'Fuck!' sabi ni Massimo sa kaniyang isip nang makita niyang nagstop ang dalawang sasakyan na binabantayan niya.
"What happened? Bakit kayo huminto?" seryosong tanong ni Massimo mga guard na nasa loob ng kotse.
"Meroon pong tatlong kotse ang humarang sa amin, Sir."
"What? Bakit niyo lang sinabi sa akin ngayon?" Mas naging seryoso ang mukha ni Massimo dahil sa narinig niya.
Itinigil niya ang kaniyang motor sa gilid at lumapit sa mga guard.
"Sir," sabi ng mga ito ay nagbow sa kaniya. "We already checked, kung sino ang mga taong humarang sa amin at confirmed po. Sila ang mga tauhan ng mga Florante. Kasama rin po nila si Hidalgo Florante."
Napabuntong hininga si Massimo at tinignan ang sasaktan kung nasaan ang mag-ina.
"Ano po ang gagawin natin, Sir?" Napatingin si Massimo sa guard nila.
"Bantayan niyo ang sasakyan na 'yan. Ako na ang bahala kay Hidalgo." Tumungo ang mga tauhan niya at hinarap si Hidalgo. Nakaharang ang mga tauhan nito ay mga motor sa kanila. Kaya kailangan niyang harapin ang mga ito.
"Massimo, hindi ko inaaasahan na makakaharap kita ngayon."
"Well, I didn't know na ikaw ang haharang sa akin."
"Ibigay mo na lang sa akin ang mag-ina na 'yan. Para wala na tayong problema." Napangisi si Massimo ay lumapit kay Hidalgo. Hindi naman naalarma si Massimo nang itutok ng mga tauhan ni Hidalgo ang mga baril nito kay Massimo.
"Kahit anong gawin mo, Hidalgo. Hindi mo ako mapapatay. Kaya umalis ka sa harap ko kung gusto mo pang mabuhay." Tumawa nang malakas si Hidalgo. Kaya kumunot ang noo ni Massimo.
"Ang galing mo magbiro, Massimo. Alam ko namang may tinatago ang Montanelli na sikreto at balang araw malalaman ko rin 'yun."
"Umalis ka sa harap ko." Nagtinginan ng seryoso sina Massimo at Hidalgo. Kaya napangiti na lang si Hidalgo. Alam niya na hindi niya matatakot ang isang Montanelli, dahil ilang beses na niyang nakalaban sa labanan ang isa sa pamilya nila, pero hindi siya nagwawagi. "Alam kong alam mo na hindi mo ako matatalo. Kaya padaanin mo ako. Kung ayaw mong sumabog 'yang bungo mo," dagdag pa ni Massimo.
Umiling si Hidalgo at inutusan ang kanilang mga tauhan niya na gumilid para makadaan sina Massimo.
Tinignan ni Massimo si Hidalgo ng nakakatakot na parang sinasabi nito na kapag nakita siya ulit nito, ay sisiguraduhin niya na pupugutan niya na ito ng ulo.
"Let's go," walang ganang sabi ni Massimo sa mga tauhan niya.
Habang naglalakad si Massimo papunta sa kaniyang motor, ay nakita niya ang mga mata ni Celina na nagtataka kung ano ang nangyayare, pero nawala ang pagtataka na 'yun nang makita niya rin ang mga maya ni Massimo. Binuksan kasi ng driver ang pintuan ng kotse kaya nagkatinginan sila.
Nang makasakay sa motor si Massimo, ay agad niyang binigyan ng signal ang kaniyang mga tauhan na umandar na dahil kapag hindi ito umandar, ay baka magbago pa ang isip ni Hidalgo at magkaroon pa ng labanan sa daan na ito.
Habang binabaybay nila ang daan, ay biglang tumawag ang uncle ni Massimo sa kaniya.
"What?"
[What happened? Hindi ba sinabi ko sa'yo na alagaan mo sila?]
"That's the fuck I did."
[Ano pala ang mangyare? Bakit kinakabahan ang fiance ko?]
"Uncle, they're safe, you don't have to worry about anything. I'm the one who's in charge so rest assured that nothing is going to happen."
[Just make sure that they will get here safe.]
"That's what I am doing right now. So, please let me concentrate?"
[Ok, then.]
Nang mamatay ang tawag, ay agad na napailing si Massimo. Gustong-gusto niyang suntukin si Hidalgo kanina, pero pinipigilan niya ang sarili niya dahil ayaw niyang magkaroon ng gulo kung nasaan ang dalawang babae na pinoprotektahan niya. Meroon pa namang next time at kapag dumating na ang oras na 'yun, ay sisiguraduhin niya na, na papatayin niya ang lalaking 'yun.
Masyado nang madaming atraso sa kaniya si Hidalgo. Kaya para hindi na iyon madagdagan, ay tatapusin niya na ang buhay ng lalaki. Hindi na rin dapat binubuhay ang mga Florante dahil ang pamilyang Florante, ay isa sa magagaling na kalaban ng mga Montanelli.
Nang makapasok sila sa ginto at malaki na gate ng mansion ng mga Montanelli, ay biglang namangha ang mga mata ni Celina, pero hindi niya iyon pinahalata sa kaniyang ina.
Madami na siyang napapanood na mga movie na sobrang yaman ng mga bida, pero hindi niya alam na madami rin pa lang mayaman sa bansa nila.
“Ito na ang magiging tahanan natin, Celina. Sana magustuhan mo rito, dahil may bago ka nang pamilya.” Tinignan ni Celina ang kaniyang ina, pero hindi niya ito sinagot.
Ok lang naman sa kaniya kung isang mahirap ang mapapang-asawa ng kaniyang ina, basta masaya ito, pero hindi naman niya inakala na sobrang yaman ng mapapang-asawa nito.
Habang binabaybay nila sa daan papunta sa mismong mansion ng mga Montanelli, ay kahit malayo pa sila, ay makikita mo na agad ang laki at ganda ng mansion. Kasama na rito rito ang mga malalaking puno, mga damo, at mga makukulay na bulaklak na pumapaligid sa mansion
Nang makalabas sila ng sasakyan, ay bumungad sa kanila ang isang lalaki na nakasuite. Nakangiti ito sa kaniyang ina at agad itong niyakap.
“I missed you, darling,” mahinang sabi ni Mexion sa kaniyang magiging asawa.
“Oh, muntikan ko pang makalimutan.” Umalis sa yakap si Celine kay Maxion at lumapit kay Celina. “Ito ang anak ko na matagal ko nang kinekwento sa’yo. Siya si Celina.”
Lumapit si Mexion kay Celina para yakapin ang babae. Kaya wala nang nagawa si Celina kung hindi ang yakapin na rin si Mexion.
“Welcome to the family, Celina.” Nginitian ni Celina si Mexion. Hindi pa rin kasi tumatatak sa utak niya na may bago na siyang pamilya at hindi niya pa kilala ang mga ito. Kaya hindi niya alam kung pagkakatiwalaan niya ang mga bago niyang pamilya.
“Don’t mind her, sweetheart,” sabi ng kaniyang ina at lumapit na ulit kay Mexion. Mukha namang masaya ang nanay niya sa magiging asawa niya. Kaya magiging masaya na rin siya.
Niyaya na silang pumasok sa mansion ni Mexion. Kaya nakita ni Celina kung gaano kaganda ang loob ng mansion. Kung maganda sa labas, mas maganda sa loob. Dahil para kang pumasok sa isang castle.
“Hindi mo naman sinabi sa akin na napakalaki pala ng bahay niyo,” nahihiyang sabi ni Celine. Unang beses niya lang din kasi nakapasok sa isang magandang mansion at nahihiya siya dahil sa kaniyang suot.
“Lahat ng ito, ay magiging sa’yo kapag kinasal na tayo.”
“Talaga? Hindi ko naman kailangan ng mga kayamanan, darling. Dahil ikaw ang gusto ko.”
Umirap na lang si Celina. Hindi siya sanay na maging ganito ang kaniyang ina. Para tuloy silang nagiging gold digger. Iyon pa naman ang ayaw ni Celina na pag-isipan sila na isang gold digger.
Pero tatanggapin niya na lang siguro dahil hindi naman masama maging mayaman.
Eenjoyin niya na lang ito dahil minsan lang siya maging mayaman.
Kanina pa ako nakaupo rito sa sofa habang pinagmamasdan ang mga estudyante na masayang kumakain. Ito namang si Noah ay hindi mapakali dahil kanina niya pa ako niyayaya na libutin ang school na 'to. pero hindi ako pumapayag dahil mas gusto ko na si Massimo ang kasama ko. Ayaw ko naman sabihin sa kaniya na ayaw ko siyang maging tour guide dahil baka maoffend siya, kaya ang sinasabi ko na lang ay tinatamad akong maglakad."Samahan mo na lang ako kung saan nagmemeeting sina Massimo, dahil may kailangan akong sabihin sa kaniya." Tamad kong tinignan si Noah kaya napakamot na lang siya ng ulo. "Bakit? Hindi ko ba pwedeng istorbohin si Massimo kapag nasa meeting? May kailangan lang talaga akong sabihin sa kaniya.""Pwede naman, pero hindi kasi gusto ni Massimo na iniistorbo siya lalo na kung nagmemeeting sila. Baka mawala lang siya sa mood.""Pinsan niya ako kaya hindi naman siguro siya magagalit kung may sasabihin lang ako sa kaniya." Nakita ko siyang tumungo kaya tumayo siya sabay harap sa
Celina's Point of View*Nalula ako sa sobrang laki at lawak ng school na nasa harap ko ngayon. Hindi siya makapaniwala na meroon pa lang school na malapalasyo ang datingan. Siguro sobrang yaman ng mga estudyante rito at sa sobrang yaman nila, ay parang mga royalty na ang datingan.Nasa paaralan ba talaga ako? Totoo ba itong nakikita ko? Kung dito ako mag-aaral, ay malaking opportunity ito para sa ako. Maaari akong magkaroon ng magandang kinabukasan. Pero sa sobrang ganda ng school na ito magkano naman ang tuition dito? Napapaisip tuloy ako kung bagay ba ako rito o hindi."Sorry for keeping you waiting." Napatingin ako kay Massimo nang narinig ko ang boses niya sa likod ko. Meroon siyang dala na brochure at ibinigay sa akin nang makalapit siya sa akin. "Nandiyan lahat ng mga kailangan mong malaman tungkol sa paaralan na ito. Basahin mo 'yan ng maayos para makapagdesisyon ka kung dito ka mag-aaral.""I don't think kailangan ko pang basahin 'to para lang makombinsi ko ang sarili ko na ri
Third Person's Point of View*Tumatakbo si Nirvana habang ang kaniyang mga katawan, ay nanginginig, pati na rin ang kaniyang mga luha, ay patuloy na lumalabas sa kaniyang mga mata.Natatakot at kinakabahan siya para sa kaniyang kaibigan. Ang akala niya, sabay silang lalabas para maging ligtas, pero hindi niya inakala na papasok pa rin ang babae sa loob para lang tulungan ang mga ibang estudyante na makatakas. Hindi niya alam ang nangyayare sa loob ng paaralan ngayon, pero ginagawa niya ang sinabi sa kaniya ni Xia na tawagan ang pangalan na Maxio. Hindi niya kilala kung sino 'yun, pero iyon ang unang nakita niya sa calls ng kaibigan kaya iyon ang paulit-ulit niyang tinatawagan. Ang hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi man lang sumasagot ang lalaki.Kung kailan kailangan ng tulong ni Xia, ay doon naman wala ang pamilya niya para tulungan niya. "Sumagot na kayo please!" nanginginig na saad niya sa kaniyang sarili habang nakalagay ang cellphone ni Xia sa kaniyang tenga. Kanina
Meaxiana Point of View* "Nirvana," tawag ko sa aking kaibigan, pero hindi niya ako pinapansin dahil busy siya sa kakabasa ng isang libro na ang pamagat ay 'All I Want Is You' it's a romance novel. Kaya hindi ako makarelate sa binabasa niya dahil wala naman akong balak magkaroon ng asawa. "Vana!" sigaw ko kaya ibinaba niya ang kaniyang libro sabay nakakunot na tumingin sa akin. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin. Pinagpalit mo na ba ako ngayon sa libro mo? Hindi mo ba nakikita na nabobore na ako rito?" Bumuntong hininga si Vana at inilagay ang libro niya sa kanyang bag kaya napangiti ako. "Bakit kasi hindi ka rin magbasa? Iyon lang naman ang inaatupag natin dito sa garden ng school." "Wala ako sa mood magbasa ngayon dahil nagugutom ako. Sa tingin mo ba masarap ang pagkain ngayon sa canteen?" "Pareparehas lang naman ang pagkain doon kaya huwag ka na maghanap ng masarap. Kung gusto mo ng masarap sa labas tayo kumain." Tumayo si Vana kaya tumayo na rin ako. "Tara
Habang kinakantahan nila si Noah ay nakatingin lang ako kay Massimo na nakatayo sa sabi ni Noah. Seryoso lang ang expression nito na parang hindi siya masaya na birthday ng kaniyang kaibigan.Ako naman ay nasa tabi lang, dahil ayaw kong makipagsiksikan sa mga taong nakaligod sa kanila. Kaya tahimik lang ako rito habang hinihintay si Massimo. Gusto ko na sanang magpahinga na dahil kanina pa ako pagod, pero ayaw ko namang pigilan si Massimo sa gusto niyang gawin. Kaya sumama na lang ako sa kaniya. Saka nakikita ko naman sa kaniya na gusto niya na nandito siya kahit hindi halata sa kaniyang mukha.Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa sabay pinicturan ng patago si Massimo. Pagkatindot ng pagkapindot ko ng button, ay tumingin si Massimo sa camera kaya mabilis kong tinago ang phone ko, pero mas napunta ang atensyon ko nang biglang lumitaw sa screen ko ang pangalan ng nanay ko.Nakalimutan ko siyang tawagan kanina pagkapunta ko sa lugar na ito. Bago ko sagutin ang tawag, ay lumabas mu
"Are you ready to go home?" Napahawak ako sa noo ko nang agad kong naalala na wala pa pala akong tutulugan dito. Buti na lang at pinaalala sa akin ni Massimo. Hindi ko pa naman alam kung saan ako matutulog at gabi na rin. "What? Are you okay?" Tinignan ko ang nag-aalalang mukha ni Massimo sabay ngumiti ng pilit."Hindi ko pa alam kung saan ako matutulog ngayon. Pagdating na pagdating ko kasi rito, ay dumeretsyo agad ako sa'yo. Hindi ko na naisip kung saan ako matutulog ngayon." Nakita kong ngumisi si Massimo sabay ginulo ang buhok niya."It's ok, you can sleep in my apartment," seryosong sabi niya sabay tingin sa akin na parang hinihintay niya ang magiging sagot ko. "What? I will accept a no for an answer. You're my girlfriend, I can't let you sleep somewhere without me," dagdag niya pa kaya hinawakan ko ang kamay niya."Hindi ka ba natatakot na baka magalit ang magulang ko kapag nalaman nila ang relasyon natin?" Biglang nagbago ang aura niya na kaya nagkaroon ng saglit na katahimikan