Share

Kabanata 03

M A L I A ' S P O V

Just what I guessed, the island is more quite and serene. It was a combination of the color blue and green. Mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang nagpuputian at kumikintab na mga buhangin. Parang ang sarap kaagad humilata doon habang basa ang katawan. My swimming cell is now too excited to get soak under the dark blue water. Ang laki ng ngiti ko habang pinagmamasdan ang kabuuan ng isla.

I am too excited that I forgot my sprained feet. I attempted to stand up and get off the boat but I instantly flinched and get back to my previous position. Agad na nawala ang ngiti ko habang nakatingin sa aking paa.

"Badtrip ka naman oh!" Bulong ko sa sarili.

Ginalaw-galaw ko ito at hinilot para naman kahit papaano ay makapaglakad na ako at ma-enjoy ko ang tanawin. Masakit talaga. Literal. Pinipigilan ko lang ang mukha ko na hindi gumawa ng kahit na anong reaksyon.

"Pwede pong patulong sa mga gamit namin, Manong?" My attention was shifted on Ashton as he asked Manong for a help. I raised my right brow when he sounded so calm and kind. His eyes were too focused on my luggages while his hands where on his waist. Agad akong umiwas ng tingin nang bumaling ito sa 'kin.

"Pakilapag lang po sa huling cottage. Thanks," dagdag nito.

"Stop forcing yourself, Malia," anito ng mapansin niyang pinilit ko na namang tumayo.

"I can handle—" Natameme ako ng agad akong bumagsak pagkatapos kong sinubukang tumayo. I irritatedly scratched my scalp. Hindi nalang ako umimik at umayos nalang ng upo. I waited for him to finished transferring our things.

Habang busy sila sa ginagawa nila ay inaliw ko ang sarili sa pamamagitan ng pagsuri sa kapaligiran. I embraced the sensation of the cold breeze while roaming my eyes around the blue seas and palm trees. Gusto ko kaagad magliwaliw dito. Ma-ulap ngayon kaya hindi maganda ang sunset. Wala akong araw na nakikitang papalubog. Natabunan ito ng mga makakapal na ulap.

"I'll carry you."

"W-what?"

He really has his own ways of doing things. Hindi pa nga ako natapos sa gustong sabihin ay kinarga niya na ako na parang prinsesa. Ako naman itong si tanga ay natameme lang. Walang gustong kumawala sa bibig ko.

Hindi ko mapigilang hindi mapasinghap habang karga niya ako sa kaniyang braso. I could feel his strength on my back and legs. My cheeks heated up while having those strange thoughts. I focused my eyes on the sky while he is still walking. Ayoko naman na tumitig sa kaniyang dahil baka kung ano ang iisipin niya.

Malapit lang ang daungan ng mga bangka sa cottages. Ang may kalayuan ay ang lodging room. Hindi ko mapigilang hindi mahanga sa kabuuan ng isla. Hindi ko alam kung naturang isla ito o resort. Pang-resort kasi ang dating para sa 'kin. Resort within the island. Kaya hindi kaagad ako nag-aatubaling magbook ng reservations.

"Dito ka muna. Ako na mag-aasikaso sa lahat," aniya pagkatapos niya akong inilapag sa cottage na parang kubo ang estilo.

"Naasikaso ko na lahat. Ah! Ipakita mo lang daw 'to doon." I uttered, then, I handed him the all access card.

Tinitigan niya ito bago niya hinablot sa 'kin. Tapos tinitigan niya ulit. Nagpabalik-balik lang ang tingin niya sa card at sa 'kin. Gano'n parin ang mukha niya. Blanko. Walang kahit na anong bakas ng emosyon. Tao pa ba 'to?

"Tss. May instant yayo ka kagaad ah. Ano kayang lagay mo ngayon kung hindi ako sumama," komento kaagad nito. Wala pa ring nagbago sa mukha niya. Blanko pa rin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Malamang sa malamang kung hindi ka sumama ay nag-eenjoy ako ngayon! Nangyari lang naman ang lahat ng 'to nang dahil sayo!" Inis kong singhal sa kaniya. Kung hindi lang siya sumama ay mabuti sana ang lagay ng sitwasyon ngayon. He worsen the situation! This island trip supposed to be my me-time. How could he interfere?!

"What? And you're blaming me now?"

"Oo! Bakit?! Eh totoo naman ah!"

"And now you're acting like an independent woman when in fact you're just a spoiled brat," walang emosyong saad niya. Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Aba walang hiyang ano 'to ah!

"Excuse me! Anong sabi mo?!"

"Tss. Spoiled brat na umaasa lang sa ama," pang-iinis nito bago ako tinalikuran at umalis na. Biglang nag-init ang tainga ko sa sinambit nito. Kumuyom ang kamao ko. How could he pretend like a clean man when in fact sunod-sunuran din lang naman siya sa ina niya. I glared at his back.

"Ikaw gold digger!" It was supposed to be a whisper but I said it aloud accidentally. Napahinto ito sa paghakbang. My heart beats rapidly when he turned to me with raging eyes. Ramdam na ramdam ko ang galit nito dahil sa nagngangalit niyang bagang.

Sa sandaling nagkatagpo ang mga mata namin ay isa lang ang naramdaman ko. Takot. Natatakot ako sa kaniya ngunit nilakasan ko ang loob ko na huwag matakot. I won't let him witness my weakness second time around.

"What did you say?" Napagtanto kong nasa harapan ko na pala siya nang marinig ko ang boses nito. Ang lapit pa namin sa isa't-isa!

"G-gold digger..." Ulit ko.

Hindi ko nilubayan ang titig niya. Nilabanan ko ang mga mapanganib niyang mga mata kahit unti-unting binabalot ng takot ang aking buong katawan.

"Say it again and you'll taste hell," he warned me dangerously.

"Gold—" I couldn't finished it when his lips touched mine. I felt like my world stops from spinning. Hindi kaagad ako makakilos nang napagtanto ang pangyayari. My mind went blank. My body went cold. Hindi ko alam kung paano magreact. Tears after tears directly slipped on my face. Hanggang sa naramdaman kong unti-unting humiwalay ang kaniyang labi mula sa 'kin.

Naging paralisado ang buong katawan ko at napakurap-kurap sa ginawa niya. I looked at him unbelievably. I stilled when I saw how he smirked and laughed after leaving me.

"Watch your mouth, Miss Ferreira. Ako ang kasama mo at habang ako ang kasama mo huwag mo akong susubukan dahil hindi ko alam ang magagawa ko sayo. Maikli lang ang pasensya ko para sa taong katulad mo," mahabang bantay niya at tiyaka ako tinalikuran.

And by just now, I realized how bad this idea is.

Island trip, my foot.

This is a trap!

He trapped me and tricked me! And I didn't even realized it! His plans were disguised as my happiness and excitements. Hindi ko man lang napansin ang mga maiitim niyang mga plano habang papunta kami dito.

Hinintay ko lang na makalayo siya bago ako tumayo at isinawalang bahala ang sakit na nararamdaman ng paa ko ngayon. My heart beat rapidly as I ran as fast as I could. Wala akong ibang naririnig sa paligid maliban sa tambol ng dibdib ko. Nanginginig ang labi ko habang iniisip ang magiging kahihinatnan ko ngayon. Nagsimula akong matakot sa posibleng gawin niya sa akin. Ayoko siyang makasama.

D-daddy...

"Manong!" I shouted as loud as I could while waving my hands. Mukhang narinig ako nito ngunit hindi ako pinansin.

"Manong! Huwag niyo po akong iwan dito!" Hindi pa rin ako nito pinansin. Pinaandar niya ng tuluyan ang bangka habang nakatingin sa 'kin. Hindi ko alam kung naririnig niya ba ako o hindi pero malakas na para sa 'kin ang boses ko.

"Manong!"

"Manong!"

"M-manong..." Mahinang sambit ko kasabay walang humpay na pagpatak ng mga luha ko. Napa-upo ako sa buhangin habang nakayuko. Pinangungunahan ako ng takot ko habang sumagi sa isipan ko si Daddy.

Wala akong ibang nagawa kundi ang humagulhol. Unti-unting naglaho sa paningin ko ang bangka. Ibig sabihin ay sobrang layo na nito mula sa isla o maaaring nakarating na ito sa kabilang banda.

"D-daddy..." Maihahalintulad ko ang isang batang nahiwalay sa mga magulang niya. Kahit matatakutin ako ay kakayanin ko ang kahit anuman ngunit ang pag-aalahanin si Daddy ang hindi ko kayang tiisin.

Tumayo ako't tinangkang lumusob sa madilim na tubig ngunit isang kamay ang pumigil sa 'kin. Hinila ako nito papalayo sa tubig at pinaharap sa kaniya.

"What are you doing?" He asked, coldly. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Amoy na amoy ko ang hininga niya habang nanlilisik ang mga mata na tumitingin sa 'kin. I equaled his stares. Kung gaano siya kagalit ay ganoon din ako. Galit ako pero mas nangingibabaw ang galit at takot ko.

How could he?!

Iwinakli ko ang aking braso mula sa pagkakahawak niya. Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga butil ng luha ko. I fisted my both hands while glaring at him. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa kaniya. Isang bagay lang naman ang kaya kong gawin sa kaniya sa sitwasyon ko ngayon at 'yon ay ang sampalin siya.

Yes, I slapped him. With all my strength and courage, I slapped him. Paulit-ulit ko siyang sinampal hanggang sa namanhid ang kamay ko. Hindi niya ako pinigilan. Hinayaan niya lang ako na sampalin siya at pagsusuntukin ang dibdib niya hanggang sa ako na mismo ang nakaramdam ng pagod.

"P-plano niyo ba 'to?" Utal kong tanong sa kaniya ngunit tinitigan niya lang ako. He didn't answer. He simply looked at me. Unlike lately that he looked at me emptily. Now, he stared at me with pittance.

I gazed at him unbelievably.

"Huh! And now you're playing as an innocent man. Wow just wow! Ang galing mo! Ang galing-galing ng mga magulang mo!" I yelled.

"W-what do you mean?" Naguguluhang tanong niya.

"Hindi pa ba sapat na magpakasal ako sayo?! Kailangan pa bang gawin mo 'to sa 'kin?!" At this time I screamed. Nag-aapoy sa galit ang buong katawan ko. Kahit takot ako ay mas nangingibabaw ang galit ko sa kaniya at sa buong pamilya niya. I don't even have an idea on what he would do to me!

"Kung pera lang naman ang kailangan mo bakit kailangan pang idaan sa ganitong paraan?! Kaya ko namang ibigay iyon sa inyo ng pamilya mo eh!"

Mapakla akong napatawa sa sitwasyon ko. I wandered my eyes around but I can't find anything. Sinuman ay hindi basta-bastang makakalabas sa islang ito. Kaya pala walang masyadong tao. Kaya pala unang apak ko palang sa lugar na ito ay may kakaiba akong naramdaman. My instincts never betrayed me. Malakas akong napatawa habang walang humpay pa rin ang pagtulo ng mga luha ko. Nanghahapdi na ang mga mata ko at namimilipit na ako sa sakit na dulot sa 'kin ng aking paa.

"And now I'm trapped in this island! You trapped me! Your family trapped me here!"

"Putangina naman o! Ano bang ibig mong sabihin!" His voice roared. Napaigtad ako sa lakas nito. He massaged his nape and looked away. Hinilamos niya ang sariling palad sa mukha bago bumaling sa 'kin. Ako naman ay muntik ng matumba dahil sa sakit ng paa ko. I waited for him to talk and explain what happened. I completely ignored my sprained feet. All I want to hear right now is his explanation.

"At nagmamaang-maangan ka pa talaga!"

"Can you elaborate it?" Pigil ang boses niya. Nanginginig na ako sa ginaw pero inignora ko iyon.

"Hindi ba plano mong ikulong dito ako para hindi na ako makaka-atras sa kasal?! Kaya mo ako hinalikan kanina, 'diba?!"

"W-what?...." Gulong-gulo ang mukha niya at hindi makapaniwalang tumingin sa 'kin.

"What the hell are you talking about?!"

"Kaya mo ako sinamahan dito!"

"What?!" Aniya sabay tawa ng pagkalakas-lakas.

Anong nakakatawa? Makukulong kami dito tapos tinatawanan niya lang ako. Walanghiya talaga siya. Hanggang ngayon hindi parin siya tapos tumawa. Tanging boses niya lang ang maririnig sa buong isla yata.

"Why are you laughing?"

He shook his head,"Nothing. Let's get inside. It's cold here." Saad niya pero hindi parin tapos tumawa.

"What do you mean by nothing?" Confusedly, I interrogated him.

"I'll explain everything later. For now, let me carry you," imporma niya.

He grinned, "Who told you that?"

"Daddy."

"I couldn't believe I'll marry an assuming lady." I glanced at him when he uttered something.

Malayo ang lodging room sa daungan kaya ramdam na ramdam ko ang hingal niya habang naglalakad siya. Pawis na pawis na rin ang mukha niya at alam kong nangangalay na rin ang mga braso niya.

"Ashton..."

"Hmm?"

"Pahinga ka muna kaya. Mukhang pagod ka na—"

Pinandilatan niya lang ako ng mata. I confusedly wrinkled my forehead. Nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin ay tumahimik nalang ako at hinintay na makarating kami sa lodging room.

Pagkatapos niya akong ilapag sa couch ay lumabas ulit siya. Matagal-tagal din bago siya bumalik dala ang aming mga kagamitan. May kasama siyang isang babae at lalaki na hawak din ang iba ko pang bag.

Ashton's face returned to normal. I gazed on him when he put all our baggages inside the room. Pagkatapos nilang ipasok lahat ng gamit ay lumabas ulit sila. Matagal-tagal na naman bago bumalik si Ashton. I wasted my time lying on the bed while waiting for him, thinking the moment our lips met. Nangingilabot ako habang iniisip ang mga 'yon.

I sighed while having those thoughts. I covered my eyes with my arms and drove myself to a deep sleep. I wish this was a nightmare. Sana pagkagising ko mula sa bangungot na 'to ay magiging okay na ang lahat. Sana pagkagising ko ang nandito pa rin sa tabi ko si Mommy. Sana pagkagising ko ay wala ng sakit si Daddy. Sana pagkagising ko ay hindi na matutuloy ang kasal.

But those were a nonsense wish when I opened my eyes still lying inside the cozy room all covered with a white blanket, feeling better than before.

I heavily sighed when nothing change. The room. The atmosphere. The feeling. The person who is now lying beside me. Napatitig ako sa mapayapa nitong mukha. He's sleeping peacefully, like a baby. Kung hindi ko ito kilala, tiyak na mapagkakamalan ko itong sobrang bait dahil sa maamo nitong mukha.

"Stop staring. Can you turn off your phone. Kanina pa 'yan alarm nang alarm. Nakakadisturbo," he ordered like a king using his bedroom voice. Kinilabutan kaagad ako sa boses nito.

Ginalaw-galaw ko ang aking paa nang maramdaman ko itong parang hindi na masakit. I reached for my sling bag to get my phone inside on it. I obliviously opened it and turn off the alarm.

Pagkatapos kong mag-shower ay tinawagan ko kaagad si Daddy. Nakahinga ako ng maluwag ng sumagot ito kaagad.

"Hello, baby. Is everything alright there?"

I smiled while trying to hold myself to tell him about what happened to us, Ashton. Tumikhim muna ako bago sumagot, "Yes, Dad. I'm having so much fun here. What about you there? Are you alright? Is your heart okay Dad? You should—"

He cut me off through his loud laugh.

"Daddy naman e! I'm serious here!"

"Okay okay. I get it. I'm very okay. Don't worry that much. Have fun there. Kasama mo ba si Ashton?"

"No Dad. He's sleeping inside."

"Why?" I added.

"Nothing. Gusto ko lang marinig ang boses mo. Just enjoy there!"

"Hmm, you too. Keep safe and have fun."

I breathe in relief after he ended the call. Basta nasiguro ko lang na okay ang ama ko. Okay na ang lahat sa 'kin.

Another day came, I ignored everything. What's the use of worrying for the future. The important is today. Iwinaksi ko sa isipan ang anumang mga alalahanin at mga problema. I spent the day under water without thinking about the upcoming dilemmas caused by Ashton's family.

Pinagod ko ang sarili sa paglalangoy. Pagkasikat na pagkasikat kaagad ni haring araw ay lumusong kaagad ako sa tubig kahit na sobrang lamig pa nito. Hanggang sa mataas na ang sikat ng araw ay hindi pa rin ako umahon.

Hindi ko na napansin na tumaas na pala ang tubig ngunit isinawalang-bahala ko iyon. I challenged myself to swim up to the nearest floating cottage. Hindi ko na rin binigyan ng pansin ang panghihina ko dahil siguro hindi pa ako kumakain ng kahit ano simula kaninang umaga. E ano naman ngayon? I enjoyed staying under water. I enjoyed swimming. I enjoyed doing this despite of the struggles I'm facing right now.

Gusto kong lumangoy hanggang sa mawalan na ako ng lakas. Gusto kong tumakas at manatili nalang sa ilalim ng katubigan. Kung saan payapa at walang gulo. Gusto kong sisirin ang pinakailalim ng katubigan at doon nalang manirahan.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalangoy nang bigla ko nalang naramdaman ang sobrang panghihina kasabay ng pamimilipit ng aking paa. I tried to swim above but I couldn't. Hindi ko na kayang ilangoy ang mga paa ko.

Shit!

Sobrang lalim pa naman ng nalangoy ko and I couldn't held my breath anymore. My both hands and arms become weakened. If this is the only way to escape my painful reality then I will not fight. Maybe this is the only way God gave me. Until I couldn't hold it anymore. I let my body go down to the surge. Kung ngayon man ako mamamatay ay mamamatay akong mapayapa sa ilalim ng katubigan.

At least this is peaceful.

Ashton...

Out of nowhere, I think about Ashton. A smiled crept my face. Sa wakas kung ito na ang huling sandali ko ay makakasama niya na ang babaeng pipiliin niyang pakakasalan at makakasama niya sa buong buhay niya. I wished him a good life before darkness consumed my consciousness.

"Malia!"

A blurry voice who keeps calling my name awakened me. I saw blurry image of Ashton closely to me while pumping my chest. I felt his lips to mine that made me widely awake. Umubo ako ng umubo habang ramdam ko pa ang maalat na lasa sa lalamunan ko.

Pinaupo niya ako't hinawi ang mga buhok sa mukha ko. He's still wearing the white sleeveless he wore last night. The difference is that, he is now soaked. His perplexed muscles are now too clear in my sight. Pinaharap niya ako sa kaniya. His worried face greeted me with a hint of anger.

"What the hell are you doing?!" Sobrang galit na singhal niya. Hindi ako nabigla sa inakto niya dahil inasahan ko ito habang nasa ilalim ng tubig. Kung sakaling may isang tao ang magliligtas sa 'kin ay walang duda na si Ashton 'yon at ito ang inaasahan kong reaksyon niya.

Hindi ako umimik. I stared at him while tears started to pool in my eyes. Umiwas kaagad ako ng tingin nang bumagsak ang unang luha ko ngunit pilit niya akong pinaharap sa kaniya. I couldn't stop my tears from falling while staring at him. He didn't say anything. We were both out of words. Just staring at each other. Hanggang sa humagulhol ako ng iyak. Nanatili siyang tahimik at bigla niya akong niyakap. Mas lalo akong napahagulhol sa ginawa niya. He caressed my hair and tapped my back enough to cried my heart out.

"W-why...did you save me?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status