Share

Kabanata 2

Author: Middle Child
last update Huling Na-update: 2024-12-02 11:26:42

"Ano'ng sinabi mo?" sa kabila ng panghihina ay naintindihan niya kung ano ang sinasabi nito. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng marinig iyon at napatingin sa doctor. Hindi siya makapaniwala dito, paanong hindi magiging anak ng asawa niya ang batang dinadala niya?

"Pasensya na,Sapphire." Hindi makatingin si doctor Romualdez sa kanya dahil sa pagkahulog ng konsensya: "Nung dumaan ka sa akin para sa IVF, nagkamali ang assistant doctor sa pagkuha ng tamang sperm test tube. Nang malaman ko, huli na na ang lahat."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?" may luha sa kanyang mga mata ng malaman iyon. Labis na nadurog ang kanyang puso.

"Pasensya na, talagang pasensya na." Humagulgol si doctor Romualdez at naputol ang boses sa pag-iyak: "Alam mo naman ang kalagayan ng pamilya ko, at ang ospital ay pag-aari ng pamilya Briones. Kung malaman nila na nagkamali ako ng ganito kalaking pagkakamali, siguradong mawawala ako sa trabaho at pati lisensiya ko ay maaaring mawala."

Wala nang masabi pa si Sapphire. Ang sikreto ng kanyang pagbubuntis ay biglaang dumating kung kailan, nasa kritikal na siyang sitwasyon. Hindi siya maaaring maging mahina ngayon. Kailangan niyang mag isip upang mapangalagaan ang kanyang anak.

Habang tahimik silang dalawa, biglang dumating ang nars, kaya naudlot ang kanilang pag uusap. “Nasa kabilang operating room ang asawa ni Sapphire doc, binabantayan ang operasyon ng ibang pasyente.”

"May puso ba siya?" Hindi napigilan ni doctor Romualdez ang sigaw: "Kung hindi niya itinulak si Sapphire para sa ibang babae, hindi sana nauwi sa ganito. Paano ba siya..."

Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin, dahil pinigilan siya ni Sapphire sa braso, saka ito nagsalita ng kalmado.

"I-salba mo ang bata." pakiusap nito sa kanya.

"Pe-pero Sapphire–."

"Kung hindi man anak ni Dexter ang bata,siya naman ay anak ko,." nakangiti niyang sabi, “buti na lang at hindi ito anak ng aking asawa. Mas maluwag kong tatanggapin sa aking puso ang aking anak. Buti na lang at sinabi mo sa akin ang katotohanan.”

Masyado ng malupit ang buhay para sa kanya. Paano niya maaatim na ang kanyang anak ay ibigay sa dalawang taong nagtaksil sa kanya? Hindi niya iyon pahihintulutan.

“Napabuntung hininga ang doctor, saka hinawakan ang kanyang mga kamay, may awa sa mga mata nito at sinabi sa kanya, “sige, isasalba ko ang buhay niyong mag ina..”

“Naniniwala ako sayo doc. Kapag nailigtas mo ang anak ko, makikipaghiwalay ako agad kay Dexter..” determinado ang tinig ni Sapphire ng mga sandaling iyon.

—--

Tatlong oras ang mabilis na lumipas..

Habang pinapalakas ng doctor ang loob ni Sapphire, iniharap niya ang baby sa ina, “tingnan mo kung gaano kaganda ang anak mo,” siya ay naiiyak sa labis na tuwa habang hawak ang batang nakabalot sa lampin. Ipinakita niya iyon sa babae.

Pinilit imulat ni Sapphire ang kanyang pagod na mga mata, at nakaramdam ng ginhawa ng makita ang kanyang anak na tangan ng doctor. Labis ang saya ng kanyang puso ng mga sandaling iyon.

Nasa kasiyahan sila, ng biglang bumukas ang pinto ng operating room, at nagsalita ang taong naroroon, “kailang matatapos ang operasyon? Nakatanggap kami ng ulat na may sinaktang tao ang babaeng nagngangalang Sapphire Briones. Kailangan agad siyang mailipat sa pangangalaga ng kapulisan.”

Nanginig si Doctor Romualdez habang hawak ang bata, at tumingin sa pinto na waring naguguluhan, “tumawag ng pulis ang asawa mo, upang arestuhin ka.”

Ang ngiti ni Sapphire ay biglang napawi. Hindi niya akalaing ganoon kalupit ang lalaki. Hindi makapaghintay na mamatay siya, at kunin ang kanyang anak upang makasama nila ng kanyang kakambal. Kung malalaman ng lalaki na hindi niya anak ang bata, baka kung ano pa ang gawin nito.

Wala na siyang pagpipilian. Nagdisisyon siya ng biglaan, para na rin sa kaligtasan ng kanyang supling, “Doc, may paraan ba, upang maibigay sa tunay niyang ama ang bata?”

Alam niya, na gusto iyon ng tatay nito, dahil kaya ito nagpreserved ng sperm, upang magkaanak. Gusto ng lalaki na maging tatay.

Biglang nagpanic si Doctor Romualdez.

“Si-sigurado ka ba sa nais mo?” mahina lang ang usapan nilang iyon.

Tumango siya bilang pag sang ayon.

Tinitigan siyang maigi ng doctor, pati na ang batang bagong panganak. Parehong mahina ang mag ina, nakonsensiya ang doctor, saka nagsalita, “pangako.. Gagawin ko ang nais mo..”

Napabuntunghininga si sapphire. Buo na ang kanyang disisyon. Hindi siya papayag na bigyan ng kasiyahan ang kanyang asawa at ang kabit nito.

“Huwag mong alalahanin ang mga pulis sa labas. Hanapin mo ang tatay ng anak ko, at sabihin mo sa kanya, na naipanganak na ang bata..” utos niya dito.

KInausap ni doctor Romualdez ang nars, at napatingin ito ng may awa kay Sapphire, saka tuluyang lumabas ng operating room.

Hindi pa nagtatagal, pumasok sa operating room si Dexter, na matalim ang mga mata.

“Kumusta ang anak ko?” tanong niya sa doctor na kaharap.

“Pasensiya na sir, hindi pa stable ang lagay ni Sapphire..” sabi ng doctor habang nakatingin ng malungkot kay Dexter.

“Wala akong pakialam sa kanya, ang kailangan ko ay ang bata, nasaan siya?” may pagkahari kung mag utos ang lalaki na parang siya ang Diyos ng lahat.

“Labis na pagdurugo ang nangyari sa asawa mo dahil sa tindi ng pagkakatulak mo sa kanya,” may diin na wika ng doctor, “hindi na namin naisalba ang bata. Nais mo ba siyang makita? Patay na siya noong ilabas, hindi na humihinga..” malamig na tiningnan ng doctor si Dexter, dala na rin ng pagkainis niya sa nangyari.

Napatingin si Dexter sa babaeng nakahiga sa operating table. Hindi niya alam kung bakit parang may kumurot sa kanyang puso. Ang babaeng iyon ay walang emosyon, na hindi niya nakikita noon.

Sa kanyang alaala, si Sapphire ay babaeng puno ng buhay. Masiyahin siya at laging masigla. Hindi gaya ni Emerald na laging malungkot at parang kailangan ng karamay.

Ilang taon na ang nakakalipas, ng magdonate ito ng bone marrow para sa kanyang lolo. Ganito din ang eksena noon. Nakahiga ang babae sa operating table, may mga matang kumikislap na kapag nakatingin sa kanya ay mababanaag ang labis na paghanga.

Ngunit sa sandaling iyon, walang bakas ng kasiyahan o kalungkutan sa mga mata ng babae. Malamig lang itong nakatingin sa kanya, saka nag iwas ng tingin, na para bang inalis na siya ng tuluyan sa puso nito.

Subalit ang damdaming ipinakita ng babae, ay parang nagbigay sa kanya ng labis na inis. Hindi siya sanay sa ganoong klase ng pakikitungo nito sa kanya. Lagi itong nagbibigay sa kanya ng masayang mukha at masigasig na ngiti. Biglang sumikip ang kanyang dibdib.

Pinigilan niya ang kanyang damdamin bago nagsalita, “sige..”

Wala naman siyang magagawa, anak niya iyon, kaya nais pa rin niya iyong makita.

Si Sapphhire ay nakatingin lang sa kisame at hindi nagsasalita. Nagtama pa ang mata nila ni Doc Romualdez na sa tantiya niya ay kinakabahan din.

Bitbit ang buting lampin kung nasaan ang natutulog na bata, unti unti itong iniaabot ng doctor kay Dexter. Kinakabahan siya na baka malaman ng lalaki na niloloko lang nila ito.

Pigil ang hininga, itinaas ni Dexter ang kanyang kamay, upang abutin ang puting lampin na nasa braso ni Doctor Romualdez.

Habang papalapit na ang kanyang mga kamay sa bata, isang nars ang humihingal na dumating at tinawag siya.

“Mr. Briones, si Miss del Mundo ay nasa kritikal na kalagayan sabi ng doctor..”

Napatigil ang kamay niya sa ere, at mabilis na umikot palabas ng silid ng walang pag aalinlangan.

Itinaas ni Sapphire ang kanyang braso sa kanyang noo. Tumawa siya ng sobrang pait at kalungkutan. Ang pag agos ng likidong iyon mula sa kanyang mga mata, ay hindi maampat. Wala siyang salitang makuha para ilarawan ang sakit na kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.

Ganito pala ang magiging wakas ng pagmamahal niya kay Dexter. Ngayon, naiintindihan na niya.

Ang mga taong nagmamahal ng tapat kay Dexter, ay binabalewala nito at pinapasakitan. Kokontrolin ang buhay pero hindi tutugunan ang pagmamahal. At talagang ipinakita nito na wala itong pagmamahal sa kanya, ni katiting, dahil kahit sa huling sandali ng buhay ng anak nito, ang babaeng mahal pa rin nito ang kanyang piniling puntahan.

Hindi siya kayang mahalin ng lalaki, kahit kailan. At doon, dumaloy ang pagsisisi sa kanyang puso.

Matapos ang ilang oras, ang mga pulis sa labas ay hinuli siya, at dinala sa kulungan. Hindi makapaghintay ang asawa niya na hindi siya itapon sa bilangguan at ng patuloy na nitong makasama ang kanyang kakambal.

Isang linggo ang ginawang pagdinig sa kaso niya, at nakasuhan siya ng intentional injury. Nagkaroon ng panganib sa buhay ng biktima at hinatulan siya ng limang taon na pagkakabilanggo.

—----

LIMANG taon ang matuling lumipas…

Bumukas ang dalawang bakal na pinto ng correctional kung saan nanirahan si Sapphire ng limang taon.

Isang payat na katawan ang mabagal na lumakad palabas ng gate, suot ang isang maternity dress suot niya noong mapasok sa lugar na iyon. Hindi siya nagmamadali na umalis tulad ng karamihan na nakakalaya. Sinipat niya ang building na iyon na may mataas na pader, huminga ng malalim at tumayo ng maayos. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid.

Mula sa edad na bente hanggang bente-singko, dahil lang sa pagmamahal sa maling tao, kailangan niyang ilibing ang pinakamagandang taon ng kanyang buhay dito. Kailangan niyang magsakripisyo dahil lamang sa kamaliang nagawa niya na ang mga taksil niyang minamahal ang may kagagawan.

"Sapphire…."

Isang pamilyar na boses iyon sa kanya, na kung maaari ay ayaw niyang marinig.

Biglang kumabog ang kanyang puso, at ang mga mata niya ay parang mga alon sa tubig. Hindi niya maintindihan, ngunit iyon ay dahil sa galit.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 3

    Hindi kalayuan, isang lalaki ang lumabas ng sasakyan at tumitig sa payat na pigura ng babae na bagong laya. May habag sa mga mata ni Dexter ng makita ang asawa. Marahil, ang limang taong sentensiya sa babae ay masyadong mahaba, kaya ito ay nagbunsod sa ganitong klase ng pangangatawan nito. Biglang

    Huling Na-update : 2024-12-02
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 4

    Nang makita niyang malapit nang mahulog ang bata, tumakbo si Sapphire at inabangan ang malambot na katawan ng bata sa kanyang mga bisig: "Kumusta? Nasaktan ka ba?" nag aalala niyang tanong dito. Nang mas mapansin, mas naging halata na may mga maseselang at guwapong features ang bata, at siya’y cute

    Huling Na-update : 2024-12-02
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 5

    Habang nasa kwarto, nakatayo si Sapphire, at nakatingin ng diretso sa pintuan, kung saan pumasok si Dexter. Agad niya itong tinanon, “bakit ka nandito? Para sa iyong disney princess?” “So, ano ngayon? Anak ko siya, at gagawin ko ang lahat, para sa kanya,” may angil sa tinig ni Dexter. “Ngayon, nil

    Huling Na-update : 2024-12-02
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 6

    Biglang pinamulahan ng mukha si Liam ng makita ang hitsura ni Sapphire. Sira ang damit ng babae, at may bahagyang luha sa mga mata. Itinulak niya ito papasok sa loob ng kwarto."Alam kong nahihirapan ka sa pagpili ng damit na susuotin mo, kaya tutulungan na kita." sabi niya sa babae. Bigla siyang na

    Huling Na-update : 2024-12-04
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 7

    Hindi siya nagulat sa kung paano nagawa ni Ezekielang lahat ng iyon ng mag isa. Sa katunayan, kahit sino na nakakita sa lalaki nang personal ay hindi magugulat sa kanyang mga nagawa.Ang ikinagulat niya lamang ay kung bakit determinado ito na iwan ang pamilyang Briones. Ngunit ito rin ang dahilan ku

    Huling Na-update : 2024-12-04
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 8

    Nang ang lahat ay handa na, ang kalangitan ay madilim na ng labis, at ang paligid ay napuno na ng ilaw. Ang gabing ito, ay isa sa pinakamahalagang araw sa kanya. Dahil patutunayan niya sa kanyang asawa, na siya ay isang talentadong babae, at hindi niya hinahangad na basta na lang kumobra sa kayaman

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 9

    Andap na nag isip si Sapphire, ang kanyang mata ay nakatutok sa lalaki, at biglang ngumiti nang maluwag: "Bakit ganyan ka? Bakit hindi tayo mag-inom muna at magkakilala, at pagkatapos pirmahan mo ang kontrata, marami pa tayong oras para mag-relax." Mahaba niyang binigkas ang mga huling salita, at

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 10

    “Ganun ba?”Mababa ang boses ni Ezekiel, at bahagya niyang iginawi ang kanyang mga labi sa paraan na mahirap matukoy kung siya’y masaya o galit. Nakatingin siya ng masama kay Rico.Sa sumunod na sandali, ang tunog ng mga kamao at malalapit na banggaan ay parang kulog na mahina, hinaluan ng malutong

    Huling Na-update : 2024-12-07

Pinakabagong kabanata

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 487

    "MAHAL kong Emerald!' nakipagkita si Lucas kay Emerald matapos niyang kontakin ang lalaki."Diyan ka lang," pigil niya sa lalaki, "wag ka ng masyadong lumapit at naiirita ako sayo!""Bakit naman, mahal ko?" hindi pa rin napigilan ng lalaki ang lumayo sa kanya. Agad siyang niyakap nito, "miss na miss

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 486

    "Anong ginagawa mo?" tanong ni Dexter kay Emerald saka inalis niya ang mga braso ng babae na nakapulupot sa kanya."Ba- bakit? sasabayan kitang maligo.." nakangiti nitong sagot habang tinitingnan ng lalaki."Manatili ka na lang diyan, nagmamadali ako. Madami pa akong gagawin, at pupuntahan ko pa si

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 485

    "NASAAN si Mila?" tanong ni Emerald sa isang katulong na nakasalubong niya. Hindi siya pinansin ng babae, kaya hinawakan niya ang braso nito, "bastos kang talaga! kinakausap kita hindi ba?""Hindi ko alam, " hinila ng katulong ang kanyang braso palayo kay Emerald."Hoy, muchacha, baka nakakalimutan

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 484

    MULING kumontak sa kanya si Ronaldo kinabukasan, matapos nitong makausap ang kanilang katulong na nais mam black mail sa kanya."Makipagkita ka muli sa akin, sa dating lugar.. maghanda ka.. alam mo na ang pagdadaanan mo, bago ka makapasok.." iyon ang huling bilin ng lalaki sa kanya.Malamang, pagkak

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 483

    Matapos ang lahat, ang pustahan ay umayon aky Sapphire. Nanalo siya sa lalaking maraming tattoo. Lugmok ito sa sahig matapos niyang sipain ng isa sa hinaharap nito. Doon pa lang niya naisipang mag angat ng kanyang paningin at makita ang lalaking hinahanap sa itaas, umiinom ng alak at nakatingin sa

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 482

    Mga alas-otso ng gabing iyon, nagtago si Sapphire mula sa nurse na nagrarounds, tahimik na lumabas ng ospital, at sumakay ng taxi patungo sa address na ipinadala sa kanya ng lalaki. Isang bloke ang layo mula sa destinasyon, ang driver ay umapak sa preno nang maaga sa tabi ng isang kalye na may sira

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 481

    Nag-alinlangan si Sapphire at nanatiling tahimik. Mula sa babae, natutunan niya ang isang ganap na kakaibang bersyon ng kanyang sarili.Bagamat magulo ang kanyang alaala, ayon sa paglalarawan ng kausap, nanatili siyang kalmado matapos niyang itulak si Ara sa bintana. Wala man lang emosyon, at tila b

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 480

    Kasabay nito, bahagyang kumunot ang noo ni Ezekiel.Sa mesa, itinaas ni Leila ang kanyang tingin na may ngiti sa labi. Bahagyang lumaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Sapphire—halatang gulat na gulat siya sa biglaang pagdating nito. Hindi rin inaasahan ni Sapphire ang presensya ng babae s

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 479

    Huminga ng malalim si Sapphire at tahimik na lumakad palabas ng bahay ng pamilya nila, na para bang walang nangyari.Sa hapon ding iyon, nakaparada nang maayos sa driveway ang isang convoy ng mga itim na sasakyan—kumikinang ang mga katawan ng mga ito sa ilalim ng araw, waring sumasalamin sa kanilang

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status