Share

Chapter 4

Author: MissPhilosopa
last update publish date: 2026-10-21 15:53:58

Bumangon si Khent nang makaramdam siya ng pagkauhaw.

Hindi niya alam na nakatulog na pala siya habang nanunuod ng TV sa kanyang kwarto. Masyado kasing marami ang nilabhan niya kanina.

Mag-isa lang niya iyong ginawa dahil ayaw niyang maulit ang nangyari sa dalaga noong isang linggo na naglalaba sila. Nadulas kasi ito at bumagsak sa lupa.

Hindi niya mapigilan ang sumigaw noon pero mabuti na lang at wala namang nangyari. At sa halip ay tumawa lang ang dalaga sa pagkakadulas nito samantalang pakiramdam niya noon ay hihimatayin na siya lalo na't pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay parang tumigil sa pagkakatibok ang puso niya. Kaya kahit na sinabi ng dalaga na okay lang ito ay tumawag pa rin siya ng Doctor at pinapunta sa bahay niya. Doon na siya nakahinga ng maluwag nang sabihin ng Doctor na wala namang kakaibang nangyari.

Nakatanggap pa siya ng batok dahil hindi siya naniwala sa dalaga.

Tiningnan niya ang orasan na nasa mesa.

Lumaki ang mga mata niya nang alas dose na pala ng hating-gabi.

Napahawak siya sa mga braso nang medyo kumirot iyon dahil sa mga ginagawa niya. Nilabhan kasi niya lahat ng mga bedsheets nila at tulad ng dati ay hindi pa rin pumapayag ang dalaga na gumamit sila ng washing machine at sa halip ay pinakuha pa talaga iyon kay Manong Lito.

Naalala niya ang dalaga kaya mabilis siyang tumakbo palabas ng kwarto habang nakapaa dahil hindi niya mahagilap ang tsinelas.

Halos masubsob pa siya sa kakatakbo papunta sa kwarto ng dalaga na katabi lang ng kanyang kwarto.

He opened the door only to see it empty.

"Gab?!" Tawag niya pero walang sumasagot.

Nag-panic na siya at parang baliw na hinahanap at tinatawag sa bawat parte ng kwarto ang dalaga pero hindi niya nakita. Muntik pa siyang mahulog sa hagdanan dahil madilim ang paligid.

Kinapa niya ang lahat ng switch ng ilaw at in-on lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Maging sa labas ay ganun din ang ginawa niya.

Hinanap niya ang dalaga sa buong bahay pero hindi pa rin niya nakita ang dalaga. Ilang ulit din niya itong tinawag pero hindi din ito sumasagot.

"Sh*t!" Mura niya.

Natataranta na siya at hindi na niya alam ang gagawin. Napapahilamos sa mukha na umupo siya sa hagdanan.

Unti-unti nang namumuo ang galit sa loob niya.

How dare she escaped from him?

Mabilis siyang bumalik sa taas ng kwarto at tinawagan si Manong Lito habang pababa ng hagdan. Malalaki ang lakad niyang lumabas ng bahay habang padamba pang sinirado ang p***o. In-unlock niya ang sasakyan gamit ang remote key na dala niya.

Madilim ang mukha na pumasok siya sa loon niyo'n at malakas na binuhay ang sasakyan at malakas ding pinaharurot.

He swear na kapag nahanap niya ang dalaga ay ikukulong niya ito at kung maaari ay itatali niya ito sa katawan niya.

Lintek lang ang walang ganti!

-------

"Mabuti na lang at nakahanap naman kayo ng rambutan sa buwan ng Enero dahil kung hindi tsugi na sana kayo." natatawang sabi ni Gab habang nakikipag-kwentuhan sa guwardiya na si Manong Ben.

Kinukuwento nito kung paano ito naghirap noong mga panahong buntis ang asawa nito.

Nilagay pa niya sa maliit na mesa ng matanda ang hawak-hawak niyang isang maliit na mangkok na may lamang suka't patis at maraming sili.

Nakitawa rin ito sa kanya. Natigilan lang sila nang makita nila ang paparating na sasakyan ni Khent na sobrang bilis magpatakbo.

Tumayo siya at siya mismo ang pumindot sa de-remote na gate nito.

Masyado itong nagmamadali kaya iniiisip niyang baka may importante itong lakad o may emergency.

Bahagya pang huminto ang sasakyan ng binata sa harapan nila dahil sa dahan-dahang pagbukas ng gate. Hindi ito nakatingin sa kanya at masyadong madilim ang mukha pero kahit gano'n ay nagawa pa rin niyang sumigaw ng paalam dito at masigla pang kumaway.

"Ingat ka Khent!"

Pinaharurot ni Khent ang sasakyan nang tuluyan ng bumukas ang malaking gate at pabigla ring huminto nang sumiklab sa rear mirror niya ang masiglang bulto ng dalaga na kumakaway pa sa kanya.

"F*ck!"

Napabuga siya ng malakas na hangin at galit na lumabas ng sasakyan.

Natigilan naman ito nang makita siya.

"Please, get the car outside!" malakas ang boses na utos niya sa guwardiya.

"O ba't ka bumalik? May naiwan ka ba?" tanong ng dalaga sa kanya sa mahinahong boses na may halo pang pag-aalala.

Seriously, may gana pa itong tanungin siya nang siya naman ang dahilan?

Galit na nilapitan niya ito at parang isang sakong bigas na binuhat sa kanyang balikat.

"Uy! Teka! Ibaba mo nga ako! Ano bang meron?! Bakit ang seryoso mo ata! Ano ba! Ibaba mo nga ako sabi eh." kontra ni Gab pero hindi siya binaba ng binata hanggang sa makarating sila sa loob ng bahay.

Medyo pabagsak pa siyang ibinaba nito sa sofa.

Kunot naman ang noo na nakatingin si Gab sa binata na namumula pa ang mukha habang pabalik-balik na naglalakad sa harap niya at nakasabunot pa sa buhok.

"Anong nangyari?"

Pinagmasdan niya ang mga dumi sa puting tiles na sahig dahil sa madumi nitong paa na walang tsinelas.

Naka-shorts at sleeveless pambahay lang ito.

Nagulat siya nang malakas nitong sinipa ang maliit na mesa sa harapan niya at nagpira-piraso ang babasaging na mesa.

"Jusko! Teka lang–"

Mabilis niya itong nilapitan bago pa nito matapakan ang mga iyon pero nakalimutan niyang nalaglag pala ang tsinelas niya kaya siya ang nasugatan.

Bigla namang humupa ang galit ni Khent at napalitan iyon ng sobrang pag-aalala nang makita niya ang dugo sa sahig mula sa paa ng dalaga.

Nilapitan niya ang dalaga at binuhat ito at binalik sa pagkakaupo sa sofa.

Umusbong na naman ang galit niya nang makitang hindi lang isa ang sugat sa paa nito kundi tatlo.

Napabuga siya ng malakas na hangin.

Tumakbo siya sa malapit na banyo kung saan kompleto doon ang medicine kit. Hinugasan muna niya ang paa nito nang kung anu-anong nakita niyang likido sa loob dahil wala naman siyang alam sa mga ganito.

Hindi naman siya Doctor.

Natatawa naman ang dalaga sa ginagawa niya. Mabilis niyang tinapos ang pag gamot at pagtali sa sugat nito.

"Thank you." masiglang sabi ni Gab na parang wala lang nangyari.

Tiningnan niya ito ng masama. Tumayo siya at malakas na namang napabuga ng hangin habang napapahilamos sa mukha.

"May problema ba?" mahinahon at parang malambing pang tanong ni Gab sa kanya.

He was very angry when he thought she escaped. But when he saw her there innocently and happily waving at him, he lost all of his anger. Ang buong akala niya ay iniwan na siya ng dalaga, na balewala lang dito ang pinagsamahan nila. At ngayong nakita niyang nasugatan ito ay bumalik naman ang galit niya but seeing her innocent and angelic face, pakiramdam niya ay nawala lahat ng galit niya.

Tumalikod siya at sumigaw ng malakas na malakas. Iyong tipong halos malagutan na siya ng hininga saka niya hinarap ang dalaga.

Ngumiti siya dito na parang wala lang nangyari.

That's his way of expressing his anger.

Pinagmasdan niya ang dalaga habang yakap nito ang mga tuhod.

Naalala niyang ganito din ang ginawa nito noong mga panahong takot na takot ito sa kanya.

"Oh God." mahinang sambit niya.

Lumuhod siya at nilapitan ang dalaga. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat pagkatapos ay hinawakan ang magkabilang pisngi at sinalubong ang mga mata.

Unti-unting lumabas ang mga luha nito, humikbi at malakas na humiyaw.

Oh, dear!

"Shh. Sorry. Sorry. Hindi ko sinasadya. Tahan na." pag-alo niya habang pinunasan ang mga luha nito sa pamamagitan ng mga hinalalaki niya.

Inilapit niya ang mukha dito at pinagdugtong ang mga noo nila.

"Galit ka sa akin eh! A-ano bang... ginawa ko?! Kumain... lang naman ako ng mangga... at nakipagkuwentuhan kay Manong Ben. Wa...la naman akong.... ginawang masama."

"Shh. Sorry na. Kasalanan ko. Nagpanic ako agad nang hindi kita makita. Pinairal ko agad ang galit ko. I was so scared because I thought you escaped and left me. I'm so sorry, okay? Tahan na."

Dinala niya sa dibdib ang ulo ng dalaga at niyakap ito habang magaan ding hinahaplos ang buhok. Bahagya pa niyang hinalikan ng magaan ang tuktok ng ulo nito.

Ilang segundo pa ito humikbi bago tumigil at humiwalay sa yakap.

Tiningnan siya nito na parang naninigurado.

"Hindi ka galit sa akin?" Tunog bata na tanong nito sa kanya habang nakanguso ang mga labi.

Tumango si Khent at ngumiti.

"Just don't do it again. It makes me go crazy and turn into a different person."

Niyakap niya ito.

Ngumiti naman si Gab nang maramdamang hindi na galit ang binata. Parang batang niyakap din niya ito.

---------

"Nasaan si Manong Ben? Kahapon ko pa siya hindi nakita. Pinaalis mo ba?" naiinis na tanong ni Gab sa binata nang dalawang gabi na niyang hindi makita ang guwardiya.

Iba na kasi ang nakikita niyang nakabantay sa labas tuwing gabi at iba naman sa umaga.

Nagpaalam muna si Khent sa kabilang linya bago nilingon ang dalaga. Medyo nagulat pa siya sa biglang pagpasok nito sa kwarto niya.

Inayos niya ang pagkakatali sa bath robe niya at lumapit sa dalaga.

Ayaw sana niyang malaman ng dalaga na pinaalis niya ang guwardiya pero hindi niya alam na hahanapin pala nito ang matanda.

"Why are you looking for him? I'm here." sabi niya.

Hindi niya alam kung anong meron sa guwardiya na yon at palagi nitong pinupuntahan gabi-gabi. Halos isang linggong tumatambay ang dalaga sa guard house. Alam niyang wala siyang karapatang magselos pero hindi niya iyon mapigilan lalo na't pakiramdam niya ay inaagawan siya nito ng oras sa dalaga at mas masaya ang dalaga kapag kasama ito.

"Khent, iba ka, iba din si Manong. Mas gusto ko siyang makausap eh. Bakit mo pinaalis?" unti-unti ng namumuo ang mga luha sa mga mata ni Gab.

"Gab, you can also talk to me the way you talk to him. Walang pinagkaiba yon. Pareho naman kaming lalaki."

"Pero Khent hindi mo dapat pinaalis! May pamilya siyang binubuhay! Pabalikin mo si Manong."

Naiinis na napabuga ng hangin si Khent at napakalot sa ulo.

Pinaalis na niya at wala na siyang balak na pabalikin pa ang matanda dahil may pride din siyang pinaglalaban.

"Gab, lahat pinagbibigyan kita but this time, no. I'm here pero gabi-gabi kang pumupunta sa guard house. Hindi mo ba alam ang nararamdaman ko? Ginagawa ko naman ang lahat para sumaya ka. Hindi pa ba sapat yon para sa'yo? Pinapatawa naman kita. Hindi ka ba masaya sa akin? Kulang pa ba ang mga binigay ko sa'yo?"

Kumunot ang noo ni Gab dahil sa mga sinasabi ni Khent.

"Anong... pinagsasabi mo?"

Natigilan si Khent sa tanong ng dalaga.

Tiningnan niya ito sa mga mata. Pakiramdam niya ay malalasing siya sa pagkakatingin nito sa kanya kaya itinaas niya ang tingin.

Lumapit siya dito samantalang umaatras naman ang dalaga.

Itinukod niya ang kanang kamay habang mabilis naman niyang nilagay sa likuran ng ulo ng dalaga ang kaliwang kamay niya bago pa tumama ang ulo nito sa semento sa kaka-atras.

Tumingin ito sa kanya.

"Ayaw mo na ba talagang ibalik si Manong Ben?" malungkot na tanong ni Gab habang namamasa na ang mga mata.

"In one condition." sabi ni Khent na nagpasigla ng mga mata nito.

"Ano?" inosenteng tanong ng dalaga.

Matagal bago sumagot si Khent.

Iniisip pa niyang sasabihin ba niya o hindi. Nagdadalawang-isip siya pero buo na ang isipan niya na gagawin niya ang lahat mapasakanya lang ang dalaga.

He may still not sure about his feelings for her dahil sa sariwa pa niyang sugat pero hindi naman niya hahayaan na malayo ang dalaga sa kanya. He would do everything to keep her.

"Promise hindi na ako masyadong magpapagabi–"

Hindi na niya pinatapos ang dalaga.

He pulled her towards him and kissed her. Pinagtagpo lang niya ang mga labi nila ng ilang segundo.

She didn't move. Humiwalay siya at tiningnan ang dalaga.

Mariin itong nakapikit.

He find it cute.

Ngumiti siya at hinalikan ito ulit.

This time, he tried to open her mouth with his lips and kissed her gently. Matagal bago sumunod ang dalaga.

Maya-maya pa ay maingat niyang itinaas ang mga hita nito at pinalibot sa baywang niya.

Ang kaninang dahan-dahan ay naging marahas na.

Nakakalasing kasi ang mga inosenteng pagtugon nito sa halik niya.

Nahulog ang isang paa nito at ibabalik niya sana habang idiniin ang pang-ibabang parte ng katawan niya nang bigla itong natigilan.

Mabilis na lumayo sa kanya at nanginginig na napayakap sa sariling mga balikat.

Tatanungin niya sana kung anong problema pero huli na siya dahil mabilis ng tumakbo palabas ng kanyang kwarto ang dalaga.

Naiwan si Khent na tulala at naguguluhan.

Mabilis na ini-lock ni Gab ang p***o ng kanyang kwarto at sumandal doon.

Niyakap niya ang sarili at nanghihinang napapaupo.

"No, it can't be him." nanginginig niyang sabi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Best Mistake   Chapter 43-END

    Nagkagulo ang mga tao pero kahit ganun ay ipinagpatuloy at sinunod naman ng pari ang sinabi ni Khent kahit natataranta ito lalo na ng makita nito ang namimilipit na mukha ni Gab at ni Khent habang malakas na pinipisil ni Gab ang kamay ni Khent."... I may now pronounce you Mom and Dad este! Husband and wife." sabi ng Pari.Ininguso ni Khent ang labi pagkatapos niya dali-daling kinuha ang veil ni Gab at hahalikan sana si Gab pero sapak ang nakuha niya dito."Nandyan na! Nandyan na ang hospital–este! Ang Ambulansiya! Dumating na!" sigaw naman ni Jake saka dali-daling lumapit kina Khent at Gab."Gab, lalabas na ba? Chill ka lang. Tara... dalian mo."Hinampas siya ni Khent sa ulo."Gago! Bakit ako ang hinihila mo para paunahin sa labas eh si Gab ang manganganak.""Ay, oo nga pala.""Come on, Gab. Kaya mo yan." sabi ni Khent sa asawa nang bahagyang huminto si Gab.Hindi sumagot si Gab at dahan-dahang bumaba ang tingin sa tubig na dahan-dahang bumasa sa kanyang damit."My water broke..." na

  • The Best Mistake   Chapter 42

    "Are you done?""No, wait.""What the h*ll Khent. Hindi ba maubos-ubos yang tae mo? Lumabas ka na dyan. Ikaw ang groom pero mukhang si Gab pa ang maghihintay sayo sa altar?"Hindi pinansin ni Khent si Jake at nagpatuloy sa kanyang ritwal sa inidoro. This is his second marriage but he is very nervous that made his stomach ache so much. Sa tingin niya ay hindi maubos-ubos ang mga namamasang tae sa tiyan niya."This is f*cking embarassing." he said and then farted so loud."Oh God!" inikot ni Jake ang mga mata saka pinaypayan ang sarili bago lumabas ng banyo."Where is he?" tanong ni Mrs. Santiago sa kanya."He is still inside, pushing out all of his intestines.""I thought he took a tablet.""Yeah, pero malala ata talaga ang tiyan niya Tita. I think his stomach is rotten."Tumawa na lang si Mrs. Santiago at nakihintay na rin sa labas. Mga ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na si Khent na puno ng pawis ang buong mukha habang namumuti naman ang mga labi."Khent, are you sure, you're

  • The Best Mistake   Chapter 41

    "Hayyy!" Halos hindi na niya mabilang ang pagbuntong-hininga niya habang naghuhugas ng mga plato."Khent kapit ka lang. This is your life. Fighting!" Parang baliw na kausap niya sa sarili at hindi sinasadyang nadulas sa kamay niya ang sinasabunan niyang babasaging malaking bowl at nahulog sa sink na may mga babasagin ding mga plato na naging dahilan nang pagkahati ng bowl sa dalawa."Oh God!""Khent!""Ayan na agad si parusa." Bulong niya."Kheeeent!" Malakas na sigaw ni Gab sa itaas kaya nagmamadaling hinugasan ni Khent ang mga kamay at halos maiyak na umakyat sa hagdan habang lihim na nagdadasal."Hayy, Lord. Magkapangalan tayo. Please. Tulong." Bulong niya saka dahan-dahang pinihit ang seradura.Nagulat pa siya nang madilim sa loob pagkabukas niya ng pinto."Gab? Ano... P-pasensiya. Hindi ko sinasadya. The bowl slipped in my hand.""Turn on the lights.""Huh? O-oo." Dahan-dahan at nanginginig ang kamay na kinapa niya ang switch ng ilaw kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata sa pag

  • The Best Mistake   Chapter 40

    "Di ka pa rin napatawad? Paskong-pasko mamaya." Pang-aasar ni Jake sa pinsan habang nakaupo ito sa tabi niya at si Gab naman ay nasa tapat ng malaking mesa kung saan ay malayong-malayo kay Khent.Simula nong maparusahan sila ay hindi na ito tumabi sa kanya at sa halip ay sa bakanteng kwarto ito sa ilalim natulog.Khent stared at Jake's braided hair. Gawa pa ito ni Gab kanina at pinaresan pa ng malaking hair band na may malaking ribbon sa ulo.Ngumiwi siya."And you call this being lucky when you look like a sick idiot?"Binelatan siya ni Jake saka nagpatuloy sa pagkain.The celebration is only simple and Gab invited the people that she treat like her family especially Anthony na hanggang ngayon ay hiyang-hiya pa rin na kasama sila.Tutulungan sana ni Khent si Gab nang mahulog ang tinidor nito sa mesa pero inunahan siya ni Anthony kaya umingos na lang siya.Nang matapos silang kumain ay nanuod sila ng fireworks na pinaputok nina Anthony at Manong Lito sa malaki nilang bakuran.They wer

  • The Best Mistake   Chapter 39

    Khent woke up after hearing the loud sound of the helicopter outside.Bumangon siya sabay sipa kay Jake."Hmm... ang dilim pa sa labas. Ang ganda naman dito mala-switzerland kung kukuha lang ng malaking kahoy na natumba sa kalsada. Helicopter talaga." inaantok pang sabi ni Jake saka bumangon din at naghikab.Tumayo si Jake nang sipain ulit siya ni Khent para buksan ang pinto nang may kumatok doon ng paulit-ulit."Ang aga naman-""Good morning sir. Nakahanda na po lahat. Kayong dalawa na lang po ang kulang.""Eh?" half-asleep pang sabi ni Jake nang hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya si Anthony na pormang-porma sa uniform nito."Oh Sh*t." mura ni Khent saka mabilis na nagbihis habang si Jake naman ay saka lang natauhan at dali-daling kinuha ang cellphone at sumunod agad kay Khent nang nagmamadali itong lumabas sa kwarto."Dude, it's four in the morning." reklamo ni Jake kay Anthony habang pababa sila."It's the CEO's order.""Oh really? What the hell, Khent! Gusto mo talagang m

  • The Best Mistake   Chapter 38

    Ikinuyom ni Khent ang kanyang kamao nang makita si Rocky na nakaupong nakayuko habang nagbabantay sa natutulog nitong ina.Dahil malayo sila nakatira ay inabutan pa sila ng apat na oras na biyahe lalo na't maulan at traffic pa sa daan. Gabi na rin nang makarating sila sa hospital.Khent cleared his throat to get Rocky's attention before getting inside."Gago..." galit na bulong ni Jake nang ngumisi pa si Rocky sa kanya na para bang hindi ito nagulat sa pagdating nila."Jake, calm down. We're here to settle." bulong ni Khent sa kanya."Oh, hindi ko inaasahan na makikita ko ang dati kong barkada sa high school.""Gago..." galit ulit na sabi ni Jake."Look Rocky, we came here to settle.""Sinabi ba ni Gab yan sayo? Bakit wala siya? Nagtatago ba? Hindi pa siya nakapagsalamat sa amin."Khent tried to calm himself."Naalala ko dati kung gaano ka pa ka-desperadong-desperado na bilhin ang kapatid ko. Kung hindi ko lang siya kadugo ay siguradong sa akin siya napupunta.""Jerk! Do you know what

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status