The wedding renewal ceremony and the wedding reception is finally over.Rafael and Eliza are in their room, while reminiscing the years of their married life."We've been married for so many years, Eliza pero hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko sa'yo. Ako na ang pinakamaligayang lalaki sa mundo ngayon. Katulad nga ng nauna kong pangako sa'yo, I will support you and love you endlessly. I want you to remember that I'm here as your lover and your supporter. You don't have to call me everyday...You also don't have to remember our anniversaries, dates and birthdays... As long as I know that you love me as much as I love you, it's already enough for me. I couldn't ask for more..." Rafael ardently said to his wife.Eliza's love for this man is so overwhelming, and she couldn't control her emotions anymore. Tears started falling from her eyes while looking at Rafael, overflowing with love.She wouldn't be this happy if it wasn't for Lola Victorina's cupid antics. She is so lucky and glad
Matapos ang buong maghapon na pagtitinda sa palengke ay napapasiyahan ni Clarissa na umuwi na pagkatapos niyang magtinda ng bagoong. Dala-dala niya ngayon ang isang balde ng natirang bagoong. Iuuwi niya iyon sa bahay dahil ititinda niya ulit iyon kinabukasan."---Mga kababayan,hinihingi po naming ang inyong suporta. Sana po ay iboto ninyo si Manong Ricardo Esquivel para sa pagka-Congressman. Maraming Salamat po sa inyong lahat!" biglang dumaan ang campaign car ni Ricardo Esquivel, at tumatakbo ang matanda bilang Congressman ng 3rd District ng Pangasinan.Nag-iikot ngayon ang mga campaigners ng mga Esquivel sa kanilang mallit na bayan sa San Carlos City, Pangasinan. Base sa mga naririnig niya na kuwentuhan sa mga palengke ay malakas ang laban ni Manong Esquivel. Kahit ang kanyang Tatay at ang kanyang Kuya ay pursigidong iboto ang matandang Esquivel.Naglalakad siya ng mabagal habang hinahabol ng tingin ang papalayong campaign car ng mga Esquivel nang biglang may bumangga sa kanya. Nabi
"Ikaw na ang bahalang maghatid sa kanya sa bayan, parekoy..." ang pakiusap ni Caloy sa kaibigang traysikel driver."Akong bahala parekoy." ang tumatanging tugon ng driver."Maraming salamat po ulit sa lahat, Mang Claro at Caloy... And I'll see you again, Clarissa." ang makahulugamg nasabi ni Rafa.Tumango na lamang si Clarissa bilang sagot dahil hindi niya rin naman alam kung ano ang sasabihin.Makalipas pa ang ilang sandali ay umandar na palayo ang traysikel. Sinundan niya iyon ng tingin hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin.Muling umalingawngaw sa kanyang isipan ang mga huling sinabi ni Rafa sa kanya..."Mapapadalas ang pagpunta ko dito...""I'll see you again, Clarissa..."Nalilito ang kanyang puso at isipan sa mga sinabi ng lalaki, pero isa lang ang nasa isip niya. Excited siya na makitang muli si Rafa Esquivel...=========================Makalipas ang ilang araw.Nakapangalumbaba si Clarissa sa may bintana habang nakatitig siya sa maiitim.na langit. Ang panggabing langit a
Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa ngayon nga ay opisyal nang nagsimula sa trabaho si Clarissa bilang kasambahay ng pamilya Esquivel."Clarissa, iha... Pakilinisan muna ang mga kuwarto sa itaas bago pa makauwi ang mga amo natin sa pagdya-jogging nila. Tiyak na magsa-shower sila pag-uwi at pagkatapos ay mag-a-almusal sila pagdating." ang utos sa kanya ni Aling Maring, ang mayordoma ng pamilya Esquivel."O-Opo." iyon na lamang ang naisagot ni Clarissa pero lihim siyang kinakabahan.Papasok siya sa kuwarto sa kuwarto ni Rafa Esquivel at alam niya na marami siyang makikita at makikilala niya ng konti ang pagkatao ng lalaki...Umakyat na siya sa second floor ng mansyon habang dala-dala niya ang walis tambo at ang basahan. Sinabihan siya ni Ma'am Maring na ang unang kuwarto sa kanan ang una niyang linisan dahil iyon ang kuwarto ni Rafa.Nagtaka siya nang makita niya na nakabukas ng kaunti ang kuwarto ni Rafa. Dahan-dahan siyang pumasok upang makapaglinis na siya.Nang makapasok na siya sa
"Ako naman si Clarissa Montecillo." pakilala rin ni Clarissa sa kanyang sarili, habang tinatanggap niya ang paikipagkamay ng lalaki."And now, we're officially friends... Oo nga pala nakausap ko si Lilet noong isang araw at naikwento niya sa akin na balak ninyong mag-aral sa isa sa mga University sa Maynile to take up Nursing?" ang pagbubukas ng usapan ni Ralf."Ah, oo. Kasi malaki kasi ang swelduhan ng isang nurse lalo na sa ibang bansa. Pangarap ko kasi na makatulong sa aking pamilya, at siyempre sa ibang tao na rin." magaan ang loob ni Clarissa sa lalaking ito, kaya naman napakuwento na rin siya."Interesado ka rin pala sa medical field, huh? Sa totoo lang ay pangarap kung mag-study ng Medicine at maging Cardiologist. Pero kinalimutan ko na ang pangarap na iyon dahil gusto nina Papa at Mama na mag-aral ako ng business-related course para matulungan ko si Kuya Rafa sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya. My brother's been very busy with the family business, and at the same time, nagh
Halos hindi na magkandahumahog ang lahat ng staff ng pamilya Esquivel. Mayroong isang malaking pagtitipon ang pamilya ngayong gabi.Ngayong gabi ang victory party ni Don Ricardo Esquivel. Nanalo ito by landslide nitong kakatapos lamang na eleksyon. Ito na ngayon ang bagong Governor ng Pangasinan.Halos nandoon ang lahat ng populasyon ng San Carlos City. Napakaraming tao ang dumalo sa victory party ng bagong Governor, kaya naman abala si Clarissa at iba bang househelp staff sa pag-i-estima sa mga bisita...Nagkakasayang sumasayaw ng ballroom ang mga bisita nang biglang huminto ang tugtog. Nakita ni Clarissa si Governor Ricardo Esquivel na may hawak na mikroponyo."Mga kababayan at mga kaibigan ko, gusto kong kunin ang oportunidad na ito na magpasalamat sa inyong suporta sa akin nitong nakaraang eleksyon. Hindi ko po mararating ang tagumpay na ito kung hindi dahil sa inyo..."Nagpalakpakan ang lahat ng mga bisita matapos nilang marinig ang unang bahagi nh speech ng Governor."---At gust
Kasulukuyang namang nagwawalis si Clarissa ng hardin nang araw na iyon. Natuwa si Donya Victorina at ang Mayordoma sa mga ginagawa niya sa hardin dahil mas napaganda niya daw iyon. Kaya naman siya na ang nakatokang magmintina sa malawak na hardin na iyon.Oo, nakakapagod magdilig ng mga halaman at linisin ang napakalawak na hardin ng mga Esquivel, pero mas nananaig ang kanyang kasiyahan sa tuwing nakikita niya ang mga bulaklak na namumukadkad at kapag nakikita niyang malulusog ang nga halaman. Pakiramdam niya ay ito ang kanyang kaharian, at isa siyang prinsesa ng mga bulaklak at ng mga halaman..."Hi there!"Biglang nabitawan ni Clarissa ang hawak na hose dahil sa labis na pagkagulat nang makarinig siya ng boses mula sa kanyang likuran.Agad siyang lumingon upang tignan ang taong nasa likod niya. Mas lalo siyang nagulat nang makita ni ang future na mapapangasawa ni Rafa na si Jasmine..."Oh, pasensiya ka na kung nagulat ka. I'm really sorry..." ang hinging-paumanhin sa kanya ng babae.
Dumating ang araw ng birthday party ni Jasmine. Sa ngayon nga ay nakasakay sina Clarissa at Lilet sa sasakyan ni Ralf. Samantalang sina Rafa at Jasmine naman ay may sariling sasakyan. Papunta sila ngayon sa isa sa mga private beach resort na pagmamay-ari ng kaibigan ni Jasmine sa Lingayen, Pangasinan. Mabilis lang ang magiging biyahe nila dahil may sariling mga sasakyan, at wala namang masyadong traffic sa dadaanan nila... "Salamat sa pagsama ninyo sa amin, Clarissa at Lilet. Sa totoo lang ay nag-aalangan akong sumama dahil ayaw ko namang maging third wheel kina Rafa at Jasmine. Pero nang malaman ko na kasama pala kayo ay um-oo na agad ako." ang nasabi ni Ralf, habang nagda-drive ito. "Sa totoo lang ay nahihiya kami ni Lilet na sumama. Pero dahil nakiusap si Jasmine ay napa-oo na rin kami." ang turan naman ni Clarissa, habang nakaupo ito sa passenger's seat. "Sir Ralf baka gusto ninyo pong kumain ng "tupig." Masarap po ito, niluto at ipinabaon ng nanay ko para may makain po tayo