“Miss Zanella, may mga bagong deliver ng bulaklak ang dumating para sayo.” Ani ng kasambahay na siyang nagpahinto sa akin sa pag-akyat ko sa hagdan. Nagtataka na hinarap ko ito, ngunit, pagkatapos na sabihin iyon ay kaagad na itong umalis. Wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng bahay para malaman kung ano ang sinasabi nito. Nanlaki ang aking mga mata ng tumambad sa paningin ko ang napakaraming bulaklak. “Hi Ma’am, good morning, para po kay Ms. Zanella Aragon?” Ani ng isang lalaki habang buhat nito ang iba pang bungkos ng bulaklak. Pagkatapos na maibaba nito ang mga bulaklak sa sahig ay nakangiti ang lalaki na inabot nito sa akin ang isang papel kasama ang ballpen. “Paki-sign na lang po ma’am.” Magalang na sabi nito habang nanatiling nakatitig sa mukha ko ang lalaki. Ni halos hindi na yata ito kumukurap, bigla akong napalunok ng walang sa oras at ibayong kabâ ang naramdaman ko dahil hindi ako marunong pumirma. Nagtaka ang lalaki kung bakit nakatitig lang ako sa papel at hindi gu
Alexander Point of View “Mamâ, where’s Zanella?” Ito agad ang tanong ko pagkarating ko ng bahay galing trabaho. Late na ako nakauwi dahil sa dami ng trabaho na hinarap ko buong maghapon.“Naku, iho, hanggang ngayon ay nandoon pa rin sa likod ng bahay si Zanell at nagtatanim. Puntahan mo kaya baka sayo makinig ang batang ‘yun.” Nakangiti na sagot ni Mamâ sa akin. Isa sa napansin ko sa aking ina ay simula ng dumating ang asawa ko dito lagi na itong nakangiti. Well hindi maikakaila na magkasundong-magsundo ang dalawa. Pagkatapos kong iabot ang attache case at suit sa katulong ay tumungo ako sa likod bahay upang puntahan ang makulit kong asawa. “Ano naman kaya ang itinatanim ng isang ‘yun at kahit gabi na ay ayaw pa rin nitong tigilan?” Ani ko sa aking isipan.“Wow! Natapos din kita!” Narinig kong bulalas ni Zanella sa di kalayuan, bigla, lumitaw ang isang matamis na ngiti sa mga labi ko ng masilayan ko ang maganda at sexy kong asawa. “Sweetheart, what are you doing there?” Ani ko sa m
“What are you doing here?” Nanggigigil na tanong ni Alexander kay Samantha habang hawak ito ng mahigpit sa kaliwang braso. “Why? Dahil hindi ka maka score sa babaeng iyon?” Nang-uuyam na sabi si Samantha habang ang mga mata nito ay nanlilisik sa galit na nakatitig sa mukha ni Alexander. “Shut up, Samantha, huwag mong sagarin ang pasensya ko, nag-usap na tayo tungkol dito di ba?” Naiinis na sabi ni Alexander saka marahas na binitawan ang braso nito. “And do you think ay hahayaan na lang kita dito na magpakasarap sa bata mong asawa? Hell, no! Alam ko ang karakas mo at nakikita ko na gusto mo na rin siya kaya hindi ako papayag na maghihintay na lang kung kailan mo maaalala? Remember, ako dapat ang nasa pwesto ng babaeng ‘yan!” Nanggigigil sa galit na turan ni Samantha. “Ahm, hello, kanina pa ako naghihintay sa loob akala ko ba sabay tayong maliligo?” Biglang singit naman ni Zanella habang nakadungaw pa sa nakaawang na pintuan ang ulo nito. Isang nakamamatay na tingin ang ibinato
“How did that happen?” Di makapaniwala na tanong ni Alexander habang matapang na nakatitig sa mukha ng seryosong si Samantha. “You f**k me?” Nang-uuyam na sagot ni Samantha kaya lalong nagpupuyos ang kalooban ni Alexander. “Sagutin mo ako ng maayos, Samantha! Because we know na maingat ako, and besides you're the one who doesn’t want to get pregnant.” Matigas na pahayag ni Alexander na halatang hindi ito naniniwala, galit na tumayo si Samantha at tinawid ang kanilang pagitan. “Pagkatapos mong mag pasarap sa katawan ko ngayon ay hindi mo tatanggapin ang batang ito?” Nanggigigil na tanong ni Samantha sa kanya na gahibla na lang ang layo ng kanilang mga mukha. “Hindi ko sinasabi na hindi ko tatanggapin ang batang ‘yan! Ngunit napakaimposible ng sinasabi mo na nabuntis kita.” Matatag na sagot ni Alexander na may bahid ng pagdududa. “Whether you like it or not ay kailangan mong panagutan ang batang ito kung ayaw mong makaladkad ang pangalan ng mga Aragon sa malaking eskandalo.” Di nati
Araw ng Lunes at nakatakda ang pangalawang pagbasa ng last will ni Don Rafael. Kaya ang buong pamilyang Aragon ay magti-tipon-tipon sa Mansion upang pakinggan ang huling habilin ng yumaong Don. Mula sa harap ng Mansion ay humimpil ang dalawang mamahaling sasakyan. Mula sa unang itim na kotse ay kaagad na binuksan ng mga alalay ang pintuan upang makababa ang pamilya ni Esmeralda. Taas-noo na lumabas ng sasakyan ang mag-ina habang sa hulihan ng mga ito ay ang padre de pamilya, si Lucio. Mula sa kabilang sasakyan ay tahimik na lumabas si Mr. Manuel at ang asawa nitong si Gracia na may matamis na ngiti na nakapaskil sa namumula nitong mga labi dahil sa kapal ng lipstick na gamit nito. Pagkababâ ni Athan mula sa sasakyan ay si Zanella kaagad ang hinanap ng kanyang mga mata ngunit bigo ito na makita ang dalaga. Kaya, naman nalungkot ang mukha nito. Maingat ang mga hakbang na halos sabay na pumasok sa loob ng kabahayan ng mansion ang buong mag-anak. Pagdating sa sala’s ay nanlaki ang mga
“Mas pipiliin ko pa si Samantha kaysa sa babaeng taga bundok na ‘yun! na kay Samantha na ang lahat, magandang mukha, edukada at nagmula sa isang kilalang angkan.” Si Esmeralda na ang mga mata ay pasimpleng sinusuri ang bawat katangian na tinataglay ni Samantha. “Kapag ang babaeng ito ang nakatuluyan ng aking pamangkin na si Alexander ay siguradong mas lalo pang makikilala ang aming angkan. Sisikat din ang hotel na pag-aari ko hindi lang sa bansa kundi maging sa labas ng bansa!” Ito ang tumatakbo sa utak ni Gracia habang matamis na nakangiti kay Samantha. Samantalang si Patricia ay hindi makapaniwala dahil iniisip niya na maaari na rin siyang maging isang modelo, at sa pamamagitan ni Samantha ay maaari din siyang sumikat na tulad nito. Masyadong mataas ang expectation ng lahat sa oras na magkatuluyan ang dalawa. “Oh, my god! Really? Welcome to Aragon's family!” Ani ni Gracia at mahigpit na niyakap ang dalaga. Matinding kasiyahan ang naramdaman ni Samantha dahil sa magandang pagtang
“Hindi ako makakapayag na mapunta sa babaeng iyan ang lahat ng ari-arian ng aming pamilya!” Nanggagalaiti na sigaw ni Esmeralda habang ang mga mata nito ay nanlilisik na nakatingin kay Zanella. Samantalang si Zanella ay mahigpit na nakayakap kay Rosario dahil natatakot siya sa mabagsik na mukha ng mga tao sa kanyang paligid na para bang gusto na siyang patayin ng mga ito.“A-Attorney, p-paanong nangyari na wala man lang kaming mamanahin mula sa aming ama?” Si Gracia na kasalukuyang umiiyak na parang ngayon lang yata nahimasmasan. “Wala na akong magagawa pa riyan, Mrs. Sandobal. Ang lahat ng ito ay desisyon ng inyong ama, ginawa ko lang ang trabaho ko. Besides, pwede n’yo namang habulin sa korte ang inyong mga karapatan bilang mga tagapagmana ng yumaong si Don Rafael. Ngunit, for now ay ako ang tatayo na pangalawang guardian ni Ms. Zanella. Kaya kung sakaling may mangyaring masama sa aking kliyente at mamatay siya ng hindi inaasahan, tulad sa unang nakalagay sa testamento ang lahat ng
Halos kinse minuto na ang lumipas simula ng pumasok ako dito sa loob ng silid. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako kung bakit galit na galit silang lahat sa akin pagkatapos na basahin ang liham ni Don Rafael. Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama ngunit hindi pa rin nawawala ang pagkabalisâ ng aking katawan. Kanina pa ako hindi mapakali dahil natatakot ako sa nakikita kong galit sa kanilang mga mukha. Parang gusto kong tumakbo palayo sa mansion na ito at bumalik na lang sa bundok kung saan ay tahimik akong namumuhay. Kung alam ko lang na iiwan din pala ako ni Don Rafael ay dapat sana’y hindi na lang ako sumama pabalik dito sa lungsod. Nagsimula ng manlabo ang aking paningin dahil sa mga namumuong luha, hanggang sa nag-unahan ng pumatak ang mga luha ko sa aking mga hita. Nanatili lang akong nakatitig sa mga kamay ko na kanina pa nanginginig. Ang mas lalong ipinag-aalala ko ay baka pati si Mamâ Rosario ay galit din sa akin. Hindi ko kakayanin kapag nangyari ‘yun. Maya-maya ay n