Share

Chapter 3

Author: MissPhilosopa
last update publish date: 2026-10-21 15:53:31

Dalawang araw ding nanatili ang dalaga sa hospital. At kahit ayaw ni

Khent sa Hospital ay hindi siya nakaramdam ng pagkadis-gusto o pagka-bored habang nagbabantay siya sa dalaga. At sa halip ay parang mas gusto pa niyang doon na lang tumira kasama nito.

Sinasabi ng iba na nakakabagot ang magbantay ng pasyente sa hospital pero hindi naramdaman ni Khent iyon. He was enjoying it and he never let her do anything even a simple work. Kahit ang pagbalat ng orange ay siya ang gumawa.

Dahan-dahang iminulat ni Gab ang mga mata nang maramdaman niyang para siyang lumilitaw sa ere.

Tumungo siya at doon lang niya napagtanto na buhat-buhat pala siya ng binata.

Pumiglas siya.

"Ibaba nyo na lang po ako. Kaya ko na naman po ang maglakad."

"Stay still, kalalabas mo pa lang ng hospital. Hindi pa makakabuti sayo ang magpagod."

"Po?"

Gusto ng isipin ni Gab na may saltik sa utak ang binata dahil simula noong isang araw pa ito ganito.

Tumawa siya ng marahan nang dahan-dahan siya nitong ilapag sa malambot at malaking kama. Hindi niya napagmasdan ang itsura ng bahay sa labas pero base sa nakikita niyang malaki, maganda at mamahaling kama ay nakakasiguro siyang katulad din iyon sa labas.

Nangingiti niyang tiningnan ang binata sa harapan niya habang nakaluhod at tinatanggal ang sapatos niya.

"What?" kunot-noong tanong ni Khent.

"Natatawa lang po ako Sir dahil hanggang dito sa bahay ninyo ay inaalagaan n'yo pa rin ako. Gusto ko lang pong ipaalala sa inyo na sumama po ako sa inyo dito para magtrabaho."

Tumayo si Khent at namulsa.

Diretso niyang tiningnan ang dalaga sa mga mata nito. Hindi nga siya nagkakamali brown nga ang kulay niyon at nakakahipnotismo.

He clenched his jaw.

Ilang ulit na niya itong pinagsabihan na huwag siyang tawaging po dahil pakiramdam niya ay matanda na talaga siya. Idagdag pa ang mga edad nila sa isa't-isa na malayong-malayo ang agwat. Twelve years.

"No, you're not gonna work. I won't allow you."

Ano daw?! So ano pa lang gagawin niya dito kung ganung hindi siya magtatrabaho? Tutunganga lang? Tapos hayaan itong pagsilbihan siya? Hindi pwede iyon kailan man ay hindi niya inasa ang sarili sa ibang tao. Iyon ang itinuro ng yumao niyang ina.

"Pero Sir, pumayag po akong sumama sayo dahil magtatrabaho ako dito." giit niya.

"I changed my mind."

"Kung ganun po ay siguro mas mabuti na umalis na lang po ako dito." sabi niya at akma pang isusuot ulit ang sapatos.

"Don't you dare!"

Nagulat si Gab sa biglaang pagtaas ng boses ni Khent. Pero ngumiti naman ito nang makita ang reaksiyon niya.

"I'm sorry, nabigla lang ako. Okay fine you can work but please not anything heavy."

Tumango na lamang siya at nagpasalamat dahil alam niya na tama ito. Hindi nakakabuti sa mga buntis ang gumawa ng mabibigat na trabaho.

"But for now, kailangan mo munang magpahinga. May gusto ka bang kainin o inumin? Ipaghahanda kita."

"Tulog po ako buong biyahe siguro sapat na po iyong pahinga." sabi niya pagkatapos ay nahihiyang kinagat niya ang labi at tiningnan ito.

Nagdadalawang-isip si Gab kung sasabihin ba niya dito ang gusto niyang kainin. Napansin naman iyon ni Khent.

"Come on. Tell me."

"Gusto ko po sana ng hilaw na mangga na may suka't tuyo at maraming sili."

Napanganga si Khent.

Alam niyang likas na sa mga nagdadalang-tao ang kumain ng hilaw na mangga. Pero talaga bang kailangan pa ng maraming sili?

Napabuntong-hininga si Khent at parang walang magawang sumang-ayon nang makita ang pagkakanguso ng dalaga nang hindi siya sumagot.

Sabay silang bumaba sa kusina.

Nahihiyang nagpaalam ito sa kanya habang tumitingin sa buong kabahayan.

"Huwag ka lang tatakas." sabi niya sa dalaga na ikinatawa nito. Pagkatapos ay dali-dali niyang hinagilap ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Manong Lito.

"Magandang-"

"Noong buntis si Aling Lisa. Ilang mangga ba iyong naubos niya? At saka okay lang ba sa buntis ang kumain ng mangga na may maraming sili? Hindi ba pwedeng mangga at asin lang?"

Alam niyang hindi iyon ang inaasahan ni Manong Lito na tanong niya. Wala lang talaga siyang ibang mapagtanungan kundi ito lamang. Hindi kasi macontact ang mommy niya.

------

"WHY did you come down? Ako na. Umupo ka na lang dyan."

Hindi mapigilan ni Gab na iikot ang mga mata nang kunin nito sa kanya ang isang pitsel na puno ng malamig na tubig na kinuha niya sa ref.

Halos isang linggo na siyang nananatili dito at hindi pa niya naranasan ang magluto kahit gustong-gusto niya iyong gawin. Dahil kahit anong aga niyang gumising ay mas nauuna pa rin ito sa kanya.

Bata pa lang siya ay kinahihiligan na niya ang magluto kaya noong tumuntong siya ng college ay kumuha agad siya ng kurso sa pagluluto. Pero hanggang first sem lang siya dahil na-hospital ang ama niya sa sakit sa puso.

Matagal na pala nitong dinadamdam yon pero inilihim lang nito iyon sa kanila. Nagtrabaho siya para pandagdag sa gastusin sa mga gamot pero hindi din kinaya ng tatay niya. Namatay ito. At doon na nagbago ang pakikitungo ng madrasta niya at mga kapatid. Pinapalayas siya pero hindi siya lumayas dahil puno ng mga masasayang alaala ang bahay na iyon mula pa sa yumao niyang ina at sa ama niya. Hanggang sa umabot sa punto na ibenta nga siya ng mga ito. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin niya maiwasang isipin kung kumusta na ang mga ito. Matagal na siyang walang balita sa mga ito at lihim pa rin siyang nananalangin na sana nasa mabuti silang kalagayan. Dahil kahit naman hindi niya ito tunay na kadugo ay pamilya pa rin naman ang turing niya sa mga ito.

"What are you thinking?"

Bumuntong-hininga si Gab.

"Naisip ko lang sina kuya at mama. Iniisip ko kung ano na kaya ang kalagayan nila ngayon."

Halos umusok ang ilong ni Khent sa galit sa sinabi nito.

Pinahanap niya ang sinasabi nitong pamilya at nalaman niyang naghihirap na pala ang mga ito ngayon. Bumuo ito ng negosyo sa malaking perang ibinayad niya pero hindi lumago dahil nagkasakit ng malubha si Mrs. Vertez na madrasta lang pala ni Gab at hindi nito totoong ina. At hanggang ngayon ay bumabalik-balik pa rin ito sa hospital kapag inatake na naman sa sakit nito. Nalaman rin niya na hindi maganda ang trato ng mga ito sa dalaga simula noong pumanaw ang ama nito. Galit siya dahil walang kaparatan ang mga ito na ibenta si Gab. Kung alam lang niya ay sana tinulungan pa niya ang dalaga.

"Seriously Gab, pagkatapos ka nilang ibenta ay nagawa mo pa rin silang isipin?" may himig-galit na tanong ni Khent sa dalaga.

Inaamin ni Gab na medyo naiilang pa siya kay Khent noong una lalo pa't hindi pa sila masyadong magkakilala. Naalala pa niya noong araw na gustong-gusto niyang kumain ng hilaw na mangga na nakita niya sa likod ng bahay nito pero nahihiya siya kaya siya na lang mismo ang umakyat sa punong iyon dahil mababa lang naman. Nasa itaas na siya ng makita siya nito at para itong hihimatayin sa takot. Mabilis itong nagpabalik-balik ng takbo para maghanap ng hagdan at maingat siyang ibinaba. Simula noon ay ginagawa nito ang lahat mawala lamang ang ilang niya dito. Nalaman niyang Lord Khent Antipuesto pala ang tunay na pangalan ng binata. Nagkwento din ito tungkol sa ex-wife nito. Alam ng dalaga na nasasaktan pa rin ang binata sa ginawang pangloloko ng asawa nito. At sa nakikita niya ay mahal pa rin nito ang asawa sa kabila ng panloloko nito sa binata. First love never dies nga naman.

Tumusok siya ng pancake pagkatapos lagyan ni Khent yon ng syrup at pinipiraso. Lihim siyang kinikilig sa pagkamaalaga nito. Minsan naitanong niya sa sarili kung bakit nagawa itong lokohin ng asawa nito kung gayong nasa lalaki na lahat ang magandang katangian.

Napatigil sa pagsubo si Khent nang mapansin na nakatitig na naman sa kanya ang dalaga. Lumunok siya dahil may pakiramdam siya na may binabalak na naman ito.

"O tinititigan mo na naman ako, ano na namang iniisip mo? Wag mong sabihin na-"

Mabilis na ibinaba ni Gab ang tinidor at pinagsalikop ang mga kamay.

"Khent sige na. Isa lang. Hindi ko naman didiinan eh, promise."

Itinaas pa ni Gab ang kanang kamay bilang pangako.

Pikit ang mga mata na inilapit ni Khent ang mukha sa dalaga. Hindi mapigilan ni Gab ang mapangiti dahil lagi siya nitong pinagbibigyan.

Lihim siyang napahagikhik. Iba na naman kasi ang pinanggigilan niya. Hindi na ang makinis nitong mga pisngi kundi ang matangos na naman nitong ilong. Tumayo siya at kinurot kunwari ang pisngi nito pero iba pala ang pakay niya. Ibinuka niya ang bibig at madiing kinagat ang ilong nito saka lumayo at humagikhik na parang bata.

Hindi mapigilan ni Khent na mapangiti habang pinagmamasdan ang dalaga. She's really beautiful. Inside and out. Masayahin si Gabrene at mapagbiro. Palagi itong gumagawa ng mga bagay na nagpapatawa sa kanya. At ang dalaga lang ang nag-iisang tao na nagpapangiti at nagpapaaliw sa kanya sa pagkaisip-bata nito. Dahil sa totoo lang ay ayaw niya sa mga taong childish. Seryoso kasi siyang tao at matured ang pag-iisip kaya palagi silang nag-aaway noon ni Lovely sa tuwing umaakto ito na parang bata kapag may gustong makuha sa kanya.

Iba ang nararamdamang saya ni Khent sa tuwing kasama niya si Gab pero sa kabila no'n ay hindi din niya mapigilan na makaramdam ng guilt sa tuwing maalala niya ang mga panahon na ikinulong niya ito. Ngayon lang niya napagtanto na mas masarap pakinggan ang tawa nito kaysa sa mga hikbi nito.

She deserve to be happy kaya gagawin niya ang lahat mapasaya lang ito.

Alam niyang para na siyang full time husband sa ginagawa niya dahil siya ang gumagawa lahat ng trabaho. Siya ang naglilinis ng bahay, nagluluto at naglalaba. Hindi niya kailan man nagawa lahat ng iyon noon maliban sa pagluluto. Nag-research pa talaga siya kung paano ang maglaba. Masaya siya sa ginagawa niya lalo pa't nakikita niyang masaya din ang dalaga. Hinayaan na lang niya itong tumulong sa kanya dahil nakikita niyang masaya naman ito sa ginagawa nito pero hindi sa mga mabibigat na gawain.

"Hindi ganyan ang magsampay. Hindi yan madaling tutuyo kung hindi mo ilalatag ng maayos sa sampayan ang damit."

Tinuruan siya nito kung paano ang tamang pagsampay. Napakamot siya sa ulo.

May drier naman siya sa bahay pero hindi papayag ang dalaga na gamitin nila iyon dahil lalaki lang daw ang bill ng kuryente at marami ang mga damit na nilalabhan nila. For Pete's sake, hindi naman sa pagmamayabang. Kailan man ay hindi siya namomroblema sa bill ng kuryente. Pero hindi niya alam kung bakit napapasunod na lang siya sa dalaga. Kahit ang paggawa ng sampayan sa likod ng bahay niya ay sinunod niya.

Lihim siyang napangiti dahil nakikita niya kung gaano kasimple ang dalaga. At gusto niya ang ganitong simpleng buhay. Kung alam lang niya na hindi magagamit ang drier niya ay sana nagresearch siya kung paano ang pagsampay ng damit sa alambre. Wala naman kasi siyang alam doon.

Nakita niyang madali lang naman pala ang pagsampay kaya pinaupo na lang niya ito at siya na ang gumawa. Pero pumunta naman ito sa isang sulok at in-on ang gripo para magdilig ng mga halaman.

Nagpanic siya at dali-dali niyang sinampay ang pangalawang damit pagkatapos ay patakbong lumapit sa dalaga.

Binuhat niya ang hose.

In-off ni Gab ang hose at namaywang na tumingin kay Khent. Hindi niya alam kung matatawa ba siya dito o maiinis dahil hindi pa nga ito tapos sa ginagawa nito ay narito na naman ito sa tabi niya buhat-buhat ang hose.

"Anong ginagawa mo?"

Napakamot ulit si Khent sa ulo at laking gulat niya nang itinutok ni Gab sa mukha niya ang hose at binasa siya. Maingat niya itong hinabol nang tumakbo ito. Kinakabahan siya sa ginagawa ng dalaga pero ayaw niyang gumawa ng bagay na ikalulungkot nito o di kaya'y kahit ikanguso lang ng mga labi nito.

Because those were one of his weaknesses.

She became very important to him the moment she stepped into his life. He want to take good care of her and... keep her. Hindi pa siya sigurado sa namumuong damdamin sa loob-loob niya para sa dalaga pero kung ano man yun ay handa siyang panindigan iyon.

-MissPhilosopa

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Best Mistake   Chapter 43-END

    Nagkagulo ang mga tao pero kahit ganun ay ipinagpatuloy at sinunod naman ng pari ang sinabi ni Khent kahit natataranta ito lalo na ng makita nito ang namimilipit na mukha ni Gab at ni Khent habang malakas na pinipisil ni Gab ang kamay ni Khent."... I may now pronounce you Mom and Dad este! Husband and wife." sabi ng Pari.Ininguso ni Khent ang labi pagkatapos niya dali-daling kinuha ang veil ni Gab at hahalikan sana si Gab pero sapak ang nakuha niya dito."Nandyan na! Nandyan na ang hospital–este! Ang Ambulansiya! Dumating na!" sigaw naman ni Jake saka dali-daling lumapit kina Khent at Gab."Gab, lalabas na ba? Chill ka lang. Tara... dalian mo."Hinampas siya ni Khent sa ulo."Gago! Bakit ako ang hinihila mo para paunahin sa labas eh si Gab ang manganganak.""Ay, oo nga pala.""Come on, Gab. Kaya mo yan." sabi ni Khent sa asawa nang bahagyang huminto si Gab.Hindi sumagot si Gab at dahan-dahang bumaba ang tingin sa tubig na dahan-dahang bumasa sa kanyang damit."My water broke..." na

  • The Best Mistake   Chapter 42

    "Are you done?""No, wait.""What the h*ll Khent. Hindi ba maubos-ubos yang tae mo? Lumabas ka na dyan. Ikaw ang groom pero mukhang si Gab pa ang maghihintay sayo sa altar?"Hindi pinansin ni Khent si Jake at nagpatuloy sa kanyang ritwal sa inidoro. This is his second marriage but he is very nervous that made his stomach ache so much. Sa tingin niya ay hindi maubos-ubos ang mga namamasang tae sa tiyan niya."This is f*cking embarassing." he said and then farted so loud."Oh God!" inikot ni Jake ang mga mata saka pinaypayan ang sarili bago lumabas ng banyo."Where is he?" tanong ni Mrs. Santiago sa kanya."He is still inside, pushing out all of his intestines.""I thought he took a tablet.""Yeah, pero malala ata talaga ang tiyan niya Tita. I think his stomach is rotten."Tumawa na lang si Mrs. Santiago at nakihintay na rin sa labas. Mga ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na si Khent na puno ng pawis ang buong mukha habang namumuti naman ang mga labi."Khent, are you sure, you're

  • The Best Mistake   Chapter 41

    "Hayyy!" Halos hindi na niya mabilang ang pagbuntong-hininga niya habang naghuhugas ng mga plato."Khent kapit ka lang. This is your life. Fighting!" Parang baliw na kausap niya sa sarili at hindi sinasadyang nadulas sa kamay niya ang sinasabunan niyang babasaging malaking bowl at nahulog sa sink na may mga babasagin ding mga plato na naging dahilan nang pagkahati ng bowl sa dalawa."Oh God!""Khent!""Ayan na agad si parusa." Bulong niya."Kheeeent!" Malakas na sigaw ni Gab sa itaas kaya nagmamadaling hinugasan ni Khent ang mga kamay at halos maiyak na umakyat sa hagdan habang lihim na nagdadasal."Hayy, Lord. Magkapangalan tayo. Please. Tulong." Bulong niya saka dahan-dahang pinihit ang seradura.Nagulat pa siya nang madilim sa loob pagkabukas niya ng pinto."Gab? Ano... P-pasensiya. Hindi ko sinasadya. The bowl slipped in my hand.""Turn on the lights.""Huh? O-oo." Dahan-dahan at nanginginig ang kamay na kinapa niya ang switch ng ilaw kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata sa pag

  • The Best Mistake   Chapter 40

    "Di ka pa rin napatawad? Paskong-pasko mamaya." Pang-aasar ni Jake sa pinsan habang nakaupo ito sa tabi niya at si Gab naman ay nasa tapat ng malaking mesa kung saan ay malayong-malayo kay Khent.Simula nong maparusahan sila ay hindi na ito tumabi sa kanya at sa halip ay sa bakanteng kwarto ito sa ilalim natulog.Khent stared at Jake's braided hair. Gawa pa ito ni Gab kanina at pinaresan pa ng malaking hair band na may malaking ribbon sa ulo.Ngumiwi siya."And you call this being lucky when you look like a sick idiot?"Binelatan siya ni Jake saka nagpatuloy sa pagkain.The celebration is only simple and Gab invited the people that she treat like her family especially Anthony na hanggang ngayon ay hiyang-hiya pa rin na kasama sila.Tutulungan sana ni Khent si Gab nang mahulog ang tinidor nito sa mesa pero inunahan siya ni Anthony kaya umingos na lang siya.Nang matapos silang kumain ay nanuod sila ng fireworks na pinaputok nina Anthony at Manong Lito sa malaki nilang bakuran.They wer

  • The Best Mistake   Chapter 39

    Khent woke up after hearing the loud sound of the helicopter outside.Bumangon siya sabay sipa kay Jake."Hmm... ang dilim pa sa labas. Ang ganda naman dito mala-switzerland kung kukuha lang ng malaking kahoy na natumba sa kalsada. Helicopter talaga." inaantok pang sabi ni Jake saka bumangon din at naghikab.Tumayo si Jake nang sipain ulit siya ni Khent para buksan ang pinto nang may kumatok doon ng paulit-ulit."Ang aga naman-""Good morning sir. Nakahanda na po lahat. Kayong dalawa na lang po ang kulang.""Eh?" half-asleep pang sabi ni Jake nang hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya si Anthony na pormang-porma sa uniform nito."Oh Sh*t." mura ni Khent saka mabilis na nagbihis habang si Jake naman ay saka lang natauhan at dali-daling kinuha ang cellphone at sumunod agad kay Khent nang nagmamadali itong lumabas sa kwarto."Dude, it's four in the morning." reklamo ni Jake kay Anthony habang pababa sila."It's the CEO's order.""Oh really? What the hell, Khent! Gusto mo talagang m

  • The Best Mistake   Chapter 38

    Ikinuyom ni Khent ang kanyang kamao nang makita si Rocky na nakaupong nakayuko habang nagbabantay sa natutulog nitong ina.Dahil malayo sila nakatira ay inabutan pa sila ng apat na oras na biyahe lalo na't maulan at traffic pa sa daan. Gabi na rin nang makarating sila sa hospital.Khent cleared his throat to get Rocky's attention before getting inside."Gago..." galit na bulong ni Jake nang ngumisi pa si Rocky sa kanya na para bang hindi ito nagulat sa pagdating nila."Jake, calm down. We're here to settle." bulong ni Khent sa kanya."Oh, hindi ko inaasahan na makikita ko ang dati kong barkada sa high school.""Gago..." galit ulit na sabi ni Jake."Look Rocky, we came here to settle.""Sinabi ba ni Gab yan sayo? Bakit wala siya? Nagtatago ba? Hindi pa siya nakapagsalamat sa amin."Khent tried to calm himself."Naalala ko dati kung gaano ka pa ka-desperadong-desperado na bilhin ang kapatid ko. Kung hindi ko lang siya kadugo ay siguradong sa akin siya napupunta.""Jerk! Do you know what

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status