LILURA ÁSVALDR ODESSA
LINGGO NG UMAGA naisipan ko dumalaw sa puntod ni Mama sa tagal ng panahon na hindi ko ito nadalaw. “Mommy, pink flowers..” turo ng anak ko. Umiling ako at nag salita. “Hindi anak bibigay natin yan kay Lola, so dapat white..” pagtanggi ko tumango naman ito at sumiksik sa hita ko. Naging malaya na rin ako na ipakita ang tunay na kulay ng mata ko, dahil kay boss Flame. Hindi ko alam kung makikita ko pa ang mga Lambrix pero sana ay hindi na. “Thank you miss..” Pasasalamat ng nagtitinda sa akin. Ngumiti ako at nag lakad na ako kasama ang anak ko patungo sa loob ng sementeryo. Kami lang dalawa ng anak ko hindi na ako nag sama ng iba, hindi naman sobrang likot ni Louvre kapag nasa labas kami— marami lang itong nakikita kaya panay ito turo. Nang makarating kami sa Mausoleum ni mama, pinatayuan ito ni Boss Flame ng sarili nitong bahay. “Anak dito ka sa harap ko tumayo at yakap ka kay mommy..” utos ko sa anak ko na siyang ginawa naman nito. Kinuha ko ang susi at binuksan ko ang gate. Pinapasok ko ang anak ko at sinara ko ang pinto. RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “Pare, bumalik na asawa mo nakita namin siya kahapon sa bilihan ng mga gamit sa bahay..” wika ng kaibigan ko si Nevan. “So, pwede na pala kayo mag hiwalay? Tapos mag pakasal na tayo babe. Excited na ako mabigyan ng apo sila tito..” wika ni Elora Onerva siya ang bago kong girlfriend ngayon. Alam ko nangako ako nag hahanapin ko ang asawa ko pero ang hirap hanapin ng isang tao na talagang pinagtataguan ka. “Naka usap niyo ba siya?” Tanong ko hoping na gusto niya ako makausap. I’m still hoping na may pag asa pa, pero sa pag tanggi pa lang nito sa bago kong driver hindi na ako umaasa. “Magkita na lang kayo sa RTC..” nagkakamot ng ulo si Nevan ng sagutin ako. “Kung ganun talagang payag na ang ex wife mo, tama ka babe! Papayag siya sa oras na sabihi——” hindi ko pinatapos ito ng itulak ko ito sa pagkaka upo sa hita ko. “Umalis kana muna bago pa may magawa ako sayo..” utos ko dito kay Elora. “But ba——” hindi ko pinatapos ito ng sigawan ko ito. “I said GET OUT!” Dali dali naman itong lumabas ng opisina ko ng umiiyak. “Mukhang seryoso talaga si Mrs. Maximilliano na alisin na ang apelyido mo sa pangalan niya..” naka ngising wika ng kaibigan ko si Denver. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit ko. “Tatlong taon siyang nag tago, tapos lalabas siya kung saan pumayag na ako sa annulment na gusto niya?” Tanong ko sa kanila. “Eh diba? Sabi sayo ni Miss Flame noong isang taon na ang nakalipas? Kung gusto mo lumabas si Lilura sa pinagtataguan niya ay pumayag ka sa annulment? And tama nga siya..” pag papaalala sakin nito. Tama, kinausap ko muli si Miss Lavistre tungkol sa asawa ko isang taon na ang lumipas. Ito lang ang sinabi niya sakin at hindi na ito nasundan pa. Hindi na ako naka imik dahil.. “Sir? Ready na po ang Conference room..” wika ng secretary ko. Wala akong imik na kinuha ang coat ko at tinapik ko ang dalawa kong kaibigan bago ko ito iwan. Pagdating ko sa loob umupo agad ako. “Mr. Maximilliano akala ko ba aabrubahan na ninyo ang recommendation namin sayo na ang L’ Güzce architecture ang gagawa ng design ng bago nating condominium na itatayo at mas lalo ang hotel and resort?” Tanong sa akin nito Mr. Galantes. Hindi na pagkain at pagiging pulitiko ang hanay ng pamilya namin, simula ng pumanaw si Uncle Arthuro. Naging builders na rin kami ng mga condominium sa buong bansa at hotel. “Hindi sila kilala at ayoko itaya ang wrist ng pera ng kumpanya para sa taong hindi kilala..” seryosong sagot ko. “Hindi ko rin alam sino ang may ari niyan, kahit pina imbestigahan ko na sa mga tao ko, hindi nila malaman sino ba ang may ari niyan. Bukod d’yan naka sentro ang kanilang kumpanya sa clothing at perfume.” Paliwanag ko. “Then we can set the meeting of that owner. And also i want to invest that company, dahil sa napaka gandang performance ng kumpanya niya for the past 2 and half years.” Mungkahi ni Miss Catour isa siyang French woman. “Do whatever you want..” I said with a bored tone in my voice . Ayoko makipag collab sa kahit sino mas lalo kung hindi ko naman din kilala. “So Mr. Maximilliano your forgotten wife ay nalaman namin na bumalik na.. totoo ba?” Tanong ni Mr. Forbes. “Yes ninong, and she want an annulment..” sagot ko at naikuyom ko ang kamao ko. Umiling lang ito muna bago sumagot. “Well.. wala ako masasabi d’yan. Kahit may chance pa na maayos ang pagsasama niyo but you have already a girlfriend and you too are engaged soon..” wika ni ninong. Hindi ako kumibo dahil tama naman siya, soon i will propose to Elora. I want her to be my wife for one reason.. but still early to para sabihin anong dahilan. LILURA ÁSVALDR ODESSA Matapos ko mag linis ng loob ng Mausoleum ni Mama nag sindi na ako ng kandila at binuksan ko ang pagkain na luto ko. Dito din kami kumain ng anak ko, para may kasama si Mama. “Mommy.. ang ganda po ng bahay ni Lola..” wika ng anak ko habang may laman ang bibig nito. “Don’t talk sweetie while your mouth is full. “ utos ko dito tumango naman ito at simiksik pa lalo sakin na kina tawa ko. “Mama, ito na po si Louvre Güzce ang apo ninyo.. kamukhang kamukha ko po siya..” pag kausap ko sa puntod ni mama. “Lola.. sabi po ni mommy soon po mag aaral na po ako..” deretsong pag kausap ng anak ko sa lola niya na kina ngiti ko. Niyakap ko ito at pinag halik-halikan ang malambot na pisngi nito. NAG PALIPAS PA KAMI HANGGANG after lunch bago kami umuwi dahil inaantok na rin ang anak ko. Nangako naman ako na babalik ako ulit. Sinakay ko ang anak kong naka tulog na sa bisig ko— sa backseat ng sasakyan ko ito hiniga upang makapag maneho ako ng maayos. Sinugurado ko na safe na ito. Nag maneho na ako sasakyan pauwi, habang nasa highway kami at traffic pa, may nakita akong billboard, doon ko nakita ang mukha ni Val may kasama itong magandang babae. “So ikaw pala ang pakakasalan ni Val?” Pagtatanong ko sa hangin na kina tango ko. Bumuntong hininga na lang ako at umiling hanggang mag ring ang isang cellphone ko. Sinilip ko kung sino ito ang secretary ko pala, dali-dali kong nilagay ang earphone ko at sinagot ang tawag nito. “Mila? Napa tawag ka?” Tanong ko dito. “Ma’am nag padala po ng email sa inyo si Mr. Maximilliano kung —“ hindi nito natuloy ang sasabihin nito ng sumagot ako. “Sino?!” Gulat kong tanong dito. “Si Mr. Maximilliano, kung pwede daw mag set ng meeting with you..” pagpapatuloy nito.. “Humindi ka..” utos ko dito at binaba ko na ang tawag. After ng annulment ayoko na makita pa ang mukha ng lalaki na ‘yun tapos na ako sa kanila. Kung pwede lang hindi na siya pumunta sa RTC bukas, kahit wala naman siya pwede ito dahil ang importante lang naman ay present ang nag papa-annul ng kasal walang iba kundi ako. Umiling na lang ako at hindi nag tagal naka uwi na ako ng bahay, pinakuha ko na lang sa guard ko ang ibang gamit namin ni Louvre. Binuhat ko ang anak ko hanggang kwarto at binihisan ko ito. Nakapag bihis na rin ako at tumayo ako sa balcony at tumingin sa malawak na kabundukan, may bundok sa likod ng bahay ko malawak ito. Hawak ko ang wedding ring na binigay sa akin ni Val plano ko ibalik ito bukas sa kanya. Lahat ng binigay nila sakin ay hindi ko naman din kinuha. Tanging sarili ko lang ang dala ko ng umalis ako at itong wedding ring at engagement ring. “God.. bakit ba kasi kailangan masaktan ng ganito?” Bulong ko at napa hawak ako sa railing at yumuko. Kahit anong lunok ko sa nararamdaman kong pain hindi ko magawa at hindi maalis. Oo nasasaktan ako sa parte na hindi man lang siya nag hintay na mag heal ako? Natawa ako kasabay ng pag patak ng luha ko, “Sabagay.. I’m not worth to wait, ako ba naman ang pumatay sa kanyang Tito — sino ba ako para mag demand?” Pag kausap ko sarili ko at umayos ako ng tayo at pinunanasan ko ang luha ko na pumatak. “Okay lang Lilura.. ang importante nasa sayo ang anak mo..” pag kausap ko sa sarili ko. Natapos nga ang laban ko ngunit may panibago naman, pumasok ako sa loob at nakita ko ang anak kong mahimbing na natutulog. “Kahit malaman nila ang tungkol sayo, hinding hindi ako papayag na kunin ka kila sakin..” bulong ko. “Dadaan muna silang lahat sa bangkay ko bago ka nila makuha..” naikuyom ko ang kamao ko. Nalaman ko na rin na ang dala ko talagang Last name ay Lambrix at hindi Odessa pinakita sakin ni Boss Flame ang lahat ng dokumento. Nagalit ako dahil kahit yun ipagkait sakin, ngunit tinanggap ko na ang pagiging Lambrix pero ayoko parin sila makita. Ngunit ang anak ko ay hindi isang Maximilliano kundi isang Odessa. Sinunod ko na talaga siya sa pangalan ko, hindi ko hahayaan na maulit ang nangyari noon sa akin, ang pina-niwala ako sa kasinungalingan na hindi ako Lambrix, ayoko ulitin ang pagkakamali na ‘yun. Hindi sa anak ko.Pasensya na po kahit inaayos ko pa po kasi sarili ko. Salamat po. Start na tayo ng daily update..
LILURA ÁSVALDR ODESSA - MAXIMILLIANO 2 weeks matapos ang kasal. Hindi ko inaasahan na nasa harapan ko ang mga pulis at kasama pa si Elora. “Hulihin nyo po siya.. siya ang pumatay sa magulang ko..” utos nito na kina kaba ng puso ko. Hindi ko alam ano gagawin ko natatakot ako. Pwede malagay sa alanganin ang mga tauhan ko sa loob. Pero kung sasama ako baka hindi sila madamay. Nilingon ko ang mga tao ko natatakot sila, “Sabi ko naman kay Val hinding hindi magiging masaya ang pagsasama ninyo..” wika ni Elora. “Ma’am sumama na po kayo sa amin.” Wika ng pulis na bababe. FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Kitang kita ko ang galit sa mata ng pangulo ng bansa. Pumasok ako sa loob ng opisina nito at hinintay itong makarating. Siya ang kinausap ni Elora para sa gustong mangyari ni Elora inilaglag niya kami para lang makuha ang gusto niya. “Hindi ko alam paano kayo nag ka kilala ni Elora pero wala na akong pakialam doon. Ang gusto ko ang sundin mo..” malamig kong wika. “Or i wil
(CONTINUATION) “Mama..” bulong ni Lilura na pag tawag sa kanyang Ina. Nilingon ni Val si Miss Flame, naka ngiti ito at tumango. Nag paalam si Val na kung pwede gamitin ang galing ng AI ng grupo para gumawa ng isang kamukha ng ina ni Lilura para maramdaman ng asawa niya na nandito ang kanyang ina. Pumayag si Flame kaya agad trinabaho ito ng mga tao ni Flame, ito na rin regalo ng mga tauhan ni Flame na sila Jennica, Alice , Divine at Mika kasama na si Onze. Kaya ginandahan at ginawang makatotohanan ang itsura ng yumaong ina ni Lilura. “Huwag ka umiyak, honey yung makeup..” natatawang awat ni Val sa asawa. Isang malakas na palo sa braso ang natanggap ni Val mula kay Lilura. “Waterproof ‘yan..” sagot ni Lilura. Kaya natawa naman ang mga bisita na karamihan ay kamag anak ng both side ng bawat pamilya. Kasama ang pamilya ni Flame. Dali-dali nag bigay ng tissue ang organizer at agad binigyan si Lilura. “Okay na ako.. thank you honey..” pasasalamat ni Lilura kay Val. Huminga ng m
THIRD PERSON POV LUMIPAS ANG ISANG BUWAN AT KALAHATI dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ang pag iisang dibdib ni Rhysand Valdis ay Lilura Ásvaldr. Lahat masaya at naghahanda na dahil isang oras at kalahati na lang ay kasalan na. “Kinakabahan ako..” bulong ni Lilura, ang liwanag at ang aliwalas ng mukha ni Lilura. Habang ito ay inaayusan ng mga taong pinadala ni Flame para ayusan ito. “Normal lang na kabahan..” sagot ni Emerald. Habang inaayusan ang bride. “Si Boss Flame ba hindi talaga siya pupunta?” Tanong ni Lilura. Umiling naman si Emerald at pumasok naman si Francine at Ingrd mga kapwa pinsan na babae ni Flame. “Kung sakali na makarating siya sure na sa Reception siya aabot.” Sagot ni Ingrid. Bumuntong hininga si Lilura gusto ni Lilura makita at mapanood ni Flame ang pag iisang dibdib nila. “Oo nga pala ang baby Girl mo pala, nasa kabilang room. Makikita mo siya sa sasakyan na magdadala sa inyo sa simbahan.” Wika ni Emerald. Muling sumilay ang ngiti sa labi ni L
LILURA ÁSVALDR ODESSA - MAXIMILLIANO NANG MAKARATING kaming lahat sa Venue ng reception. Doon ko nakita na napaka ganda nito. “Mas maganda dito kapag gabi na o palubong na ang araw..” wika ni Val at niyakap ako nito mula sa likod ko. “Excited na ako sa kasal natin..” bulong ni Val kaya naman nilingon ko ito. “Mas excited ako.. tapos ang flower girl natin ang anak natin mismo.” Sagot ko dito. Ngumiti ang asawa ko ng matamis at humalik sa labi ko ng mabilis lang. “Let’s go inside kailangan natin matikman ang cake at mga pagkain na ihahanda.” Aya ni Val tumango naman ako at nakita kong parating si Nevan at ang mga kaibigan nito. “Umalis si Boss Flame, pupunta sila ng Davao..” salubong ni Stephano ng makalapit sila sa amin. “Sino ang kasama niya? Pwede ba siya nag biyahe? Buntis siya..” tanong ko sa kanila.. “Ginamit nila ang private plane nila alam niyo naman ‘yun, mayaman naman mga ‘yun. Si Miro Sagan ang kasama niya at ilan sa mga kapatid at pinsan..” sagot naman ni Denve
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO BAGO KAMI MAG TUNGO sa boutique nag tungo muna kami ng asawa ko sa puntod ni mama Nathalie. “Ma.. andito po ako ulit..” narinig kong tawag mg asawa ko. “Ma nandito po si Val at Louvre ang asawa ko po at apo po ninyo..” ngumiti ako ng hawakan ng asawa ko ang kamay ko. “Ma.. hihingin ko po sana ulit ang kamay ng anak ninyo bilang asawa ko..” pag hingi ko ng pahintulot umupo ako at hinimas ko ang puntod ni Mama. Naalala ko ang araw na ang usap kami, alam ko na mahal na mahal niya ang anak niya. Napa lingon ako ng humangin ng malakas. “Thank you ma, sa pag payag..” naka ngiting pasasalamat ko. Nilingon ko ang asawa ko naka ngiti ito at hawak ang kamay ng anak namin. “Salamat po ng marami, sana gabayan niyo kami mas lalo ang apo ninyo..” dinikit ko ang noo ko sa lapida ni mama habang binibulong ito at tumayo na ako. Naka isip ako ng supresa sa araw ng kasal namin ng asawa ko para maramdaman niyang nandito parin ang kanyang ina. Hindi na ito makikit
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO PINATAWAG ako sa Underground ngunit sumama ang asawa ko ang anak naman namin ay naiwan sa pangangalaga ng yaya Nida at nila Mommy at Daddy. Naka bantay din ang mga tauhan ni Flame kung sakali na may aatake. Pagdating namin ng asawa ko sa Underground halos ang mag pipinsan lang ang naabutan namin dito. “Mabuti naman at dumating na kayo. Nasa taas sila Flame hintayin lang natin..” wika ni Thunder. Naka upo ito at naka tingin sa malaking screen o monitor. “May problema na naman ba?” Tanong ko dito, umupo naman ang asawa ko at habang ako ay naka tayo lang. “Kalaban? Wala naman sa ngayon, pero inaasahan sila na darating isang linggo mula ngayon..” sagot ni Thunder. Napa lingon ako ng may narinig akong pababa, at nakita ko ang mag asawa na si Blake at Flame. May bitbit na kung anong case si Blake nasa likod ito ng kanyang asawa. Si Flame ang pangunahin na respetado sa buong pamilya nila. Ito ang bagay na kahit kailan ay hindi mawawala sa Organization