Grellen's POV
Sinong mag-aakalang ang bilyonaryong katulad ko ay mapipilitang pasukin ang trabaho bilang tagasilbi alang-alang sa kasunduan namin ng ama kong masahol pa sa serial killer kung pagbantaan ako na kapag hindi ako sumunod sa agreement, tiyak sa kalsada ako pupulutin. Siyempre, ayokong mangyari 'yon! Hindi uubra ang beauty ko doon! Sayang ang kojic soap at lotion na pasikreto kong nilalagay sa katawan ko para mapanatili ko ang flawless-ganda ng aking skin! Isa pa, curious ako sa babaeng nakita ko sa circus kaya heto ako, willing lunukin ang natitira kong pride for my own sake. Hindi lang niya ako matutulungan sa problema ko sakaling mapa-ibig ko siya. May mahihita pa 'kong beauty tips. Oh, 'di mo keri, darling! Nakipag-palitan muna ako ng kotse kay Roland which is the old model of BMW na panahon pa 'ata ni kopong-kopong nang i-release. Pambihira, chickboy pero makaluma ang gamit? Ang laki-laki naman ng sweldo. Ano, vintage collector? A day after I saw her in circus, I hurry back to the village with all the papers I need for the interview, base sa hiningi ni Roland na requirements kahapon ay nakasilid sa isang folder ang resumé at application letter ko. Aside from demands, siniguro ko ring hindi ako mare-recognize ng mga taong makakasalamuha ko. If you still recall, there are five-hundred thousand people who watched my video on F******k. And to avoid suspicions, I disguised myself as a clumsy, boring and baduy na butler applicant. Suot ko ang makapal na black coat, round spectacles at itinali ko rin ang mahaba kong buhok na parang ponytail. Pinakulayan ko rin iyon ng itim kasi originally, scarlet red ang hair color ko. Mabuti na 'yong nag-iingat kaysa mabulyaso ang mga plano ko. Before I made my entrance, nagpabaon ako ng paalala sa sarili ko. Never EVER fall in love with her. Kahit i-seduce niya pa ako, kahit maghubad pa siya sa harap ko. Maski na magmakaawa siya. NEVER! Ah, I'd rather die than spending my whole life with a woman. Paiibigin ko lang siya at kukunin ang kanyang loob saka ko siya ipapakilala kay Dad bilang fiance ko. Oras na maikasal kami, kukunin ko na ng pera ko bago ako eeskapo at maghahanap ng boylet na kaya akong mahalin ng higit pa sa pagmamahal ko kay William. I won't allow anyone to ruin my plan. No one! Bumaba na ako ng kotse at nag-doorbell sa gate ng Durless Residence. Wow, apilyedo pa lang, kabog na! Isang matandang lalaking may monocle ang nagbukas ng gate. Siya 'yong kausap ni Roland kahapon. "Good morning. Anong sadya mo, hijo?" "Good morning po. Ako po 'yong kaibigan ng nag-inquire kahapon about sa butler position. Kumpleto po ang requirements ko. Puwede niyo po ba akong i-entertain ngayong araw?" magalang kong sabi. Oo, mga bes. Kailangan kong maging humble at mabait. Hindi ako puwedeng magpakita ng kahit gatiting na pagiging Grellen Burnett. In this situation, I'm not a billionaire. I need to pretend that I'm desperate to get this job to sustain my family needs. Just like the typical fresh graduates na kumakagat sa job fair. Ganern! "Oh, yes. We've been expecting you. I'm Frank, one of the servants. A pleasure to meet you." "It's nice to meet you, too." I smiled sheepishly. "Please come in." Ngumiti si Sir Frank at umatras ng kaunti na tila binibigyan ako ng daan papasok ng mansyon. "Thank you," sagot ko. At first, I thought this old man is creepy like my dad. Kamukha niya kasi si Mang Kanor. Ay, joke lang! Hahaha! Judging by their looks, halos magkasing-edad lang sila. Ewan ko lang kung makayanan ko pang magtrabaho rito kung may kasama pa 'kong kalahi ni Papang. In-escort-an ako ni Sir Frank sa loob. Oh, my! Bongga! May swimming pool sila na pagkalaki-laki, garden at may gazebo pa! Sa gitnang bahagi, merong ga-higanteng mga chess piece na nasa ibabaw ng damo na tila nagsisilbing chessboard. Chess player ba ang may-ari nito? Taray, lakas maka-outdoor! Kinabog pa 'yong mansyon namin sa Codaco! And finally, nakatungtong din ako sa mismong mansyon. It reminds me of the Phantomhive Manor in Black Butler. Makaluma ang structure, pang-19th century pero ando'n 'yong cleanliness. I wonder kung anong bubungad sa 'kin pagpasok ko. "This house is built sixty years ago, it is inspired by 19th century English country house in London," paliwanag ni Sir Frank. Kaya pala. Nabubusog ang mga mata ko sa mga nakikita ko. Although, I can afford to have this kind of house, hindi sumagi sa isip kong may nag-e-exist palang ganito sa Ntiavir. Usually, marami niyan sa ibang bansa. But in this country? Majority ng mga bahay rito ay modern. Binuksan nito ang arkong pintuan. Malawak na space ang bubulaga sa 'yo sa intrada at gawa sa marmol ang sahig nito. Nakakabit ang malaking chandelier sa kisame, tapos ang taas ng stairway nila na matatagpuan sa gitna, harap ng entrance. May iba't-ibang painting ang nakadikit sa bawat sulok ng bahay but one particular portrait caught my attention. The one in the middle.  So that's her, the woman I saw in circus. The reason why I'm here right now. "Please wait here, I'll inform Madam Durless about your arrival. If you excuse me," the old man told me as he walked upstairs. I'm a bit surprised he can manage to walk fast despite of his age. Unlike my father, I think this old folk is doing great in maintaining his good health. Si Dad? Laklak dito, laklak doon ang ginagawa, 'di na nadala nang siya'y ma-ospital five years ago dahil sa sakit sa atay. Twenty minutes, wala pang bumababa. Nangangalay na ang paa ko! Ang tagal-tagal, pa-VIP masyado por que sa kanya 'tong bahay. Hindi magandang pinaghihintay ang bisita, 'no? Buti sana kung may pa-juice o tinapay man lang habang hinihintay siyang matapos ang kadramahan niya sa buhay. Hay, 'kakaloka! I heard footsteps, galing 'yon sa hagdan kung saan pababa ang isang babaeng redhead na bob-cut ang buhok at ang pinagtataka ko, bakit siya nakasuot ng red na gown? Saang party ba pupunta ang babaeng 'to at nakuha pang mag-gown? 'Di na lang nag-daster, baka sakaling ma-gets ko pa. "I'm Barbara Durless, the owner of this house," pakilala ng babae pagkababa niya ng hagdan. "So you're the 99th applicant. I wish you good luck kasi ayoko nang tumanggap ng isa pa to make it one hundred. Honestly," she said in the most rudest way I didn't imagine. Is that how she greet her guest? May pairap-irap pang nalalaman. Pero 'di nga? Seryoso? Pang-99 ako? 'Yong totoo, gaano ba kataas ang standards niya sa pagpili ng butler at talagang umabot sa halos one hundred ang dumaang aplikante sa kanyang mga kamay? Nagtimpi ako at hindi ko na lang pinansin ang pagtataray niya. "Follow me," she commanded. Sumunod ako sa kanya hanggang sa living room. Naupo kami sa magkabilang couch so magkatapat lang kami. I placed the folder above the table, agad namang binuklat ng babae iyon at binasa ang mga nakasulat sa papel. I can't help myself staring at her while she's reading my papers. Her face is so angelic and her red lips are sparkling that adds to her incorruptible beauty. Ang cute din ng mga mata niya, ha. Para siyang manika with a twist. Manikang demonyita. Sayang ang lahi, sish! Ganda pa naman. "Grellen Radcliff," she called me. Just so you know, I used my mother's last name to conceal my identity. Pakatandaan niyong anak ako ng bilyonaryo. Hindi malayong kilala ako ng babaeng 'to sa totoo kong pangalan. Taranta kong inayos ang sarili ko. "Yes, Ma'am?" "Call me Madam," she insisted. That's weird. She's not older than me. Or maybe I'm just being fooled by her looks kasi baby face siya pero ang totoo, baka mas bata lang siya ng konti sa matandang servant kanina. Woah, creepy! "Y-Yes, Madam," sabi ko na lang. She rolled her eyes again. Alam niyo ang isa pang pinagtataka ko? Ang layo niya sa babaeng nakita ko sa circus - masayahin, nakangiti, happy go lucky. Itong nasa harapan ko? Sige kataas ng kilay, kung makatingin akala mo lalamunin ka ng buhay tapos wagas kung umirap! Dukutin ko kaya ang mata nito? 'Kakaasar! Thank me I have my eyes on you. Wait, what did I say? Madam cleared her throat. Pati pagtikhim lang niya kakabahan ka na! "According to your papers, ano pang kaya mong gawin maliban sa pagliligpit ng higaan, pag-init ng tubig at pagtitimpla ng black coffee?" 'Wag kayong tumawa, seryoso ako d'yan! 'Yan lang ang keribells ko. Sabi ko sa 'yo, tatagilid ako sa job interview na 'to, e. Anong magagawa ko? Mismong ako nga, 'di ko mapagsilbihan ang sarili ko. Ibang tao pa kaya? "A-Ano..." Grellen, magsalita ka! "What do you know about table setting?" "Mada─" "Housekeeping?" "Wait─" "Cooking? Multitasking? Flexibility? Marunong ka bang mag-escort ng bisita? Mag-prepare ng tea? Gumising nang maaga? Maglaba? Mag-drive?" Iminostra ko ang dalawa kong kamay na pa-ekis, indikasyon na tumigil siya sa pagsasalita. Jusko! H-highblood-in ako sa pinaggagawa sa 'kin ng babaeng 'to! "Madam! Konting preno naman, oh!" pakiusap ko. 'Di katakataka kung bakit umabot ng 99 ang aplikanteng ni-reject niya. 'Di lang mataas ang standards, bungangera pa! Wala pa man, naiisip ko na ang posible kong kahinatnan habang nandito ako! "So you're giving me orders? Seriously, why are you here? What makes you think you deserve to be my butler? To be honest with you, all information you provide in your resume is absolutely useless. It doesn't prove na karapat-dapat ka sa posisyong ito." She said with a challenging look in her crimson eyes. This bitch is getting into my neurons! Oo, alam kong nerves 'yong tamang term. Sa gusto ko neurons, e! Bakit ba? Biglang sumingit ang isang maid na galing 'ata sa kusina. Amoy sunog, e. Nagpasabog ba ng LPG 'to o ano? May dala-dala siyang tsaa at tinapay na matigas pa 'ata sa bato. Ay, iba! Ultimo pagkain nila, nagtataray din! Wala bang ham sandwich? Makakain ko ba 'to? Ngunit pinigilan ni Madam ang maid bago pa nito ilapag ang pagkain sa mesa. "Not yet, Angelique. He hasn't answered my question. Don't give him a food," mariing utos nito sa babaeng pinangalanan niyang Angelique. "Masusunod po," tugon ni Angelique. Umalis ang kasambahay dala ang foods na nasa tray. Yumuko ako at umarteng frustrated but deep inside, ibig-ibig kong sampalin sa mukha ang babaitang 'to! She thinks so highly of herself like no one should go against her ass! If I were know na ganito niya ako tatratuhin, hindi na lang sana ako nag-apply na butler! Marami namang babae diyan. Uh, if it wasn't for her pretty face, I won't─ However, a part of my mind telling me to push this even further and I don't think it has something to do with her drop-dead gorgeous beauty. Humugot ako ng malalim na paghinga. That's it. If this doesn't work, I'll leave her alone. "M-Madam, please accept my application," I said while waiting for my tears to fall. "Why should I do that?" mayabang niyang tanong. Pinagdikit ko ang mga palad ko with matching puppy eyes. Para maawa, ano ba kayo! Paano natin malalaman kung effective if we don't try, right? "My brother... He was disabled and he lost his arm when he was young so... It's my responsibility to help him restore his former life. Please, I'm desperate! Gusto ko siyang bilihan ng artificial arm at ito lang ang trabaho na puwede kong pasukan. I promise, I will provide you the best service as much as I could! Madam, please!" Trying-hard ako sa pag-iyak, 'te! Pinaabot ko talaga hanggang tumulo sa pants ko 'yong luha ko para convincing. Oh, kaya niyo? Kahit mukha na akong aso kaka-puppy eyes ko, sige! Go lang ng go! Ngayon lang naman 'to. After this, we can pop champagne elsewhere! 'Wag lang sa lugar na makikita ni Madam. Hahaha! "Are you sure about that?" paniniguro ni Madam. Her expressions starts to change. Unti-unti ko siyang nakikitaan ng awa sa mukha. "Yes, I'm sure! Hundred percent," I lied. I wish it was. If Gil is really in trouble, maybe he won't treat me so cold. He sees me more like a trash than a brother and I hate that. Tumugon ito sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagtango habang nakapako ang kanyang tingin sa akin na para bang sinusuri niyang mabuti kung nagsasabi ba ako ng totoo. I'm sorry, Madam. After all, I'm an actress. I'm quite good at acting so flawlessly. "Alright. Papayagan kitang magtrabaho sa mansyon bilang butler ko because of your brother. However, babantayan ko ang bawat kilos mo. Just make sure na aayusin mo ang trabaho mo at hindi ka gagawa ng bagay na ikasisira ko. "Ayoko sa lahat 'yong palpak. If there's anything you don't know about your job, you can ask Angelique or Mr. Frank. They can help you. Basta oras na tawagin kita, ano man ang iu-utos ko, susundin mo ng walang pero. Kuha mo?" aniya sa pinakamasungkit na paraan. "Yes, Madam. Thank you so much!" I said full of joy. "Mr. Frank," tawag niya at saka pumasok sa eksena ang matandang servant na um-assist sa 'kin kanina. "Take this guy to the maid's quarters. Then, tour him around para ma-familiarize siya sa pasikot-sikot ng mansyon. I'm not in the mood to deal with this so I'm counting on you." "As you wish, Madam," magalang na sagot ni Sir Frank. He was so kind and loyal to his boss. Although he's way too older than this witch, hindi nawawala ang respeto niya sa kanyang amo. Madam left her seat as she takes the step to the upper floor. Meanwhile, sinamahan naman ako ni Sir Frank sa magiging kwarto ko. Pagkalagak ko ng aking mga gamit ay saka niya ako inilibot sa buong Durless Mansion na sobra kong kinasabikan.Grellen's POV Seven years later... Day off ng lola niyo kaya naisipan kong mag live home concert sa aming mansyon. Sumayaw, sumunod sa Sexbomb Ibomba mo! Ibomba mo! Sumayaw, sumunod sa Sexbomb Ibomba mo! Ibomba mo! Ibomba natin 'yan, sish! Mag-isa lang ako sa salas. Humahataw, gumigiling at kumekembot habang naka-live sa Peysbuk! Pinupupog din ako ng tawa at papuri sa comment section. Maski 'yong mga kaibigan kong Hapon at mga kasamahan ko sa headquarters, tuwang-tuwa sa ginagawa kong katarantaduhan sa social media. Shocks, I'm famous! Hahaha! So 'yon, konting update lang. Maraming nagbago for the past seven years. Limang taon na kaming kasal ni Barbara at meron na kaming isang anak - si Glen Allen. Glen is six years old at kamukha ko raw, sabi ng nakararami. Trulalu itey, huwag ka! Ilong lang ang nakuha ni Glen sa bruha kong asawa, the rest sa akin minana. Actually, buntis ngayon si Barbara sa pangalawa naming anak at naka-schedule siyang manganak after two months. Babae
Barbara's POV "G-Grellen... Y-you're alive..." I scanned his body from head to toe and then I realized, it's really him! Buhay si Grellen, buhay na buhay! "Sorry for playing tricks on you. It was my whole idea," nahihiya niyang saad. Pumatak ang mga luha ko at maagap kong sinalo iyon gamit ang kamay ko. "Bakit hindi mo sinabing buhay ka? All this time, alam nila Roland na hindi ka namatay sa pagsabog?" May bahid ng pagtatampo sa boses ko. "Sorry, I hide the truth from you because I don't want you to chase me. Disappointed ako noon sa sarili ko dahil hindi kita pinanagutan. As a result, namatay ang anak natin. I keep reminding myself how much I deserve to live without you. Gusto kong mapunta ka sa tamang tao na kaya kang panindigan whatever the circumstances may occur. Hindi sapat ang humingi ako ng tawad sa lahat ng kasalanan ko kaya..." "Kaya ano? Bumalik ka para iparamdam sa akin na wala tayong chance? Na gusto mo akong ipamigay sa ibang lalaki? Anong klase ka? Ang tagal kitang
Barbara's POVSix months later...Mag-isa akong kumakain ng almusal sa hardin kasama ang dalawang espesyal na tao sa buhay ko. They were surrounded by white and red roses. Ang ganda nilang pagmasdan sa malayo.Georgia Barbara Rin BurnettGrell Allen "Grellen Radcliff" Burnett"Six months, seems like six days to me. Anim na buwan na akong nangungulila sa 'yo, Grellen. Nakakalungkot na hindi ko man lang narinig mula sa bibig mo na mahal mo rin ako." It's too late to find out na kanina pa pala ako umiiyak. "Kung nasa'n man kayo ng anak natin, sana masaya na kayo. I pray for the peace of your souls. Thank you for everything, Grellen."Anim na buwan mula nang mangyari ang insidente sa Marina Campania na ikinasawi ng tatumpung katao, including Mr. Burnett, Dori, Gil Michael Burnett and lastly, si Grellen.Though, only his death is not confirmed since they never found any sign of Grellen's body. Wala ring nag-match sa dental records
Grellen's POV "The game is over for you, my dear brother. Checkmate ka na. So if I were you, drop that toy of yours and surrender yourself before I do it for you." Steady lang si Kuya. Bingi-bingihan? Hindi na naawa kay Brenda na mamatay-matay na sa nerbyos dahil sa baril na nakatutok sa kanyang leeg. Sabagay, kung 'yong sarili niya ngang mga magulang, pinapatay niya, e. Ano na lang si Brenda na kababata ko lang, 'di ba? I shall proceed to the next move. For the final plan, darating ang chopper na magsusundo sa amin pabalik ng Codaco bago mag-alas dose ng madaling araw. Speaking of 12 midnight, if I still remember, 'yon ang oras na nakasulat sa papel na nahanap ko sa apartment ni William. Ang magpapatunay na may transaksyon siya sa isang black market auction. Angelina Barbara Liv Durless N$3.5M Marina Campania June 01 at 12:00AM Kung hindi ako nagkakamali, nag-start ang auction kaninang alas-diyes ng gabi. I also can't be wrong about the time that was written on the paper. It'
Grellen's POV Muli akong nakarinig ng dalawang magkakasunod na putok ng baril at kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagbagsak ng katawan ni Dori sa sahig. "Dori!" Hindi man ako lumapit ay alam kong tapos na si Dori. A fatal blow on his chest twice, there's no way he's still breathing at that rate. Ang tanging nagawa ko lang nang mga oras na 'yon ay yakapin ang naghihingalong si Dad. Nakakapit siya sa braso ko, pinipilit dumilat kahit nararamdaman niyang gusto na nitong pumikit. "Dad, please! Don't leave me, lumaban ka! Ngayon mo pa ba ako iiwan, ha? Tanggap ko nang 'di tayo magkadugo at hindi magbabago ang pagtingin ko sa 'yo bilang tatay ko! I love you, Dad! Please, I'm begging you! Don't you dare shut your eyes off!" umiiyak na sabi ko. He coughed, pinipilit nitong magsalita. "I-It's okay, s-son. T-tama lang na kabayaran 'to sa p-perwisyong b-binigay ko sa 'yo... At kay B-Barbara. B-Basta lagi mong tatandaan, m-mahal... Na mahal ka namin ng Mommy mo, anak..." Nawalan ng lakas
Grellen's POV Habang abala si Dad sa pagkaray sa akin sa kanyang secret quarters, inobserbahan ko ang pagpasok ng iilang katao sa pasilyo na malapit sa comfort room. Maliban sa kakaiba nilang kilos ay may hawak-hawak rin silang itim na maskara na katulad ng kay Kuya Gil. Which means, the auction begins in any moment. There's no need to hurry. As soon as I finished my dirty business with Dad, I'll catch those rats one by one. Saktong three minutes ang nakalipas mula nang kausapin ako ni Dad sa baba at ngayon ay papalakad kami sa hallway ng ikatlong palapag. I secretly dropped the shoe before Roland and I crossed to each other's feet. Ongoing pa ang communication naming dalawa kaya malamang, narinig niya ang pag-uusap namin kanina ni Dad sa baba. I cleared my throat thrice, kunwari may nakabarang plema sa lalamunan ko. It's our call sign. If I clear my throat once, I'm in trouble so I want them to send a backup. Twice, an unexpected incident occurred so I command them to stay put an
Barbara's POV Hilo ang una kong naramdaman nang magising ako. Nasa'n ako? Bukod sa bahagyang madilim ay nuknukan din ng init ang lugar, isama mo pa ang malakas na tulog ng makina ng barko. Are we in the engine room? Not sure. The room is filled with boats and other emergency equipment. Probably in a depository. "Ethan?" sabi ko sa taong nakatayo sa sulok. It's a stupid of me not to realize that the man who captured me was Grellen's friend. Maliban sa aming dalawa ay may kasama pa kami sa loob na isang lalaki na busy sa pagkalikot ng maliit na jet ski boat. Anong binabalak niya? Hinawi ni Ethan ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha. "Sorry. Grellen instructed me a while ago." Si Grellen ang nag-utos sa kanya? Bakit? "Why would Grellen do that?" pasigaw kong tanong. The ship engine is such an earsplitting so I need to speak louder. Ethan stepped forward as he sat on the floor where I was sitting right now. "Mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko na nalaman pa ang dahilan kun
Barbara's POV Durless Residence - Afternoon Sa buong maghapon, wala akong ginawa kundi magmukmok sa kwarto. Ang dalawang servants ang naiwan sa mansyon. Si Brenda ay umalis kaninang umaga. Muli niyang dinahilan na meron siyang emergency appointment sa kanyang pasyente kaya kailangan niyang bumalik ng Amerika. Last night, katabi ko si Brenda sa pagtulog. Pero bago 'yon, I've had a one on one talk with Grellen where he proclaimed the word, 'goodbye.' It hurts a lot more than I thought it would. Mas masakit pa sa limang araw na wala siya sa mansyon. Everytime I think about it, parang gusto ko na namang tapusin ang buhay ko. But I made a promise to Grellen - mawala man siya sa landas ko, hinding-hindi ko na tatangkaing kunin ang buhay ko. Mula noong araw na bumalik siya sa mansyon at nagtrabaho bilang butler ko for two days, napatawad ko na siya sa naging atraso niya sa akin at sa anak ko. Nakita ko sa mga mata ni Grellen na hindi niya intensyong pabayaan kami ng sana'y magiging anak
Grellen's POV Marina Campania The time has come. Ang araw ng muli naming paghaharap. Sa araw ring ito, magwawakas ang sigalot. Sisingilin ko silang lahat sa perwisyong idinulot nila kay Barbara at hindi ko hahayaang makalabas sila nang hindi nakakabayad. Especially that William. The gathering begins tonight at six. Our destination is in Lexus City through the luxury liner built by a famous star line for my family - The Marina Campania. Base sa nakalap kong source, ongoing na ang party sa loob ng mismong barko habang lumalayag. Ang part 2 ng celebration ay gaganapin sa newest branch ng Burnett Hotel sa Lexus kung saan may magaganap na ribbon cutting ceremony the next morning. Mukha bang paabutin ko pa doon ang pasabog ko? Siyempre, hindi na. Sorry for shattering your dream vacation but the party at the Burnett Hotel in Lexus will be cancelled. Wala, ako lang ang nagsabi n'on. Charot. Nauna nang sumampa sa barko ang Team Idyut, which consisting of you know who. Ethan, Roland and