba raw yon tuwing biyernes. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko, naisip ko mag-swimming kaya ako pero maaga pa kaya naisip ko mamaya nalang.Lumabas ako at balak maglakad-lakad ulit pero naalala ko si Dana mamaya makita ko ulit pero akmang papasok na ako sa loob ng may humintong taxi sa gate. Nagkatinginan ang dalawang bantay rito at humugot agad ng baril na nasa tagiliran nila yung dalawa. Nakatingin lang ako sa gate hanggang sa bumukas yon may dalawang taong lumabas
R A N C HSh*t! Mahina kong bulong sa isipan ko, nagwawala na ang alaga ko dahil sa nakikita ko ngayong kay Lara. Bakat ang ut*ng niya sa t-shirt ko at kita ang hita nito. Alam kong wala siyang kahit na anong suot sa ibaba, mas lalo akong nag-init.“Pagbigyan mo na ako hindi ako makakatulog agad nito.” Naupo siyang muli at lumapit ako sa kanya napatingin ako sa baso halos malapit niya na maubos. Napakalakas mo uminom. Ngunit ang mata ko naroon sa hita niya paakyat sa taas na nakalilis at konting galaw makikita na ang perlas niya. Nakainom rin ako at hindi ko na alam kung kaya ko pang pigilan.“Pakiusap gusto ko makausap ang mga magulang ko, hayaan mo akong magsilbi dito sa'yo bigyan mo ako ng sahod.” Nakatingin lang ako sa kaniya, nagsisimula na siyang umiyak kaya kinuha ko na ang baso sa kamay niya.“Matulog ka na.” Urong ko sa lamesa.“Alam mo bang umaasa ako na makikita kita ulit, pero ito nga at magkasama pa tayo.” Natatawa niyang sabi sabay higa, nakadantay sa akin ang hita ni







