Inutusan ako ni Madam Elsa ngayon na pakainin ko raw si Browny. Ang alagang aso nila dito.
Mabuti nalang may tali si Browny. Kaya sure ako na kung tatakbo man ako ngayon, hindi n'ya ako mahahabol. Dahil una sa lahat, may tali siya na hindi siya makakalayo. Ang laki n'ya kasi at nakatatakot na klase ng aso.
Hindi ako ang palaging nagpapa-kain dito kay Browny talaga. Palaging si Aling Berna. Nagkataon lang na ako ang inutusan ni Madam Elsa ngayon.
Mabuti nalang hindi tumahol ngayon si Browny. Kaya hindi ako na-i-ingay-an sa kaniya. Mabilis :kong nilagay ang pagkain mula sa palanggana papunta sa malaking lalagyan na kinakainan n'ya ng kaniyang pagkain.
Mga tira-tirang buto ng mga karne lang naman itong pagkain ni Browny na tira-tira rin nila Madam at Don Manuel kanina.
Hinintay kong ma-ubos ni Browny ang kaniyang pagkain. Pagkatapos nito ay saka ako aalis at i-iwan ko
Nagising ako ngayon na hinahalungkat ang aking tiyan na kulang nalang, lahat ng mga lamang loob ko ay lalabas na.Mabuti nalang naka-abot ako papuntang banyo. Kung hindi, nakadidiri siguro na dito pa ako sa higaan namin ni nanay magsusuka.Suka ako nang suka. Umagang-umaga, nag-su-suka ako. Hindi pa naman ako nakapag-almusal at pritong itlog 'yong ulam namin kagabi. Bakit nagsusuka ako ngayon? Sa pagka-a-alam ko wala naman akong panes na na-kain.Lumabas na ako ng banyo dahil wala naman akong may ma-i-su-suka pa. 'Pag labas ko ng banyo nakita ko si nanay na busy sa paglalaba ngayon. Sigurado ako na 'di n'ya ko narinig sa kasusuka ko sa loob ng banyo namin.Tatlong buwan na 'yong nakalipas nang hindi na ako katulong sa bahay ng mga Buenavista. Tatlong buwan na rin nang hindi ko na nakikita si Karlos. Sa pagka-a-alam ko, graduated na ito sa kurso n'yang Business Management. Ang sabi ni Pi
Dahan-dahang humakbang si Madam papunta sa akin. Sa bawat hakbang ni Madam papalapit sa akin ay kinakabahan ako. Wala ring expresyon ang buong mukha nito. Kaya hindi ko mahuhulaan kung galit ba siya, natutuwa or what na magkaka-apo na siya ngayon.Pero laking gulat ko nalang nang naramdaman kong may biglang mabigat na bagay na dumapo sa pisnge ko. 'Yon pala sinampal ako ni Madam gamit ang kanang palad n'ya. Tiningnan ko ang mga mata nito na nanlilisik marahil sa galit at masama ang tingin na pinupukol n'ya sa akin.“Ang lakas naman ng loob mo na ipa-ako sa anak ko 'yang batang pinagbubuntis mo. Hindi ka na nahiya. Ang sabi mo walang kayo. Tatlong buwan, tapos bumalik ka dito para sabihing buntis ka? Kung sabagay, may pinagmanahan ka naman. Nagmana ka lang naman sa nanay mo na... dating dancer sa isang club. Kung plano n'yong mag-ina 'to, na magpapabuntis ka sa anak ko? Hindi ako papayag na pananagutan ka ni Karlos!”
Tatlong araw nang nandito ang labi ni nanay sa bahay namin kung saan siya binuburol ngayon.“Alexa, kumain ka na. Palagi ka nalang hindi kumakain. Alalahanin mo 'yong bata na nasa sinapupunan mo. Nag-alala na ako sa 'yo ng husto,” pagmamakaawa ni Aling Berna sa akin. No'ng wala na si nanay, hindi n'ya ako in-iwan. Palagi siyang nasa tabi ko.Minsan tinataboy ko na nga siya dahil may trabaho pa dapat siya at imbes na mag-trabaho, palagi siyang nandito sa bahay para tingnan ako. Alam ko na sobrang nag-alala talaga siya sa akin. Na-i-intindihan ko naman siya at alam ko rin na naiintindihan n'ya ako kung bakit ayaw 'kong kumain.“Mamaya na po. Busog po ako,” pagsinungaling ko sa kaniya. Napasinghap ito nang ako kaniyang tingnan at saka siya malungkot na tumingin sa akin.“Palagi nalang ganiyan ang sinasabi mo na busog ka. Alexa naman... Simula nang namata
"Nandito na tayo!" Anunsiyo ni Ate Elys nang tumigil ang kotse na sinasakyan namin ngayon sa tapat ng bahay nila."Ma-una ka na sa loob. Ako na ang bahala sa mga gamit mo na nagdadala," ngumiti ito ng ubod na tamis na agad ko namang tinanguan.Dito na ako titira sa bahay ng mga Buenavista. Ayaw ko sana. Pinilit ako ni Ate Elys. Palagi n'ya akong kinukulit araw-araw sa bahay para pumayag na dito na ako tumira.Hindi ko alam kung tatagal ba ako dito. Kung ako ang tatanungin, ayaw ko ang ideyang dito na titira. Kasi nahihiya ako lalo na kay madam. Okay naman siya sa akin ngayon. Pero nangangamba pa rin ako sa posibilidad na mangyari.Iba kasi kapag kaming dalawa ni nanay ang mag-kasama. Kaso wala na siya ngayon. Masakit. Hindi ko yata kayang i-adopt ang ganitong klaseng environment. Nag a-adjust pa ako na sana makayanan at makasanayan ko."Mom, si Alexa nandito n
“Ang cute talaga,” aliw na aliw na sambit ni ate habang karga ngayon si Baby Emzo. Isang buwan na ngayon si Baby Emzo. Habang lumilipas ang mga araw at palaki siya nang palaki.Sa tulong ni Aling Berna, madam, ate at ni Karlos. Hindi ako nahihirapang alagaan si Emzo. Kasi palagi silang nandiyan tumutulong sa akin at katuwang ko kay Emzo.“I-higa ko na siguro siya sa higaan n'ya. Tulog na,” sabay pakita ni ate sa akin kay baby na mahimbing na ngayong natutulog.“Sige, ate. I-higa mo na siya. Tulog na nga,” ngiting sabi ko kay Ate Elys na agad naman nitong tinanguan at pagkatapos ay ini-higa n'ya na si baby sa ibabaw ng kama para patulugin.“Himbing na himbing na ang tulog n'ya. Ma-iwan muna kita dito. Kailangan ako ni Karlos sa kompanya ngayon.”“Salamat, ate. Mag-ingat po kayo.” Tinapik ako nito sa balikat
“Anong ginagawa natin dito,” usisa ko kay Karlos nang makarating kami dito sa isang lugar kung saan dito n'ya ako dinala ngayon.Nginitian n'ya ako at saka nilapitan para akbayan. Kunot-noo ko namang siyang tiningnan. Kasi wala talaga akong ideya kung bakit n'ya ako dinala dito.“Haysstt, ang ganda ng lugar, 'no?” tanong nito sa akin na malapad ang ngiti. Dahan-dahan naman akong tumango sa sinabi at taka ko pa rin siyang tinitingnan habang naka-akbay pa rin siya sa akin ngayon. Ang kanang braso n'ya naka-akbay sa balikat ko at ang kaliwang kamay naman n'ya ay nakahawak sa isa kong kamay na nakababa.“Gusto mo ba dito?”“Pinagsasabi mo?” Kinalas ko patalikod ang braso nito na naka-akbay sa akin. Ngunit sadyang malakas ang pagka-akbay n'ya sa balikat ko na 'di ko kayang alisin sa balikat ko.“Tinatanong kita. Gusto
Dalawang linggo ang nakalipas nang huli kong nakita dito sa bahay si Ate Elys. Dalawang linggo ko na ring napapansin na parang lumalayo sa akin si Karlos. Pero dumadalaw naman siya sa kuwarto para kumustahin si Emzo nang mabilis. Pagkatapos ay aalis naman siya.Parang nag-iba siya. Hindi na siya kagaya dati na tumatagal sa kuwarto at magpapalambing sa akin. Ngayon napapansin ko, nararamdaman ko na umiiwas siya sa akin na hindi ko alam kung bakit. Wala rin akong ideya. Masakit sa kalooban ko. Nasasaktan din ako.Namalayan ko nalang na nagsasalita pala mag-isa ang anak ko ngayon. Tiningnan ko ito na masaya at aliw na aliw sa mga sinasabi at binibigkas ng bibig n'ya. Nagpapapadyak pa siya sa tili sa ibabaw ng legs ko.Buhat ko kasi itong patayo sa ibabaw ng legs ko habang hawak ko siya sa magkabilang kili-kili n'ya bilang alalay para hindi siya matumba.“Yes, baby. Tuwang-tuwa ka nga
Nagising ako sa isang kuwarto na kulay puti lahat. Lumingon ako sa kabilang direksyon at nakita ko sila Aling Berna at Ate Elys na nandito sa gilid ng kama na hinihigaan ko ngayon.“Si Emzo?” hanap ko sa anak ko dahilan para lingunin nilang dalawa ako.“Iha, gising ka na pala,” gulat na sambit ni Aling Berna nang lapitan n'ya ako dito na nanatiling nakahiga.Nakita ko na nagkatinginan silang dalawa na may alam sila na hindi ko alam.“Alexa,” malungkot na tawag sa akin ni ate. Hinawakan nito ang isa kong kamay at saka ko siya takang tiningnan.“Magpahinga ka muna. Hindi ka pa malakas.” Bumaling sa ibang direksyon ang ulo at pagkatapos ay saka ko kinunutan ng noo si ate.“Si Emzo, ate. Nasaan siya. Kay Karlos ba?” hindi ito sumagot na nagbaba ng tingin.“A