Home / Romance / The Billionaire CEO's Great Love / Chapter 46- Austin seloso

Share

Chapter 46- Austin seloso

Author: Sweet Kitty
last update Last Updated: 2025-10-18 18:21:39

Austin’s POV

Madaling araw na nang magising ako. Wala akong kasama sa silid nang idilat ko ang mga mata ko. Marahil ay tapos na ang operasyon ni Jairee, kaya inaasikaso na ito ni Faith. Wala na rin akong IV fluid. Bumangon ako at nagpasyang lumabas para hanapin si Faith at alamin na rin ang kalagayan ngayon ni Jairee.

Naglalakad ako ay nadaanan ko ang isang maliit na chapel sa loob ng Hospital, nakita ko roon si Faith na nakaluhod at taimtim na nagdarasal, ngunit may kasama siyang lalaki na nagpainit ng ulo ko. Si Jaecob, nandito na naman ang lalaking ito.

Nanatili ako sa labas at pinagmasdam sila. Nang ilang saglit pa ay pinahid ni Faith ang mga luha sa kanyang pisngi at dahan-dahang umupo sa tabi ng lalaki. May sinabi si Jaecob na hindi ko narinig, pero nakita kong bahagyang tumango si Faith.

Patuloy ang pag-iyak ni Faith, kaya kinabahan ako. Nakita ko ang kamay ni Jaecob, dahan-dahang dumantay sa likod ni Faith, marahang hinaplos ang balikat niya na para bang binibigyan ito ng lak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 64- Surprised on their Vacation

    Faith's POVKagaya ng napagkasunduan, maaga kaming bumiyahe ngayon patungong Zambales. Ramdam ko ang kasabikan sa paligid, lalo na kay Jake na abala sa pagmamaneho. Nasa tabi niya ang isa naming bodyguard, habang sa likuran ay sumusunod ang isa pang sasakyan na puno rin ng mga tauhan ni Austin. Magbabakasyon lamang kami ngunit pakiramdam ko’y para kaming mga taong tinutugis sa pelikula dahil hindi karaniwan ang dami ng aming kasama.Nang tanungin ko si Austin kung bakit kailangang may ganoong kahigpit na seguridad, ang sagot niya ay para sa kaligtasan daw namin dahil hindi pa tapos ang problema. Problema na hindi niya sinasabi sa akin.Naisip ko na lamang siguro ay may problema siya sa kompanya. Malaking kompanya ang pinatatakbo niya, siguro ay may naghahangad na pabagsakin siya. Sa ganoong isipin ay bumuhos ang kaba sa aking dibdib. At napausal ng panalangin na sana ay hindi magtagumpay ang mga taong iyon.Naisip ko na lamang siguro a

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 63- Happy Austin

    Faith POVIsang linggo na ang nakalipas mula nang unang beses na may nangyari sa amin ng asawa ko. Dalawang araw akong halos hindi makabangon, ramdam ko pa rin ang sakit at bigat ng katawan, parang hindi ko kaya ang bawat hakbang.Tatlong araw na rin siyang paulit-ulit nagtatanong kung maaari na ba ulit, ngunit sa tuwing magtatama ang aming mga mata, mahina akong ngumingiti at marahang umuiling. Pakiramdam ko’y hindi pa lubos na magaling ang aking pagkababae, kaya’t tinatanggihan ko muna siya. Mabuti na lamang at tahimik niyang iginagalang ang aking pag-ayaw.Ngunit sa halip na pangungulit, kapalit nito’y isang Austin na matagal ko nang hinahanap. Mas malambing na siya ngayon, palaging nakayakap ng mahigpit, at maya't maya ang halik na puno ng pagmamahal at pag-aalaga. Bumalik na ang Austin na kilala ko 8 years ago.Sa bawat titig niya, sa bawat ngiti niyang parang ako lamang ang nakikita, napapabulong ako sa sarili. "God, I really misse

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 62-Austin's Confession

    Faith POVNagising akong wala na si Austin sa tabi ko. Malamang ay maaga na naman siyang pumasok sa opisina. Tanging lukot ng sapin ng kama sa lugar niya ang naiwan. At ang mantsa ng dugo, katunayan na hindi na ako birhen ngayon. Naipagkaloob ko na ang sarili ko sa lalaking pinangakuan ko nito.Napangiti ako ng bahagya, dahil maging ang pangako ko sa sarili ko ay natupad ko. Ang unang halik ko, ay naranasan ko lamang sa araw ng kasal mismo. Kahit hindi iyon ang klase ng kasal na pinangarap ko. Ang pagkabirhen ko sinabi ko rin sa sarili ko na sa asawa ko lamang ipagkakaloob. Kagaya ng bilin sa akin ng mga magulang ko. Nakakatuwa pa nga dahil natagalan, bago nangyari. Kaya heto ako ngayon, halos hindi makagalaw.Napailing na lamang ako, dahil napahaba na pala ang pagmumuni-muni ko.Dahan-dahan na akong bumangon kahit ramdam ko ang bigat at pananakit ng buong katawan ko. Para akong may lagnat na hindi maipaliwanag.Para bang tinatrangkaso. Ngayon ko lang nara

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 61- Ang pag iisa nila Faith at Austin

    Faith POVWarning: This chapter contains explicit language, mature themes, and intense scenes of passion. Read at your own risk. Strictly for mature audiences (18+).Pagdating namin sa mansion ay kaagad akong dumiretso sa aming silid. Naligo at nahiga. Sinilip ko ang monitor kung saan makikita ang kuha mula sa CCTV sa silid ni Jairee. Nang masigurong naroon si Jake at maayos naman si Jairee ay ipinikit ko muna ang aking mga mata. Ayokong makita ako ng anak kong ganito. Alam kong mugtong-mugto ang mga mata ko ngayon.Si Austin hindi ko alam kung umalis rin ba nang makababa ako sa sasakyan. Ayaw ko muna siyang isipin.Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Nagising na lamang ako nang maramdaman kong tila may dumadampi sa pisngi ko. Kasabay niyon ang matapang na amoy ng alak na agad kong nakilala. Kaya agad kong idinilat ang aking mga mata.Sumalub

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 60- Sumbatan ng Nakaraan

    Faith POVPagkatapos ng shopping kahapon, balik na ulit sa normal ang buhay. Oo, ito na ngang masasabi kong normal na buhay ko, ng buhay namin ni Jairee. Nakakainip, nakakabagot! Gusto kong magtrabaho, pero alam kong hindi ako papayagan ni Austin.Gaya ng araw-araw kong ginagawa pagkatapos kong asikasuhin sina Austin at Jairee, eto ako ngayon, nakatambay sa garden habang hawak ang libro. Pangalawang libro ko na ito mula kahapon.Nasa kalagitnaan ako ng binabasa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Jaecob ang tumatawag. May pananabik kong agad na sinagot ang tawag.“Hello, Jaecob. Nakaalala ka?!” masigla kong bungad.“Gusto ko lang malaman kung buhay ka pa,” sagot naman niya na ikinatawa ko.“Naku, buhay na buhay pa naman ako. Haha! Kayo ni Stella, kamusta? Tutupad ka naman siguro sa usapan natin, ano?” pinaseryoso ko na ang tinig ko.Natahimik siya sa kabilang linya. Hmmm…

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 59-Paranoid Faith

    Faith’s POVDalawang buwan ang mabilis na lumipas. Natapos na rin ang therapy ni Jairee, at tuluyan na ring gumaling ang anak ko,isang bagay na labis naming ipinagpapasalamat. Para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa tuwing nakikita ko siyang tumatakbo, humahagikhik, at muling naglalaro sa palaruan sa mall, na para bang walang nangyari.Bilang isang ina, wala nang mas hihigit pa sa kasiyahan at ginhawa ng puso ko ngayon, habang pinagmamasdan ko ang sigla at ngiti ng anak ko. Para bang bawat tawa niya ay musika na nagpapaalala sa akin na sulit lahat ng sakit, pagod, at takot na pinagdaanan namin.Ang ina naman ni Austin ay madalas nang dumadalaw sa amin. Para makita si Jairee. Madalas ay hinihiram niya si Jairee para ipasyal, at nakikita ko ang tuwa sa mga mata ng anak ko tuwing kasama siya. Syempre, hindi lamang ako ang nagdi-desisyon sa bagay na iyon. Si Austin, na ngayon ay tila mas naging matimbang na bahagi ng buhay naming mag-ina, a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status