Share

Kabanata 58

May mga paperworks muna akong inasikaso bago nagpasiyang matulog na rin.

Muli akong naalimpungatan nang bandang madaling-araw na. Nakasanayan ko na rin kasi na naiihi ako kapag mga ganitong oras at otomatiko akong nagigising. 

Pagkatapos kong umihi ay nakaramdam naman ako ng uhaw. Dahil wala rin naman akong naririnig na kaluskos  sa paligid ay dumiretso na 'ko sa kusina.

Ngunit napatigil ako nang makita ang nakatalikod na bulto ni Reigan habang nakaupo sa harap ng counter. Hawak niya ang isang canned beer, pero marami pang nakahilera sa tabi nito, sa ibabaw ng counter.

Bakit naman siya naglalasing?

Napatigil din siya nang maramdaman ang presensya ko sa likuran niya. Nilabanan ko ang pagka-ilang at naglakad na papunta sa ref. Binuksan ko ito at kinuha ang pitchel tsaka kumuha ng baso.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status