FAZER LOGINGaya ng ipinangako nina Carson, sinundo nila ako sa mismong apartment ko. Nakasuot ako ng isang simpleng black above-the-knee dress na pinaresan ko ng puting heels para kumportableng galawin habang naglalakad. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse, inabot ko kaagad ang dala kong regalo sa kanya."Happy birthday, Carson! Here’s my gift, simple lang ’yan," nakangiting bati ko habang inilalapit ang maliit na paper bag."Thanks, Alessa! Nag-abala ka pa talaga," sagot ni Carson habang tinatanggap ito.Bahagya pa niyang inilapit ang paper bag sa kanyang mukha para silipin ang loob bago ito maingat na inilagay sa tabi ng gear shift. Ngumiti lang ako, samantalang si Cassie na nasa front passenger seat ay mabilis na lumingon sa akin habang may mapang-asar na ngiti."It's okay, girl! He doesn't mind na simple lang 'yan, kasi ako naman ang main event at special gift niya ngayong gabi, 'di ba, love?" proud na sabi ni Cassie sabay kindat at hawak sa braso ni Carson.Sabay kaming nagtawanan ni Carso
The days went on ng hindi parin bumabalik si Bianca though I kept praying for Bianca’s fast recovery. Kahit marami kaming naging problema dahil sa kaniya, I still hoped she was doing okay.“Alessa, samahan mo naman ako,” aya ni Cassie habang mabilis na lumapit sa desk ko habang nag-aayos ako ng mga dokumento.“Saan na naman, Cassie?” tanong ko, hindi man lang inaalis ang tingin sa computer screen.“Bibili tayo ng gift,” mabilis niyang sagot.Napatingin ako sa kaniya nang may pagtataka. “Gift? Para kanino naman?”“Kay Carson, obviously. Ilang araw na lang kaya bago ’yung birthday niya,” sagot niya na tila ba napaka-obvious ng tanong ko.“Bakit ngayon ka lang bibili? Last minute na ’yan, ah.”Umirap siya at bahagyang napabuntong-hininga. “Exactly! Kaya nga ngayon lang ako nagkaroon ng total panic attack. Ang hirap kayang regluhan ng lalaking 'yon!” “Ano bang problema?” napatawa ako nang mahina.“Hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko sa kaniya,” reklamo niya habang nagpapadyak pa nang
For the first time in days, naging payapa ulit ang office. Mas gumaan ang aura ng buong department, at halos magkakasama kaming nagtatawanan sa mga cubicle habang nag-aayos ng mga dokumento. Habang nakatutok ako sa ginagawa ko, biglang sumingit si Alexis sa gilid ko habang nakangiti nang abot-tenga."Grabe, ang sarap talaga ng buhay kapag walang kontrabida, no?" bulong ni Alexis sa akin, halatang enjoy na enjoy ang tahimik na paligid nang wala ang presence ni Bianca."Sige, mention mo pa name niya baka biglang sumipot at bumalik galing sa impiyerno," singit naman ni Cassie na biglang sumulpot mula sa kabilang cubicle habang may dalang stack ng folders."Huwag ka ngang manakot dyan, Cassie! Masisira ang magandang araw ko," reklamo ni Alexis pero natawa rin kalaunan.Napangiti na lang ako nang tipid sa hirit nila at binalik ang atensyon sa computer. Pero hindi nagtagal ang chikahan session nang marinig ko ang tawag mula sa office ni Sir Mendoza.“Alessa, come over here for a minute,” ta
"We need medics here! Fast! May malalim siyang sugat at tila napuruhan sa pagbangga!" utos ng opisyal sa mga kasamahan habang mabilis na lumapit para saklolohan ang duguang driver.Nakatayo lang ako roon habang mariing nakatitig sa mukha ng taong inilalabas ng sasakyan, pilit na pinoproseso ng utak ko ang nakikita ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nanginginig ang mga labi kong bumanggit sa pangalan niya."Sir Ramos...?" pabulong kong tawag, halos hindi ko marinig ang sarili ko.Kahit ako, hindi ako makapaniwala. Si Sir Ramos? Ang taong kilala namin bilang napakabait, matulungin, at maalaga sa amin sa opisina? Ang taong madalas mag-cheer up sa amin kapag stress na stress na kami , siya ang gumawa nito? Siya ang nagtangkang pumatay?Ilang saglit pa, mabilis na dumating ang mga medic at binigyan siya ng unang lunas, nilinis ang dugo sa noo at ginamot ang mga sugat niya dahil sa lakas ng pagkakabangga. Ngunit habang ginagamot siya, napansin ko ang kakaiba aura niya walan
Kinabukasan, habang tahimik kaming nagtatrabaho sa aming mga cubicle, biglang dumating ang mga imbestigador mula sa labas para imbestigahan ang nangyaring insidente kahapon. Napag-alaman kasi naming naging seryoso ang banta sa tawag bukod sa blackmail, diretsong pinagbantaan si Bianca na papatayin ito ng tumawag.In-orient kami ng lead investigator, at mahigpit nilang ipinagbawal ang paglabas ng kahit sino dahil naka-seal na muna ang buong department para sa imbestigasyon."Listen up, everyone," panimula ng opisyal habang nakatayo sa harap namin, seryoso ang mukha at nakapameywang."As you all know, the threat against Ms. Imperial is extremely grave. Hindi lang ito basta simpleng blackmail it's a direct death threat. Kaya hangga't hindi namin natutukoy kung sino ang nasa likod nito, no one is allowed to leave this floor, and all communications are being monitored."Nagkatinginan kami sa loob ng kwarto, ramdam ang bigat ng hangin."We need your full cooperation," pagpapatuloy ng imbest
Nasa meeting room ng department kaming lahat at abala sa pagdi-discuss ng Q3 project strategies kay Bianca. Ang mga taong narito ay sina Bianca, Mr. Mendoza ang aming head analyst na nakaupo sa harap malapit sa amin, Cassie, Alexis, Joyce, Carl, at ako. The room was tense as usual, with everyone carefully choosing their words to avoid setting off her temper."Can you go back to the slide, we need to aggressively price our premium line to maximize our Q3 profit margins," malamig na sabi ni Bianca habang nakataas ang kilay."Mendoza, I want you to make sure na tataas ang market penetration natin by at least twenty percent. No excuses." nakahalukipkip sa kanyang swivel chair.Agad na umiling nang bahagya si Mr. Mendoza "Ma'am Bianca, we've run the simulations multiple times. Mr. Valeriano specifically noted in our previous audit that we need to keep our prices affordable for the mass consumers, especially given the current inflation."Lalong dumilim ang ekspresyon ni Bianca. She glared d







