The Badass and The Villain

The Badass and The Villain

last updateTerakhir Diperbarui : 2022-07-05
Oleh:  the scientistTamat
Bahasa: English
goodnovel12goodnovel
Belum ada penilaian
33Bab
4.8KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sinopsis

Quinn, a sweet, social and bubbly turned cold and became a badass. She changed to protect herself caused of the dark past experience with guys she once trusted. Evander will come into her life will become her greatest enemy, the villain of her life, but fate brought something for them, she fell for him but too late before she found out a devastating truth about him. What dirty secret of the villain is about to unfold? And how will it affect the badass?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Prologue

"Ano'ng hanap mo, Miss?"

Pansin ko na kanina pa siya palinga-linga. Hindi din siya lumalayo sa aking pwesto.

Mukhang may hinahanap siya. O tamang sabihin na may gusto siya pero nahihiya siyang magsabi.

"Kung panghaplas ang hanap mo, kompleto kami. Pantanggal ng lamig sa katawan, para sa binat o kung pantanggal ng kati-kati, mayroon din kami."

Nahihiya siyang ngumiti. Tingin ko ay wala sa mga binanggit ko ang kaniyang kailangan.

"Magsabi ka lang, lahat mayroon kami dito. May kandila din kami na kulay pula dito para sa pag-ibig."

"Mayroon po kayong kandila para sa ano..."

Nagtaas ako ng kilay. Ang tagal naman niyang magsabi. Tapos mamaya hindi naman pala siya bibili.

"Ano, Ate..."

"Kandila para sa lalakeng nanakit sa'yo? Aba, meron kami." Naging malikot ang kaniyang mga mata.

Nilabas ko ang kulay itim na kandila. May nakadikit na ding papel dito, kung saan nakasulat iyong orasyon na kailangan niyang gawin.

"Sindihan mo ito tuwing alas-dose ng hatinggabi ng byernes. Itong orasyon, ulitin mo ng pitong beses."

"Gaano po katagal tatalab, Ate? At okay lang po ba kung hindi hatinggabi magsindi at magdasal?"

"Puwede naman. Alas-sais ng gabi, tuwing Myerkules. Ulitin mo lang ito hanggang sa ikapitong Myerkules."

"Okay po, Ate. Magkano po?"

"One fifty lang."

Nagmamadali itong naglabas ng pera. Mabilis niyang sinuksok sa kaniyang bag ang kandila na binili niya.

Nakabenta din. Matumal ang bentahan ngayon dahil umalis kami sa dati naming pwesto. Napag-iinitan na din kasi kami ng mga tanod at mga pulis, kaya minabuti na lang namin na lumipat ng puwesto. Matanda na din sina Amang at Inay, bawal na silang ma-stress. Nakaka-stress kapag ganiyan na may huli.

"Ano'ng hanap mo, be? Panghaplas sa lamig-lamig at kati-kati, pamparegla, gayuma at kandila para—"

"Iyong panghaplas para sa kati-kati, Ate. Kaya po ba niyan matanggal iyong kati-kati ng asawa at kabit niya?"

Napatawa ako. Hindi lang si Ate ang lumapit sa amin na mayroong ganitong hinaing.

"Ay, hindi siya tatablan ng haplas, Ate," sagot ko naman.

"Pero may solusyon ako diyan..." Nilabas ko iyong kandila na korteng tao.

"May picture ka n'ong kabit?" tanong ko. Mukhang handang-handa naman siya dahil mabilis nitong nilabas mula sa bag ang isang larawan.

Napangiwi ako. "Mas maganda ka naman ng di hamak dito sa kabit, Ate."

Ngumiti siya. "May kasabihan na talo ng malandi ang maganda."

Napailing-iling ako. Inabot ko sa kaniya iyong kandila. "Isuksok mo iyong picture diyan, tapos sindihan mo ang kandila. Hintayin mo hanggang sa matunaw ng buo."

"Effective ba 'to?"

"Oo naman, Ate. Tiyak na mawawala ang kati-kati ng kabit na iyan. Kung hindi, ibang kati-kati na ang maramdaman niya."

Nilabas niya ang kaniyang wallet. "Magkano?"

"Iyan ba ang asawa mo?" Nasilip ko kasi ang picture sa kaniyang wallet. Kung ako sa kaniya, ipamigay na lang niya ang kaniyang asawa. Pangit na nga, nagawa pang magloko. Hindi talaga totoo iyong sinasabi ni Andrew E na humanap ka ng pangit at ibigin mo ng tunay.

Kadalasan kung sino pa ang pangit, sila pa ang malakas ang loob na magloko. Kung pipili ka sa pagitan ng pogi na manloloko at pangit na manloloko, aba, doon ka na sa pogi. At kung mayroon namang guwapo na mayaman pero manloloko, sa kaniya ka na lang din. Praktikal lang, di ba?

Pagkatapos magbayad nagpunta na siya sa gilid kung saan magsisindi ng kandila. Madami na din ang ibang customer na nakapuwesto doon.

Gumagawa ako ng pulseras para sa bata nang may lumapit sa akin na babae at lalake. Mukhang bata pa sila at mukhang alam ko na din kung ano ang kailangan nila.

"Ano'ng hanap nila? Mayroon kaming iba't ibang halamang gamot, mayroon din kaming pamparegla."

"Ate, mayroon kayo iyong ibang pamparegla?"

Napangiwi ako. "Hindi kasi tumalab iyong halamang gamot, e."

Hindi ako umimik. Sa totoo lang, tinatablan na din ako ng konsensya sa pinaggagawa ko na ganito. Iniisip ko nga na baka hindi na ako makapag-asawa pa. O kaya naman ay magkaasawa pero iyong sasaktan lang ako.

Bumuntong hininga ako. Mabilis namang lumapit sa puwesto ko iyong tindera sa dulo. Alam na alam niya kapag ganito na ang aking itsura.

"Ano'ng hanap nila?" pabulong na tanong niya sa magkasintahan.

"Doon na lang kayo, Ate..."

Ngumisi ito sa akin. Ang bata-bata pa, gagawa na ng bata tapos hindi naman kayang panindigan. Mga kabataan ngayon, oo. Pinag-aaral pero iba ang ginagawa.

Bumalik na din sa puwesto ko iyong babae kanina. Natunaw na iyong kandila.

"Eh, paano kung mawala na iyong amor ng kabit sa asawa ko pero iyong asawa ko, humaling pa din sa kaniya?"

"May solusyon ako diyan, Ate," sabi ko naman.

Nilabas ko iyong isa sa aming gayuma.

"Ipainom mo ito sa asawa mo. Ihalo mo sa kaniyang inumin." Napapagod na akong magpaliwanag. Nakasulat naman na sa papel iyong dapat na gawin kung paano gagana ang gayuma.

Mayroon kaming iba't ibang klase ng gayuma para sa iba't ibang sitwasyon.

Pagkatapos magbayad nanumpa pa si Ate.

"Kapag naging maayos ang relasyon namin ng asawa ko, babalikan kita. Bibigyan kita ng pera." Ngumiti ako at tumango-tango.

"Magiging maayos ang relasyon niyo, Ate." Kung hindi, hiwalayan mo na ang pangit mong asawa, isip-isip ko. Sa ganda niya nagawa pa siyang lokohin ng pangit niyang asawa.

Pasara na ako ng tindahan nang dumating si Ate Rose. Dati siyang bumili ng gayuma sa akin. Ginayuma niya ang kaniyang guwapong amo. Ayun, masaya na siya ngayon. Patay na patay sa kaniya ang kaniyang asawa.

"Oh, Ate Rose. Napadaan ka dito. Huwag mong sabihing bibili ka ulit ng gayuma?"

"Naku, hindi." Tumawa siya.

"Eh, ano? Pamparegla?" Napangiwi siya.

"Ikaw. Bibilhin kita."

Napangiwi ako. "Naku, Ate, ha. Nagbebenta lang ako ng mga gayuma at kandila dito pero hindi ako nagbebenta ng aking laman."

"Hindi mo kasi ako pinapatapos na magsalita, e."

Nagkamot ako ng ulo. "Di ba, marunong kang maghilot ng buntis? Pahilot sana ako sa'yo."

"Hindi pa ako bihasa, pero sabi nila nakakagaling daw ang kamay ko. Kaso wala tayong puwesto dito, e."

"Sa bahay na lang. Puntahan mo ako doon." Binigay niya ang address niya sa akin.

"Babayaran kita ng malaki. Papahilot din pala ang byenan ko."

"Sige po, Ate." Ayos! May raket ako. Sina Amang at Inay na lang muna ang magbebenta bukas.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Komen

Tidak ada komentar
33 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status