“Papa!” Ang malakas na palahaw ni Gracia habang patuloy na hinahagod ng asawa nito ang kanyang likod. Maging si Esmeralda ay tahimik na umiiyak dahil sa masaklap na aksidenteng sinapit ng kanilang ama. Ngayong araw ng Lunes ay kumpleto ang buong pamilya sa loob ng mansion. Nagluluksa sila sa pagkamatay ni Don. Rafael. Iniisip nila na malabong makaligtas pa ito mula sa aksidente dahil matanda na ito kaya kahit hindi pa nakikita ang katawan ni don Rafael ay ipinagluluksa na ito ng lahat.
Nagulat ang buong bansa ng kumalat ang balita tungkol sa isang chopper na nag crash sa bahagi ng kabundukan ng Sierra madre. Tanging ang walang buhay na tauhan ni Don. Rafael ang nakita ng mga rescue operation mula sa sumabog na chopper. Nabigo sila na makita ang katawan ni Don. Rafael at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ang bangkay nito upang mabigyan ng maayos na libing.Malungkot na nakaupo si Alexander mula sa pang-isahang upuan habang nakatitig sa malaking larawan ng kanyang Abuelo na napapaligiran ng mga puting bulaklak. Ang puso niya ay puno ng pagsisisi dahil muling nanariwa sa kanyang isipan kung paano na makiusap ang abuelo para lang hawakan niya ang kumpanya ng kanilang pamilya. Ngayon niya pinagsisisihan ang mga pambabalewala niya sa kahilingan ng matanda. Masyado siyang naging kampante at ipinagkatiwala ang lahat sa kanyang abuelo.“Hindi ba’t masyadong maaga pa Attorney para basahin ang last will ni Papa?” Naluluha na tanong ni Gracia kaya halos sabay na napalingon sa kanyang direksyon ang tingin ng lahat.“Ehem, pasensya na Ms. Gracia, ngunit naparito ako hindi para basahin ang habilin ng iyong Ama, narito ako para makiramay.” Anya ng abogado bago seryosong humarap sa malaking larawan ni Don. Rafael na nasa unahan at nagbigay galang. Natameme bigla si Gracia. Napahiya siya sa tinuran ng abogado dahil sa kanyang maling akala. Mula sa kabilang panig naman ng salas ay matalim ang ipinupukol na tingin ni Esmeralda sa kanyang kapatid.“Hindi halata na sabik ka ng malaman kung magkano ang mamanahin mo mula sa ating ama, hmp.” Nang-uuyam na pahayag ni Esmeralda para sa kanyang kapatid. Tumaas ang kaliwang kilay ni Gracia at isang nang-uusig na tingin ang ibinigay sa nakatatandang kapatid.“Really? And how about you? Hindi ba’t kahit buhay pa si Papa ay pinag planuhan na ninyo kung paano makukuha ang kumpanya?” Sarkastikong sagot ni Gracia na siyang ikinadilim ng mukha ni Esmeralda, habang sa pagitan ng mga ito ay tahimik lang na nakamasid si Rosario. Nais niyang pumagitna sa dalawa at awatin ang mga ito ngunit hindi niya magawa dahil mainit ang dugo sa kanya ng magkapatid.“Enough! Kahit man lang sa huling pagkakataon ay bigyan n’yo ng respeto si Lolo.” Galit na singit ni Alexander na siyang nagpatigil sa dalawa. Biglang nalipat mula sa pintuan ang atensyon ng lahat dahil sa pagdating ng ilang mga pulis.“Chief, anong balita? Seryosong tanong ni Alexander ng makalapit ang mga ito sa kanila.“Negative, Sir, ayon sa mga tao ko ay sinuyod na nila ang buong lugar ng pinag bagsakan ng chopper ngunit wala silang nakita na anumang bakas ni Don. Rafael. Maaaring tinangay ng mabangis na hayop ang katawan ng iyong Lolo.” Malungkot na pahayag ni Chief, ang mukha niya ay kakikitaan mo ng pakiki-simpatya para sa mga naulila ng biktima. “Papa…” Ang malakas na sambit ni Gracia bagot ito humagulgol ng iyak. Mahigpit naman siyang niyakap ng kanyang asawa na si Manuel. “Mahabaging langit!” Ang tanging nasambit ni Esmeralda, hindi sila makapaniwala kung bakit sa kabila ng kabaitan ng kanilang ama ay sinapit pa niya ang ganitong klaseng kamatayan.Niyakap ni Alexander ang kanyang ina dahil walang humpay ang pag-iyak nito. Nangibabaw ang pagtangis ng lahat sa buong kabahayan ng mansion. Maging ang mga katulong ay hindi na napigilan ang kanilang mga emosyon at napahagulgol din sila ng iyak. Saksi sila sa kabaitan ng matanda kaya labis ang kapighatian na kanilang nararamdaman.Samantala…“Lolo, d’yan ba tayo sa-sakay?” Namamangha na tanong ni Zanella habang sinisipat ang maganda at makintab kong sasakyan. Napangiti ako dahil sa kainosentihan nito, marahil ay nagustuhan niya ang puting kotse na nasa kanyang harapan. Pasalamat na lang kami at nakahanap kami ng taong maaaring mahiraman ng telepono kaya nakatawag ako sa bahay.“Oo, anak, iyan ang magiging service natin tungo sa aking ancestral house.” Nakangiti kong sagot na siyang ikinamilog ng kanyang mga mata, sabay lingon sa akin.“Seryoso ba talaga kayo diyan?” Nagugulumihanan na muling tanong niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang aking saliri at natawa na ako sa kanyang reaksyon.“Bakit ayaw mo bang sumakay sa kotse na ‘yan?” Magiliw kong tanong, kaagad naman siyang umiling ng paulit-ulit bago alanganing ngumiti sa akin.“H-hindi naman sa ganun, pero, kung sasakay tayo dyan ay siguradong mauubos ang pera ko at wala tayong kakainin sa mga susunod na araw. Pasensya na pero mahirap lang ako at walang kakayahan na ibigay kung ano ang gusto mo.” Anya sabay kamot sa kanyang ulo. Tuluyan na akong humalakhak ng tawa dahil sa nakakatuwang pagkatao nito. Maging ang mga tauhan ko ay natawa sa kanyang tinuran.“Talagang nakaka-tuwa kang bata ka, Iha, hindi mo kailangan na magbayad dahil pag-aari natin ang sasakyan na ‘yan.” Nakangiting paliwanag ko sa kanya kaya nagliwanag ang kanyang mukha. “Talaga po?” Masaya niyang tanong, pagkatapos sabihin iyon ay inipit niya ang dalawang daliri sa pagitan ng kanyang bibig. Isang malakas na sipol ang ginawa nito na sinundan naman ng isang huni ng ibon mula sa masungit na alaga niyang agila.Hanggang ngayon ay labis pa rin akong namamangha sa relasyon ng dalawang ito, talagang hindi kapani-paniwala para lang akong nasa isang fairytale. Namangha ang aking mga tauhan ng biglang dumaan ang isang malaking agila sa kanilang harapan. Ilang segundo pa ang lumipas ay humapon ito sa balikat ni Zanell.“Saan ka ba nagpupunta, Sky? Gusto mo bang maiwan?” Sermon ng dalaga sa kanyang ibon na wari mo’y tao ang kanyang kausap. Akmang lalapit sana ang aking mga tauhan upang kunin ang ibon ngunit mabilis na humakbang paatras si Zanella at matapang na tumitig sa aking tauhan. Maging ang agila ay tila hindi nagustuhan ang ginawa ng mga ito kaya mabilis kong itinaas ang aking kamay na siyang nag patigil sa kanilang paghakbang.“Tandaan ninyo, walang sinuman ang maaaring lumapit o humawak sa kanila.” Mahigpit kong bilin na siyang kinatungo ng aking mga tauhan at kaagad na humingi ng tawad sa dalaga.“Sumakay na tayo, anak.” Ani ko kay Zanella na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin sa aking mga tauhan. Halos ilang segundo ang lumipas bago ito nagdesisyon na pumasok sa loob ng sasakyan.Habang lulan kami ng sasakyan ay mataman kong pinagpaplanuhan ang lahat para sa kinabukasan ng batang ito. Naisipan kong sa ancestral house muna kami tumuloy at ilihim sa lahat na buhay pa ako. Kailangan kong masigurado ang kaligtasan ni Zanella bago ko siya iharap sa aking pamilya. At isa lang ang naiisip kong paraan para masiguro ang kaligtasan nito bago ko siya iharap sa totoong mundo na kung saan siya nararapat.Kailangan na maikasal kami ng batang ito, kapag nangyari ‘yun ay magkakaroon siya ng karaptan sa lahat bg bagay at walang maglalakas loob na mang-api kay Zanella.”Ito ang tumatakbo sa isip ni Don Rafael habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng natutulog na dalaga. Dahil batid niya na ang kainosentihan ni Zanella ang magpapahamak sa sarili nito.TEASER“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag. “Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko
Prenteng umupo si Mr. Smith sa isang swivel chair na nasa kabilang dulo ng mahabang lamesa habang ang mga tauhan niya ay nagkalat sa labas ng conference room. Tanging ang dalawang tauhan lang nito ang kanyang kasama sa loob ng silid. Tumitig sa mukha ni Alexander ang seryoso nitong mga mata at ilang sandali pa ay umangat ang sulok ng bibig ni Mr. Smith. “Tulad ng inaasahan ko, Aragon, let’s stop this, we know na walang patutunguhan ang lahat ng ito. Huwag na rin tayong maglokohan pa dito alam naman nating pareho kung ano ang totoong pakay mo sa anak ko.” Diretsahang pahayag ni Mr. Smith, kaya mahigpit na naikuyom ni Alexander ang kanyang mga kamay. Balewala na napako ang tingin ni Mr. Smith sa nakakuyom na kamay ng kanyang manugang. Iniisip niya na nanggagalaiti na ito sa galit dahil nabuko niya ang totoong hangarin nito. Nasaktan si Alexander sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kanyang biyenan, dahil nasagi nito ang kanyang ego, para kay Alexander ay isa itong klase ng panghah
“Kalimutan mo na ang lalaking iyon, Zanella, hindi ka talaga minahal ng iyong asawa, pera lang ang habol niya sa’yo!” Matigas na pahayag ni Harris sa kanyang anak, labis na nasaktan si Zanella sa sinabi ng kanyang ama kaya hindi na maampat ang mga luha nito sa mata. “Mali ka, Dad, mahal ako ni Alexander! At batid ko na babalikan niya ako.” Matatag na sagot ni Zanella habang ang ina niyang si Zaharia ay masuyong hinagod ang likod ng kanyang anak. “Harris, tama na, pabayaan mo na ang anak mo na makasama ang kanyang asawa, lalo na at may anak na sila.” Naaawa na wika ni Zaharia, ngunit matigas ang kanyang asawa. “Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak ko sa kamay ng mga kriminal na ‘yun, Zaharia! Hindi ko hahayaan na saktan pa nilang muli ni dulo ng daliri ng aking anak! Kung noong una pa lang ay nalaman ko na ang mga kalokohang ginawa nila sa anak ko ay baka matagal ko na silang inilibing ng buhay!” Umuusok sa galit na pahayag ni Harris, nanlaki ang mga mata ni Zanella dahil hindi niya
“Sir, hindi makatarungan ang ginawa sa aming mga manggagawa. Ilang dekada na akong empleyado ng kumpanyang ito pero simula ng mamatay si Sr. Smith ay nagsimula na ring bumagsak ang kumpanyang ito. Bigla na lang kaming sinisante ng walang dahilan. At ang masakit pa dun ay naghired sila ng mga bago ngunit ilang buwan lang ay tinanggal din sila sa trabaho. Maayos kaming nagtatrabaho pero para kaming mga basura na basta na lang itinapon na parang akala mo ay mga walang pakinabang.” Naluluha sa galit na pahayag ng matandang lalaki na siyang namumuno sa kanilang grupo. Maging ang tatlo pa nitong mga kasama ay umiiyak na rin. Nag-igting ang aking mga bagâng dahil ngayon ko lang naunawaan kung bakit tila puro mga baguhan ang lahat ng empleyado ng Smith Corporation. “Do you think bakit nila ginagawa ang mga bagay na ‘yun?” Curious kong tanong na ang tinutukoy ay ang kanilang mga Manager at Supervisor. “Sa pagkakaalam namin sir, upang sa kanila mapunta ang aming mga sweldo mula sa long servi
Alexander’s Point of view “Your fire!” Matigas kong sabi sa isang empleyado na nakatayo sa aking harapan. Halos ganito na lang ang eksena araw-araw at hindi ko na alam kung pang-ilang empleyado na ang nasisante ko. I got a stress sa kumpanyang ito, at parang gusto ko ng patayin ang lahat ng tao na nasa harapan ko. Umuusok sa galit na sinipat ko ng tingin ang mga empleyado na nakahilera sa aking harapan. “Alam ko na may sabwatan na nangyayari dito, kung hindi n’yo titigilan ang pagnanakaw sa kumpanya ay mapipilitan ako na sisantehin kayong lahat. Huwag ninyong ubusin ang pasensya ko dahil may kalalagyan kayo sa akin! Now, Get out!” Nanggagalaiti kong saad sabay turo sa pintuan ng aking opisina. Malakas ang tahip ng dibdib ko dahil sa matinding galit. Hindi ako makapaniwala na may mga ganitong klaseng mga employee na masyadong garapal ang mukha! Dahil harap-harapan na kung pagnakawan ng mga ito ang kumpanya. Paano nga ba ako humantong sa ganitong sitwasyon? Pabagsak na umupo ako
“Hindi ko matatanggap ang asawa mong ‘yan Zanella! Ngayon din ay hiwalayan mo siya at paalisin mo ‘yan dito.” Matigas na pahayag ni Mr. Smith, makikita mula sa mga mata nito ang di pagka gusto sa kanyang manugang na si Alexander. Ito ang gumimbal sa lahat ng harap-harapang ipagtabuyan ni Mr. Smith ang asawa ni Zanella. “P-Pero, Dad, asawa ko na si Alexander at may anak kami! Kaya hindi pwede ang nais mong mangyari!” Nagugulumihanan na sagot ni Zanella dahil tutol siya sa nais mangyari ng kanyang ama. Kararating lang nila sa mansion ng kanyang mga magulang upang harapin ni Alexander ang kanyang mga biyenan ngunit hindi nila inaasahan ang matinding pagtutol ni Mr. Smith sa kanilang relasyon. Akala ni Zanella ay maayos na ang lahat dahil ni minsan ay hindi niya naringgan ng pagtutol ang kanyang ama ng malaman nito ang tungkol sa kanyang asawa. Kaya labis siyang naguguluhan dahil sa naging pahayag ng kanyang ama. Habang ang kanyang asawa na si Alexander ay nanatili sa kanyang kinatatayu