Home / Romance / The Bad Girl / Thirty Five

Share

Thirty Five

Author: AveryHayz
last update publish date: 2026-04-24 20:30:05

Gusto niyang sabihin ang totoo.

Gusto niyang isigaw na mahal pa rin niya ito—na kahit limang taon na ang lumipas, hindi nagbago ang nararamdaman niya.

Pero hindi niya magawa.

Parang may dalawang boses na naglalaban sa loob niya—ang puso niyang gustong bumalik…at ang isip niyang paulit-ulit siyang pinapaalalahanan kung bakit siya umalis noon.

Habang nakatitig siya sa mga mata ni Kael, mas lalo niyang naramdaman ang bigat sa dibdib niya. Ang sakit ay parang pisikal—parang may kumakapit, humih
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Bad Girl   Thirty Eight

    Nanatili silang magkayakap ni Kael, habang nakahiga sa sofang naroon sa sala—magkalapat ang mga katawan, magkahalo ang init at paghinga. Ang tahimik na sandali ay tila pahinga matapos ang mainit na samdaling namagitan sa kanila.Ayaw na munang mag-isip ni Maxine. Bahala na bukas. Sa ngayon gusto niyang maramdaman ang init na nagmumula sa katawan ng binata. Ilang taon rin siyang nangulila sa presensiya nito. Sa ngayon hahayaan niya ang sariling maranasan ang saya sa piling ng lalaking pinakamamahal niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago nagsalita si Kael, ang boses nito'y mababa, na parang nag-aalangan.“Baby…I have something to tell you.”Nanatiling hindi kumikibo si Maxine. Mas lalo lang niyang ipinikit ang mga mata, ayaw niyang sirain ang sandaling kasama niya ng ganito ang binata. Gusto niyang pagbigyan ang sariling kahibangan. Ramdam na ramdam niya ang malakas na tibok ng puso ni Kael sa ilalim ng tenga niya, ang init nito na parang kumakapit sa kanya—wala siyang balak na pakawa

  • The Bad Girl   Thirty Seven (SPG)

    Buong araw na iniiwasan ni Maxine si Kael. Hindi niya kayang harapin ito matapos ang halik na namagitan sa kanila—ang halik na muling nagpagising sa lahat ng damdamin na pilit niyang ibinaon sa limot. Kaya hangga’t maaari, lagi siyang may ginagawa. Sa kusina, sa silid niya, maging ang paggawa ng mga simpleng gawaing bahay ay tinatapos niya basta't hindi siya mapalapit sa binata. Nakahinga siya ng malalim dahil hindi rin siya pinipilit ni Kael na kausapin maliban na lamang pagdating kay Kaden. Hinayaan siya nitong gawin ang kahit ano. Mas pinili nitong ibuhos ang oras at panahon sa anak nila. Maghapong naglaro ang dalawa, nagtatawanan, habulan, kwentuhan. Para bang bumabawi ang mga 'to sa lahat ng panahong nawala sa kanila. At sa bawat halakhak ng anak ay mas lalo lang sumisikip ang dibdib ni Maxine habang pinapanood ang mga ito sa malayo. Ito sana ang naging buhay nila ng anak...isang masayang pamilya, kung hindi siya umalis noon. Pero hindi na niya maibabalik pa ang nakaraan. Kai

  • The Bad Girl   Thirty Six

    Maaga pa lang kinabukasan at halos hindi pa nga sumisikat nang tuluyan ang araw ay naroon na si Kael sa labas ng bahay ni Maxine. Hindi siya halos nakatulog buong gabi sa kakaisip sa anak at sa dalaga. Paulit-ulit sa isip niya ang nangyari kagabi—ang mga salitang sinabi ni Maxine, ang pagtanggi nito…at higit sa lahat, ang mukha ng anak niya. Si Kaden. Napahigpit ang hawak niya sa manibela. Nanatili muna siya roon ng ilang sandali. Hinayaan na sumikat ng tuluyan ang araw. Pagkatapos ay huminga ng malalim bago nagdoorbell. Sa ikalawang beses na ginawa niya iyon ay nakarinig siya ng pag-click. Automatic na bumukas ang mataas na gate. Napatingin siya roon, bago muling pumasok ng sasakyan at mabilis niyang minaniobra ang sasakyan papasok sa driveway. Pagkapasok niya agad na sumara ang matayog na gate, na para bang ikinubli sila sa lahat. The moment he got out of the car. Patakbo siyang sinalubong ng anak. “Daddy! Daddy!” Napalingon siya agad dito. Doon niya nakit

  • The Bad Girl   Thirty Five

    Gusto niyang sabihin ang totoo. Gusto niyang isigaw na mahal pa rin niya ito—na kahit limang taon na ang lumipas, hindi nagbago ang nararamdaman niya. Pero hindi niya magawa. Parang may dalawang boses na naglalaban sa loob niya—ang puso niyang gustong bumalik…at ang isip niyang paulit-ulit siyang pinapaalalahanan kung bakit siya umalis noon. Habang nakatitig siya sa mga mata ni Kael, mas lalo niyang naramdaman ang bigat sa dibdib niya. Ang sakit ay parang pisikal—parang may kumakapit, humihila, sumasakal. Kung nagkakilala lang sana sila sa ibang pagkakataon… Kung hindi lang ganito ang simula nila… Baka— iba ang kinahinatnan. Masakit talagang magbiro ang tadhana. “Talk to me, Maxine,” basag ni Kael sa katahimikan, mas mahina na ang boses niya ngayon—pero mas puno ng emosyon. “Tell me…do you still love me?” Parang tumigil ang mundo. Hindi siya makasagot. Umilap ang mga mata niya, hindi niya kayang salubungin ang titig nito. Ramdam niya ang bigat ng tanong—hindi lang simplen

  • The Bad Girl   Thirty Four

    Simula nang ipinanganak niya si Kaden, tuluyan siyang humiwalay sa poder ng kanyang ama. Hindi nito nais na umalis siya at si Kaden, pero nagpasya siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Dahil hindi habang buhay ay lagi siyang nakasunod sa anino ng daddy niya. Pinag-isipan niya iyong mabuti. Ayaw niya ring madamay ang ama sa eskandalong sinapit niya. Nasa Manhattan pa rin naman sila, 'yon nga lang ay mga isang oras muna ang biyahe bago marating ng ama ang bahay nila ng anak. Gusto niyang mamuhay ng simple, tahimik, at malayo sa magulong pangalan na matagal na niyang tinatakasan. Malayo kay Kael. That's what she thought. Hindi niya akalaing sa kabila ng lahat ng pag-iingat niya, matutunton pa rin sila nito. Ngayon, nasa loob sila ng isang two-storey bungalow house na napapalibutan ng mga halaman at bulaklak. Tahimik rin ang paligid, tanging huni ng hangin at dahon ang maririnig. Mataas ang bakod—sinadya niya iyon, para walang makakita mula sa labas, para walang makapasok ba

  • The Bad Girl   Thirty Three

    Nanginginig ang labi ni Maxine habang hinahaplos ang pisngi ng anak.“He’s…” naputol ang sasabihin niya, nang parang may nakabara sa lalamunan niya. Napatingin siya kay Kael—ang mga mata nito ay nakapako sa kanya, naghihintay…naghahanap ng sagot na matagal nang ipinagkait dito.“Mommy…?” mahina at naguguluhang tawag ng anak sa kanya.Pumikit si Maxine sandali, saka muling nagmulat ng mga mata—ngayon wala nang pag-iwas sa panig niya.“He’s your dad, Kaden.”Parang tumigil ang mundo sa pagitan nila.Halos hindi gumalaw si Kael, parang nanigas ito sa kinatatayuan nito habang unti-unting pumapasok sa isip nito ang salitang binitiwan niya.Dad.He's Alec Kaden, dad.Napatingin siya sa bata—kay Kaden..Sa anak niya.Hindi niya namalayang lumapit na pala siya ng isang hakbang.“Dad…?” ulit ng bata, tila sinusubukan bigkasin ang salitang bago sa kanya.Napatingin ito kay Kael, may halong curiosity…at takot.Napasinghap si Kael, napahawak sa dibdib niya na parang hindi niya mapigilan ang bigat

  • The Bad Girl   Nineteen (SPG)

    Katatapos lang nilang kumain ng breakfast, pero imbes na maghiwalay o maglinis ng mesa—ibang init ang biglang bumalot sa pagitan nila.Nakasandal pa si Maxine sa dining table habang inaayos ang mga plato nang maramdaman niya ang mabigat na presensya ni Kael sa likod niya.“Kael…” mahina niyang taw

  • The Bad Girl   Sixteen

    Nasa labas na sila ng campus nang maramdaman ni Maxine na patuloy pa ring nagva-vibrate ang phone niya sa loob ng bag. Hindi niya pa rin sinasagot. Nakatingin lang siya sa screen habang patuloy ang pag-ring. Sa tabi niya, halos nakadungaw na si Sierra sa balikat niya sa kakasilip. “Girl…” b

  • The Bad Girl   Thirteen

    Nagising si Maxine na parang may mabigat na nakadagan sa katawan niya. Noong una, akala niya unan lang o kumot na naipulupot sa kanya habang natutulog siya. Pero nang gumalaw siya, lalo lang humigpit ang bigat sa bewang niya. “Ugh…” mahina siyang napaungol, medyo inaantok pa siya. Pinilit niyan

  • The Bad Girl   Eleven

    Tinupad ni Kael ang pangako nitong wala itong gagawin sa kanya. After leaving her at the door, hindi na ito nagpilit pang pumasok ng unit niya. There are no teasing. No dangerous kisses. And no hands wandering. And somehow… Mas lalo siyang nabalisa dahil doon. Kanina pa nakahiga si Maxine s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status