Share

Kabanata 04

MALIA'S POV

"We can talk later. Take a rest first."

I managed to submerge myself in a deep sleep before anxiety and overthinking will take over. Siguro sa sobrang pagod ay nakatulog kaagad ako ng mahimbing. Nararamdaman ko iyon dahil isang tahimik at matiwasay na paglalakbay ang matulog pagkatapos mapagod ng sobra.

Sleeping is everyone's temporary escape from all the chaos of reality but why does no one wants to sleep forever?

When I opened my eyes, that's when I realized that I am facing my painful reality. I had sleep for a long time but I am still restless. Tulala akong napatitig sa kisame ng kuwarto habang iniisip kung ano na ang susunod na mangyayari. Parang kay bilis lumipas ng araw at napakaraming pangyayari kaagad ang naganap.

Kahit ang bigat ng pakiramdam ko sa katawan ay kinaya ko paring tumayo at lumabas ng kuwarto. Unang bumungad sa 'kin ang nakakasilaw na liwanag ng araw. Ang init. Sobrang init. Nagtataka lang ako sa paligid dahil sobrang tahimik nito. I saw Ashton and two old women preparing our foods. Nag-iihaw siya habang topless. Hindi ba siya naiinitan. Ang init-init kaya at sobrang sakit pa nito sa balat.

"Good morning ma'am. Your breakfast is now ready. Hinihintay ka na rin po ni Sir sa pangalawang cottage," imporma ng isang matandang babaeng may katabaan.

I nodded and followed her.

"You are now awake," Ashton stated without leaving his eyes on the grilled fish. Kunot na kunot ang noo nito at pawis na pawis. Nagtataka ko naman siyang tinitigan bakit nakatopless siya. Bumalik ako sa room para kumuha ng damit niya. Mabuti nalang at nakita ko kaagad ang damit niya.

Nakahanda na ang mga pagkain at sakto ring kumulo ang tiyan ko sa gutom pagbalik. I handed him his shirt. Nagtataka pa siya ngunit hindi ko nalang siya pinansin at sinimulan ko ng papakin ang mga pagkain.

Sa sobrang gutom ay hindi ko siya pinansin hanggang sa matapos kong kainin ang halos lahat ng pagkain na nakahanda sa mesa. I couldn't even breath properly because of too much fullness. Hindi pa rin siya tapos sa inihaw niya. Bakit ang tagal naman yata. Iniwan ko siya at naglakad-lakad muna sa tabing-dagat. Wala akong pakialam sa kaniya at mas lalong ayaw na ayaw kong makita ang pagmumukha niya.

Pumikit ako sabay buntong-hininga ng sobrang lalim. Nang dahil sa sitwasyon ko ay wala na rin akong sapat na lakas para purihin ang kalikasan. Step by step, lakad lang ako ng lakad kahit hindi ko alam ang destinasyon ko. Kahit hindi ko alam ang aking patutunguhan. Hindi gaanong mainit ngayon kaya ginanahan akong maglakad-lakad. Nang medyo napagod na ako ay bumalik ako sa cottage.

I played the sand with my feet until I reached my destination. Wala na sa cottage si Ashton at malinis na rin ang loob nito kaya dumiretso nalang ako ng upo at tumingala sa kisame ng cottage.

I feel peaceful for a moment. Kahit ang gulo-gulo nang takbo ng buhay ko. I have no idea where this life could lead me. I mean a marriage life. I never expected this situation will happen. Pero ika nga nila na expect the unexpected.

"Don't you dare do that again." A deep baritone voice wakes me up from my abstracted reverie.

I didn't waste my time to glance at him. I remained staring at the bay while the waves are crashing on the shore.

"Wala kang pakialam."

"Yes, I fucking don't care about you! I only fucking care about myself! Wala akong pakialam kahit na magpakamatay ka pa sa kahit na anong paraan!" He said half-shouting, almost breathless.

Hindi ko maiwasan ang hindi bumaling sa kaniya. I looked at him blankly. Alam ko. Alam ko iyon. But I don't care if he doesn't care! I don't need him!

Nanatili akong tahimik habang pinagkatitigigan siya. Unti-unting lumapit ito sa 'kin hanggang sa nasa harapan ko na talaga siya. His eyes were shrouded with wrath. Nagtatagis din ang kaniyang bagang na litaw na litaw ang mga maliliit na ugat sa mukha niya.

I scoffed.

"Then, why did you save me?!"

"Kasi kargo kita! Responsibilidad kita! Kapag may mangyayaring masama sayo, ako ang mananagot!"

He silenced me.

I couldn't find the right word to say. Bumaling ulit ako sa baybayin at huminga ng malalim. Bakit ang bigat-bigat ng dibdib ko ngayon? This is so unusual. Dapat mag-enjoy ako ngayon e.

"Hindi mo ako kargo at mas lalong hindi mo ako responsibilidad. My own self is my responsibility. I am no one's responsibility. Not my parents. Not even you."

I made it clear to him. Yes, I don't want to lose my parents but it doesn't mean I can't stand on my own. Siguro malulugmok ako sandali kapag nangyari iyon pero babangon ulit ako. I will find ways to get up again.

I can fall thousand times but I can also rise a thousand times.

He just shrugged.

"Think whatever you want to think," he paused.

"But don't forget that I am your soon-to-be husband. So, be careful about your words and actions," he continued.

Laking gulat ko na nasa tabi ko na pala siya habang humihithit ng sigarilyo. Agad akong lumayo dahil sa amoy ng sigarilyo. Kung may isang bagay man akong ayaw na ayaw at agad na magpapairita sa 'kin. Iyon ay ang amoy ng sigarilyo.

"Pwede ba kapag maninigarilyo ka. Lumayo ka sa 'kin please." I stated.

"At hindi ko nakakalimutan ang drama ng ina mo na daig pa ang isang artista. Naghahabol lang pala sa pera." Dagdag ko pa.

Bumaling ako sa tabi kung saan siya nakaupo at ganoon na lamang ang aking pagkagulat ng sobrang lapit namin sa isa't-isa. Isang maling kilos nalang tiyak na magkadikit kaagad ang mga mukha namin.

His face is still stern. He flatly stared at me while his dark thick brows slowly meeting each other. I faked a cough and put a distance between us. I also tried to equal his vibes.

"Anong gagawin natin ngayon sa lintik na islang 'to!" Inis kong reklamo.

Sa dinami-rami ba namang gawin, bakit ang ikulong pa kaming dalawa dito sa isla? Daig pa namin ang nagshooting para sa isang teleserye.

A deafening silence conquered the moment. Tanging ang paghampas ng alon mula sa baybayin ang naririnig namin dito. Ramdam ko rin ang pinaghalong init at lamig na alingasaw ng dagat. But the silence didn't last, Ashton broke it.

"Ang daming matitinong bagay ang pwede nating gawin dito, Malia. So don't think and do anything stupid," aniya.

I rolled my eyes.

"Bakit? Sasamahan mo akong mag-island hopping?" Tanong ko sa kaniya, umaasa na sana samahan niya ako kahit papaano. Mas maganda pa rin iyong may makakasama ako kaysa mag-isa lang. Ang boring kaya no'n!

"You can't do island hopping without me. Baka ano na naman ang maisipan mong gawin habang wala ako," paalala niya.

"Talaga?!" I shouted in excitement.

"I won't do it again promise!"

"Tss."

"Basta sasamhan mo ako ha!" Sunod-sunod na usal ko.

My every passing day here was filled with fun. We have been enjoying the weeks doing all the island activities. Akalain mong dalawang linggo na pala kami nandito. Ang bilis lumipas ng oras kapag masaya ka. Akala ko nga tatlong araw palang ang lumipas. Bakit kapag nasa Manila ako ay kaybilis lumipas ng mga araw pero hindi naman masaya? Bakit dito sa isla mabilis ang oras pero ang saya-saya?

"Hoy Ashton! Ano na?" Pasinghal na tanong ko. Hindi niya ako pinansin. Tulak kita diyan eh!

Napagpasiyahan niyang mamingwit ng isda sa floating cottage. High tide na kapag alas onse ng umaga hanggang ala una at dahil wala akong magawa kaya ako sumama kahit hindi ko naman alam kung paano mamingwit. Mabuti nalang at hindi siya pumalag.

Nitong mga nakaraang araw ay hindi niya ako pinansin. Well, it was a good thing but something is off. He likes to looked back at me when I'm pissing him but these past few days, he never meet my glance again, like what he always did before. That's why I'm worried.

For a very short time I knew him, he's the type of guy that will never take defeat. Iyong tipong kapag inaasar ko siya ay mang-aasar din siya. Masakit nga lang siya mangasar.

Mukhang ang lalim ng iniisip niya. May nangyari kaya?

Lumapit ako sa kaniya ngunit hindi niya parin ako pansin. Ginaya ko ang postura niya. Tinungkod ko ang isang braso ko sa aking likuran habang ang isa ko namang braso ay nasa aking tuhod.

"HOY!" Pang-gugulat ko sa kaniya.

"What the..."

I tried not to laugh from his reaction but I couldn't. Pinigilan ko ang aking tawa na gustong lumabas kasi kaharap ko siya ngunit hindi ko talaga kayang pigilan hanggang sa napahalakhak ako. Akalain mo na si Ashton Campbell ay magugulat pala. Muntik niya pang mabitawan ang hawak niya.

I was expecting him to throw punch at me but he didn't. He just glared at me and then looked away.

Eh?

"Eh? Bakit hindi ka galit? May nangyari ba?" I asked him sarcastically but he didn't response. Ang layo ng mga tingin nito at pansin na pansin ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Ano kaya ang nangyari? Naririnig pa ba ako nito?

"Hoy Ash–" I couldn't finished it when he gazed on me, deadly.

Ngumisi ako, "Biro lang naman. Ang tahimik mo kasi. Huwag ka kasing magalit kaagad. Kurutin mo—ayy!"

Hindi ko na naman natapos ang gustong sabihin ng kaagad niya akong hinila kaya sabay kaming nahulog sa tubig.

I am not ready and expecting something like this could happen. Napakapit nalang ako sa balikat niya. I gasps for an air.

"Ashton!" Sa sobrang gulat ko ay hinampas ko kaagad ang dibdib niya ng paulit-ulit. Walang tigil ko siyang pinaghahampas. Ang sama niya talagang biruin! Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko siya ginulat.

"You're crazy, Ashton!"

I was taken a back and immediately my body went stiff. Ang tanging magawa ko lang ay kumapit sa braso niya ng mahigpit. Nawala bigla ang kaalaman ko sa paglangoy.

"Ano bang problema mo?!" Singhal ko kahit hinihingal pa ako sa pagkapit sa kaniya. It's high tide and I couldn't swim properly because of him! Mabuti nalang at mahigpit ang kapit niya sa aking beywang. Hinigpitan ko rin ang kapit ko sa braso niya.

I could feel the hardness of his chest and the stillness of his biceps. I poked his chest. Bakit ang tigas?

"What the hell are you doing?"

Mangha akong tumingin sa dibdib niya at tinusok-tusok iyon ng aking hintuturo. Ang tigas kasi! Sa mga magazine lang kasi ako nakakita ng ganitong figure.

"What the hell are you doing woman?" Seryosong tanong niya. Bumigat ang paghinga niya at humigpit ang hawak niya sa beywang ko kaya mas lalo akong napalapit sa kaniya.

"Stay still," he ordered but I didn't obey him.

"Are you real?" Mangha kong tanong habang masuri kong tinitigan ang dibdib niya pababa sa tiyan niya.

"I said stop moving woman! Someone is aiming at you right now!" He hissed.

I stopped moving. I don't know what he is talking about. I wrinkled my forehead. I was about to move my body but he stopped me. He tightened his grip on my body. Binaliktad niya ang posisyon namin. Kung kanina ay nakaharap ako sa malawak na dagat, ngayon ay nakaharap na ako sa dalampasigan. He pressed me gently on the edge of the cottage. He covered me with his body like he was protecting me from any harm.

"A-anong ibig mong..." I still couldn't get what he means.

"Someone wants you dead," he said almost whispering.

"They wants you dead just like what they did to your father," mahinang sambit niya habang diretsong nakatingin sa akin mga mata.

"W-what do you—"

The moment I digested what he just said, my body went cold. My mind went blank. I lost my strength. My whole system stopped from functioning. My world stops moving. Agad na lumuwag ang kapit ko sa braso niya habang siya naman ay mas lalong hinigpitan ang pagkayapos sa 'kin. Walang salita ang gustong mamutawi sa aking bibig.

"Shit!" I heard him cursing unendingly under my ears.

A lone tear trickled down on my cheeks followed by another. Hanggang sa sunod na sunod na ang pag-agos ng aking mga luha. Baka guni-guni ko lang iyon o baka nananaginip lang ako o hindi kaya'y nagbibiro lang si Ashton para makabawi sa 'kin.

"W-what do you...mean j-just like what they did to my f-father?" After a brief moment that feels like infinity. I found my courage and managed to ask him, stuttering.

He didn't response. He couldn't utter a word. He remained silent.

Kahit na nahihirapang siyang iupo ako sa upuang gawa sa kawayan ng floating cottage ay nakayanan niya akong iupo. I closed my eyes as I readied myself on his response. I heard him sighing deeply.

"I don't know what exactly happened. Nabalitaan ko lang," sagot niya. Ramdam ko rin ang hirap sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Agad na bumuhos ang mga luha ko sa narinig.

Pinigilan kong huwag umiyak at gumawa ng ingay ngunit kusang lumalabas iyon sa aking bibig. Malakas akong napahagulhol. Malakas akong napahagulhol sa harapan niya. I cried helplessly in front of him, twice. I showed him my weakness, twice. I uncovered myself in front of him, twice. I was a mess in front of him, twice.

"D-daddy..." I called my father's name.

I slapped my face. Baka sakaling panaginip lang 'to. Baka isa lang itong bangungot. One slap followed by another and another and another. Kahit ilang beses ko ng sinampal ang sarili ay wala akong kahit na anong sakit na naramdaman na pisikal. Lahat ng sakit ay nasa dibdib ko. Hindi parin ako nakuntento. Hindi ko na alam kung ilang beses ko ng nasampal ang sarili. Until Ashton stopped me.

"Stop it, Malia," mahina niyang saway ngunit binalewala ko siya.

"N-no..."

"N-no...T-this can't be true..."

"H-hindi ito maaari..." I mumbled.

Mas lalong nagpaligsahan ang mga luha ko nang kahit anong sampal ko sa sarili ay walang paring nangyari. Nakaupo pa rin ako sa aking kinauupuan. Mas lalong lumakas ang aking hagulhol. Mas lalo akong natakot na maging totoo iyon.

H-hindi ito maaari Dad. H-hindi mo rin ako iiwan kagaya ng ginawa ni Mommy.

H-hindi...

H-hindi ako papayag, D-daddy!

"H-hindi... Sabihin mong...n-nagbibiro ka lang, Ashton... S-say it!" I shouted to the top of my lungs.

He was breathing roughly before answering me, "I'm not good at joking, Malia..."

"H-hindi kita paniniwalaan hangga't hindi ako mismo ang makakasaksi. Kaya gawin mo ang lahat para makauwi tayo ng Maynila bukas," matigas kong utos sa kaniya.

Ashton was messing on me only. He is a bad boy. For a short time, I already knew him. He loves messing with me around. He's just messing with me. He's just messing with me. I won't believe him.

Stop crying, M-malia. Everything will be... a-alright.

I shunned myself. This is the hardest part being in pain. Telling yourself that everything will be fine even if it won't. Acknowledging a toxic positivity. Comforting yourself with those words. Naaawa ako sa sarili.

Huwag kang maniwala sa kaniya, Malia. He is only messing with you. You knew him.

Pinunasan niya ang luha ko kahit patuloy parin ako sa pag-iyak, "K-kasalanan ko kapag may mangyaring masama kay Daddy. H-hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama kay Daddy. H-hinding-hindi..." Sisi ko sa sarili sa pagitan ng aking paghikbi.

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa baybayin. Lumilipad ang isipan ko buong araw. Hindi ko maiwaksi ang sinabi kanina ni Ashton. What if it's true? Anong gagawin ko? Paano nalang ako? Si Daddy nalang ang natirang pamilya ko. Kung mawawala siya, lahat ng mga kamag-anak niyang hayok sa kayamanan ay susugurin ako't kunin ang lahat sa akin.

Hindi rin mawala-wala sa dibdib ko ang kaba. Tulala lang akong nakatanaw sa malayo habang papalubog ang araw. Hindi ko na rin pala namalayan ang paglipas ng mga oras.

I stared between the red and yellow unchanging hues of the sky as it symbolize a new beginnings. I hope so. I hope so...

"Malia..." I heard Ashton calling my name from a far but I ignored him.

"Malia..." Tawag ulit nito sa malapitan.

"Kumain ka muna. Wala ka pang kain simula kaninang umaga."

"Hindi ako gutom."

I don't have an appetite. Kung sakaling kakain man ako ngayon. For sure na isusuka ko lang. That's what stress brought for me.

It's a good thing that he never bothered me again. Sinubukan niya akong patahanin ngunit mas lalo lang akong naiyak.

I spent my whole night on overthinking. Wala akong tulog. Kahit na pilit kong ipikit ang aking mga mata ay hindi ako inaantok. The next morning, I checked up myself on the vanity mirror only to see that I am a complete mess. I am like a walking zombie. Namamaga at nangingitim ang ilalim ng aking mga mata. Halatang-halata na wala akong tulog at saktong pahinga.

Maging sa pagbiyahe ay tahimik lang ako. Kahit kumakalam ang aking sikmura ay walang lakas ang aking bibig na ngumuya ng pagkain. Hindi rin naman ito ma-digest ng maayos ang aking kinakain. Pinilit ako ni Ashton na kumain but I refused. Nasigawan ko tuloy siya dahil sa sobrang pangungulit.

Hindi matigil ang malakas na kabog ng aking dibdib hanggang sa maabot namin ang patutunguhan. Nang matanaw ko ang maraming sasakyan sa labas ng mansion ay hindi kaagad ako makareact.

"A-ashton, tell me I was just d-dreaming. P-panaginip lang 't-to 'd-diba?" Sariling boses ko ay hindi ko na halos marinig.

I gazed on Ashton but he stared only on me. I couldn't read his eyes. Isang bagay lang ang alam kong pamilyar ako sa sinasabi ng mga mata niya.

Awa.

Naaawa siya sa 'kin.

He held my hand," You'll be fine."

My tears started from falling endlessly as he said those words. Hindi pa nga ako nakalabas ng kotse ay ramdam ko na ang aking panghihina. I couldn't find my strength to get out in the car. Kung hindi ako inalalayan ni Ashton ay hindi ako makalabas ng kotse ng sarili ko lang.

I felt breathless. Bawat hakbang ko ay katumbas ng pag-ikli ng aking hininga. Nasa tabi ko lang si Ashton, inalalayan pa rin ako. Siguro kung wala siya, matagal na akong natumba. Wala na akong sapat na lakas para humakbang pa.

I stopped midstep. Humugot ako ng isang malalim na paghinga bago ako humakbang ulit. Nilakasan ko ang aking loob. Nasa tabi ko parin si Ashton. But this time, I shoved his hands away from me. Mukhang nagulat pa siya dahil sa ginawa ko.

"M-malia..." Alalang sambit niya. Hinayaan ko lang siya. Ashton is enough. He is more than enough to witness my weakness. Hindi ko na hahayaan pang makita ng lahat na umiiyak ako. Nang nasa tapat na ako ng gate kung saan bumungad sa 'kin ang napakaraming tao ay hindi ko mapigilang hindi mangatog ang aking tuhod.

I fisted my both hands as I entered the broad gateway. I walked with my head held high. My father's men bowed as a sign of greetings. Tumayo rin ang lahat ng makita ako. Maging ang mga magulang ni Ashton ay nagulat. Kitang-kita sa mga mukha nila na hindi nila inaasahan na nandito ako ngayon. Matagal na bago nila itinago ang nangyari kay Daddy.

Leaving my father alone just to fulfill my own happiness was my greatest regret. Sana sinamahan ko nalang siya. Sana hindi nalang ako umalis. Sana naprotektahan ko siya mula sa mga hayop na itinuring niyang kaibigan.

Sana nandito pa rin siya sa tabi ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status