L A R A"Mr. Ranch Coner, nandito ka pala." Sabi ng babae."Mr. Coner, tipo mo pala ang ganyang babae?" Mapang-asar na sabi ng isang lalaki."Tama ka, ganyan ang tipo ko. Yung ako ang nauna," makahulugan na pagkakasabi niya.Nagbulung-bulungan ang iba at hindi ko alam kung bakit, pero ang hindi ko mapaniwalan na binili niya ako sa ganung halaga. Isa pa, ganun pala siya, sila? "Ok sarado na, salamat Mr. Coner, hindi ko ito makakalimutan, iba ka talaga kapag nag-presyo." Pinaalis na ako ng babae at habang naglalakad ako hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari. “Lara, isasama niya na ako tulungan mo ako.” Napatingin ako kay Marie, hindi ako nakasagot kasi hindi ko naman alam kung paano ko siya tutulungan.“Ang suwerte mo naman si Mr. Coner talaga ang bumili sa'yo? Alam mo bang ngayon lang ulit siya bumili?” Natigilan ako dito sa babae na kanina na kasama namin. “Sino ‘yon? Sinong Mr. Coner?” Takang tanong ni Marie.“Isa si Mr. Coner sa mga bilyonaryong narito at kaya niyang magtap
Terakhir Diperbarui : 2026-02-09 Baca selengkapnya