Share

Chapter 2

Author: MissPhilosopa
last update publish date: 2026-10-21 15:52:56

"Good afternoon Mr. Antipuesto." bati ng babaeng Doctor nang lumingon si Khent kasabay ang dalawang nurse na kasama. Isang tao lang ang nasa isip niya kung bakit kilala siya ng Doctor. At iyon ang ina niya.

O pwede ring kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang negosyante sa pilipinas.

"What happened to her?" halos bulong pa niyang pagkakatanong dahil medyo nanunuyo pa ang lalamunan niya sa pangyayari.

"Nagka-bleeding po siya."

"What do you mean?" kunot-noong tanong niya.

"The patient is ten weeks pregnant–"

"What?!" Hindi niya mapigilang mapasigaw.

Of course gusto niyang siguraduhin kung tama ba ang rinig niya. Wala naman siyang problema sa pandinig kaya sigurado siya na tama ang rinig niya.

She's pregnant. He don't need to ask about the father. Of course he knew it's his.

"Is she okay? How about the baby? What happened to the baby? Is the baby okay?" sunud-sunod niyang tanong.

"Relax Mr. Antipuesto. The patient is safe now but make sure not to stress her out. Medyo mahina ang kapit ng bata but don't worry we did our best already."

Nagpasalamat siya sa Doctor pagkatapos nitong magpaalam. Lihim din siyang nagpasalamat sa maykapal.

Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya. Naroon ang saya, takot, kaba, hiya at iba pa. Saya dahil, sa wakas ay nasa harapan na niya ang dalaga at matutupad na ang pangarap niya na magkaroon ng anak. Takot at kaba dahil sa magiging reaksiyon ng babae kapag nagising ito.

Naguguluhan din siya.

Paano nakilala ng ina niya ang dalaga?

Sigurado siyang walang nakakaalam sa ginawa niyang pagkulong sa dalaga maliban sa pinagkakatiwalaan niyang si Dory na nagbabantay dito.

Sinabihan ba ni Dory ang mama niya para tulungan siya na mahanap ang dalaga dahil naniniwala ito na ito ang may kasalanan kung bakit nakatakas ang dalaga?

There's a part of him na masaya siya sa ginawa ni Dory pero may part din sa kanya na hindi niya nagustuhan ang ginawa nito. Akala ba niya mapagkakatiwalaan niya ito na wala itong pagsasabihang iba.

Pinagmasdan niya ang maamong mukha nito. Mas maganda pa lang tingnan ang dalaga kapag malapitan. Noon kasi nakikita lang niya ito sa CCTV camera habang kasama nito si Dory sa loob ng kwarto nito. Ngayon lang niya nasilayan ang mga maaalon at malalantik na mga pilik-mata nito at kahit hindi pa niya nakikita ang kulay ng mata nito ay sigurado siya na maganda din iyon. Dahil bago siya pumasok sa kwarto ay sinigurado niya na mahigpit ang pagkakatali nito at pagkakatakip ng mga mata.

Yes, she never see him. Gusto niyang manatiling nakatago ang sarili niya sa dalaga hanggang sa dumating ang panahon na makuha na niya ang nais na makamit mula dito. And yes he just want a f*cking child. Why not? He paid her family at wala siyang nakikitang mali sa ginagawa niya dahil kusang ang mga pamilya ng dalaga mismo ang nagbigay sa kanya kapalit ng malaking halagang pera.

Iyon ang pangarap niya—ang magkaroon ng masayang pamilya. Pero malabo ng mangyari yon dahil ang babaeng pangarap niyang maging ina sa mga magiging anak niya ay may plano din pa lang magkaroon ng pamilya sa ibang lalaki.

Pero kahit gano'n ay handa niyang tuparin ang pangarap niyang magkaroon ng pamilya kahit walang ina. Hindi na niya kailangan ng isang inang gumagabay sa anak niya kung pwede din naman siyang tumayong maging nanay ng anak niya. Gagawin niya ang lahat para sa anak niya.

Dahil para sa kanya tanging isang anghel na lamang ang nag-iisang magpapasaya sa kanya. Hindi siya magiging katulad ng ama niya na subsob sa trabaho at kinalimutan ang pamilya. He would balance the time with his work and his child. At kung pwede nga ay karga-karga niya ang anak niya sa kabilang kamay habang nagtratrabaho naman ang kabilang kamay niya ay gagawin niya. He would spoil his child with both his time and love.

Wala siyang pakialam kung ano man ang sabihin ng iba.

Natigilan si Khent sa ginagawang paghimas sa tiyan ng dalaga nang mapagtantong nakatitig na pala sa kanya ito. May konting kaba ang bumalot sa kanya lalo na't hindi nagsasalita ang dalaga at nanananitili lang na nakatingin sa kanya.

Siyempre kinakabahan siya dahil paano kung bigla na lang magsusumigaw ang dalaga. Alam niyang hindi siya nito kilala kaya hindi malabong magsisigaw ito ng tulong dahil may strangherong manyak na humihimas sa flat na tiyan nito. Not to mention na itinaas pa talaga niya ng kaunti ang suot nitong hospital gown para maramdaman niya ang tiyan nito sa palad niya.

Lumunok si Khent. Tumikhim at parang napapasong binawi ang kamay sa flat pa nitong tiyan at nahihiyang umayos ng upo sa gilid ng kama nito. Muntik pa siyang mahulog dahil hindi tumama ang pang-upo niya sa higaan.

Tumikhim siya at hinanda niya ang sarili para sa isang eksplenasyon ng bigla itong ngumiti.

Angel.

"Hindi pa po gumagalaw yan kasi sabi ni Mrs. Santiago sa akin dugo pa daw iyan sa loob. Kailan pa po kayo dumating? Pasensiya na po, dahil po ata sa kapabayaan ko–"

"You know me?" hindi makapaniwalang tanong ni Khent habang itinuro ang sarili.

Tumango si Gab at ngumiti.

Of course paano niya hindi makikilala ang nag-iisang anak ni Mrs. Santiago na palagi nitong kinikuwento sa kanya. Naniniwala siya sa sinabi ni Mrs. Santiago na mabait ang anak nito. Mapapansin na iyon sa mukha ng binata. Gwapo at maamo ang mukha. Mrs. Santiago's right. He really looks like Theo James pero mas maamong tingnan ang mukha nito.

At mas gwapo.

"Palagi po kayong kinukwento sa akin ni Mrs. Santiago. Noong una hindi pa kita masyadong makilala dahil sa picture lang naman po kita nakita pero sabi ni Mrs. Santiago kapag kilala ko daw ang aktor na si Theo James sa movie na Divergent ay makilala ko daw agad kayo. Pasensiya na po naabala ko pa ata kayo. Alam ko pong busy ka na tao–"

Hindi pa rin talaga nagbabago ang mama niya. Proud na proud pa rin ito sa kanya pagkatapos ng nangyari.

Napabuntong-hininga siya.

He need to talk to his mom para humingi ng sorry sa nagawa niya at para rin bigyang kasagutan ang mga katanungan niya pero saka na lang iyon dahil mas importante sa kanya ngayon ang babaeng nasa harap niya na matagal na niyang hinahanap.

"No, no its okay. Actually, I'm on leave kaya ako ang naatasan niyang magbantay sayo. She needs to fly to Canada for a personal reason."

Lies. But not in his mother's fly part dahil habang nasa daan siya ay nagtext si Mrs. Santiago sa kanya na may kailangan itong aasikasuhin sa Canada at siya muna daw ang mag-aalaga sa taong pupuntahan niya. His mother really knew that he would come to the note that she gave to him. Dahil alam ng mama niya na hindi niya minamaya-maya ang isang bagay na nakakapagpapagulo ng isip niya.

He clenched his jaw pero sinikap niya na hindi iyon mahahalata ng dalaga.

What the f*ck is wrong with him? Bakit kailangan pa talagang umabot sa on-leave ang pagsisinungaling niya?

Oh well, siguro mabuti na rin na mag-leave muna siya. And anyway what do technologies do nowadays?

Makakagawa pa rin naman siya ng trabaho gamit ang computer kahit nasa bahay lang siya.

Minsan ng nakatakas ang babaeng ito kaya hindi na siya papayag na mawawala ulit ito sa mga kamay niya. Never again.

At ngayon ang magiging simula ng leave niya. The f*ck. Kahit kailan ay hindi siya nag-leave sa trabaho niya. Puro lang siya cancel the meeting kung gusto niyang makasama si Lovely noon. Hindi naman ito nagrereklamo kapag sobrang busy niya. He was so happy that lovely was not just loving but understanding too. Huli lang niya napagtanto na kaya pala hindi ito nagrereklamo dahil inaaliw naman pala nito ang sarili sa tuwing busy siya. Sa sobrang pagmamahal niya dito ay hindi niya napansin na matagal na pala siya nitong niloloko. At hindi lang si lovely dahil pati din ang buong pamilya nito. Alam ng pamilya ni Lovely na may kinakasama na itong ibang lalaki pero pumapayag pa rin ang mga ito na makasal sila at sa halip ay pinapadali pa ang araw ng kasal. For the sake of money. F*ck them. Good thing dahil sa halos isang taon nilang kasal ni Lovely ay hindi naman nito nakuha ang lahat ng yaman niya because he wasn't that stupid enough. Ngayon may sarili ng kompanya ang pamilya ng babae at kinakalaban pa talaga siya ng mga ito. Pero kahit ano mang gawin nila ay hindi nila siya mapapataob. Maling tao ang kinakalaban nila.

"Naku, hindi na po kailangan sir. Masyado na po akong pabigat kay Mrs. Santiago. Kaya ko naman po ang sarili ko. Siguro babalik na lang po ako sa amin."

He will not let that happen. Of course she's bringing his baby. Kailangan niyang makaisip ng paraan para makumbinsi ang dalaga na sumama sa kanya.

"Look, ever since na dumating ka sa buhay ni Mommy ay tinuring ka na niyang parang anak and she would feel disappointed to me kung hindi ko sundin ang gusto niya na alagaan ka. And I don't want that to happen."

Okay, that was lie number two.

Hindi niya alam kung saan niya napulot ang mga salitang iyon na lumalabas sa bibig niya at mas lalong hindi niya alam kung kailan nagkakilala ang dalawa. Saka na lang niya iisipin iyon. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang makumbinsi ang dalaga na sumama sa kanya.

Hindi siya marunong sa pagsisinungaling dahil hindi naman niya ugali iyon. Mrs. Santiago raised him as a fine good man.

"Pero Sir, ayoko pong maging pabigat sa inyo. Tama na po na inaalagaan niya ako at tinulungan."

Tinulungan? What did she mean?

Gusto niyang tanungin ang dalaga kung ano ang ibig nitong sabihin pero wala siyang panahon doon. Umakto na siya na parang alam kung paano nagkakilala ang dalawa dahil iyon ang kailangan.

"Hindi kayo magiging pabigat–I meant also the baby."

"Nakakahiya naman po sa inyo. Maraming salamat na lang po Sir pero kaya ko na po ang sarili ko. At huwag po kayong mag-alala kung nag-alala man po kayo sa baby. Hindi ko naman po ito pababayaan kahit bunga po ito ng madilim kung karanasan. Mamahalin ko pa rin naman po ito." ngumiti ang dalaga pero hindi iyon umabot sa mga mata nito.

Hindi niya mapigilan ang mapatulala. Sa kabila ng mga ginawa niya dito ay hindi man lang nito kinamumuhian ang naging bunga niyon?

Ha, sa tingin nito ay maniniwala siya? Heto nga at nasa hospital ito ngayon dahil siguro naisipan nitong ipalaglag ang anak niya pero hindi nagtagumpay.

"Maghahanap na lang po ako ng trabaho."

Magtatrabaho ito para pagurin ang sarili at malaglag ng kusa ng bata? Sinong lolokohin nito?

Bumuntong-hininga si Khent at kinalma ang sarili.

Patience Khent. Patience.

"Hindi makakabuti para sayo ang magtrabaho pero since gusto mo naman talaga sige pagbibigyan kita. Doon ka na lang magtrabaho sa bahay ko dahil sa ganung paraan ay mababantayan pa rin kita. Okay ba yon sayo?"

Nag-isip pa muna ito bago tumango.

Gotcha!

Sa huli ay napapayag din niya ito.

Ha, the hell she can work. Hindi niya ito papayagan kahit humawak man lang ng walis o di kaya ay pinggan kung gustuhin nitong maghugas. Hindi niya ito hahayaan. Sigiguraduhin niyang lalabas na buo at malusog ang anak niya.

Kanina nga ay halos gusto niya itong pagsabihan sa ginawa nitong pagkakaupo sa kama.

Kaya niyang gawin lahat ng trabaho sa bahay para sa anak niya. O sa magiging anak nga lang ba niya?

-MissPhilosopa

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Best Mistake   Chapter 43-END

    Nagkagulo ang mga tao pero kahit ganun ay ipinagpatuloy at sinunod naman ng pari ang sinabi ni Khent kahit natataranta ito lalo na ng makita nito ang namimilipit na mukha ni Gab at ni Khent habang malakas na pinipisil ni Gab ang kamay ni Khent."... I may now pronounce you Mom and Dad este! Husband and wife." sabi ng Pari.Ininguso ni Khent ang labi pagkatapos niya dali-daling kinuha ang veil ni Gab at hahalikan sana si Gab pero sapak ang nakuha niya dito."Nandyan na! Nandyan na ang hospital–este! Ang Ambulansiya! Dumating na!" sigaw naman ni Jake saka dali-daling lumapit kina Khent at Gab."Gab, lalabas na ba? Chill ka lang. Tara... dalian mo."Hinampas siya ni Khent sa ulo."Gago! Bakit ako ang hinihila mo para paunahin sa labas eh si Gab ang manganganak.""Ay, oo nga pala.""Come on, Gab. Kaya mo yan." sabi ni Khent sa asawa nang bahagyang huminto si Gab.Hindi sumagot si Gab at dahan-dahang bumaba ang tingin sa tubig na dahan-dahang bumasa sa kanyang damit."My water broke..." na

  • The Best Mistake   Chapter 42

    "Are you done?""No, wait.""What the h*ll Khent. Hindi ba maubos-ubos yang tae mo? Lumabas ka na dyan. Ikaw ang groom pero mukhang si Gab pa ang maghihintay sayo sa altar?"Hindi pinansin ni Khent si Jake at nagpatuloy sa kanyang ritwal sa inidoro. This is his second marriage but he is very nervous that made his stomach ache so much. Sa tingin niya ay hindi maubos-ubos ang mga namamasang tae sa tiyan niya."This is f*cking embarassing." he said and then farted so loud."Oh God!" inikot ni Jake ang mga mata saka pinaypayan ang sarili bago lumabas ng banyo."Where is he?" tanong ni Mrs. Santiago sa kanya."He is still inside, pushing out all of his intestines.""I thought he took a tablet.""Yeah, pero malala ata talaga ang tiyan niya Tita. I think his stomach is rotten."Tumawa na lang si Mrs. Santiago at nakihintay na rin sa labas. Mga ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na si Khent na puno ng pawis ang buong mukha habang namumuti naman ang mga labi."Khent, are you sure, you're

  • The Best Mistake   Chapter 41

    "Hayyy!" Halos hindi na niya mabilang ang pagbuntong-hininga niya habang naghuhugas ng mga plato."Khent kapit ka lang. This is your life. Fighting!" Parang baliw na kausap niya sa sarili at hindi sinasadyang nadulas sa kamay niya ang sinasabunan niyang babasaging malaking bowl at nahulog sa sink na may mga babasagin ding mga plato na naging dahilan nang pagkahati ng bowl sa dalawa."Oh God!""Khent!""Ayan na agad si parusa." Bulong niya."Kheeeent!" Malakas na sigaw ni Gab sa itaas kaya nagmamadaling hinugasan ni Khent ang mga kamay at halos maiyak na umakyat sa hagdan habang lihim na nagdadasal."Hayy, Lord. Magkapangalan tayo. Please. Tulong." Bulong niya saka dahan-dahang pinihit ang seradura.Nagulat pa siya nang madilim sa loob pagkabukas niya ng pinto."Gab? Ano... P-pasensiya. Hindi ko sinasadya. The bowl slipped in my hand.""Turn on the lights.""Huh? O-oo." Dahan-dahan at nanginginig ang kamay na kinapa niya ang switch ng ilaw kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata sa pag

  • The Best Mistake   Chapter 40

    "Di ka pa rin napatawad? Paskong-pasko mamaya." Pang-aasar ni Jake sa pinsan habang nakaupo ito sa tabi niya at si Gab naman ay nasa tapat ng malaking mesa kung saan ay malayong-malayo kay Khent.Simula nong maparusahan sila ay hindi na ito tumabi sa kanya at sa halip ay sa bakanteng kwarto ito sa ilalim natulog.Khent stared at Jake's braided hair. Gawa pa ito ni Gab kanina at pinaresan pa ng malaking hair band na may malaking ribbon sa ulo.Ngumiwi siya."And you call this being lucky when you look like a sick idiot?"Binelatan siya ni Jake saka nagpatuloy sa pagkain.The celebration is only simple and Gab invited the people that she treat like her family especially Anthony na hanggang ngayon ay hiyang-hiya pa rin na kasama sila.Tutulungan sana ni Khent si Gab nang mahulog ang tinidor nito sa mesa pero inunahan siya ni Anthony kaya umingos na lang siya.Nang matapos silang kumain ay nanuod sila ng fireworks na pinaputok nina Anthony at Manong Lito sa malaki nilang bakuran.They wer

  • The Best Mistake   Chapter 39

    Khent woke up after hearing the loud sound of the helicopter outside.Bumangon siya sabay sipa kay Jake."Hmm... ang dilim pa sa labas. Ang ganda naman dito mala-switzerland kung kukuha lang ng malaking kahoy na natumba sa kalsada. Helicopter talaga." inaantok pang sabi ni Jake saka bumangon din at naghikab.Tumayo si Jake nang sipain ulit siya ni Khent para buksan ang pinto nang may kumatok doon ng paulit-ulit."Ang aga naman-""Good morning sir. Nakahanda na po lahat. Kayong dalawa na lang po ang kulang.""Eh?" half-asleep pang sabi ni Jake nang hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya si Anthony na pormang-porma sa uniform nito."Oh Sh*t." mura ni Khent saka mabilis na nagbihis habang si Jake naman ay saka lang natauhan at dali-daling kinuha ang cellphone at sumunod agad kay Khent nang nagmamadali itong lumabas sa kwarto."Dude, it's four in the morning." reklamo ni Jake kay Anthony habang pababa sila."It's the CEO's order.""Oh really? What the hell, Khent! Gusto mo talagang m

  • The Best Mistake   Chapter 38

    Ikinuyom ni Khent ang kanyang kamao nang makita si Rocky na nakaupong nakayuko habang nagbabantay sa natutulog nitong ina.Dahil malayo sila nakatira ay inabutan pa sila ng apat na oras na biyahe lalo na't maulan at traffic pa sa daan. Gabi na rin nang makarating sila sa hospital.Khent cleared his throat to get Rocky's attention before getting inside."Gago..." galit na bulong ni Jake nang ngumisi pa si Rocky sa kanya na para bang hindi ito nagulat sa pagdating nila."Jake, calm down. We're here to settle." bulong ni Khent sa kanya."Oh, hindi ko inaasahan na makikita ko ang dati kong barkada sa high school.""Gago..." galit ulit na sabi ni Jake."Look Rocky, we came here to settle.""Sinabi ba ni Gab yan sayo? Bakit wala siya? Nagtatago ba? Hindi pa siya nakapagsalamat sa amin."Khent tried to calm himself."Naalala ko dati kung gaano ka pa ka-desperadong-desperado na bilhin ang kapatid ko. Kung hindi ko lang siya kadugo ay siguradong sa akin siya napupunta.""Jerk! Do you know what

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status