Grellen's POV
Nakaka-pitong araw palang ako sa Durless residence ngunit muntik nang pumalo sa 150 over 100 ang blood pressure ko dahil sa kamalditahan ng amo kong sobrang arte, sobrang demanding, ni pagbati hindi magawa! Tindi kung mang-snob ano, artista ka, 'teh? Kung wala lang akong kailangan sa babaeng 'to, nakatikim na ito ng sabunot sa 'kin! Isusunod kita sa bilasang hipon na fiance-kuno ni William! Doble-ngudngod pa ang aabutin mo! Matapos ko lang talaga ang misyon ko dito, yari ka sa 'kin, Madam! Working here isn't always hectic or busy. Sadyang may mga panahong mai-imbyerna ka sa ugali ni Madam Durless. Wicked. Bossy. She has no consideration aside from the fact na nagsinungaling ako para ma-hire ako as her butler. Hay naku! During my first week here, natutunan kong gumising nang maaga pa sa alas-sais. 5:00 am palang, humihikab na ako palabas ng maid's quarters para ipaghanda ng almusal si Madam. Exactly 6:00 pm, I'll wake her up. May times na lumampas lang ng limang minuto na hindi ko siya ginising, aba, binuhusan niya ang kamay ko ng dala kong kape! Thankfully, may suot akong gloves pero masakit pa rin, e. Sa takot kong maulit 'yon at tuluyan nang malapnos ang balat ko, sinikap kong i-adjust ang body clock ko para paggising ko ng alas-singko, sakto pa rin ang tulog ko. Although, medyo nahihirapan pa, I think kakayanin naman. My main objective here is to make her fall for me, bagay na napakahirap palang gawin. Malay ko ba kasing may tinatago palang kasungitan ang babaeng 'yan? I was fooled by her actions way back in circus. Maybe she's just trying to pretend like she's having fun. There's only one way I can think of and that is to make sure she would be proud of me. But how? I'm nothing but a clumsy useless idiot. Hindi gano'n kadaling matutunan ang mga bagay-bagay ng isang bagsakan lang. It takes a lot of time and effort. Then again, I won't give up. Now's not the time to lose hope over some things na 'di ko pa alam. Mags-strive ako to make everything possible. I'm a billionaire butler and I've never had something I didn't get. Well, except for William. Argh, sariwa pa rin ang sugat na iniwan niya sa puso kong mas virgin pa sa wetpaks ko! Papunta ako ngayon sa pugad ng mangkukulam at malapit nang mag-six o'clock. Last night, she ordered me not to bring anything. Pag-iisipan pa raw niya kung anong kakainin niya today. Huh, ang arte ng bwisit! Maka-asta akala mo taga-royal family. Hoy, wala tayo sa Inglaterra! Kumatok ako bago pumasok. Medyo madilim pa sa loob dahil nakababa ang mga kurtina. "Madam, wake up, alas-sais na po," I greeted but she's not waking up. "Madam Durless." Niyugyog ko nang mahina ang braso niya pero wa epek. Dapat pala'y nagdala ako ng mag-asawang takip ng kaldero tapos pag-umpugin ko malapit sa tenga niya. De joke lang, baka ma-trigger ang dragona. Bugahan pa ako ng apoy. Lumapit ako nang konti pa. Sarap na sarap siya sa pagtulog at kahit sino'y hindi gugustuhin na gisingin siya dahil ang bait-bait ng mukha nito kapag nakapikit. Also, her long eyelashes fits to her endless beauty. She's like Aurora, a young woman who's been waiting for the prince to save her through true love's kiss. Sandaling napawi ang inis ko kay Madam at napalitan ito ng admiration. I love seeing her like this. Muling bumabalik sa alaala ko ang unang beses na nakita ko siya sa circus. How cheerful she was. How she acted so wild and free. I was wondering why is she acting so cold and mean to us? Akala ko ba naman, makakasundo ko siya. "You look so cute when you're sleeping. Hindi bagay sa 'yo na tawaging Madam. Ang sabi ni Angelique, twenty-five ka lang 'ata. You love to call yourself Madam sa ganda mong 'yan?" wala sa sariling naibulong ko kay Madam. All of a sudden, the realization hits me as I covered my mouth. What am I saying? You're lunatic, Grellen! Complementing that bitch isn't part of your job! Paano kung magising 'yan? I slapped myself for me to wake up in reality na hindi ako mahuhulog sa babaeng gagamitin kong instrumento para mabawi ko ang aking kayamanan. "I think Malds suits you better. Bagay pa sa ugali mo. M*****a!" pambawi ko sa papuring ibinigay ko kanina. I heard soft moans, indicated that she's starting to open her eyes. Shit, mukhang narinig pa yata ng gagita ang huli kong sinabi! Madam did some stretching before she rise from her bed. Sumandal siya sa headboard ng kama. Her blanket covers half of her body so I couldn't see even her legs and feet. Stop blabbering, Grellen! Eh, ano naman kung 'di visible ang paa niya? Saway ng isip ko. Ewan ko ba, basta may nase-sense akong kakaiba sa kanya. "Good morning, Madam," bati ko ulit sa babaitang 'to. She didn't greet back as I expected. "Bring me crossini rolls and a cup of black tea. I wanna see how good you are in tea making." I'm safe. She didn't hear anything. "Ah! Yes, Madam, right away!" taranta kong sagot. Ano raw? Tea as in 'yong muntik nang i-serve ni Angelique sa 'min noong job interview ko? Shit, paano 'yon? "Now leave," utos niya na basta kong sinunod. Dali-dali akong lumabas ng kuwarto ni Madam habang kamot-kamot ang aking ulo. Despite the fact that I hate tea, I don't know how to make one. Wala naman sa 'min ang mahilig sa tsaa! Saka ang alam ko, binu-brew ang tsaa, hindi gaya ng mga nabibili sa stores. Now, how am I gonna make a butler-style sosyal na black tea? Medyo tanga rin ako, nakalimutan kong magpaturo kina Sir Frank at Angelique samantalang one week na akong pagala-gala sa mansyon. Madalas kong gawin? Magtimpla ng kape, mag-assist at ako rin ang pumipili ng susuotin ni Madam na talagang inaraw-araw niya ang pagsusuot ng gown dahil puro 'yon ang laman ng wardrobe niya. 'Yong totoo, ano bang meron sa mahahabang damit na 'yan? May peklat ba siya sa binti at tinatago niya ang mga paa niya? Anyways, I left with no choice. Bulabugin ko muna si Angelique. Dumiretso ako sa maid's quarters at tinangka kong katukin si Angelique. Ngunit sumagi sa isip kong puyat pala siya kagabi dahil may pinagawa sa kanya si Madam. Kawawa naman siya kung gigisingin ko. Si Sir Frank kaya? Kahapon pa pala masama ang pakiramdam no'n at inabisuhan siya ni Madam na magpahinga muna. Ano ba 'yan! Paano na 'to? Hay, sakit ka sa ulo, Barbara Durless! I'll pay you back when this is over! I go to the kitchen and explore the cabinets. Naghanap ako ng tea bags baka sakaling may naitago sila rito. Bahala siya diyan. Sa 'di ako marunong, eh. But instead, I found three bottles of... "Food color?" I hold the tip of my chin. Oo nga, 'no. Posible! Puwede na! Ngumiti ako nang nakakaloko. Sabihin mong hindi black tea ito. Itu-Toktok ko 'tong mga bote sa ulo mo! ••• As soon as I'm done preparing my improvised black tea, I returned immediately to Madam Durless' room. Tulak-tulak ko ang trolley na may dalawang crossini rolls at 'yong tsaa gaya ng request niya. "Ba't ang tagal mo? Wala ka na nga masyadong ginagawa, ang kupad-kupad mo pa!" pintas sa 'kin ni Madam. Wow, makareklamo wagas! Ikaw kaya rito, ako diyan sa posisyon mo nang malaman mo ang pakiramdam ng walang experience! Pinili kong balewalain ang kasungitan sa 'kin ng malditang buwisit. "Sorry po," sabi ko. Mula sa tea pot ay isinalin ko ang tsaa sa maliit na tasa. Maingat ko 'yong inabot sa kanya. Bago siya s******p ay sinuri niya pang maigi ang laman ng tasa. Doon ako medyo kinabahan dahil baka mahalata niyang DIY lang 'yong ginawa kong tsaa. May pa-amoy-amoy pang nalalaman. "Bakit ganito 'yong kulay ng tsaa? Black tea isn't dark as this! Ano 'to, black coffee?" reklamo pa nito. Malay ko ba? Clueless ako sa black tea na 'yan. Basta ang alam ko sa tsaa ay walang lasa kapag mainit pa. Saka lang nagiging mapait kapag lumamig na. "Tea po 'yan, Madam." Pinagdiinan ko talagang tsaa 'yon kahit hindi naman. Hahaha! Ayan, literal na BLACK TEA. Laklakin mo! "Wala man lang aroma. What a shame." She clicked her tongue. "Well, here goes nothing." She finally done complaining about my task and now, it's time for test her taste buds. 'Wag sanang mahalata, 'wag sanang mahalata, 'wag sanang mahalata! Bukambibig ng isip ko with matching sign of the cross. Kundi, tapos tayo diyan. Ang mga sumunod na eksena ay hindi ko inaasahang mangyayari. Nasamid ang gaga at muntikan nang tumapon sa kumot niya ang tsaa gawa ng kaka-ubo nito. 'Buti nga sa 'yo! M*****a ka kasi! "Ano ba 'to? Ang tanga-tanga mo! Butler ka ba o kriminal? Papatayin mo 'ata ako, e!" "Sorry, Madam! I don't know how to make black tea so I mixed three food colorings into water to make it black!" sinsero kong sabi. Hindi ko na nagawa pang magsinungaling because if you're gonna put yourself into my damn shoes, you will also get intimidated by her deadly look. "Dumbass!" Napasigaw ako nang buhusan niya ako ng tsaa sa chest part ng aking butler uniform. Ramdam ko ang init na nagbibigay-hapdi sa balat ko nang mga oras na 'yon. "M-Madam, I-I'm sorry! 'Di na po mauulit," sabi ko habang namimilipit sa sakit gawa ng pagkakabuhos niya ng tsaa. She's like a wild tiger who got escaped from her cage. Her madness is driving her crazy na kahit sino'y maaari niyang atakihin. Barbara Durless, you're the most dreadful person I've ever known! "Food color ilagay mo sa hot water? Ang laki mong bobo! Alam mo 'yon?! Wala kang silbi! Anong mapapala ko sa 'yo, aber? Uh, maling-mali ang naging desisyon kong kunin kita! You know why? Because you're such a blockhead moron! Lumayo-layo ka nga sa 'kin at baka 'di kita matansya! Get out!" she screamed at the top of her lungs. Humingi ako ng paumanhin. Sa pagkakataong iyon, patuloy na bumabagsak ang mga luha ko sa sahig habang ako'y nakayuko. "I-I'm terribly sorry." Aaminin kong nasaktan ako sa pagkakatapon niya ng tsaa sa dibdib ko pero lubos na sumama ang loob ko nang pagsalitaan niya ako ng gano'n na para bang ang tingin niya sa 'kin eh salot sa lipunan. Oo, nagkamali ako and I believe there's always room for improvement. Pero 'yong tawagin akong bobo? That's unacceptable. She's scary, yes. But her verbal actions had no difference from how my father treat me. Hindi pa pala ako nakatakas sa kalupitan ng tadhana. May makilala at may makikilala akong tao na sisira sa mood at concentration ko. If this person doesn't change within the next few weeks, it would be a problem. Patakbo akong lumabas at walang anu-ano'y bumalik sa maid's quarters. Aside sa pagdadrama, gagamitin ko muna ang oras na ito para ayusin ang gulong ito.Grellen's POV Seven years later... Day off ng lola niyo kaya naisipan kong mag live home concert sa aming mansyon. Sumayaw, sumunod sa Sexbomb Ibomba mo! Ibomba mo! Sumayaw, sumunod sa Sexbomb Ibomba mo! Ibomba mo! Ibomba natin 'yan, sish! Mag-isa lang ako sa salas. Humahataw, gumigiling at kumekembot habang naka-live sa Peysbuk! Pinupupog din ako ng tawa at papuri sa comment section. Maski 'yong mga kaibigan kong Hapon at mga kasamahan ko sa headquarters, tuwang-tuwa sa ginagawa kong katarantaduhan sa social media. Shocks, I'm famous! Hahaha! So 'yon, konting update lang. Maraming nagbago for the past seven years. Limang taon na kaming kasal ni Barbara at meron na kaming isang anak - si Glen Allen. Glen is six years old at kamukha ko raw, sabi ng nakararami. Trulalu itey, huwag ka! Ilong lang ang nakuha ni Glen sa bruha kong asawa, the rest sa akin minana. Actually, buntis ngayon si Barbara sa pangalawa naming anak at naka-schedule siyang manganak after two months. Babae
Barbara's POV "G-Grellen... Y-you're alive..." I scanned his body from head to toe and then I realized, it's really him! Buhay si Grellen, buhay na buhay! "Sorry for playing tricks on you. It was my whole idea," nahihiya niyang saad. Pumatak ang mga luha ko at maagap kong sinalo iyon gamit ang kamay ko. "Bakit hindi mo sinabing buhay ka? All this time, alam nila Roland na hindi ka namatay sa pagsabog?" May bahid ng pagtatampo sa boses ko. "Sorry, I hide the truth from you because I don't want you to chase me. Disappointed ako noon sa sarili ko dahil hindi kita pinanagutan. As a result, namatay ang anak natin. I keep reminding myself how much I deserve to live without you. Gusto kong mapunta ka sa tamang tao na kaya kang panindigan whatever the circumstances may occur. Hindi sapat ang humingi ako ng tawad sa lahat ng kasalanan ko kaya..." "Kaya ano? Bumalik ka para iparamdam sa akin na wala tayong chance? Na gusto mo akong ipamigay sa ibang lalaki? Anong klase ka? Ang tagal kitang
Barbara's POVSix months later...Mag-isa akong kumakain ng almusal sa hardin kasama ang dalawang espesyal na tao sa buhay ko. They were surrounded by white and red roses. Ang ganda nilang pagmasdan sa malayo.Georgia Barbara Rin BurnettGrell Allen "Grellen Radcliff" Burnett"Six months, seems like six days to me. Anim na buwan na akong nangungulila sa 'yo, Grellen. Nakakalungkot na hindi ko man lang narinig mula sa bibig mo na mahal mo rin ako." It's too late to find out na kanina pa pala ako umiiyak. "Kung nasa'n man kayo ng anak natin, sana masaya na kayo. I pray for the peace of your souls. Thank you for everything, Grellen."Anim na buwan mula nang mangyari ang insidente sa Marina Campania na ikinasawi ng tatumpung katao, including Mr. Burnett, Dori, Gil Michael Burnett and lastly, si Grellen.Though, only his death is not confirmed since they never found any sign of Grellen's body. Wala ring nag-match sa dental records
Grellen's POV "The game is over for you, my dear brother. Checkmate ka na. So if I were you, drop that toy of yours and surrender yourself before I do it for you." Steady lang si Kuya. Bingi-bingihan? Hindi na naawa kay Brenda na mamatay-matay na sa nerbyos dahil sa baril na nakatutok sa kanyang leeg. Sabagay, kung 'yong sarili niya ngang mga magulang, pinapatay niya, e. Ano na lang si Brenda na kababata ko lang, 'di ba? I shall proceed to the next move. For the final plan, darating ang chopper na magsusundo sa amin pabalik ng Codaco bago mag-alas dose ng madaling araw. Speaking of 12 midnight, if I still remember, 'yon ang oras na nakasulat sa papel na nahanap ko sa apartment ni William. Ang magpapatunay na may transaksyon siya sa isang black market auction. Angelina Barbara Liv Durless N$3.5M Marina Campania June 01 at 12:00AM Kung hindi ako nagkakamali, nag-start ang auction kaninang alas-diyes ng gabi. I also can't be wrong about the time that was written on the paper. It'
Grellen's POV Muli akong nakarinig ng dalawang magkakasunod na putok ng baril at kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagbagsak ng katawan ni Dori sa sahig. "Dori!" Hindi man ako lumapit ay alam kong tapos na si Dori. A fatal blow on his chest twice, there's no way he's still breathing at that rate. Ang tanging nagawa ko lang nang mga oras na 'yon ay yakapin ang naghihingalong si Dad. Nakakapit siya sa braso ko, pinipilit dumilat kahit nararamdaman niyang gusto na nitong pumikit. "Dad, please! Don't leave me, lumaban ka! Ngayon mo pa ba ako iiwan, ha? Tanggap ko nang 'di tayo magkadugo at hindi magbabago ang pagtingin ko sa 'yo bilang tatay ko! I love you, Dad! Please, I'm begging you! Don't you dare shut your eyes off!" umiiyak na sabi ko. He coughed, pinipilit nitong magsalita. "I-It's okay, s-son. T-tama lang na kabayaran 'to sa p-perwisyong b-binigay ko sa 'yo... At kay B-Barbara. B-Basta lagi mong tatandaan, m-mahal... Na mahal ka namin ng Mommy mo, anak..." Nawalan ng lakas
Grellen's POV Habang abala si Dad sa pagkaray sa akin sa kanyang secret quarters, inobserbahan ko ang pagpasok ng iilang katao sa pasilyo na malapit sa comfort room. Maliban sa kakaiba nilang kilos ay may hawak-hawak rin silang itim na maskara na katulad ng kay Kuya Gil. Which means, the auction begins in any moment. There's no need to hurry. As soon as I finished my dirty business with Dad, I'll catch those rats one by one. Saktong three minutes ang nakalipas mula nang kausapin ako ni Dad sa baba at ngayon ay papalakad kami sa hallway ng ikatlong palapag. I secretly dropped the shoe before Roland and I crossed to each other's feet. Ongoing pa ang communication naming dalawa kaya malamang, narinig niya ang pag-uusap namin kanina ni Dad sa baba. I cleared my throat thrice, kunwari may nakabarang plema sa lalamunan ko. It's our call sign. If I clear my throat once, I'm in trouble so I want them to send a backup. Twice, an unexpected incident occurred so I command them to stay put an
Barbara's POV Hilo ang una kong naramdaman nang magising ako. Nasa'n ako? Bukod sa bahagyang madilim ay nuknukan din ng init ang lugar, isama mo pa ang malakas na tulog ng makina ng barko. Are we in the engine room? Not sure. The room is filled with boats and other emergency equipment. Probably in a depository. "Ethan?" sabi ko sa taong nakatayo sa sulok. It's a stupid of me not to realize that the man who captured me was Grellen's friend. Maliban sa aming dalawa ay may kasama pa kami sa loob na isang lalaki na busy sa pagkalikot ng maliit na jet ski boat. Anong binabalak niya? Hinawi ni Ethan ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha. "Sorry. Grellen instructed me a while ago." Si Grellen ang nag-utos sa kanya? Bakit? "Why would Grellen do that?" pasigaw kong tanong. The ship engine is such an earsplitting so I need to speak louder. Ethan stepped forward as he sat on the floor where I was sitting right now. "Mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko na nalaman pa ang dahilan kun
Barbara's POV Durless Residence - Afternoon Sa buong maghapon, wala akong ginawa kundi magmukmok sa kwarto. Ang dalawang servants ang naiwan sa mansyon. Si Brenda ay umalis kaninang umaga. Muli niyang dinahilan na meron siyang emergency appointment sa kanyang pasyente kaya kailangan niyang bumalik ng Amerika. Last night, katabi ko si Brenda sa pagtulog. Pero bago 'yon, I've had a one on one talk with Grellen where he proclaimed the word, 'goodbye.' It hurts a lot more than I thought it would. Mas masakit pa sa limang araw na wala siya sa mansyon. Everytime I think about it, parang gusto ko na namang tapusin ang buhay ko. But I made a promise to Grellen - mawala man siya sa landas ko, hinding-hindi ko na tatangkaing kunin ang buhay ko. Mula noong araw na bumalik siya sa mansyon at nagtrabaho bilang butler ko for two days, napatawad ko na siya sa naging atraso niya sa akin at sa anak ko. Nakita ko sa mga mata ni Grellen na hindi niya intensyong pabayaan kami ng sana'y magiging anak
Grellen's POV Marina Campania The time has come. Ang araw ng muli naming paghaharap. Sa araw ring ito, magwawakas ang sigalot. Sisingilin ko silang lahat sa perwisyong idinulot nila kay Barbara at hindi ko hahayaang makalabas sila nang hindi nakakabayad. Especially that William. The gathering begins tonight at six. Our destination is in Lexus City through the luxury liner built by a famous star line for my family - The Marina Campania. Base sa nakalap kong source, ongoing na ang party sa loob ng mismong barko habang lumalayag. Ang part 2 ng celebration ay gaganapin sa newest branch ng Burnett Hotel sa Lexus kung saan may magaganap na ribbon cutting ceremony the next morning. Mukha bang paabutin ko pa doon ang pasabog ko? Siyempre, hindi na. Sorry for shattering your dream vacation but the party at the Burnett Hotel in Lexus will be cancelled. Wala, ako lang ang nagsabi n'on. Charot. Nauna nang sumampa sa barko ang Team Idyut, which consisting of you know who. Ethan, Roland and